Home / Romance / ANNULMENT / Chapter 6 part 2

Share

Chapter 6 part 2

Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.

“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.

Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. 

Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.

“Ako rin.” Tumayo si Rey.

“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.

“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.

Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng tatlo. Maayos naman sila kanina pero bigla na lang nagbago ang mood ng mga ito at natahimik simula no'ng makita si Sam at lalo na no'ng dumating si Clavier. Hindi gaanong nagsalita ang mga ito.

"Let's go," sabi ni Sam nang makabalik mula sa CR. Nagtaka ito't lumingon sa paligid na tila may hinahanap. “Where are they?” pagtukoy nito sa tatlo.

“Nauna na sila dahil may pupuntahan pa raw,” nakangiti niyang sagot. “Nandito rin ang pinsan ko kanina, sayang at nakaalis na hindi mo tuloy siya nakilala," sagot niya.

"Sayang naman, pero ayos lang may next time pa naman eh," sabi ni Sam at ngumiti.

“Sabagay. Tara, ihahatid na kita.” Tumayo siya't naunang naglakad palabas.

Hinatid niya si Sam sa condo unit nito pero hanggang sa baba lang siya.

"Susunduin kita bukas, ha," sabi niya nang makarating sa tapat ng condominium. Bumaba sila sa kotse at inihatid si Sam hanggang sa tapat ng elevator.

"Sige, ingat," nakangiting sabi ni Sam.

"Pumasok ka na." Hinalikan niya muna sa pisngi si Sam bago ito pumasok sa elevator. Ngumiti ito hanggang sumara ang elevator kaya nakangiti rin siyang bumalik sa sasakyan.

Simula no'ng nakilala niya si Sam sa Canada, ay nagbago na ang lahat sa kaniya. Hindi na siya bumabarkada, at umiiwas na rin sa gulo dahil ayaw niyang magalit sa kaniya ang babae. Si Sam ang dahilan sa lahat ng magandang nangyayari sa buhay niya ngayon. Nangako siya sa sarili na hinding-hindi niya talaga ito pakakawalan pa. And sooner or later ay mag-pro-propose siya sa babae.

Nagmaneho siya pauwi nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito sa upuan at tiningnan ang caller bago sinagot.

"Hello, Tita?"

"Kumusta ka na riyan, Troy?"

"I'm fine, Tita. How about you there?"

"I'm fine too, anak. Sorry kung hindi ako makaka-attend sa birthday mo ha…"

"It's okay, Tita, I understand."

"Babawi ako next time promise."

Napangiti siya sa binitiwang pangako ng Ginang. "Sige po, aasahan ko po iyan ha."

"Oo naman! Sige na, ingat ka riyan!"

"Kayo rin po. Bye." Binaba na niya ang cellphone at patuloy na nagmaneho.

Sobrang proud siya na may Tita Cindy sa buhay niya. Halos ito na ang tumayong magulang sa kaniya simula no'ng maulila siya. Lahat binigay sa kaniya; minahal na parang tunay na anak at pinag-aral siya hanggang nakatapos sa kursong business. Hindi na nga ito nag-asawa dahil sa kaniya kaya noong nalaman niya na may nanligaw sa tiyahin ay hindi siya tumutol. Bagkus ay itinulak niya pa ito para mapalapit sa lalaking iyon. Gusto niya rin na maging masaya ang Ginang. Wala rin itong anak kaya siya ang pinagkatiwalaan sa negosyo dito sa Pinas lalo na't may malaking negosyo rin ang mga Buenaventura sa labas ng bansa kaya naroon ang atensyon ng mag-asawa sa Africa at Singapore.

Pagdating niya sa bahay ay bumusena siya ng tatlong beses at mayamaya'y binuksan ng katulong ang gate. Nag-iisa lamang siya sa malaking bahay na ito dahil simula no'ng nag-asawa ang Tita Cindy niya ay madalang na lamang itong umuwi. Kasama niya'y dalawang katulong na babae at isang hardinero.

“Sir, may package po na dumating kanina. Nasa kuwarto na po ninyo.”

“Sige.” Dumiretso siya sa kaniyang kuwarto at tiningnan ang package kung kanino galing.

Pagpasok niya sa kuwarto ay bumungad ang napakalaking karton na nasa paanan ng kama niya. Lumapit siya roon at tiningnan ang papel na nasa ibabaw nito. Galing ito sa Singapore. Paniguradong pakulong surpresa ito ng Tita Cindy niya. Hindi man lang nito nabanggit kanina no'ng nag-uusap sila nang makapagpasalamat naman siya.

Binuksan niya ang karton at maraming bagay ang nakapaloob nito. Maraming perfume, bag, sapatos, wristwatch at damit na halatang mamahalin.

***

Bumuntonghininga si Winston nang makarating sa tambayan. Bumaba siya sa sasakyan at pumasok sa tambayan. Dumiretso siya sa itaas at naupo sa kaniyang puwesto.

"Paano iyon? Paano kung malaman ni Clavier, na si Zsamssey na best friend at dati niyang asawa ay ang girlfriend ngayon ni Troy?" tanong niya sa dalawang nakasunod sa kaniya. Umupo rin ang mga ito sa kani-kanilang puwesto.

"Mahirap iyon. Alam natin kung ano ang dinanas ni Clavier nitong mga nakaraang taon `di ba? Alam natin ang dahilan ng paghihirap niya," sabi naman ni Rey.

"Akalain mo, marunong ka pala mag-emote, baka'?" tanong ni Micmac kay Rey.

Napailing si Winston dahil sa biglang pagbibiro ni Micmac. Kung kailan seryoso ang usapan ay hahaluan ng biro. Gusto niya itong batukan.

"Umayos ka Macmac! Seryoso ito, okay!" singhal ni Rey.

"Oo na!" sagot ni Micmac at sumimangot. Talaga aayos ito oras na tawaging Macmac. Para daw kasing pagpuputak ng inahing manok kong damihan ng bigkas.

"Seryoso, hindi magugustuhan ni Clavier oras na malaman niya ito," aniya.

"Unahan na kaya natin? Tawagan natin si Clavier at sabihin ang nalalaman natin! I swear magagalit iyon dahil hindi agad natin pinaalam sa kaniya," suhistyon ni Rey.

"Tama," sang-ayon ni Micmac.

"Sige." Kinuha ni Winston ang cellphone at tinawagan si Clavier. Paulit-ulit lang ang pag-ring ng number nito pero hindi sinasagot.

"Ano na?" tanong ni Micmac.

"Ayaw sagutin eh!" Inis niyang sabi at ibinulsa na lamang ang cellphone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status