Home / Romance / ANNULMENT / Chapter 8

Share

Chapter 8

last update Huling Na-update: 2022-11-01 06:23:35

Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok.

"Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga.

"Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.

Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon.

"P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy.

"I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.

Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.

“Salamat nga pala sa mga bulaklak at donuts.”

Umayos siya't tumingin kay Assy. “Paano mo nalaman?”

Umirap naman si Assy. “Masyadong halata, Mr. Ryt!”

Mahina siyang tumawa dahil diniinan nito ang huling salita. “Nagustuhan mo ba?”

Kunwari'y nag-iisip si Assy kaya sumimangot siya. Yumakap siya rito at isiniksik ang mukha sa bandang kilikili nito.

“Beb, alisin mo iyang mukha mo!” mahinang utos ni Assy. Umiling-iling siya kaya nagsimulang humagikhik si Assy. “Nakikiliti ako, ano ba!” pumiglas ito hanggang sa bahagyang napahiga.

Sinalo niya ang likod nito at nagkatitigan silang dalawa. Bumaba ang paningin niya sa labi nito at tila naaakit na naman siyang hagkan ito. Bago pa siya makagawa ng bagay na muling ikagalit ng babae ay binangon niya ito at h******n sa ulo bago pinatayo.

“Am I forgiven?” tanong niya kay Assy.

“Hmm.” Tumango-tango si Assy at ngumiti bago tumungo.

Marahan niyang inangat ang kamay papunta sa pisngi ni Assy at bahagyang pinisil iyon. Ngumiti siya't binitiwan ang pisngi nito bago ginulo ang buhok ng babae.

“Thank you. Maiwan na kita, may tatapusin pa akong trabaho.” Iniwan na niya si Assy at lumabas ng silid.

Nakahanda siyang suportahan si Assy kung saan ito masaya. Ngunit nag-aalangan siyang ibigay ang kaniyang suporta sa babae lalo na't ang lalaking karelasyon nito ngayon ay hindi mapagkatiwalaan. Alam niyang dakilang babaero si Troy noon pa man at alam din niya kung anong uri ang pagkatao nito. Isang mayabang, basagulero at lasinggero si Troy. Higit sa lahat ay gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot at hindi niya alam kung patuloy ba ito sa paggamit hanggang ngayon. Hindi niya puwedeng ipagkatiwala si Assy rito. Hindi siya makakapayag na masali si Assy sa listhan ng mga babaeng pinaiyak nito.

“Magkakamatayan kami, isinusumpa ko!” Tiimbagang niyang turan sa sarili habang naglalakad pabalik sa kaniyang opisina. Nasa tapat na siya ng pinto sa kaniyang opisina nang umalingawngaw ang boses ng babae.

"Mine!"

Tumigil siya't umismid. Kahit hindi niya lingunin ay alam niyang si Ashley ang tumawag sa kaniya. Walang ibang tumatawag no'n sa kaniya kundi ito lang. Papalapit ang mga yabag nito kaya nilingon niya ang babaeng nakangiti na naglalakad papunta sa kaniya. Napatingin siya sa kabuuan nito na mala-anghel sa suot na white Korean ribbon bubble sleeve na hanggang hita at black doll shoes. Nakalugay ang maalon na buhok at may itim na cotton headband na may design na ribbon sa kaliwang gilid. Inosente itong tingnan sa mild make-up na ginamit at pakpak na lang ang kulang para magmukha itong anghel. Ngunit kabaliktaran ang ugali nitong walang kasing gaspang.

"Don't call me ‘mine’, I'm not your boyfriend." Inirapan niya ito bago binuksan ang pinto at pumasok. Isasara na sana niya ang pinto ngunit kaagad nakapasok ang kamay ni Ashley at muntikan nang maipit.

"Wait!" Nagpumilit pumasok si Ashley kaya tinalikuran niya ito. "Ano ba ang pinagsasabi mo? Okay pa naman tayo no'ng nakaraan ah!" tanong nitong nakasunod sa kaniya.

"Ano ang ipinunta mo rito?" tanong niya sa babae at naupo sa swivel chair.

"Ikaw, na-miss kita, eh." Itinukod ng babae ang dalawang kamay sa kaniyang mesa at malagkit siyang tinitigan.

Ngumisi siyang nag-iwas ng tingin sa babae. “I'm not crazy yet to ride your madness, Ashley.”

"Mine, naman!" protesta nito.

"I said, don't call me, Mine!" giit niya at pinukulan ng masamang tingin ang babae ngunit tila hindi man lang ito natinag.

"Okay, beb na lang!" masigla nitong sabi at malapad na ngumiti.

"Don't you ever use that or else kakaladkarin kita palabas dito!" banta niya na ikinagulat nito.

"Fine! But you're still mine!" Giit nito at nagtungo sa sofa saka naupo.

"Umalis ka na dahil marami pa akong gagawin." Kinuha niya ang pinakaibabaw na folder at binuklat. Dalawang patong-patong pa na papel ang kailangan niyang tapusin.

"Dito lang ako, hindi naman kita guguluhin eh. Mag-be-behave ako, promise!" sagot ni Ashley.

"Ayaw kong may kasama rito sa loob. Nadi-distract ako," aniya't hindi tumingin sa babae.

"Kahit hanggang lunch lang, mine. Please!" pagmakaawa ni Ashley.

"May kasabay ako sa lunch," sagot niya.

"Eh 'di tatlo tayo!"

Mariin siyang pumikit habang naglapat ang mga labi dahil sa inis. Naubos ang pasensiya niya dahil sa pagpupumilit ng babaeng ito. Pagdilat niya ng mata ay nakahiga na ang babae sa sofa. Sinadya pa nitong ipakita ang legs at halos nakita na rin ang itim nitong underwear.

“Hindi mo ako madadala! Maliban na lang kung si Assy ka!” sabi niya sa isip. Napangiti siya bigla nang maalala ang halikan nila noong huling gabi. Gumanti si Assy sa kaniyang mga halik na labis nagbigay ng saya sa kaniya kahit pa nagalit ito.

"Ano'ng nginingiti mo, mine?" biglang tanong ni Ashley na nakangiti rin, "Ako ba ang dahilan?" dagdag tanong nito kaya nawala ang kaniyang ngiti.

"Hindi." Bumuntonghininga siya bago dinampot ang telepono at tinawagan ang sekretarya. “Call the guards to escort her out.” Ibinaba niya ang telepono at saktong may kumatok sa pinto.

"Come in."

Bumukas ang pinto at pumasok si Assy. Dumiretso ito sa table niya at hindi nito napansin si Ashley sa kaliwang bahagi. Nasa tapat mismo ng pinto ang kaniyang mesa kaya hindi makikita kung may tao sa tanggapan ng bisita puwera na lang kung sadya itong lilingunin.

"Beb, puwede mo ba itong tingnan kung maayos ang pagkaka-edit?" Nakangiti nitong inabot sa kaniya ang isang USB.

“Ano ito?” Tinanggap niya ang USB at hinawakan ang kamay ni Assy at hindi ito binitiwan. Ngumiti siya at kumindat na ipinagtaka ni Assy. Pansin din niya na tumayo si Ashley at masamang nakatingin sa gawi nila.

“Ano namang trip iyan?” natatawang tanong ni Assy sabay bawi ng kamay. “Namimihasa ka ha!” umirap pa ito kaya natawa siya.

"Anong beb?" biglang tanong ni Ashley at naglakad palapit kay Assy.

Lumingon naman si Assy roon at kumislot ang noo. "Ashley?" Para bang nagtaka ito kung bakit nandito sa loob ng kaniyang office ang babae.

"Bakit mo tinawag na ‘beb’ ang boyfriend ko?" mataray na tanong ni Ashley.

Tumaas ang kilay ni Assy bago tumingin sa kaniya ng masama. Mayamaya ay umangat ang kabilang gilid ng labi nito. “Boyfriend, huh…”

"Tumigil ka, Ashley!" sinamaan niya nang tingin si Ashley.

"No! Kaya pala ayaw mo na sa akin dahil ipinagpalit mo na ako sa babaeng ito!" singhal nitong sagot sa kaniya habang nakaturo kay Assy.

Walang alam si Ashley tungkol sa nakaraan nila ni Assy dahil umalis na ito ng bansa bago pa sila ikinasal noon. Kailan lang din itong umuwi kaya wala kaalam-alam ang babae. Tanging alam nito ay kaibigan niya lang si Assy simula no'ng college life.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Inis niyang tanong at tumayo. "Hindi kita girlfriend!" asik niya.

"I am!" giit ni Ashley.

“You're crazy.” Umiling-iling niyang sabi. Talagang desperada itong maangkin siya.

“Because you are worth to be gone crazy!” sigaw ni Ashley. “At ikaw mang-aagaw, layuan mo ang boyfriend ko!” Turo nito kay Assy.

Mahinang tumawa ng pagak si Assy habang nakatingin sa ibang direksyon. "You are so shameless, Ashley!" Tumingin ulit si Assy pabalik kay Ashley. “Don't worry! Dahil unang-una, hindi ako mang-aagaw. Pangalawa, beb ko na si Clavier noon pa man bago pa kayo nagkakilala. Pangatlo, hindi ko siya aagawin dahil wala naman kayong relasyon. Masyado ka lang sigurong assuming, girl!” matapang na sagot ni Assy at nakipagsukatan ng tingin kay Ashley.

Kita naman ang pamumula ng mukha ni Ashley dahil sa galit. "How dare you!" Asik nito at akmang sasampalin ang kaharap pero agad itinaas ni Assy ang kamay.

“Paru-paro lang ang hinahayaan kong dumapo sa mukha ko, Ashley. Pasensiya na, pero masyadong marumi ang iyong kamay para hayaang dumapo sa makinis kong mukha,” nakangiting turan ni Assy na lalong ikinagalit ni Ashley. Halatang nang-aasar.

Lumapit si Clavier sa dalawa upang awatin ito. Hinila niya papuntang gilid si Ashley at marahas na binitiwan.

“Aray!” anas ni Ashley.

"Aalis na ako, beb, may bwesita ka eh!" Paalam ni Assy at siniringan siya bago ito tumingin kay Ashley at lumapit. “Galingan mo ang pang-aakit.” Bulong nito bago lumabas ng pinto.

Gustong magmaktol ni Clavier dahil sa masasamang tingin ni Assy sa kaniya. Pero mayro'n sa loob niyang natuwa dahil sa ipinakitang reaksyon nito.

"Hoy! Isusumbong kita kay Troy!" sigaw ni Ashley nang sumara ang pinto.

Biglang bumukas ulit ang pinto at sumungaw doon ang ulo ni Assy. "Do it! I dare you! Let's see if he's going to believe you!" hamon pa nito't kumindat bago isinara ang pinto.

Napangiti si Clavier na umiling, “That she is. Same old Assy, palaban pa rin,” aniya't bumalik sa upuan.

"Sh*t!" mura ni Ashley. "Wala ka man lang ginawa para ipagtanggol ako?" tanong nitong namaywang sa harap niya.

"What do you expected me to do, huh?" tanong niya rito.

"Palayasin siya o kaya pagalitan!" sagot nitong walang kuwenta.

"Bakit ko gagawin iyon? At the first place ikaw ang nagsimula ng gulo. It has nothing to do with her, you know that!" aniya.

"What? It was her! She wanted to steal you from me!" protesta nito.

“Get out!” taboy niya rito saktong bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang guwardiya. “Drag her out.”

Galit na kinuha ni Ashley ang bag nito at kusang lumabas ng silid habang nakasunod ang dalawang guwardiya.

Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at hindi namalayan ang paglipas ng mga oras.

***

"Beb, galit ka ba?" tanong niya kay Assy habang pinanuod ang ginagawa nito. Dito na naman siya kakain ng haponan sa unit nito at pumayag naman ang babae.

“Noong nalaman mong may boyfriend ako, nagalit ka ba?” tanong ni Assy na tila may kahulugan.

"Bakit? Kung magagalit ako, may magbabago ba sa inyo? Wala naman `di ba?" balik tanong niya naman.

Napatigil si Assy at tumitig sa kaniya saka umirap.

"Ano naman iyan?" tanong niya rito. Minsan kasi hindi niya maintindihan ang mga ikinikilos nito.

"Wala," sagot ni Assy at nagpatuloy sa paghiwa.

“Hindi ko talaga girlfriend si Ashley,” pagpapaliwanag niya.

“Ex lang?”

“Hindi rin!”

Tumigil muli si Assy sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa kaniya. “Girlfriend mo siya noon, kaya mag-ex kayo.” Ipinagpatuloy nito ang paghiwa ng lamas matapos sabihin iyon.

“She never been my girlfriend ever since.”

Tumawa lang si Assy at sinimulang agad ang pagluto sa sari-sari na gulay. Una nitong isinalang sa kalan ang bawang at sibuyas.

“Ikaw lang naman ang gusto ko, eh.”

"Ano?" tanong ni Assy na panay ang halo sa niluluto.

"Wala, sabi ko maganda ka," sagot niya.

Humarap ito at matamis na ngumiti. "Alam ko, dati pa. Hindi mo laaankpadkgsdiseg..."

Hindi niya narinig ang lahat ng sinabi nito dahil humarap ulit ito sa niluluto at hinalo roon ang maliliit na pagkahiwa ng karne tsaka humihina rin ang boses.

Pagkatapos magluto ay hinanda na ni Assy ang pagkain at mga plato sa mesa. Habang siya ay hinihintay itong makaupo para sabay sila.

"Kain na," sabi ni Assy at naupo. Nagsimula silang kumain at sarap na sarap siya sa bawat subo.

Mayamaya pa ay may nag-doorbell at nagkatinginan silang dalawa.

"May hinihintay kang bisita?" tanong niya kay Assy.

"Wala eh. Teka bubuksan ko lang saglit." Uminom ng kaunting tubig si Assy bago tumayo para pagbuksan ang tao sa labas.

Sinundan niya lang ito ng tingin bago bumalik sa pag-kain.

"Oo naman!" dinig niyang tawa ni Assy habang papalapit.

"May bisita ka pala, love?" tanong ng familiar na boses lalaki.

Tumigil siya sa pagsubo nang marinig iyon at dahan-dahan na nilingon ang bagong dating. Hindi siya nagkakamali, si Troy ito at may bitbit na bulaklak si Assy na siguradong galing sa lalaki. Nagkatitigan sila ni Troy at parehong may ibig ipahiwatig ang tingin ng bawat panig. Nawala tuloy ang gana niyang kumain. Ibinaba niya ang kutsara at tinidor at hinintay na makalapit ang dalawa.

"Maupo ka, Troy. Ikukuha muna kita ng plato mo," sabi ni Assy.

Naupo si Troy sa harap ng inuupuan niya.

"Grabe talaga kayo ka-close ano?" tanong ni Troy na halatang tunog sarkastiko.

"Dati pa kaming close," walang gana niyang sagot na sa pagkain lang nakatingin.

"Fourth year high school pa lang ako no'ng maging magkaibigan kami ni Clavier." Sabat ni Assy at inilapag ang plato sa harap ni Troy. Inabot nito sa lalaki ang kutsara't tinidor at malawak na ngiting tinanggap iyon ni Troy.

“Thank you, love.”

Tuluyang nawala ang gana niyang kumain kaya hindi niya nagawang ubusin ang pagkain sa kaniyang plato. Nauna siyang tumayo at tumambay sa salas saka binuksan ang TV. Napansin niya si Troy at naupo sa katabing sofa na inuupuan niya. Hindi niya ito pinansin at nanuod lang sa palabas na movie.

"I want to clear you something, Clavier," biglang sabi ni Troy na nasa TV rin nakatingin.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Girlfriend ko si Zsamssey at alam mo na siguro kung saan ka dapat lumugar," sabi nito kaya napangisi siya bago nilingon ang kinaroroonan ni Assy na naghuhugas ng pinggan. Tumingin siya kay Troy na halos poker face ito.

“Tss! Seloso ngang tunay ang unggok na ito! Magkasama nga lang kami, paano na lang kung makita niyang niyayakap ko si Assy?” sabi niya sa isip.

"Bakit? Saan ba dapat ako lumugar?" balik tanong niya kay Troy na may halong pang-asar.

"Huwag ka na masyadong dumikit sa kaniya, Clav, dahil hindi magandang tingnan na may boyfriend siya tapos dinidikitan mo," seryosong sagot ni Troy.

"Ano'ng masama sa pagiging close namin? Kaibigan ko siya kaya hindi ko siya lalayuan," pangatwiran niya.

"Hindi ko sinabing layuan mo siya, ang sa akin lang ay dumistansya ka ng kaunti," sagot nito.

"Una kaming nagkakilala bago ka pa dumating sa buhay niya, Troy, kaya huwag mo akong diktahan na parang may alam ka." Tumayo siya matapos sabihin iyon.

"Akin lang si Zsammsey dahil girlfriend ko siya!" mahinang giit ni Troy.

"Pero hindi mo mababago kung ano man kami sa isa't isa. Wala akong pakialam kahit boyfriend ka niya.” Tumayo siya at saktong paglapit ni Assy sa kanila.

"Aalis ka na?" tanong ni Assy.

"Oo, gusto ko nang magpahinga." Hinatid siya ni Assy sa labas.

“Goodnight," sabi nito at ngumiti.

"Goodnight, beb," aniya't hininaan ang huling salita para hindi marinig ni Troy.

"See you tomorrow. . . beb," sagot ni Assy.

Napangiti siyang tumalikod. Ginaya kasi siya ni Assy na hininaan din ang huling salita. Kahit paano ay nabawasan ang pagka-badtrip niya.

Kaugnay na kabanata

  • ANNULMENT   Chapter 9.1

    Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • ANNULMENT   Chapter 9.2

    Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s

    Huling Na-update : 2022-11-02
  • ANNULMENT   PROLOGUE

    Walang emosyon na tinitigan ni Zsammsey ang brown envelope na naglalaman sa dukumentong ipinapalakad niya sa kaniyang abogado. Napalunok siya ng laway bago binuksan iyon at binunot ang papel. Isang annulment paper. Tinitigan niya iyon at tinatanong ang isip kung talaga bang kailangan niyang gawin ito. Ngunit kalaunan ay nabuo na ang desisyon niya.Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama at binuksan ang aparador. Isang white sleeveless dress na hindi aabot sa tuhod ang napili niyang damit. Kagagaling niyang naligo at roba lamang ang suot pagkalabas ng banyo habang may towalya pa sa ulo.Matapos niyang magbihis ay naupo siya sa harap ng salamin at tinanggal ang towalya saka pinatuyo ang buhok na lampas balikat. Sinuklay niya iyon nang sa wakas ay natuyo saka naglagay ng kaunting lipstick sa labi. Sakto sa korte at kapal ang kilay niya kaya wala na siyang problema roon. Bahagya siyang ngumiti habang tinititigan ang sarili sa salamin bago tumayo. Suot ang cotton fish slipper ay lumapit siy

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • ANNULMENT   Chapter 1

    Labag sa kalooban ni Assy ang pag-iimpaki ng kaniyang mga gamit pero kailangan makaalis na siya sa mas lalong madaling panahon. Nang matapos ay naupo siya sa kama at muling tumulo ang mga luha sa mata. Napatingin siya sa malaking picture frame sa mesa na nasa gilid ng kama niya. Kinuha niya ito at tinititigan.Ang saya nilang tingnan sa picture wedding—parang totoo. Pero kabaliktaran sa totoong buhay.Paano niya nga ba natagalan ng mahigit isang taon ang kasal nila? Ginawa niya lahat ang tungkulin ng isang asawa maliban lang sa iisang bagay; ang magsama sila sa iisang kuwarto at ang magbigay ligaya bilang asawa.Kailan man ay hindi talaga iyon nangyari dahil mismong si Clavier ay walang pakialam sa lahat ng bagay na nangyayari sa kanila—iyon ang masaklap. Siya lang yata ang nagmahal. Lihim na pagmamahal na kailan man ay hindi pinapansin.Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya habang yakap ang litrato nila. Pagkagising niya ay ala-singko y medya na ng umaga kaya bumangon siya at n

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • ANNULMENT   Chapter 2

    Mula sa opisina ay nagmaneho papuntang Southville si Clavier. Kani-kanina lang ay tumawag ang barkada niya't inimbitahan siya roon upang magkikita-kita. Simula no'ng naging CEO siya ay madalang na lamang silang nagkikita. Mas iginugol niya roon ang buong atensiyon pero gayo'n pa man ay hindi maiiwasan isipin ang mga bagay-bagay.Lumiko siya sa iskina at tinahak ang maliit na kalsada. Sa unahan ay matatanaw ang dalawang malalaking puno ng acacia at sa gitna niyon nakatayo ang dalawang palapag nilang tambayan na gawa lamang sa kahoy at kawayan. Open air iyon kaya mahangin at magandang tambayan lalo na kung mainit ang panahon. Pag-aari nilang magkakaibigan iyon. Joined account sila noong high school pa lamang upang mabili ang lupa at maipatayo ang tambayan.Huminto siya sa harap ng tambayan at tumingin sa itaas nang dumungaw roon ang lalaking mala-Wawi De Guzman ang buhok. Guwapo at nakasuot ng itim na t-shirt.“Hey! You're finally here!” kaway ng lalaki.Bumaba sa kotse si Clavier at bi

    Huling Na-update : 2022-10-10
  • ANNULMENT   Chapter 3

    Nakangiti habang nakapikit na nilalanghap ni Zsammsey ang sariwang hangin mula sa dagat. It's been a long time since she was there and she really missed this place! Four years siyang nawala sa lugar na ito kaya sobra niyang na-miss. May dagat din naman sa Canada pero iba ang klima roon. Iba sa nakasanayan na niya rito sa Pinas.Kararating niya lang kanina sa bahay ng kaniyang parents pero mas pinili niyang magpunta rito imbes na magpahinga.Na-re-relax siya tuwing pupunta rito dahil sariwa ang hangin at malayang makapag-isip sa mga bagay na gusto niyang balikan at napangiti ako.Naalala niya iyong unang araw na tumapak siya sa lugar na ito eleven years ago when she was a fourth year high school.Naglayas siya sa bahay nila dahil sa sama ng loob. Ayaw niyang makita ang makapal na pagmumukha no'ng babaeng dating nobya ng daddy niya na sumama sa bahay nila. Porket wala noon ang mommy niya dahil nasa Australia. Walang ginawa ang Daddy para mapaalis ang babaeng iyon kaya nabuwiset siya!Um

    Huling Na-update : 2022-10-17
  • ANNULMENT   Chapter 4

    Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Clavier hanggang nakauwi. Sa wakas ay nakita niya rin muli ang dating asawa at nakasama kahit sa maikli lang na sandali. Hindi lang iyon dahil may unlimited yakap pa. Masayang-masaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa kaganapan kanina lang ay parang nabusog na siya—sa saya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush. Nakasanayan na niyang maligo bago matulog pero sa pagkakataong ito ay hindi siya maliligo. Ayaw niyang mawala ang mabangong amoy ni Assy na halos dumikit sa kaniya. Kahit saang parte niya amuyin ang polo ay naroon ang pabangong laging ginagamit ni Assy noon at hanggang ngayon. Para siyang timang na ngumingiti habang palabas ng banyo. Nagtungo siya sa kaniyang closet at kumuha ng puting sando saka nagpalit ng damit. Hinubad din niya ang pantalon at inilagay sa basket na nasa likod ng pinto sa banyo. Naka-boxer na lamang siya, tutal ganito naman siya tuwing

    Huling Na-update : 2022-10-20
  • ANNULMENT   Chapter 4 part 2

    Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar. Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo. “Good afternoon, Hijo!” “Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o

    Huling Na-update : 2022-10-27

Pinakabagong kabanata

  • ANNULMENT   Chapter 9.2

    Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s

  • ANNULMENT   Chapter 9.1

    Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad

  • ANNULMENT   Chapter 8

    Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don

  • ANNULMENT   Chapter 7

    Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 2

    Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 1

    Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini

  • ANNULMENT   Chapter 5

    Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang."Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki."I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito."Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya."Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon.

  • ANNULMENT   Chapter 4 part 2

    Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar. Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo. “Good afternoon, Hijo!” “Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o

  • ANNULMENT   Chapter 4

    Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Clavier hanggang nakauwi. Sa wakas ay nakita niya rin muli ang dating asawa at nakasama kahit sa maikli lang na sandali. Hindi lang iyon dahil may unlimited yakap pa. Masayang-masaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa kaganapan kanina lang ay parang nabusog na siya—sa saya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush. Nakasanayan na niyang maligo bago matulog pero sa pagkakataong ito ay hindi siya maliligo. Ayaw niyang mawala ang mabangong amoy ni Assy na halos dumikit sa kaniya. Kahit saang parte niya amuyin ang polo ay naroon ang pabangong laging ginagamit ni Assy noon at hanggang ngayon. Para siyang timang na ngumingiti habang palabas ng banyo. Nagtungo siya sa kaniyang closet at kumuha ng puting sando saka nagpalit ng damit. Hinubad din niya ang pantalon at inilagay sa basket na nasa likod ng pinto sa banyo. Naka-boxer na lamang siya, tutal ganito naman siya tuwing

DMCA.com Protection Status