Home / Romance / ANNULMENT / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Rainbowgoddess29
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Nakangiti habang nakapikit na nilalanghap ni Zsammsey ang sariwang hangin mula sa dagat. It's been a long time since she was there and she really missed this place! Four years siyang nawala sa lugar na ito kaya sobra niyang na-miss. May dagat din naman sa Canada pero iba ang klima roon. Iba sa nakasanayan na niya rito sa Pinas.

Kararating niya lang kanina sa bahay ng kaniyang parents pero mas pinili niyang magpunta rito imbes na magpahinga.

Na-re-relax siya tuwing pupunta rito dahil sariwa ang hangin at malayang makapag-isip sa mga bagay na gusto niyang balikan at napangiti ako.

Naalala niya iyong unang araw na tumapak siya sa lugar na ito eleven years ago when she was a fourth year high school.

Naglayas siya sa bahay nila dahil sa sama ng loob. Ayaw niyang makita ang makapal na pagmumukha no'ng babaeng dating nobya ng daddy niya na sumama sa bahay nila. Porket wala noon ang mommy niya dahil nasa Australia. Walang ginawa ang Daddy para mapaalis ang babaeng iyon kaya nabuwiset siya!

Umakyat siya sa parola kahit natatakot dahil medyo madilim sa loob. Hindi naman siya takot sa multo kundi takot sa dilim pero pinilit niyang makarating sa itaas.

Hindi naman siya nagsisisi dahil no'ng nasa taas na ay naaliw siya sa tanawin sa baba. Kitang-kita 'ang laot at ang mga ibon na lumilipad. Worth it ang paglalayas niya.

Nang makaramdam ng pagod ay naupo siya sa gilid dahil na rin inaantok. Sumandal siya at pumikit. Mahimbing ang pagkakatulog niya nang maramdaman ang malambot na bagay na lumapat sa kaniyang labi.

Nagmulat siya at nagulat nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa harapan niya at may bitbit na malaking payong.

"S-Sino ka?" kinakabahan niyang tanong.

Ngumiti ito sa kaniya sa paraang gustong sabihin na huwag siyang matakot.

"My name is Clavier, what's yours?" pakilala nito at muling ngumiti.

Nakaramdam siya ng kakaibang tuwa dahil sa ngiti nitong sobrang tamis. "Z-Zsamssey," sagot niya.

"Nice name, I think mas bagay na tawagin kang “Assy”, cute 'di ba?" sabi nito't nilahad ang kamay sa harap niya.

Taka niya iyong tiningnan bago nag-angat ng tingin sa lalaki.

"Shake hands tayo," sabi pa nito.

"Late reaction lang?" natatawa niyang tanong at nakitawa rin ito.

Tinanggap niya ang kamay nito pero hindi bumitaw ang lalaki kaya naiilang siya.

"Tumayo ka na riyan. Hindi ka ba nangangalay?" tanong nitong hindi pa rin binitiwan ang kamay niya. Hanggang sa hinila siya patayo.

Doon niya lang napansin na umaambon pala. Kaya pala may bitbit itong payong at nakaramdam tuloy siya ng hiya. Masyado siyang nabihag sa ngiti ng lalaki kaya hindi niya napansin ang mahinang ulan.

"Bakit ka nandito?" bigla nitong tanong habang nakatingin sa baba.

Napatitig siya sa mukha nitong nakatagilid. Sobrang tangos ng ilong nito at may kasingkitan ang mata. Habang makapal naman ang kilay at namumula ang magandang hugis ng labi. Bahagya siyang dumikit para makipayong.

"Naglayas ako sa amin. Ikaw, bakit ka nandito?" Balik tanong niya rito.

"Madalas akong tumambay dito. Wala, gusto ko lang," sagot nito at nilingon siya't nginitian. Lahat ng tanong ng lalaki ay sinasagot niya. 

Simula no'ng araw na iyon ay naging magkaibigan sila hanggang naging mag best friend.

Palagi siyang pinupuntahan ni Clavier sa school nila dahil first year college na ito. Noong nag-college naman siya ay panay na ang pagkikita at pagsasama nila. Kahit saan ang lakad ng binata ay isinasama siya at hindi niya iyon tinanggihan kahit isang beses. Hanggang sa nakatapos sila ng pag-aaral at nagkaroon ng kauna-unahang girlfriend si Clavier. Nalungkot siya, ngunit suportado niya ang kaibigan.

Nakatakdang ipakasal si Clavier noon dahil sa kagustuhan ng Ina nito na mas lalo niyang ikinalungkot.

Nasabi niya sa sarili na, “ako na lang.”

Ayaw makasal ni Clavier sa ibang babae dahil tanging pakakasalan daw nito ay ang babaeng tunay na iniibig subalit hiwalay ito sa nobya bago pa man nagkasakit ang ina. Naisipan ng binata ang isang kabaliwan na laro sa pagitan nilang dalawang magkaibigan. Kung mananalo si Clavier ay papayag siya na magpakasal dito, at kung matatalo naman ay mapipilitan itong magpakasal sa ibang babae.

Lahat ay nagsimula sa ‘deal’.

Sinadya niyang magpatalo kahit kayang-kaya niyang ipanalo, dahil gusto niyang sila ang ikasal. Gusto niya si Clavier noon pa man kaya kakapit siya sa walang kasiguruhang bagay.

Nagtagumpay siya. Naikasal sila ni Clavier pero ang pinangarap niya ay kailan man hindi natupad at walang katuparan. Dahil sa mahigit isang taon nilang kasal ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal mula sa asawa. Mas lalo lang itong lumalayo sa kaniya.

Napabuntonghininga siya bago ngumiti sa kawalan dahil sa alaalang iyon. Ngayon, marami nang pinagbago sa loob ng apat na taong hindi nila pagkikita.

"Assy?"

Natigilan siya sa pagmumuni-muni nang marinig ang boses na iyon.

Kahit nakalipas ang apat na taon ay hindi niya pa rin pala nakalimutan ang boses nito. Hanggang dito sa Parola ay naririnig niya pa rin ang boses ng dating asawa. Ngumiti siya't naisipang umuwi na lang. Humugot siya ng hininga bago pumihit.

Natigilan siya't biglang bumilis ang pintig ng kaniyang puso. Totoo pala iyon at hindi guni-guni! Paano nito nalaman na nagpunta siya dito? 

“Ah, right. I forgot na madalas pala siya dito,” aniya sa sarili.

Bahagya itong pumayat sa paningin niya pero guwapo pa rin. Mas bagay itong tingnan sa porma nito.

Ngumiti siya at akmanghumakbang ngunit mabilis itong nakalapit sa kaniya at yumakap ng mahigpit. Napapikit na lamang siya at gumanti ng yakap sa lalaki.

“I really missed this man...” piping usal niya at ngumiti.

"I miss you, Beb," mahinang sabi ni Clavier.

"Wala ba munang 'hi' or 'hello?'" natatawa niyang tanong dito.

Hindi sumagot si Clavier at mas humigpit pa ang pagyakap sa kaniya na tipong nahihirapan na siyang huminga.

“Hindi na ako makahinga, grabe siya!”

Agad naman niluwagan ni Clavier ang pagkakayakap sa kaniya. Hinayaan niya lamang ito hanggang sa kusang kumalas.

Bumitaw ito ngunit hinawakan ang mga kamay niya at tinitigan siya sa mata.

"Kumusta ka na?" nakangiti niyang tanong dito. Umiling si Clavier na hindi humiwalay ng tingin sa kaniya. "Bakit naman?" dagdag niyang tanong.

Saka ito nagbaba ng tingin sa magkahawak nilang kamay at bumuntonghininga. "Ikaw, ayos ka na ba?" balik tanong nito sa kaniya. 

Napatitig siya kay Clavier. Iba ang dating ng tanong nito sa kaniya. Ayaw niyang mag-assume ngunit nakitaan niya ito ng lungkot.

"Oo naman! Ayos lang ako, tingnan mo naman!" masigla niyang sagot.

Bumuntong hininga si Clavier at niyakap siya ulit. Naninibago tuloy siya. Hindi naman ito ganito noon.

"Ang tagal-tagal mong hindi nagpakita sa akin," sabi nitong halata ang pagtatampo.

"Kasi alam kong ayaw mo akong makita," sagot ko.

“Who told you?” Kumalas si Clavier at hindi niya ito sinagot.

Pareho silang natahimik at humarap sa dagat. Sabay nilang pinanuod sunset na guhit ang mga ngiti sa labi. Walang isa ang nagsalita hanggang sa tuluyang lumubog ang araw.

"Kailan ka babalik sa bahay natin?" basag ni Clavier sa katahimikan.

Napatingala si Assy rito habang nakadungaw sa kaniya ang lalaki. Sobrang lapit lang ng mukha nila kaya umatras siya ng kaunti saka umiwas ng tingin. "Alam mo naman na hindi na puwede 'di ba?" tanong niyang nasa dagat nakatanaw.

"Puwede pa rin, Beb. Pangako hindi na kita iiwan mag-isa roon kaya please, doon ka na umuwi," pagsusumamo nitong hindi umiiwas ng tingin sa kaniya. “Magbabago na rin ako,” dagdag nito.

Humarap si Assy kay Clavier at hinawakan ito sa pisngi. Napapikit ang lalaki dahil sa ginawa niya. Mataman niyang tinitigan ang mukha nito at ngumiti bago binitiwan. "Madalas ka bang nagpupunta rito?" pag-iiba niya sa usapan.

"Palagi... Halos araw-araw," sagot nito't bumuntonghininga.

"Ahh, sinong kasama mo?" tanong niya.

"Alone," tipid nitong sagot.

Tumango-tango lang siya saka tumingin sa paligid na nagdidilim na.

"Beb, iyong sul---"

Hindi natuloy ang sasabihin nito nang biglang tumunog ang cellphone niya. Dinukot niya sa bag at sinagot.

"Hello?"

"Nasaan ka? Susunduin kita."

"No, bukas na lang. Nagkita kasi kami ngayon ng close friend ko." Nilingon niya si Clavier.

"Gano'n ba, sige bukas magkita tayo ha."

"Yes, love."

"Sige ingat ka. I love you."

"Ingat din, bye."

Ibinalik niya sa bag ang cellphone at umilaw ang Parola. Automatic itong iilaw kapag lulubog na ang araw.

"B-Boyfriend mo?" tanong ni Clavier.

"Oo," sagot niya.

"Paano na ako? Tayo?" tanong ulit nito.

"We're still friends," sagot niya pero umiling si Clavier.

Naguguluhan siya sa gusto nitong ipahiwatig. Bakit hindi na lang siya nito diretsohin? "May favor sana akong hihingiin, Vier," mayamaya'y sabi niya.

Nilingon siya ni Clavier nang nakakunot ang noo at nababasa sa mata nito ang sakit. “Spill it.”

"Huwag mo na ako tawaging, ‘Beb’. Baka kasi magselos ang boyfriend ko, lalo na kung nasa tabi ko siya," dagdag niya nang hindi sumagot si Clavier.

"Nawala ka na nga sa akin, pati ba naman iyon mawawala?" tanong nitong hindi makatingin.

"Nandito pa rin ako, bilang kaibigan mo." Mahinahon niyang sabi at hinawakan ang kamay ni Clavier at bahagyang pinisil dahilan upang tumingin ito sa mata niya.

"Kaibigan na lang ba talaga? Wala na ba iyong mahigit pa sa kaibigan?" tanong nitong ikinabigla niya.

"What do you mean?" nalilito niyang tanong.

Hindi sumagot si Clavier at tumungo habang hawak ang kamay niya. Nagulat na lang siya nang sunod-sunod na pumatak ang luha nito sa kamay nilang magkahawak.

"Hey, why are you crying?" nag-alala niyang tanong.

"Nothing, don't mind." Pilit itong ngumiti saka niyakap siya. Naninibago talaga siya sa taong ito.

"Lalayuan mo rin ba ako?" tanong nitong nakayakap pa rin sa kaniya.

"Hindi, bakit naman kita lalayuan? Pero huwag kang dumikit sa akin tuwing nariyan ang boyfriend ko, kasi seloso iyon," sagot niya.

Bumuntong hininga si Clavier at kinuha nito ang silya na nakalagay sa isang sulok. Sinadya nitong maglagay ng silya sa ibabaw ng Parola para may mauupuan tuwing tatambay dito. Bumalik ito kay Assy at pinuwesto sa gilid ang silya bago naupo.

Nagulat si Assy nang hilain siya ni Clavier at pinaupo sa kandungan nito at niyakap ng patagilid. Sanay na siya sa ganito noon pero iba ang pakiramdam niya ngayon—nakakailang.

"V-Vier," utal niyang bigkas sa pangalan nito.

Isinubsob ng lalaki ang mukha sa bandang likod ng leeg niya at hindi na gumalaw. Nakikiliti siya sa mainit nitong hininga na dumampi sa kaniyang balat. Hindi siya nagsalita at pinakiramdaman lamang ang nananahimik na si Clavier. Mayamaya ay naramdaman niyang may tubig na dumaloy sa kaniyang punong leeg at mahinang pag-uga habang sumisingot.

"K-Kailan ka pa naging iyakin?" tanong niya at nilingon ito.

"Simula noong nawala ka sa buhay ko," sagot nito.

Natigilan si Assy sa isinagot ni Clavier. Ngunit kalaunan ay banayad siyang ngumiti. Tinangka niyang iangat ang mukha ng lalaki ngunit matigas itong nanatili sa posisyon habang nakapilig ang mukha sa kaniyang likod.

"A-Alam mo, hindi bagay sa lalaki ang umiyak ano, kaya tumigil ka na riyan." Bahagya niyang inilayo ang katawan habang nanatiling nakaupo sa kandungan nito.

Hindi pa rin makatingin sa kaniya si Clavier kaya sinilip niya ang mukha nito na panay iwas na makita. Hinawakan niya ang pisngi nito kaya walang nagawa ang lalaki kundi magpatianod. Kahit pula ang ilaw at nagdidilim na ay kitang-kita niya pa rin ang namamasang mga mata nito at luha sa pisngi. Pinahid niya ang luha nito gamit ang kaniyang dalawang kamay.

"Smile ka na, okay?" dagdag niya at pinisil ang magkabilang pisngi nito kaya ngumiti si Clavier..

"Kailan ulit kita makakasama dito?" tanong ni Clavier.

"Hindi ko alam, eh," sagot niya.

Bumuntonghininga si Clavier. "Pahingi ng number mo," anito.

"Hindi naman ako nagpalit ng number, sadyang hindi ka lang talaga kumuntak sa akin. Bakit?" tanong niya. Halos isang taon siyang umaasa na tatawagan siya nito ngunit hindi nangyari hanggang sa kinalimutan na lamang niyang mangyari iyon.

"I'm sorry. Na-snatch ang cellphone ko kung saan naroon ang number mo," paliwanag nito sabay tungo.

"Ah, kaya pala," tangu-tango niyang usal.

Napatingin siya sa kalangitan at talagang madilim na. Tatayo sana siya pero mahigpit na nakapulupot sa baywang niya ang mga braso ni Clavier. 

"Dito muna tayo, please," pagsumamo nito.

"Pero mabigat ako."

"Hindi, magaan ka lang," sabi nito.

"Binobola mo lang ako, eh," iling-iling niyang sabi.

"Iyon ang totoo," giit nito.

“Ang alin? Iyong pambobola mo?” natatawa niyang tanong.

“Hindi, iyong magaan ka lang.”

"Oo na!" Napilitan niyang pagsang-ayon at pumihit patalikod sa lalaki. Itinaas ni Clavier ang kanang kamay at hinawakan siya sa balikat saka marahan na pinasandal sa dibdib nito.

Pinagbigyan niya na lang ito kaya ngumiti siya't tumingalang muli sa langit. Nagsimula nang magpakita ang mga bituin. Naalala niya ang kabataan nila noon tuwing nanunuod ng mga bituin o kaya pagbilog ng buwan. Ganito rin ang eksena at lugar; nasa kandungan siya ni Clavier habang nakasandal sa dibdib nito. Parehong masaya at walang iniisip na problema. 

"How I wish, that I could bring back the time," mayamaya'y sabi ni Clavier. Dinig na dinig niya ang paglunok nito ng laway dahil nasa leeg nito nakalapat ang kabila niyang tainga.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Dahil hindi ko nagustuhan ang pangyayari ngayon sa buhay ko," sagot nitong hinahaplos ang kaliwa niyang braso at batid niyang nasa bituin din ang paningin nito.

Huminga ako ng malalim. Related ako sa sinabi niya.

"God knows what's the best for us, so don't blame yourself. Kung may mga pagsisisi ka man sa buhay noon, dapat matutunan mo iyong tanggapin, at kung may gagawin ka man sa ngayon, dapat siguraduhin mong maitama iyon para wala kang pagsisisihan. Masaya ang magiging future, `di ba?" payo niya sa lalaki.

"Tama ka, hindi pa siguro huli ang lahat para itama ko ang naging kamalian noon." Mas humigpit ang yakap nito sa kaniya.

Namutawi ang katahimikan sa kanilang dalawa at tanging mahihinang alon lamang ang maririnig. Hindi nila namalayang kalahating oras na silang ganoon.

"Uwi na tayo. Gabi na masyado," pagbasag niya sa katahimikan at bumangon.

"Parang ayaw kong umuwi at dito na lang matulog," sabi ni Clavier at pinigilan siyang tumayo.

"E, `di dito ka matulog kung gusto mo!" natatawa niyang sabi.

"Basta kasama ka." Isinubsob nito ang mukha sa kaniyang likod.

"E, `di nadamay ako kapag uulan?" Mataray niyang tanong at tumayo. “Tumayo ka na!” utos niya rito.

Bumusangot ang mukha ni Clavier na para bang bata na hindi binigyan ng candy. "Okay." Tumayo ito. Iyong tipong napipilitan lang.

Nagtungo sa pinto si Assy at binuksan iyon. Bababa na sana siya pero kaagad pinigilan ni Clavier ang braso niya.

"Mauna ako para mag-ilaw, baka mahulog ka. Mabuti na iyong masalo agad kita." Binuksan nito ang ilaw sa cellphone at naunang bumaba. Inilahad nito ang kamay kaya inabot niya iyon nang nakangiti.

"Ang korni mo na ngayon. Ano ba'ng nakain mo?" Iling-iling niyang tanong habang marahan ang bawat hakbang pababa. Nakahawak sa railings ang isang kamay habang ang naman ay hawak ni Clavier.

"Karma at pagsisisi."

Huminto siya sa narinig kaya bumaling sa kaniya si Clavier at itinutok ang ilaw sa mukha niya. Malamang nagtatanong ito kung bakit kaya nagpatuloy na sila kalaunan.

Pagdating nila sa baba ay natapilok si Assy kaya muntik nang mahulog sa huling tatlong hakbang. Mabuti na lang at nasalo talaga siya ni Clavier

"I told you," bulong ng lalaki sa tainga niya na nagpatindig sa kaniyang mga balahibo.

"T-Thank you." Tumayo siya ng maayos nang mailapag na sa sahig saka yumuko upang pulutin ang cellphone nitong tumilapon sa gilid. “Baka nasira na ito. Sorry, ah!” Nag-aalala niyang sabi.

“It's okay. Kaya naman palitan ng bago ang isang bagay. Pero ikaw, hinding-hindi na.” Pa-simply itong ngumiti at kinuha ang cellphone na hawak ni Assy.

Napatitig si Assy sa likod ni Clavier habang pinanuod itong binuksan ang pinto.

Kaugnay na kabanata

  • ANNULMENT   Chapter 4

    Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Clavier hanggang nakauwi. Sa wakas ay nakita niya rin muli ang dating asawa at nakasama kahit sa maikli lang na sandali. Hindi lang iyon dahil may unlimited yakap pa. Masayang-masaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa kaganapan kanina lang ay parang nabusog na siya—sa saya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush. Nakasanayan na niyang maligo bago matulog pero sa pagkakataong ito ay hindi siya maliligo. Ayaw niyang mawala ang mabangong amoy ni Assy na halos dumikit sa kaniya. Kahit saang parte niya amuyin ang polo ay naroon ang pabangong laging ginagamit ni Assy noon at hanggang ngayon. Para siyang timang na ngumingiti habang palabas ng banyo. Nagtungo siya sa kaniyang closet at kumuha ng puting sando saka nagpalit ng damit. Hinubad din niya ang pantalon at inilagay sa basket na nasa likod ng pinto sa banyo. Naka-boxer na lamang siya, tutal ganito naman siya tuwing

  • ANNULMENT   Chapter 4 part 2

    Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar. Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo. “Good afternoon, Hijo!” “Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o

  • ANNULMENT   Chapter 5

    Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang."Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki."I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito."Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya."Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon.

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 1

    Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 2

    Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t

  • ANNULMENT   Chapter 7

    Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav

  • ANNULMENT   Chapter 8

    Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don

  • ANNULMENT   Chapter 9.1

    Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad

Pinakabagong kabanata

  • ANNULMENT   Chapter 9.2

    Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s

  • ANNULMENT   Chapter 9.1

    Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad

  • ANNULMENT   Chapter 8

    Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don

  • ANNULMENT   Chapter 7

    Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 2

    Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t

  • ANNULMENT   Chapter 6 part 1

    Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini

  • ANNULMENT   Chapter 5

    Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang."Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki."I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito."Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya."Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon.

  • ANNULMENT   Chapter 4 part 2

    Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar. Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo. “Good afternoon, Hijo!” “Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o

  • ANNULMENT   Chapter 4

    Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Clavier hanggang nakauwi. Sa wakas ay nakita niya rin muli ang dating asawa at nakasama kahit sa maikli lang na sandali. Hindi lang iyon dahil may unlimited yakap pa. Masayang-masaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa kaganapan kanina lang ay parang nabusog na siya—sa saya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush. Nakasanayan na niyang maligo bago matulog pero sa pagkakataong ito ay hindi siya maliligo. Ayaw niyang mawala ang mabangong amoy ni Assy na halos dumikit sa kaniya. Kahit saang parte niya amuyin ang polo ay naroon ang pabangong laging ginagamit ni Assy noon at hanggang ngayon. Para siyang timang na ngumingiti habang palabas ng banyo. Nagtungo siya sa kaniyang closet at kumuha ng puting sando saka nagpalit ng damit. Hinubad din niya ang pantalon at inilagay sa basket na nasa likod ng pinto sa banyo. Naka-boxer na lamang siya, tutal ganito naman siya tuwing

DMCA.com Protection Status