Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya.
"Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok.
"Beb…"
Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her.
"May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?”
"Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.
Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report.
Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer.
"Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.
Hindi agad siya sumagot at tinitigan lang ito. Mayamaya ay tumungo si Assy at tumalikod. Naglakad ito papunta sa pinto kaya nagmadali siyang tumayo at pinigilan ang braso nito saka humarang sa pintuan.
"Saan ka pupunta?" tanong niya.
"Sa labas. Ayaw mo akong kausapin eh," sagot nitong nasa pinto ang paningin.
“Hay nako, tinitigan lang kita, aalis ka na?” Inakbayan niya ito't inikot pabalik sa mesa. Kinuha niya ang plastic at dinala sa mahabang mesa. Dito siya kumakain minsan pero madalas ay sa canteen o kaya sa labas. Pero ngayong nandito si Assy, sa tingin niya'y mapapadalas silang kakain dito. Hinila niya ang silya para sa babae.
“Akala ko galit ka,” nahihiyang saad ni Assy nang makaupo. Pinagtulungan nilang dalawa na ilabas ang dalawang baonan.
“Hindi,” aniya't ngumiti.
Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sa kaniya-kaniyang trabaho. Pagkauwi naman sa hapon ay dinaanan nila sa Amarelia Garden ang sasakyan ni Assy saka pa lang hiwalay na umuwi. Umuwi sa mansiyon si Clavier habang si Assy naman ay sa bahay daw ng parents nito.
Masaya si Clavier dahil madalas niyang nakakasama si Assy sa loob ng halos tatlong linggo.
“Mel, si Assy nasaan?” tanong niya sa babaeng naabutan pagdating sa baba ng building.
Paglabas sa office ay nagtungo siya sa office ni Assy ngunit walang tao roon. Usapan pa naman nila na mag-coffee sa labas bago umuwi sa condo.
"Sir, ibinilin po ni Ma'am, sa akin na sabihin sa iyo, na mauna na raw siya," sagot nito.
“Saan daw siya pupunta?”
“Hindi po sinabi, eh.”
"Okay, salamat." Mag-isa siyang uuwi sa condo pero bago iyon ay dumaan siya saglit sa flower shop. Papasok siya nang makita si Ashley kasama ang ibang lalaki at may bitbit itong bulaklak na halatang galing sa lalaking iyon. Napailing siyang nagtago sa gilid at hinintay silang makaalis. Napangisi siya dahil magkahawak-kamay ang dalawa habang nakapilig ang ulo ni Ashley sa balikat ng lalaki.
Nang makatapos bumili ng bulaklak ay kaagad siyang umalis at nagtungo sa coffee shop na madalas nilang puntahan ni Assy noong college pa lang sila. Palapit na sana siya sa counter nang may tumawag sa pangalan niya.
“Clavier!”
Lumingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita niya si Troy kasama sina Winston, Micmac at Rey.
"Dude!" bulalas ni Winston sabay senyas sa kaniya na lumapit.
"Bakit kayo nandito?" tanong niya't isa-isang tumingin sa tatlo maliban kay Troy.
"Inimbitahan kami ni Troy na magkape. . . at pakilala na rin s-sa girlfriend niya," sagot ni Rey na may ibig sabihin ang mga tingin sa kaniya maging si Micmac at Winston.
"Okay, maiwan ko na kayo. Nagmamadali kasi ako, eh." Tumalikod siya sa kanila at humarap sa gawi ng counter.
"Hindi mo ba hihintayin ang girlfriend ko Clav? Sandali lang 'yon sa restroom at para makilala mo rin siya," sabi ni Troy.
"Hindi na, next time na lang," sabi niya bago nagpatuloy sa counter at bumili ng tatlong coffee. Dire-diretso lang siya at walang lingon-lingon na lumabas ng coffee shop. Pumasok siya sa katabing shop nito at bumili ng dalawang karton ng Pizza bago bumiyahe pauwi sa condo.
Pagkababa sa sasakyan ay agad siyang nagtungo sa elevator pero hindi pa man siya nakalapit ay may tumawag sa pangalan niya.
"Clav!" boses babae.
Nilingon niya ito at naglakad papunta sa kaniya si Ashley. “Ang bilis naman nitong nakapunta rito?” mahina niyang tanong sa sarili.
"Wow! Para sa akin ba ang mga iyan? Thank you, ah! Super sweet mo talaga, babe!" Nakangiti ito at akmang kukunin ang dala niyang bulaklak at Pizza. Agad niyang inilayo sa babae ang mga iyon na ipinagtaka ng babae.
"Don't touch! This is not for you!” talagang diniinan niya bawat bigkas ng mga salita.
“Oh come on, babe. Wala kang ibang pagbibigyan niyan dahil ako lang naman ang girlfriend mo.” Umikot ang mata nito at humalukipkip.
“Hindi naman talaga ito para sa iyo. This is for Assy!”
Tumaas ang kilay nito at kumunot ang noo. "Sinong Assy? May bago ka na pala? Kaya hindi mo na ako pinapansin?" Nagtatampo na may halong lambing na tanong nito. Ngumuso pa ito at nagmaktol, akala naman ay aapekto sa kaniya ang pag-iinarte nito.
"Stop fooling yourself, Ashley. Maiwan na kita dahil may pupuntahan pa ako." Pumasok siya sa elevator nang bumukas iyon. Sumunod si Ashley sa kaniya pero agad niya itong itinulak palabas ng elevator bago pa ito nagsara.
“Babe!” Masama ang tingin ng babae sa kaniya dahil muntikan na itong matisod sa suot na mahabang takong. Idagdag pa ang maikling palda na halos makita na ang panty at damit na halos lumuwa na ang mga dibdib. Dinaig pa nito ang mga babaeng bayaran na nakatambay sa kalye Ulap.
Itinaas-baba niya ang dalawang kilay at pumikit dahil sa malas na nakasalamuha ngayong hapon. Na-badtrip siya no'ng makita ang pagmumukha ni Troy doon sa coffee shop at dumagdag naman si Ashley na biglang sumulpot dito sa Condominium. Ayaw na ayaw niyang ipinagsiksikan ng babae ang sarili sa kaniya at higit sa lahat, ayaw na ayaw niyang niloloko at pagmumukhaing tanga. Alam niyang iba ang pakay ng babae sa kaniya kung kaya't pilit isinisiksik ang sarili.
Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t
Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav
Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don
Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad
Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s
Walang emosyon na tinitigan ni Zsammsey ang brown envelope na naglalaman sa dukumentong ipinapalakad niya sa kaniyang abogado. Napalunok siya ng laway bago binuksan iyon at binunot ang papel. Isang annulment paper. Tinitigan niya iyon at tinatanong ang isip kung talaga bang kailangan niyang gawin ito. Ngunit kalaunan ay nabuo na ang desisyon niya.Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama at binuksan ang aparador. Isang white sleeveless dress na hindi aabot sa tuhod ang napili niyang damit. Kagagaling niyang naligo at roba lamang ang suot pagkalabas ng banyo habang may towalya pa sa ulo.Matapos niyang magbihis ay naupo siya sa harap ng salamin at tinanggal ang towalya saka pinatuyo ang buhok na lampas balikat. Sinuklay niya iyon nang sa wakas ay natuyo saka naglagay ng kaunting lipstick sa labi. Sakto sa korte at kapal ang kilay niya kaya wala na siyang problema roon. Bahagya siyang ngumiti habang tinititigan ang sarili sa salamin bago tumayo. Suot ang cotton fish slipper ay lumapit siy
Labag sa kalooban ni Assy ang pag-iimpaki ng kaniyang mga gamit pero kailangan makaalis na siya sa mas lalong madaling panahon. Nang matapos ay naupo siya sa kama at muling tumulo ang mga luha sa mata. Napatingin siya sa malaking picture frame sa mesa na nasa gilid ng kama niya. Kinuha niya ito at tinititigan.Ang saya nilang tingnan sa picture wedding—parang totoo. Pero kabaliktaran sa totoong buhay.Paano niya nga ba natagalan ng mahigit isang taon ang kasal nila? Ginawa niya lahat ang tungkulin ng isang asawa maliban lang sa iisang bagay; ang magsama sila sa iisang kuwarto at ang magbigay ligaya bilang asawa.Kailan man ay hindi talaga iyon nangyari dahil mismong si Clavier ay walang pakialam sa lahat ng bagay na nangyayari sa kanila—iyon ang masaklap. Siya lang yata ang nagmahal. Lihim na pagmamahal na kailan man ay hindi pinapansin.Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya habang yakap ang litrato nila. Pagkagising niya ay ala-singko y medya na ng umaga kaya bumangon siya at n
Mula sa opisina ay nagmaneho papuntang Southville si Clavier. Kani-kanina lang ay tumawag ang barkada niya't inimbitahan siya roon upang magkikita-kita. Simula no'ng naging CEO siya ay madalang na lamang silang nagkikita. Mas iginugol niya roon ang buong atensiyon pero gayo'n pa man ay hindi maiiwasan isipin ang mga bagay-bagay.Lumiko siya sa iskina at tinahak ang maliit na kalsada. Sa unahan ay matatanaw ang dalawang malalaking puno ng acacia at sa gitna niyon nakatayo ang dalawang palapag nilang tambayan na gawa lamang sa kahoy at kawayan. Open air iyon kaya mahangin at magandang tambayan lalo na kung mainit ang panahon. Pag-aari nilang magkakaibigan iyon. Joined account sila noong high school pa lamang upang mabili ang lupa at maipatayo ang tambayan.Huminto siya sa harap ng tambayan at tumingin sa itaas nang dumungaw roon ang lalaking mala-Wawi De Guzman ang buhok. Guwapo at nakasuot ng itim na t-shirt.“Hey! You're finally here!” kaway ng lalaki.Bumaba sa kotse si Clavier at bi