Mula sa opisina ay nagmaneho papuntang Southville si Clavier. Kani-kanina lang ay tumawag ang barkada niya't inimbitahan siya roon upang magkikita-kita. Simula no'ng naging CEO siya ay madalang na lamang silang nagkikita. Mas iginugol niya roon ang buong atensiyon pero gayo'n pa man ay hindi maiiwasan isipin ang mga bagay-bagay.
Lumiko siya sa iskina at tinahak ang maliit na kalsada. Sa unahan ay matatanaw ang dalawang malalaking puno ng acacia at sa gitna niyon nakatayo ang dalawang palapag nilang tambayan na gawa lamang sa kahoy at kawayan. Open air iyon kaya mahangin at magandang tambayan lalo na kung mainit ang panahon. Pag-aari nilang magkakaibigan iyon. Joined account sila noong high school pa lamang upang mabili ang lupa at maipatayo ang tambayan.
Huminto siya sa harap ng tambayan at tumingin sa itaas nang dumungaw roon ang lalaking mala-Wawi De Guzman ang buhok. Guwapo at nakasuot ng itim na t-shirt.
“Hey! You're finally here!” kaway ng lalaki.
Bumaba sa kotse si Clavier at binuksan ang backseat. Tinupi niya muna hanggang siko ang manggas ng suot niyang sky blue na polo bago kinuha roon ang tatlong kahon ng pizza at isang plastic na naglalaman ng soft drinks. Binuksan niya ang pinto at pumasok. Dumiretso siya sa mesa at inilapag ang mga dala.
“Kumusta, cigarette?” tanong niya sa kaibigan na pababa ng hagdan.
“Winston pangalan ko, hindi yusi!” naaasar na wika ng kaibigan. Nagkamay sila at pinagdumbol ang mga balikat nang tuluyang makababa ito.
“Where are the others?” tanong niyang hindi makita ang dalawa o marinig man lang. Sina Micmac at Reymart.
“On their way.” Hinalungkat nito ang plastic at kinuha ang soft drinks saka ipinasok sa ref.
Umakyat si Clavier sa itaas at lumanghap ng sariwang hangin mula sa likurang bahagi ng tambayan. Maraming mga puno roon kaya sariwa ang hangin na malalanghap. Open air sa itaas at kawayan na buo ang ginawang rehas na nilagyan ng plastic varnish. Sa gitna nakapuwesto ang apat na mahahabang sofa na may mga pangalan nila habang pinagitnaan ang malapad at mababang mesa. Dito sila minsan natutulog noon kapag ayaw umuwi sa kani-kanilang bahay.
"Dude, mag-Baguio raw tayo! Trip ni Micmac," sabi ni Winston nang makasunod sa kaniya. Dala nito ang mga pizza at malamig na bottled soft drinks.
"Kayo na lang. Busy ako." Walang gana niyang sabi at sumalpak sa sofa.
"Oh, come on, dude! Ngayon ka pa ba tatanggi na single ka na ulit?" pangungulit ng kaibigan.
"Wala ako sa mood kaya kayo na lang." Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at naglaro.
"Lagi ka naman wala sa mood nitong nagdaang mga taon eh, simula naging single ka. Sagutin mo nga ako." Naupo si Winston sa sofa ni Micmac na katabi sa sofa niya. Hindi niya ito pinansin at patuloy lang naglalaro. "Namiss mo na ba siya?" tanong nito.
Natigilan siya saglit, “Hindi,” sagot niya.
"Iyan ba ang hindi na-miss? Look at your face, malungkot pa sa piso eh," pang-asar nito sa kaniya.
“Tss! Annoying!”
Tinalikuran niya ito at nagpatuloy sa paglalaro. Pero ang isip niya ay naglalayag sa kung saang lupalop ng mundo. Kung kaya niya lang sanang tingnan sa isip ang lugar kung nasaan si Assy ngayon ay siguro nakita niya ito at sana nasiguro kung nasa maayos ang kalagayan.
"Realtalk, dude. Namiss mo siya, 'di ba?" seryoso tanong ni Winston kaya napabuntonghininga siya.
"Oo," tipid niyang sagot. Walang taon, buwan, linggo, araw, oras, minuto at segundo na hindi niya na-miss si Assy. Apat na taon na simula no'ng umalis ng bansa ang babae kaya sobrang niya itong na-miss.
Minsan na rin niyang naisip na pumunta sa ibang lugar ngunit mas pinili niyang manatili na lamang dito sa Pinas. Ayaw niyang magkasalisi sila kung sakaling biglang bumalik ito ng Pinas.
Itinigil niya ang paglalaro at bumuntonghininga bago tumayo.
"Saan ka pupunta? Kararating mo lang ah!" nakatingalang tanong ni Winston.
"Uuwi na ako." Naglakad siya papuntang hagdan. Tinawag siya ni Winston pero hindi na niya nilingon pa. Pang-aasar lang ang matatamo niya sa mga ito kung magtatagal pa siya ngayon dito.
"Hoy, Vierness! Saan ka pupunta?" sigaw ni Rey nang makababa siya ng hagdan. Papasok ang dalawa at makakasalubong niya. Isa pa itong makulit eh.
"Magsu-suicide!" sarkastiko niyang sagot at natigilan ito ngunit mayamaya ay tumawa nang malakas na ikinainis niya!
"Bakit ngayon pa? Sana noong araw na umalis si Zsamssey, dude! Napaka-late ng reaction mo!" nagsimula na itong mang-asar.
Napasiring si Clavier. Naalala niya si Assy sa linyang iyon. Si Assy ang nakaunang nagsabi sa kaniya no'n, late reaction daw siya t'wing aasarin kung magsama sila noon—noong mga panahon na wala pang problema.
"Annoying!" pikon niyang sabi at nakipagkamay sa dalawa.
Si Rey ang pinaka-sanguine sa kanilang apat. Parang babae kung makapagsimulang magsalita. Kaya walang seryosong karelasyon dahil lahat ng sinasabi ay idinadaan sa biro. Patpatin ngunit matangkad at guwapo. Iyon nga lang, minsan mahangin magsalita.
Si Micmac naman ay ang tipong phlegmatic na tao. Takot sumubok at madalas pinangungunahan ng negative thoughts. Nakadepende sa ibang tao at madaling madala. Medyo chubby pero cute.
“Aalis ka na agad, dude?” tanong ni Micmac.
“Babalik ako bukas after work,” sagot niya. Tumango lamang ang dalawa kaya lumabas na siya.
"Miss ka na raw ni Ashley mo!" pahabol na sigaw ni Rey.
Saglit siyang napahinto dahil sa sinabi nito. Mayamaya ay lumakad rin siya. Si Ashley ay ex-girlfriend niya na girlfriend din daw ngayon ayon sa kanila. Anak ng isang Mayor sa lugar kanilang lugar. Pero hindi niya alam kung saan nila pinulot ang salitang iyon.
“Mas marami pa silang alam kaysa sa akin eh! Tss! Mga kumag talaga!”
Sumakay siya sa kotse at nagmaneho papunta sa dati nilang bahay. Hindi pa man siya nakababa pagkarating ay nakita niya na agad ang imahe ni Assy na nakangiting naghihintay sa kaniya sa bukana ng pinto. Naalala niya pa noon, inaabangan palagi ng asawa ang kaniyang pag-uwi tuwing gabi.
Hindi niya alam kung anong klaseng emosyon ang naramdaman. Bakit kailangan maging duwag siya sa mga panahon na iyon? Bakit hindi na lang siya lumaban? Tuloy naging talunan sa huli.
Bumuntonghininga siya bago bumaba ng kotse at lumapit sa bahay. Kinuha niya ang nakatagong susi sa puno ng halaman at binuksan ang pinto. Kahit saan siya titingin ay nakikita niya ang imahe ni Assy. Para siyang baliw na ngingiti at biglang hihikbi.
Hindi niya man lang pinahalagahan iyong panahon na nandito pa si Assy at magkasama sila. Namiss na niya ang luto nito at gustong makita ngayon na. Miss na miss na niya. Apat na taon na rin kasi ang lumipas.
“Bakit ganito? Kung kailan wala na ang isang tao ay saka ko pa hahanap-hanapin. Sana'y pinigilan ko siya noon, pero wala akong magagawa. Kailangan ko iyong gawin para sa kaniya.”
Naisipan niyang pumasok sa kuwarto ni Assy sa huling pagkakataon. Pagkapasok niya ay agad siyang napaluha nang makita ang litrato nila sa maliit na mesa. Dinampot niya ito at hinaplos. Maraming beses na siyang pumasok dito ngunit ni minsan ay hindi niya ginalaw ang litratong ito.
"Hindi ko magawang kalimutan ka, Beb." aniya sa litrato kasabay sa pagpatak ng luha.
"Ano to?"
Nahawakan niya ang papel na nakaipit sa likod ng frame. Kinuha niya ito at binuklat. Isang sulat mula kay Assy.
To my hubby,
Take care of your self, beb. Kumain ka sa tamang oras at huwag masyadong magpuyat ha. Iwas-iwasan din ang pag-inom ng marami kasi makakasama iyan sa katawan mo. Wala na ako para mag-alaga sa iyo kaya dapat sundin mo lahat ng habilin ko. Siguro matagal pa bago mo mabasa ang sulat na ito pero ayos lang, kayang maghintay ng sulat ko. Kagaya nang paghihintay ng puso kong mapansin mo. Pero alam kong hindi na mangyayari iyon. Kaibigan lang ang turing mo sa akin at tanggap ko na iyon. Hindi na ako aasang mamahalin mo nang higit pa sa kaibigan. Mabuti nang umiwas sa kahibangan kasi nakakasira daw iyon sa pag-iisip. Aalis na ako, Beb, at sana mahanap mo na ang babaeng tunay mong pinangarap.
Love, Assy.
Nag-unahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha matapos mabasa ang sulat. Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay iniisip pa rin nito ang kapakanan. Bukod-tanging nakakagawa sa kaniya ng gano'n.
"She loves me," mahina niyang usal at napaupo sa kama. Ang tanga-tanga niya dahil hindi napansin iyon. Buong akala niya ay kaibigan lamang ang turing sa kaniya ng babae. Gano'n na ba talaga siya kamanhid?
Naihilamos niya ang palad sa mukha. Sa tagal na nang sulat na ito ay malamang nakalimutan na siya ni Assy maging ang naramdaman nito para sa kaniya.
"Assy!" sigaw niya dulot ng paninikip ng dibdib. Matagal na panahon niyang itinatago at tinitiis ang sakit para lang maprotektahan at makasama ang mahal. Pero sa huli sa nagkakalayo pa rin sila. "Come back to me, Beb! Please!" Napahiga siya habang umiiyak. "Nagsisisi na ako, please come back."
Hindi niya namalayan na nakatulog siya at paggising ay madaling araw na. Bumangon siya't lumabas. Ibinalik niya ang susi sa puno ng halaman bago sumakay sa kotse at bumiyahe pauwi sa condo. Balik sa dating gawi; maliligo, magbibihis, kakain at pumasok sa trabaho.
Gaya ng pangako niya sa tatlo ay bumalik siya sa tambayan matapos ang meeting sa isang client at para kunin na rin ang naiwan niyang power bank at headset. Gagamitin niya ang mga iyon sa trip. Balak niyang mag-mountain hike at sea travel kapag makaluwag sa trabaho. Nais niyang libangin ang sarili na hindi papel at ball pen ang kinakaharap.
"Dude, dumating si Troy, and guess what? May kasama raw na magandang girlfriend!" sumbong ni Micmac. Nakaupo sila sa kani-kanilang sofa habang may tig-iisang baso na laman ay alak.
"Who cares?" walang gana niyang tanong.
"Pinsan mo iyon, ano ka ba," anito.
Alam ng mga kaibigan niyang hindi maganda ang loob nila ni Troy sa isa't isa at kahit kailan hindi niya magugustuhan ang taong iyon.
"Step cousin!" pagtatama niya.
"Oo nga pala," sabi ni Rey at ngumisi ng nakakaasar. Wala, eh. Bully talaga sila.
"Aalis ako next week," paalam niya sa mga ito.
“Saan?”
“Maglilibot kahit saan.”
“Isama mo naman kami!” biglang sabat ni Winston.
“Tss! Gusto ko munang lumayo sa maiingay na tulad ninyo!” Tumawa lamang ang tatlo dahil sa kaniyang sinabi.
“Sige na nga, basta may pasalubong pag-uwi mo ha,” kumikindat na turan ni Winston.
“No problem! Dadalhan ko kayo ng mga sanga ng kahoy at tubig dagat,” seryoso niyang sagot na nagpakunot sa noo ni Micmac dahil hindi nito nakuha ang ibig sabihin ng kaniyang sinabi.
Habang si Reymart at Winston naman ay nagkatinginan habang namilog ang mga mata. “Mountain hike at sea travel!” sabay sambit ng dalawa. “Sama kami!” sabay nilang tatlo.
Napailing si Clavier sa kakulitan ng tatlo. Ngunit pag-iisipan niya muna kung isasama niya ba ang mga ito o solo lang ba talagang lumakad.
Nang mag-ala-sais ay tumayo siya't nilapag ang baso na hindi man lang nabawasan kahit isang s****p. Nagpaalam na siyang umalis at naiintindihan naman ng mga ito kung bakit.
Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Troy dahil sigurado siya na pupunta iyon dito sa tambayan at magpapasikat sa kahanginan!
Napatigil siya paglabas sa pinto nang may humintong sasakyan sa unahan ng tambayan 'di kalayuan sa kinatatayuan niya. Bumaba ang maputing babae na nakasuot ng itim na short at itim na crop top. Kitang-kita ang hubog ng katawan nito. Nakalugay ang buhok na katamtaman lang ang haba. Kahit nakatalikod ay kilalang-kilala niya ito. Humarap ito sa kaniya at tinanggal ang suot na sunglasses.
Nakangiting lumapit sa kaniya si Ashley at hahalik sana ito sa kaniyang labi pero iniwas niya ang mukha iyong hindi nahahalata. Batid niya ring dumungaw ang tatlo mula sa itaas at nakatingin ngayon sa kanila.
"I miss you, mine!" nakalabi nitong sabi at yumakap sa kaniya.
"Kailan ka dumating?" tanong niya rito.
"Kahapon lang, pero ngayon lang ako nagpunta rito," sagot nitong nakangiti pa rin.
Hindi na siya nakasagot dahil may bago na namang kotse ang dumating. Bumaba ang taong ayaw niyang makita.
"Hi guys!" bati ni Troy.
“Tss! Kahit kailan ang hangin niya!” pipi niyang turan sa sarili.
"Hi, Troy!" sagot ni Ashley.
"Tsk!" mahina niyang asik at lumingon sa ibang gawi.
"Huwag ka na magselos, mine. Friend lang kami, okay?" Malambing na saad ni Ashley at kumapit sa braso niya.
"Hey, cous! kumusta?" tanong ni Troy ng makalapit sa kanila.
"Ayos lang. Maiwan ko muna kayo rito at may lalakarin pa ako," sabi niya sabay tinanggal ang kamay ni Ashley na nakaangkla sa braso niya.
"Sama ako mine," mabilis na sabi ni Ashley.
"Huwag na, babalik din ako agad." Binuksan niya ang pinto ng kotse nang humabol si Ashley.
"Hindi ka magseselos?" Bigla nitong tanong kaya nilingon niya at nginisihan.
"Hindi. Ayos lang naman sa akin!" Sagot niya at sumakay. Kahit magbalikan pa silang dalawa ay wala siyang pakialam! Hinding-hindi siya mangingialam sa buhay ng ibang tao.
Napapaisip siya kung saan pupunta. Wala naman talaga siyang lakad, gusto niya lang umiwas doon sa kanila at wala siyang balak na bumalik pa. Ngumiti siya nang maisip ang isang lugar. Nagmaneho siya papunta sa parola kung saan madalas sila ni Assy noon. Mas mabuti roon dahil mahangin at tahimik. Panunuorin din niya ang paglubog ng araw mamaya.
Nang makaratingsa parola ay agad siyang bumaba ng kotse at hindi paman siya nakahakbang ay nakita niya ang isang sasakyan na familiar sa kaniya.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba. Nilapitan niya ang sasakyan para kumpirmahin at laking gulat nang makita ito ng malapitan. Tama nga ang hinala niya dahil sa stickers na nakadikit sa gilid ng side mirror nito—isang hello kitty.
Wala siyang sinayang na oras at tumakbo papasok sa parola at patakbo itong inakyat. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang kaba sa dibdib sa mga oras na ito, at hindi alam paano awatin ang sarili sa sobrang excitement. Naging abnormal ang tibok ng kaniyang puso.
Salitang ‘saya’ lang ang nangingibabaw ngayon sa malungkot niyang puso. Hinihingal siyang huminto nang nasa tapat na ng pinto sa itaas para mag-ipon ng lakas bago binuksan ito. Mayamaya'y binuksan niya ito at lumabas. Paglingon sa silangang bahagi ay naroon nakatayo ang babaeng nakatalikod habang nakahawak sa bakal.
‘Siya nga!’
She's wearing a black off shoulder dress above the knee at black shoes na three inches ang takong. May shade ito sa ulo at nakalugay ang sobrang haba na nitong buhok. Isa lang ang masasabi niya, she's so different than before! Sigurado siya na si Assy ang babaeng ito kahit nakatalikod sa kaniya.
Gusto niya itong yakapin ngayon para magamot ang pangungulila rito sa mahabang panahon na hindi nakita't nakasama.
"Beb?" tawag niya sa babae. Hindi agad ito lumingon kaya humakbang siya ng dalawang beses.
Dahan-dahan itong pumihit paharap sa kaniya at bigla siyang naging emosyonal. Biglang uminit ang kaniyang mga mata at nagsimulang magtubig iyon.
She's so damn beautiful!
Upang hindi mapansin ang pangingilid ng luha ay kaagad niyang nilapitan si Assy at niyakap ng mahigpit. Doon tuluyang tumulo ang kaniyang mga luha.
“You're finally back!” garalgal niyang turan at hinigpitan ang pagkakayakap.
Parang ayaw niya itong pakawalan dahil takot siya na baka biglang mawala na naman sa kaniyang paningin.
Nakangiti habang nakapikit na nilalanghap ni Zsammsey ang sariwang hangin mula sa dagat. It's been a long time since she was there and she really missed this place! Four years siyang nawala sa lugar na ito kaya sobra niyang na-miss. May dagat din naman sa Canada pero iba ang klima roon. Iba sa nakasanayan na niya rito sa Pinas.Kararating niya lang kanina sa bahay ng kaniyang parents pero mas pinili niyang magpunta rito imbes na magpahinga.Na-re-relax siya tuwing pupunta rito dahil sariwa ang hangin at malayang makapag-isip sa mga bagay na gusto niyang balikan at napangiti ako.Naalala niya iyong unang araw na tumapak siya sa lugar na ito eleven years ago when she was a fourth year high school.Naglayas siya sa bahay nila dahil sa sama ng loob. Ayaw niyang makita ang makapal na pagmumukha no'ng babaeng dating nobya ng daddy niya na sumama sa bahay nila. Porket wala noon ang mommy niya dahil nasa Australia. Walang ginawa ang Daddy para mapaalis ang babaeng iyon kaya nabuwiset siya!Um
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Clavier hanggang nakauwi. Sa wakas ay nakita niya rin muli ang dating asawa at nakasama kahit sa maikli lang na sandali. Hindi lang iyon dahil may unlimited yakap pa. Masayang-masaya siya. Hindi man lang siya nakaramdam ng gutom dahil sa kaganapan kanina lang ay parang nabusog na siya—sa saya. Matapos niyang kumain ay umakyat na siya sa kaniyang kuwarto at dumiretso sa banyo para mag-toothbrush. Nakasanayan na niyang maligo bago matulog pero sa pagkakataong ito ay hindi siya maliligo. Ayaw niyang mawala ang mabangong amoy ni Assy na halos dumikit sa kaniya. Kahit saang parte niya amuyin ang polo ay naroon ang pabangong laging ginagamit ni Assy noon at hanggang ngayon. Para siyang timang na ngumingiti habang palabas ng banyo. Nagtungo siya sa kaniyang closet at kumuha ng puting sando saka nagpalit ng damit. Hinubad din niya ang pantalon at inilagay sa basket na nasa likod ng pinto sa banyo. Naka-boxer na lamang siya, tutal ganito naman siya tuwing
Nang mag-alas-dos y medya ay bumaba na ng building si Clavier. Saglit siyang dumaan sa flower shop upang bumili ng isang bouquet ng white roses. Nakasanayan na niya ito noon pa man na sa tuwing may personal meeting siya kay Mrs. Zafra ay binibigyan niya ang Ginang ng bulaklak. Dumiretso siya sa sinabing lokasyon ni Rowena, sa third cottage ng Amarelia Garden. Saktong 2:50 ay nakarating siya sa lugar. Pagka-park ng sasakyan ay kaagad siyang bumaba bitbit ang bulaklak. Pumasok siya sa gate at tinahak ang maliit na pathway sa kanang bahagi. Nadaanan niya ang magkasintahan na nag-date sa unang cottage habang sa pangalawang cottage naman ay grupo ng mga estudyante na halatang may ginagawang project. Tinanaw niya ang third cottage at nakita niya ang Ginang na suot ay ternong dark green polo at square pants. Nakita ng Ginang ang kaniyang pagdating kaya ngumiti ito at tumayo. “Good afternoon, Hijo!” “Good afternoon, Mom---ah, Tita!” Agaran niyang bawi nang muntikang madulas ang dila. B****o
Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang."Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki."I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito."Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya."Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon.
Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini
Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t
Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav
Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don
Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s
Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad