Nagulat si Assy nang biglang baliktarin ni Clavier ang kanilang puwesto. Siya na ngayon ang nasa ilalim nito at hindi niya magawang bumangon dahil hawak ni Clavier ang kaniyang dalawang kamay sa itaas. Halos matunaw siya sa mga titig nito na para bang pinasok pati ang kaniyang puso. Pigil hininga siya habang pilit nilalabanan ang mga titig nitong nakakailang.
"Beb, alis!" asik niya pero ngumisi lang ito. "Aalis ka o hindi?!" nagbabanta niyang tanong at pinanlakihan ng mata ang lalaki.
"I-kiss mo muna ako," anito sabay ngumuso.
Nanlaki ang mga mata ni Assy sa tinuran nito. "Psh! Inataki ka na naman ng kakulitan mo, ano?" pang-asar niya rito.
"Sige, mang-asar ka pa at hahalikan na talaga kita! Kanina mo pa ako inaasar ha!" banta rin nito kaya napairap siya.
"Kanina ka lang din naman banta nang banta eh, wala naman sa gaw---" Hindi natuloy ang sasabihin niya dahil agad dinampi ni Clavier ang mga labi sa kaniyang labi. Hindi siya makagalaw at hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksiyon. Nataranta ang kaloob-looban niya.
Nakapikit si Clavier habang magkalapat ang kanilang mga labi hanggang sa kusa itong bumitaw. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa kaniya at naiwan siyang tulalang nakaawang ang bibig.
Nabalik siya sa ulirat nang hagkan ni Clavier ang kaniyang noo bago umalis sa ibabaw niya. Hinawakan nito ang mga kamay niya at hinila patayo at niyakap. She was so speechless!
"I'm sorry," usal nito at kumawala.
Iba't ibang emosyon ang mababasa sa mga mata at galaw ni Clavier. Naupo ito sa kama at ang lungkot nitong tingnan habang nakatungo sa sahig.
"Kasalanan ko ang lahat!" paninisi nito sa sarili.
Kagatlabing nag-iwas ng tingin si Assy. Parang may ibang ibig sabihin ang paninisi nito sa sarili at ayaw niyang hulaan iyon. "T-Tara na nga! Kumain na tayo dahil gutom na ako!" sabi niya. Namumungay ang mga mata ni Clavier na tumingin sa kaniya kaya hinila niya ang kamay nito.
Pilit niyang inignora ang nangyari kani-kanina lang. Ayaw niyang bigyan nang malisya iyong nangyari dahil lang sa asaran nila.
"Kumain ka na," sabi niya nang makaupo na sila sa harap ng mesa.
"Hindi ka galit, beb?" malumanay na tanong ni Clavier habang hawak ang kutsara't tinidor.
"Hindi! Asaran lang iyon kaya huwag mong dibdibin!" sabi niya't umirap. Pinilit niyang umakto na parang walang nangyari upang maiwasan ang hiya at ilang sa pagitan nilang dalawa. Pansin niyang tumititig sa kaniya si Clavier habang nilalagyan niya ng kanin at ulam ang bawat plato. “Mabubusog ka ba riyan sa ginagawa mo?” taas kilay niyang pagtukoy sa pagtitig nito sa kaniya.
Bahagyang ngumiti si Clavier bago tumungo sa sariling plato at tila namangha siya sa maliliit at malalaking hugis puso ng carrots at patatas. Bigla itong natuwa.
“Cute `di ba?” malapad na ngiti niyang tanong.
“Yup! Like you.” Tinusok ni Clavier sa tinidor ang carrot at kinain.
Nakaramdam naman si Assy ng pag-init ng pisngi dahil sa sinabi nito. Dati naman siyang pinupuri ni Clavier noong college sila pero ngayon lang ulit siya nakaramdam ng pang-iinit ng pisngi. Tumayo siya at tumalikod bago humakbang papuntang ref. Binuksan niya iyon at sinadyang itapat ang kaniyang mukha sa singaw ng lamig mula roon bago kinuha ang pitsel na may lamang tubig at bumalik sa upuan.
“Kumain ka na,” sabi ni Clavier habang ngumunguya.
“Oo.” Nagsimula siyang kumain at kita niya naman na ganang-gana si Clavier kaya napangiti siya. Ngayon lang ulit sila nagkasabay kumain at dito pa sa condo unit nito.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga sila sa salas at nanuod ng TV. As usual ay nag-aagawan na naman sila ng remote dahil iba ang gusto niya at iba rin ang gusto ni Clavier kaya magkalaban talaga sila sa ganitong bagay.
"Kainis naman!" naiinis siyang tumalikod. Nakuha kasi ni Clavier ang remote at nasunod ang cartoon movie na paborito nito. "Hmp!" Tumayo siya at dinampot ang bag bago nagtungo sa pinto.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Clavier at mabilis na nakatayo saka humarang sa pintuan.
"Uuwi," walang gana niyang sagot.
"Dito ka na lang matulog," sabi nito.
"Duh! As if naman gusto ko?" taas kilay niyang tanong.
"Okay, ihahatid na lang kita," presenta nito.
"Hindi na, kaya ko mag-isa," sagot niya.
"Mahirap kumuha ng taxi kapag gabi, beb," anito.
"At sino'ng nagsabi na sasakay ako ng taxi papunta sa unit ko?" tanong niyang humalukipkip.
"Huh?" naguluhan nitong tanong.
Lumapit siya rito at inayos ang kuwelyo ng damit nito.
"Nasa itaas lang ang unit ko, beb. So, don't worry okay?" malambing niyang sabi sabay haplos sa pisngi nito.
Napapikit si Clavier at napagtanto niya kung ano ang kaniyang ginawa. Tuliro niyang binawi ang kamay at umatras. “Nakakahiya!” bulong niya sa sarili.
"T-Tara na. Ihahatid na kita," sabi ni Clavier at binuksan ang pinto.
Hindi na siya umangal pa at nagpahatid na lamang. Pareho silang tahimik habang sumakay sa elevator hanggang nakarating sa unit niya.
Bago niyang nakuha ang unit na ito noong nagdaang araw pa lang at sa totoo lang ay hindi niya alam na dito rin nag-stay ang lalaki. Hindi sinasadya at nagkataon lang.
"Hindi ka ba papasok?" tanong niya nang makarating sa tapat ng pinto.
Umiling ito. "Baka hindi na ako makalabas, eh," sagot nito.
Tumaas ang kilay niya sa sinabi ng lalaki. "Hindi kita ikukulong ano!" sabi niya.
"Hindi nga, eh ako ang ayaw lumabas." Kunwari'y inosenteng sagot nito kaya napailing siyang t-in-ype ang password ng pinto.
"062813?" tanong nito. Nakatingin pala ito sa binigay niyang password.
"Bakit aangal ka?" brusko niyang tanong pero ngumiti lang si Clavier at umiling. "Good!" sabi niya at tinapik muna ang balikat nito bago binuksan ang pinto.
"Beb, sabay tayo bukas," bigla nitong sabi nang makapasok siya.
"Okay. Goodnight!" Nakangiti niyang sagot.
“Teka!” pigil nito nang akma niyang isara ang pinto. "Wala bang goodnight kiss diyan?" tanong nito na ipinanlaki ng mata niya.
"Tse! Tapos na kanina pa!" Padamba niyang isinara ang pinto.
Umiiling siya habang binuksan ang ilaw. Hinubad niya ang sapatos at kinuha ang white cotton slipper na may desinyong hello kitty at sinuot. Dumiretso siya sa banyo ng kuwarto at nag-toothbrush pagkatapos ay nagbihis ng nightie na may ternong short. Kinuha niya muna ang cellphone sa bag bago sumampa sa kama. Nang tingnan niya ang cellphone ay bumungad ang maraming missed calls. Sinadya niyang i-silent ang cellphone kanina no'ng papunta pa lang sa meeting place ng mommy niya at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon tingnan. Hindi nagtagal ay nag-vibrate ito at parehong caller ang tumawag kanina.
“Hello?”
“Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, saan ka nagpunta?”
“Pasensiya na, may meeting kasi kami ni Mommy kanina.”
“Anong oras natapos?”
“Maaga pa naman, pero naka-silent ang cellphone ko at nakalimutan kong tingnan.”
Dinig niyang bumuntonghininga ang lalaki sa kabila at hindi na nagsalita.
“Oo nga pala. . . hindi ako matutuloy sa kompanya ninyo.”
“Bakit? May usapan na tayo `di ba?” halatang dismayado ito sa ibinalita niya.
“Aalis si Mommy at ako muna ang papalit sa puwesto niya pansamantala. But don't worry, lilipat ako sa inyo pagkabalik ni Mommy.”
“Okay. Wala rin naman akong magagawa. Basta sa birthday ko, dapat present ka ha?”
“Promise.”
“Sige, magpahinga ka na.”
“Okay. Goodnight.”
“I lo---”
Ibinaba niya ang cellphone at bumuntonghininga bago iyon ipinatong sa side table. Kaagad siyang nakatulog dulot ng pagod sa buong hapon na pamamasyal.
Kinabukasan pagkagising ay lumabas siya ng kwarto at pupunta sana sa mini kitchen pero tumunog ang doorbell kaya napahinto siya't tumingin doon. Taka siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Tiningnan niya kaliwa't kanan pero walang tao. Isasara na sana niya ang pinto nang makita ang nasa sahig sa harapan.
"Penguin!" bulakas niya at kinuha ito. May kasama itong box. “Is this for me?” Kinuha niya at dinala sa loob. Hindi ito ilalagay sa tapat ng unit niya kung hindi para sa kaniya. "Ano naman ang laman nito?"
Para mabigyan ng kasagutan ang mga tanong ay binuksan niya ang cartoon.
Bavarian donuts at Starbucks coffee ang laman niyon.
"Wow! Paborito ko talaga!" Dahil sa galak ay agad siyang kumuha ng isa at kinain hanggang sa kumuha pa siya ulit. Isa na lang ang natira sa donut saka pa pumasok sa isip niya ang isang bagay at tumigil siya sa pagnguya. “Teka, wala kayang lason ito?” Tinitigan niya ang isang natira. “Ah, bahala na! Mauubos ko na eh, wala nang atrasan kung mamatay man!”
Nang matapos niyang ubusin ang donuts at kape ay pumasok siya sa kuwarto bitbit ang penguin at nilagay iyon sa ibabaw ng unan niya. Pumasok siya sa banyo at naligo, pagkatapos ay nagbihis. Isang pink floral dress v-neck long skirt ang suot niya, kapareha ay puting three inches na takong at nakalugay lang mahaba at maalon na buhok. Lalong lumulutang ang kaniyang kaputian.
Nang handa na ay saka pa siya lumabas sakbit ang shoulder bag na cellphone, susi, wallet at kagamitan para sa mukha ang laman. Nagtungo siya sa elevator at nang bumukas iyon ay bumungad sa kaniyang paningin si Clavier. Nakapamulsa ang dalawang kamay nito habang nakatungo sa sahig. Suot nito'y puting polo at itim na pantalon habang agaw pansin naman ang makintab nitong leather shoes. Butterfly hairstyle at halatang bagong ligo. Hindi na bago sa kaniya ang guwapong mukha nito.
Nag-angat ng tingin sa kaniya ang lalaki at napatitig ito sa kabuuan niya bago ngumiti.
"Good morning, beb!" nakangiti nitong bati sa kaniya.
“Good morning din.” Pumasok siya't tumayo sa kaliwang gilid.
“You're so beautiful!” puri nito at bahagyang inilapit ang ulo sa kaniya kaya umiling siyang nakangiti.
Nang bumukas ulit ang elevator sa sunod na palapag ay dalawang lalaki ang nakaabang para sumakay. Pasimpleng lumipat si Clavier sa tabi niya at inakbayan siya.
"Clavier, girlfriend mo?" biglang tanong ng lalaki sa bandang likuran.
Lumingon si Clavier sa lalaki at masuyong ngumiti. "Yes, girlfriend ko!" sagot nitong nasa tono ang pagmamayabang.
"Loko-loko ka talaga," bulong niya sa lalaki. Hindi na ito sumagot at malapad na ngumiti sabay pisil sa balikat niya.
Bumukas ang elevator sa basement saktong malapit lamang doon naka-parking ang sasakyan ni Clavier. Pinagbuksan siya nito ng pinto at pinasakay bago umikot sa kabila.
“Daanan natin ang sasakyan ko mamayang hapon,” sabi niya habang nasa biyahe.
“No problem, beb.”
Pagdating sa opisina ay pinatawag ni Clavier ang lahat nang mga empleyado at ipinakilala siya bilang acting Chief of Financial Officer(CFO) ng Buenaventura Corporation.
“Everyone, meet Zsammsey Zafra Buenaventura, Mrs. Revone's daughter. Siya muna ang papalit sa Mommy niya dahil pupuntang abroad si Mommy Revone," anunsiyo nito.
Nagulat siya sa inanunsiyo ni Clavier pero hindi niya magawang mag-react sa harap ng maraming tao.
“Sir, siya po ba ang asawa ninyong matagal sa abroad?” tanong ng empleyado na halata sa boses ang hindi pagiging buo na lalaki.
“Yes, she's my wife.” Nakangiting hinapit ni Clavier ang kaniyang baywang kaya naiilang siyang tumingin sa mga tao.
“Ang ganda-ganda mo, Ma'am! Welcome home po!” bulalas ng bakla at hindi napigilan ang mala-babae nitong boses.
“Just call me, Sam.”
"Welcome po, Ma'am Zsammsey!" bati ng lahat.
"Thank you!" naiusal niya't ngumiti.
"Tara, beb. Ihahatid kita sa office mo." Hinawakan ni Clavier ang kaniyang kamay at hinila paalis sa kumpulan ng mga empleyado. Narinig niya ang papuring usapan ng mga empleyado bago sila nakalayo.
"Bakit mo sinabi iyon?" mahina niyang tanong kay Clavier.
"Ang alin?" balik tanong ng lalaki.
“I-Iyon…”
“Ah, I get it.”
"Alam mo naman na matagal na iyon 'di ba?" mataray kunwari niyang tanong.
Huminto si Clavier. "Oo alam ko. Pero sana huwag mong ipamukha sa akin na wala na akong karapatan sa iyo, Beb." Malungkot nitong sabi at marahan na bumitaw sa kaniyang kamay.
Nauna itong naglakad at iniwan siya. Sinundan niya ito nang tingin at nakaramdam siya ng guilty dahil sa kaniyang sinabi na naging dahilan ng pagtatampo nito. Nakonsensiya siya dahil may point naman si Clavier. Hindi naman talaga ito nawalan ng karapatan sa kaniya bilang asawa.
Napabuntonghininga siya sumunod sa lalaki. Hinatid lang siya nito sa kaniyang office at may mga bagay na itinuro bago umalis. Hindi na siya pinansin ni Clavier kaya lalo siyang na-guilty.
Naupo siya sa swivel chair at saglit na nagmukmok. Mayamaya ay may kumatok at pumasok si Melissa, ang secretary ng mommy niya.
Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini
Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t
Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav
Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don
Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad
Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s
Walang emosyon na tinitigan ni Zsammsey ang brown envelope na naglalaman sa dukumentong ipinapalakad niya sa kaniyang abogado. Napalunok siya ng laway bago binuksan iyon at binunot ang papel. Isang annulment paper. Tinitigan niya iyon at tinatanong ang isip kung talaga bang kailangan niyang gawin ito. Ngunit kalaunan ay nabuo na ang desisyon niya.Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama at binuksan ang aparador. Isang white sleeveless dress na hindi aabot sa tuhod ang napili niyang damit. Kagagaling niyang naligo at roba lamang ang suot pagkalabas ng banyo habang may towalya pa sa ulo.Matapos niyang magbihis ay naupo siya sa harap ng salamin at tinanggal ang towalya saka pinatuyo ang buhok na lampas balikat. Sinuklay niya iyon nang sa wakas ay natuyo saka naglagay ng kaunting lipstick sa labi. Sakto sa korte at kapal ang kilay niya kaya wala na siyang problema roon. Bahagya siyang ngumiti habang tinititigan ang sarili sa salamin bago tumayo. Suot ang cotton fish slipper ay lumapit siy
Labag sa kalooban ni Assy ang pag-iimpaki ng kaniyang mga gamit pero kailangan makaalis na siya sa mas lalong madaling panahon. Nang matapos ay naupo siya sa kama at muling tumulo ang mga luha sa mata. Napatingin siya sa malaking picture frame sa mesa na nasa gilid ng kama niya. Kinuha niya ito at tinititigan.Ang saya nilang tingnan sa picture wedding—parang totoo. Pero kabaliktaran sa totoong buhay.Paano niya nga ba natagalan ng mahigit isang taon ang kasal nila? Ginawa niya lahat ang tungkulin ng isang asawa maliban lang sa iisang bagay; ang magsama sila sa iisang kuwarto at ang magbigay ligaya bilang asawa.Kailan man ay hindi talaga iyon nangyari dahil mismong si Clavier ay walang pakialam sa lahat ng bagay na nangyayari sa kanila—iyon ang masaklap. Siya lang yata ang nagmahal. Lihim na pagmamahal na kailan man ay hindi pinapansin.Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya habang yakap ang litrato nila. Pagkagising niya ay ala-singko y medya na ng umaga kaya bumangon siya at n