Home / Romance / ANNULMENT / PROLOGUE

Share

ANNULMENT
ANNULMENT
Author: Rainbowgoddess29

PROLOGUE

Walang emosyon na tinitigan ni Zsammsey ang brown envelope na naglalaman sa dukumentong ipinapalakad niya sa kaniyang abogado. Napalunok siya ng laway bago binuksan iyon at binunot ang papel. Isang annulment paper. Tinitigan niya iyon at tinatanong ang isip kung talaga bang kailangan niyang gawin ito. Ngunit kalaunan ay nabuo na ang desisyon niya.

Tumayo siya sa pagkakaupo mula sa kama at binuksan ang aparador. Isang white sleeveless dress na hindi aabot sa tuhod ang napili niyang damit. Kagagaling niyang naligo at roba lamang ang suot pagkalabas ng banyo habang may towalya pa sa ulo.

Matapos niyang magbihis ay naupo siya sa harap ng salamin at tinanggal ang towalya saka pinatuyo ang buhok na lampas balikat. Sinuklay niya iyon nang sa wakas ay natuyo saka naglagay ng kaunting lipstick sa labi. Sakto sa korte at kapal ang kilay niya kaya wala na siyang problema roon. Bahagya siyang ngumiti habang tinititigan ang sarili sa salamin bago tumayo. Suot ang cotton fish slipper ay lumapit siya sa kama. Dinampot niya ang annulment paper at ballpen sa ibabaw ng kama saka nagtungo sa pinto. Humugot siya nang malalim na hininga bago binuksan ang pinto at lumabas. As expected ay wala pa rin si Vier kahit mag-aala-sais na ng gabi.

Umupo siya sa sofa at hinihintay ang pag-uwi ng asawa. Ilang minuto lang ang nakalipas ay narinig niya ang pagbukas ng pinto kaya lumingon siya roon bago tumayo at humakbang ng tatlong beses.

“Mabuti at nakauwi ka na,” nakangiti niyang sabi sa guwapong kaharap. Ngumiti lamang ang asawa hanggang nakalapit sa kaniya. “Gutom ka na ba? Maghahanda na ako para sabay tayo.” Hinawakan niya ang kamay ng asawa.

“Tara, nagutom ako galing sa basketball, eh,” sagot ni Vier. Sumunod lamang ito sa kusina at naupo habang hinihintay sa inihaing pagkain.

“Huwag kang magpapagutom. Dapat kakain ka sa tamang oras.” Naupo si Assy matapos mailapag lahat ng pagkain at kaagad naman kumain ang asawa. Napangiti siya dahil kahit sa haponan lang ay magkasama silang kumakain. Masaya na siya doon.

Tahimik lamang na kumakain si Vier kaya hindi niya maiwasang hindi mapatitig dito. Sarap na sarap ito sa kahit anong lulutuin niya.

“May ibibigay pala ako sa iyo mamaya. Sigurado akong matutuwa ka!” nakalabi niyang sabi sa kalagitnaan ng pag-kain.

“Ano iyon?” tanong ng asawa.

“Malalaman mo mamaya.” Ngumiti siya't nagpatuloy na kumain.

Pagkatapos kumain ay sabay silang bumalik sa salas at kinuha niya ang papel na iniwan niya kanina sa sofa at nakangiting inabot kay Vier.

"What is this, Beb?" kunotnoong tanong ni Clavier pagkabasa sa hawak na papel.

"Annulment!" masiglang sagot ni Assy habang nakangiti. Pinaghawak niya ang dalawang kamay sa likuran na parang batang naghihintay ng iaabot na pasalubong habang malapad ang mga ngiti. 

"I know. But why?" puno ng pagtatakang tanong ulit ni Vier. 

"I want to end this drama, Beb. You know what I mean," inosenting sagot ni Assy. Hindi agad nakasagot si Vier at nakatitig lamang sa papel at mayamaya'y nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ayaw mo na ba akong makasama?" malungkot na tanong ni Vier. Tila dumoble pa ang pagod nito dahil sa mga narinig mula sa kaniya. 

"Kailan naman tayo nagkasama, Beb?" Natatawang tanong ni Assy kaya napaiwas ng tingin si Vier sa kaniya.

Halos hindi sila nagkasama sa loob ng halos magdalawang taon mula no'ng sila'y ikasal dahil laging nasa labas lang ang mukha ni Vier. Ang alam niya'y gala rito, gala roon ang trip nito. Nagkikita lang sila sa gabi pero saglit lang—tuwing kumakain lamang at magkahiwalay din sila ng kuwarto.

"Hindi ka naman siguro galit 'di ba?" malumanay na tanong ni Vier sa kaniya. 

"Why would I? Of course not!" sagot niya at matamis na ngumiti sa asawa. 

"Pero bakit mayro'n nito?" bumuntonghininga si Vier matapos itanong iyon kaya natawa si Assy. 

"Come on, Beb. You know that it's all started with a game. Ayaw mo no'n? Freedom was yours! Malaya ka na sa akin. Malaya ka nang pumili ng babaeng talagang para sa iyo." Ibinuka ni Assy ang dalawang braso sabay umikot ng marahan na parang isang ballirena.

Napabuntonghininga ulit si Vier saka tumangu-tango. "Okay. I think buo na ang desisyon mo at wala akong magawa para pigilan ka," sagot ni Vier habang minamasdan siya.

Huminto sa pag-ikot si Assy at humarap sa kaniya. "Okay, sign it!" magiliw aniya.

Nakita ni Vier sa kaniya ang kagustuhan makalaya mula sa pagkakatali kaya kinuha nito ang hawak niyang ballpen. Tinitigan muna siya bago ito nagtungo sa mesa at inilapag ang annulment paper. Saglit muna itong tumigil at nilingon siya. Nag-aalangan itong pumirma ngunit kalaunan ay ginawa nito ang nais niya.

"Here." Inabot nito sa kaniya ang papel. 

"Thank you!" Kunwari'y masayang pasalamat ni Assy at niyakap ang lalaki. 

Gumanti ng mahigpit na yakap si Vier na ikinagulat niya. Ngayon niya lang ulit naramdaman ang mahigpit nitong yakap sa halos magdadalawang taon. Gusto niyang maiyak pero pinipigilan lang ang sarili para hindi makita ni Vier ang kaniyang mga luha. 

"You're free now," bulong ni Vier sa tainga niya. Mayro'n sa boses nitong nalulungkot.

Kumalas sila ng yakap at hinarap ang isa't isa. 

"Oh, bakit ka umiyak?" tanong ni Vier ng makita ang isang luha na tumulo sa kanang mata niya.

"Tears of joy?" Natatawa niyang biro at pinahid ang luha. 

"Ganiyan ka ba matuwa?" kakangiwing pang-asar ni Vier sa kaniya kaya hinampas niya ito sa braso. Mayamaya ay pareho silang sumeryoso. 

"I am leaving tomorrow in the morning!" seryoso niyang saad. Natahimik si Vier at hindi agad nakasagot kaya lalo lang siyang nanlumo.

"Bakit agad-agad?" mayamaya'y tanong nito.

"Urgent," tipid niyang sagot.

"Okay," tila lutang na usal ni Vier.

"Papasok na ako sa kuwarto." Paalam niya at tumalikod kay Vier saka humakbang. 

"Assy?" Tawag ni Vier sa kaniya kaya napahinto siya. Mabilis itong lumapit sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit mula sa likuran. "I will miss you. Take care of self always." Kumalas ito't narinig niya ang mga yapag hanggang sa pagsara ng pinto sa kuwarto nito.

Naiwang tulala si Assy na may namumuong luha sa mga mata. Nagmadali siyang pumasok sa kaniyang kuwarto at isinara ang pinto saka nanlulumong sumandal sa likod niyon. Hinayaan niya lang ang sunod-sunod na pagtulo ng kaniyang mga luha at napadausdos siya hanggang sa sahig habang tinakpan ang bibig para hindi marinig sa labas ang kaniyang pag-iyak. Tumatangis at naghihinagpis ang kaniyang puso sa mga oras na ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status