Home / Romance / ANNULMENT / Chapter 7

Share

Chapter 7

Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa.

"Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”

Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone.

"Hello?"

"Beb, pupunta ako riyan ha?"

“Bakit?”

“Makikain ako kaya magluto ka.”

"Hanep makautos ah!"

“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin."

"Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clavier.

“Hi!” bati nito at malaki ang ngisi.

"Ang bilis mo naman! Paano ka nakapasok?" taka niyang tanong.

"Sabi mo 'halika rito'. Tsaka alam ko na password mo `di ba?" nakangiti nitong paliwanag sabay kindat.

Sumiring lang siya. Nasa labas na pala ito no'ng tumawag. Pumasok siya sa kuwarto para magbihis saglit. Paglabas niya'y nasa sofa si Clavier nakaupo habang nakadipa.

"Magluluto muna ako." Dumiretso siya sa kusina.

Sumunod naman si Clavier at naupo itong nangalumbaba na nakatingin sa kaniya. Naglabas siya ng lulutuin mula sa ref matapos isuot ang apron. Beef longganisa at chicken ang inilatag niya sa mesa. Mas madali kasi itong maluluto kaysa preskong karne at gulay. Mas matatagalan silang makakain.

"May lakad ka ba bukas?" biglang tanong ni Clavier.

"Oo," sagot niya.

"Parola sana tayo bukas ng hapon," anito.

"Hindi puwede eh, susunduin ako ni BF," aniya at natahimik ang lalaki. Natapos na lang ang niluluto niya ay nanatiling tahimik si Clavier.

"Ayos ka lang?" tanong niya't umupo sa katabi nitong silya.

"Beb, kung. . . kung hindi ba ako pumirma sa annulment at kung pinigilan ba kita noon ay mananatili ka sa tabi ko?" biglang tanong nito na tulalang nakatitig sa mesa.

"Hmm, siguro," sagot niya at bahagyang ngumiti.

"Hindi na ba puwedeng ibalik ang dati?" muli nitong tanong.

"Kagaya pa rin naman tayo no'ng dati `di ba?" sagot niya at tumingin kay Clavier.

"May deperensya na, eh," anito.

"Beb, gutom lang iyan kaya kumain ka na!" sabi niya. Tumayo siya't kumuha ng plato at kutsara pero saglit siyang natigilan. “May deperinsya nga,” buntonghininga siyang bumalik sa mesa.

"Kain na." Binigyan niya ng plato at kutsara si Clavier.

Banayad na ngumiti si Clavier at nagsandok ng kanin. Napatitig siya rito habang sumusubo ng pagkain. May namumuong emosyon sa loob niya na gustong kumawala.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga saglit sa salas at mayamaya ay tumayo si Clavier.

"Goodnight, beb," paalam nito at binuksan ang pinto saka lumabas.

"Goodnight!" sagot niya at ngumiti.

"One hug please," request nito sabay ibinuka ang dalawang braso.

"Oo na!" Lumapit siya rito at isang mahigpit na yakap ang iginawad ni Clavier sa kaniya.

"Thank you," usal nitong bahagyang humihele.

Hindi siya nagsalita at hinintay na bumitaw si Clavier pero tila wala itong balak kumalas.

"Wala ka bang balak umalis?" natatawa niyang tanong.

"Itinataboy mo na ba ako?" tanong din ni Clavier at lalong humigpit ang yakap.

"Hindi naman pero gabi na kasi at baka inaantok ka na," sagot niya.

"Hindi ako aantukin basta ikaw ang kasama ko," sagot nito kaya napataas ang kilay niya saka lihim na ngumiti.

Mayro'n sa loob niya'ng natuwa. Kumalas na si Clavier at humarap sa kaniya.

"Alis na ako. Mina-magnet mo naman ako eh." natatawa nitong sabi at hinalikan siya sa noo.

"Same old, Clavier," nakangisi niyang sabi. "Umalis ka na o baka gusto mong pumasok ulit?" nakangiwi niyang tanong.

"Puwede?"

"Tse! Uwi!" taboy niya rito at marahan itong itinulak. Tatagal lang ang usapan dahil ayaw naman nitong putulin.

Napangiti siyang pumasok sa kaniyang kwarto. Masaya na siya sa ganito kaysa mawalay sa isa't isa. Ayaw niya nang balikan ang bangungot na alaala nila noon kaya pumasok na siya sa banyo at naligo. Pagkatapos patuyuin ang buhok ay nahiga siya sa kama at niyakap ang penguin.

"Goodnight, penguin," sabi niya't pumikit.

Kinabukasan ay hindi siya pumasok sa office.

Natulog lang siya buong araw at pagsapit ng hapon ay hinanda niya ang sarili. Isang fitted white dress na hanggang tuhod ang isinuot niya at white hills din. Nilagyan niya ng plastic flower ang buhok para pabagay sa kaniyang suot.

Tumunog ang phone niya at binasa ang text ni Troy na nasa labas na raw ito kaya bumaba na rin siya.

"Hi," bati ng nakasabay niya sa elevator.

"Hi," tugon niya.

"Are you alone?" tanong ng lalaki.

"Hindi. Nasa baba ang boyfriend ko," sagot niya at tumahimik naman ang lalaki.

Pagdating sa baba ay naroon na nakaabang si Troy. Suot nito'y itim na tuxedo at may dala itong bulaklak para sa kaniya.

"Let's go!" sabi niya at kaagad naman inalalayang makasakay.

Insaktong alas-siyete ay nakarating sila sa Fiasco residence. Maraming tao sa loan at nakatingin ang mga ito sa kanila. Pinaupo siya sa VIP table na good for two person lang.

"Maiwan muna kita saglit ah," paalam ni Troy.

"Go ahead." Nilibot niya ang paningin sa mga naroon at nakita niya sina Winston, Micmac at Rey. Iniisip niya kung pumunta rin ba si Clavier.

"Beb?" boses mula sa gilid niya. Papalapit sa kaniya si Clavier na guwapong-guwapo sa suot nitong white tuxedo. Talagang magkakulay ang kasuotan nilang dalawa.

"Nandito ka rin pala!" bulalas niya.

"Oo, kasama ko ang barkada," sagot nito.

"I see, nakita ko nga sila," sabi niya.

"Ang ganda mo," puri nito sa kaniya.

"Dati na, thank you!" natatawa niyang sabi.

"Where's your boyfriend?" tanong ni Clavier.

"Nandoon." Itinuro ng nguso niya ang kinaroroonan ni Troy.

"So totoo nga… si Troy ang boyfriend mo?" gulat nitong tanong.

"Yes."

“Hindi ako naniwala no'ng sinabi nina Winston sa akin kanina.”

"Ladies and gentlemen! I would like to thank all of you here now. I appreciate your effort, guys... To my friends, cousin and to my special someone," pagsasalita ni Troy. Tumingin pa ito sa gawi niya.

"Please, join with me, love?" tawag ni Troy sa kaniya.

Tumayo siya at nang lingunin niya si Clavier ay wala na ito. Taka siyang tumitingin sa paligid ngunit hindi niya ito makita. Naglakad na lamang siya papunta kay Troy sa harap ng mga bisita.

"Again, my one and only Zsamssey Zafra," anunsyo nito at naghiyawan ang mga tao sa paligid.

"Kiss! Kiss!" request ng mga ito kaya nahiya siya.

"Kiss daw," bulong ni Troy sa tainga niya.

"Kiss! Kiss!" muling sigaw ng mga tao.

Pilit siyang ngumiti bago hinalikan sa pisngi si Troy.

"Ahh… Sweet!" ugong ng mga tao.

"Okay, that's enough, guys. Let's eat! Enjoy your food!" anunsyo muli ni Troy.

Nilapitan nila bawat table ng mga bisita at personal siyang ipinakilala ni Troy sa mga ito. Huli nilang nilapitan ay ang table nina Winston.

"Dudes!" tawag ni Troy sa kanila.

Nakatingin lang ang tatlo sa kanila hanggang makalapit.

“Nasaan si insan?” tanong ni Troy.

“Nasaan si Clavier, Winston? Bakit hindi ko na siya makita?” tanong din niya.

“You know my cousin?” tanong ni Troy sa kaniya.

“Magpinsan kayo ni Vier?” nagulat siya sa nalaman. Hindi niya aakalain na magpinsan pala ang dalawa. “He's my close friend anyway,” dagdag niya.

“Actually, step-cousin lang.”

Palipat-lipat naman ang tingin ni Winston sa kanilang dalawa ni Troy saka titingin sa dalawang katabi.

“Nagpaalam siyang umuwi dahil masama raw ang pakiramdam,” sagot ni Micmac na nakatitig sa pagkain.

Bigla siyang nag-alala dahil sa sinabi ni Micmac. Kaya siguro bigla na lang itong nawala kanina habang kausap niya.

“Kumain na muna tayo, love.” Hinawakan ni Troy ang kamay niya at bumalik sila sa kanilang lamesa.

Habang kumakain ay naroon naman kay Vier ang isipan niya. Hindi niya maiwasang hindi mag-alala. “Okay lang kaya siya?”

Hindi pa man natapos ang party ay nagpaalam na siyang umuwi. Nag-aliby na lamang siya na inaantok at gusto nang magpahinga. Gusto niya rin i-check si Clavier kung ayos lang ba ito. Sumabay lang siya kina Winston at idinaan sa condo.

“Salamat. Ingat kayo!” tinanaw niya muna ang sinasakyan ng tatlo bago pumasok sa entrance.

Tutungo na sana siya sa elevator nang makita niya si Clavier na nakatayo sa labas ng kabilang daanan. Naglakad ito papunta sa gawi niya habang seryoso ang mukha.

"Beb, okay ka na ba? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?" sunod-sunod niyang tanong.

Hindi ito sumagot at huminto sa harap niya saka mapait na ngumiti. Naglakad ito papunta sa elevator at pumasok kaya dali siyang sumunod.

"Hey, are you oka---'

"Am I?" pambabara nito sa kaniya.

Natigilan siya at hindi nakasagot. Bigla na lang siyang kinabahan dahil sa pagbabago ng pakikitungo nito sa kaniya. Pagbukas ng elevator ay lumabas so Clavier kaya sumunod din siya.

"Sabihin mo sa akin, ano'ng problema?" pangungulit niya habang nakasunod. Nakarating na sila sa harap ng unit ni Clavier pero hindi pa rin ito sumagot.

"Beb, tell me," sabi niya.

"Gusto mong malaman?" tanong ni Clavier at lumapit ito sa kaniya saka ikinulong siya sa dalawang braso nito. Tinitigan siya nito sa matulis na paraan ng pagkatitig.

"B-bakit nga?" kinabahan niyang tanong.

"I'm jealous," sagot nito at agad siyang hinalikan sa labi na ikinagulat niya.

Gumagalaw ang labi nito habang dilat na dilat ang mga mata niya sa gulat. Hindi niya napaghandaan at nanlambot ang mga tuhod niya kaya napahawak siya sa mga braso nito.

Hinawakan siya nito sa batok at hinapit ang kaniyang baywang. Hindi niya namalayang unti-unti na siyang pumikit at gumanti ng halik. Halik na ngayon niya lang natikman. Hindi niya kayang ipaliwanag ang sensasyon na idinulot niyon sa kaniya. Iba sa una nitong damping halik. Si Clavier ang first kiss niya dahil kahit si Troy ay hindi siya nagawang halikan sa labi.

Kusang huminto si Clavier kaya umiwas siya ng tingin. Nanginginig siya bigla sa ginawa nito.

"Fvck!" Mura nito at napasuntok sa pader.

Naglakas loob siyang umalis doon at nagmadaling nagtungo sa elevator. Mabuti na lang at bumukas agad.

"Assy!" tawag ni Clavier sa kaniya pero hindi siya lumingon hanggang sumara ang elevator.

Nagpunas siya ng luha. Hindi niya alam kung para saan ang luhang iyon. Para sa paghalik o para sa 'di maipaliwanag na damdamin?

“Bakit siya umakto ng gano'n? Hindi ko siya maintindihan!” Kagatlabi niyang pinigilan ang paghikbi.

Dumiretso siya sa kaniyang kuwarto. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano kaya pinilit niya ang mga mata na pumikit hanggang nakatulog.

Kinabukasan maaga siyang nagising. Ayaw niyang magkita sila pagbaba niya kaya mas mabuti nang mauna siyang makababa. Masyado pang maaga pagdating niya sa office kaya nagmukmok na lang siya sa sofa habang humihikab.

Naisipan niyang buksan ang laptop at tingnan kung active ba si Moneith. Hindi siya nabigo dahil bago pa man niya napindot ang call button ay naunahan siya nito.

"Hi, babe!" bulalas nito. Nadapa ito sa kama at nakasuot pa ng pantulog.

"Hi," matamlay niyang sagot.

"Kumusta ka na riyan? Miss na kita!" nakangusong anito.

"Okay lang naman. Miss na rin kita, babe," sabi niya na may halong lungkot.

"Don't worry, next week uuwi na ako riyan," masaya nitong pagbalita.

"Talaga? Whoa! I can't wait!" sabi ko.

Para siyang nabuhayan ng dugo. May masasandalan na rin siya sa panahon ng kagipitan. Naalala na naman niya ang nangyari kagabi kaya biglang natahimik siya.

"Oh? What's that face?" tanong ni Moneith.

"Wala," aniya.

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok. Iniisip niya na baka si Melissa ito.

"Pasok," sabi niya.

"Wow ha, reyna lang ang beauty ng peg!" panunukso ni Moneith. “I wonder what makes you so early?” dagdag nito.

Sasagot na sana siya nhunit natigilan nang makitang si Clavier pala ang pumasok. Naupo ito sa kaharap niyang sofa at nagtagpo ang kanilang paningin. Hindi matagalan ang mga titig nito kaya nagbaba siya ng tingin. Hindi tuloy siya maka-concentrate sa pakikipag-usap kay Moneith.

"Hoy! Ano'ng nangyari sa 'yo at natameme ka?" tanong ni Moneith.

Naiinis siya dahil maririnig ni Clavier lahat ng usapan nila ni Moneith lalo't malakas ang speaker nito.

"Ha? Ahh wala. Ano nga ba iyong sinabi ko?" balik tanong niya rito. Ngunit ang mga mata ay nakamasid kay Clavier.

"Ikaw ha... iba 'yan eh. Patingin nga kung sino iyang bisita mo?" sabi ni Moneith at pinandilatan niya naman ito.

"Aba... Mas lalo akong na-curious!" sabi nito na parang kinikilig.

"Hoy! Umayos ka!" mahina niyang asik at nang tiningnan si Clavier ay nasa may aquarium na ito nakatingin.

"Sino nga iyan!" pangungulit ni Moneith.

"Oh!" Umirap siya bago hinarap saglit kay Clavier ang laptop para matahimik na ito.

"Oh my! Hello, Clavier!" tawag nito sa lalaki.

"Hi." Kumaway si Clavier at ngumiti.

"My gosh! Sobrang guwapo mo lalo ngayon ah!" si Moneith.

Napangiwi siya habang nakinig at nag-iwas agad ng tingin nang magtama ang paningin nila ni Clavier. Ibinalik niya sa harapan ang laptop at ngingiti-ngiti naman si Moneith.

"Beb, I'm sorry for what happened last night..." Biglang sabi ni Clavier.

Hindi siya makatingin kay Clavier dahil nahihiya pa rin siya sa nangyari. Ayos lang naman sana ang ginawang paghalik nito sa kaniya, pero ang ikanahiya niya ay ang pagganti ng halik sa lalaki.

"Ehem!" pagtikhim ni Moneith.

Nakalimutan niyang nasa laptop pa pala ang best friend niya.

"Mamaya na lang ulit tayo mag-usap, babe, ha. Aasikasuhin ko mun---" Natigilan siya sa pagsasalita nang tumabi sa kaniya si Clavier.

"Oh my," mahinang usal ni Moneith sabay takip ng bibig.

"A-Anong ginagawa mo?" mahina niyang tanong kay Clavier.

"Sorry na," nakanguso nitong sabi at hindi lumabay ng tingin.

"Ano'ng atraso niyan at kanina pa iyan nag-sorry sa iyo?" tanong ni Moneith.

“I ki---” Kaagad niyang tinakpan ang bibig ni Clavier. Talagang hindi ito mahihiyang aminin ang ginawa.

"Beb, huwag masyadong madaldal okay?" sabi niya at tumango naman agad si Clavier.

"Good boy!" Binitawan niya ang bibig nito saka humarap sa laptop. Pagtingin niya kay Moneith ay hawak na nito ang dalawang pisngi at nakatukod ang dalawang siko sa kama. Para bang nanuod ng teleserye.

"Babe, I'll call you later, okay? Bye!" Dali niyang pinatay ang tawag at tiniklop ang laptop.

Tumayo siya ngunit kaagad siyang hinablot ni Clavier at pinaupo sa kandungan nito. Sa gulat at magkahalong hiya ay hindi siya nakaimik kaagad.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status