Chapter: Chapter 9.2Maagang pumunta si Ashley sa Fiasco Residence pero napag-alaman niyang maagang umalis si Troy. Pinuntahan niya sa opisina ngunit hindi pa pumaroon ang binata ayon sa bodyguard at sekretarya nito. Naiinis siya at hindi alam kung saan pupuntahan si Troy. Tinawagan niya pero hindi sumasagot.Buntonghininga siya't muling nagmaneho. Kailangan niyang makausap si Troy patungkol kay Zsammsey at nang hindi ito maging hadlang sa mga pinaplano niya.Nagpunta siya sa Southville para doon magtanong sa tatlong magkaibigan. Pagkarating niya sa tambayan ay natuwa siya nang makita ang sasakyan ni Troy sa labas. Nagmadali siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok sa tambayan. Libre siyang nakapasok dahil iniwang nakabukas ang pinto.Dumiretso siya sa hagdan dahil posibleng nasa itaas ang mga ito at hindi siya nagkamali. Tila ba alam ng mga ito na parating siya dahil pare-parehong nakatingin sa gawi niya ang apat."Hi boys!" bati niya sa apat. Kumakain ang mga ito at para bang bigla na lang nawala s
Huling Na-update: 2022-11-02
Chapter: Chapter 9.1Sinundan ng tingin ni Troy sina Clavier at Zsammsey na lumabas ng pinto. Bumuga siya ng malalim na hininga at tumingala sa kesama upang pakalmahin ang sarili. Kung wala lang sana si Zsammsey sa kuwartong ito ay malamang lumipad na ang kamao niya sa mukha ni Clavier. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Kahit pa makikiusap siya't magmamakaawa sa harap ng lalaki ay tila walang balak itong layuan ang kaniyang girlfriend. Bagay na pinakaayaw niya sa lahat ay iyong dinidikitan ng ibang lalaki ang babaeng lahat para sa kaniya at kabilang na roon si Clavier.Hinintay niyang maisara ni Zsammsey ang pinto kaya ibinaling niya sa kabuuan ng unit ang kaniyang paningin.Maganda at napakahusay ng pagka-design. Malawak ang living room at nasa gitna ang malalambot na set ng kremang sofa at sa ibabaw ay mamahaling chandelier. Sa pader ay nakadikit ang malaking picture frame ng mala-Diyosang litrato ni Zsammsey.Umupo sa kabilang sofa si Zsammsey katapat sa inuupuan niya at tahimik lang ito."Mad
Huling Na-update: 2022-11-02
Chapter: Chapter 8Hinatak ni Clavier si Assy at pinaupo sa kandungan niya. Bahagyang nanigas ang babae at hindi nakapagsalita. Tiningala niya ito at inipit sa tainga ang ilang hibla ng buhok."Sorry na," paghingi niya ng tawad sa ginawa noong huling gabi. "Nadala lang ako sa selos kaya ko nagawa iyon," dagdag niya't bumuntonghininga."Bakit ka naman magseselos? Wala namang tayo?" tanong nito.Para siyang sinampal ng katotohanan na iyon. "Iyon na nga ang masakit, eh. Walang tayo pero nagseselos ako, kahit wala akong karapatan sa iyo." Malungkot niyang isinandal sa balikat ni Assy ang kaniyang mukha. Sa puntong ito talaga siya matatalo. Iyong ipamukha sa kaniya na wala siyang karapatan. Pero ayos lang sa kaniya. Titiisin niya kahit masakit dahil siya rin naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon."P-Pasensya sa sinabi ko," paumanhin ni Assy."I deserved it," bulong niyang nanatili pa rin sa posisyon.Saglit na katahimikan ang namutawi bago nagsalita si Assy.“Salamat nga pala sa mga bulaklak at don
Huling Na-update: 2022-11-01
Chapter: Chapter 7Naglalakad si Assy papunta sa unit niya at malayo pa lang ay tumigil siya nang matanaw ang bulaklak at cartoon ng donuts. Halos araw-araw siyang nakatanggap ng ganito at may kutob na siya kung sino ang taong nasa likod nito. Nagpatuloy siyang naglakad hanggang marating ang harap ng pinto at binuksan. Pinulot niya isa-isa ang mga iyon at dinala sa loob. Napangiti siya habang nilapag iyon sa mesa at inamoy ang preskong rosas. Napansin niya ang nakaipit na card kaya kinuha niya ito at binasa."Mr. Ryt?" pagbasa niya at tumaas ang kilay, “Hindi ba niya alam ang salitang wrong spelling, wrong feeling?”Nilagay na lamang niya ang mga rosas sa flower vase at pagkatapos ay saktong tumunog ang kaniyang cellphone."Hello?""Beb, pupunta ako riyan ha?"“Bakit?”“Makikain ako kaya magluto ka.”"Hanep makautos ah!"“Ayaw mo? Hindi kita pipilitin.""Oo na! Oo na! Halika rito." Ibinaba niya ang cellphone. “Kahit kailan ang lalaking `to!”Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Clav
Huling Na-update: 2022-10-29
Chapter: Chapter 6 part 2Seryoso ang mukha ni Troy na sinusundan ng tingin si Clavier habang palabas ito ng coffee shop. Ngumisi pa siya bago bumaling sa tatlo.“As if naman na gusto kong nandito siya? Mas mabuti na rin na umalis agad siya!” mahina niyang sabi. Alam naman niyang ayaw ni Clavier sa kaniya dati pa at wala rin siyang balak na makipag-close dito. Mabuti pa itong tatlo, dahil unang pakikipag-usap niya sa mga ito noon ay magandang loob ang ipinapakita sa kaniya. Agad niyang nakasundo ang mga ito hanggang naging magkaibigan sila.Hindi nagsalita ang tatlo at nagtinginan lamang ang mga ito, habang si Winston ay nakatingin pa rin kay Clavier sa labas. Mayamaya ay tumayo si Winston. “Ah, Troy, sa tingin ko'y kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin pa kasi ako, eh,” paalam nito.“Ako rin.” Tumayo si Rey.“Ako rin.” Sunod na tumayo si Micmac.“Pakisabi kay Sam na nauna kami, ha. Ingat kayo.” Naunang umalis si Winston at kaagad bumuntot sina Micmac at Rey.Naiwang nagtataka si Troy dahil sa inasta ng t
Huling Na-update: 2022-10-27
Chapter: Chapter 6 part 1Abala si Clavier sa pagbabasa ng report na binigay ni Rowena kanina lang at hindi hadlang ang kumatok upang matigil ang ginagawa niya."Come in!" sagot niya at binuklat ang sunod na pahina. Bumukas ang pinto at hindi man lang niya nilingon ang taong pumasok."Beb…"Napahinto siya sa pagbabasa nang marinig ang boses ni Assy. Na-miss niya ito kahit na nagkakasabay sila mula sa condo papunta rito sa office. Hindi na siya nagsalita pa kanina dahil ayaw niyang makarinig ng negative words from her."May kailangan ka?" tanong niyang nanatili sa binabasa ang paningin. Pansin niyang lumapit ito sa mesa niya at naglapag ng plastic. “Ano iyan?” "Pagkain. Mag-lunch muna tayo," sagot nito.Tumingin siya sa wristwatch at lampas na 12nn. Hindi niya napansin ang oras dahil sa kagustuhang tapusin muna ang binabasang report. Bumuntonghininga siya bago tiniklop ang white folder at pinasok sa drawer."Galit ka pa ba?" mahinang tanong ni Assy. “Sorry kanina,” dagdag nito.Hindi agad siya sumagot at tini
Huling Na-update: 2022-10-27