MJ grew up in a poor family, no matter how hard life was. She pushes to finish her study. She decided to have a part-time job, and even do her classmate's project. Janna is her friend who helps her to work in a CEO's house where the sufferings begin.
View MoreSa pangyayaring ito ay badshot na si Mj kay Mica. Pag-alis ni Mica sa silid ni Scott dumiretso ito sa hardin kung saan laging naroon sina Madame Maia at Don Rodrigo. Lagi nandito ang mag-asawa upang mag pahangin. Pag tungo ni Mica doon ay natagpuan nga niya ang mag-asawa. Nag-i spray ng halaman niyang Variagate Monstera Deliciosa si Madame habang si Don Rodrigo naman ay nagbabasa ng magazine. "Tita can we talk?" anito sa matanda Ngumiti lang naman ang matanda at lumapit ang dalaga sa kanya. Isinalaysay nito ang nakita nadatnan nito sa kuwarto ni Scott. Anito nagkaka mabutihan na ang dalawa dahil kay Mj. Si Mj ang pilit lumalapit sa binata. Hindi naman maiwasan sa mukha ng matanda ang mainis kay Mj. Ngunit si Don Rodrigo naman ay walang pakialam sa dalawang nag-uusap. Matapos mag-usap ang dalawa ay umalis na ang dalaga. "Wag ka nang mag-alala Hija ako na ang bahala" ani Madame sa papaalis na dalaga. Ngumiti naman ang dalaga habang ito ay humahakbang papalayo sa kinaroroonan
Maaga gumayak si Mj para mag linis sa kuwarto ni Scott. Ngunit late na sila naka tulog kagabi kaya nagdadalawang isip ito na baka tulog pa ang binata. Pag katok nito sa pintuan. Tok! Tok! Tok! Walang sumasagot. Dinikit nito ang tenga sa pinto at pinakinggan kung may maririning na ingay mula sa loob. Ngunit wala siyang madinig. Pag labas naman ni Madame Maia ng kuwarto nakita niya si Mj sa pinto. "Anong ginagawa mo diyan?" anito "A-ah eh, iniisip ko po kasi baka tulog pa si Sir Scott sa loob kaya nahihiya ako pumasok bigla. Wala kase sumagot sa pag knock ko" pag dadahilan ni Mj "Wala na siya diyan maaga siya lumalabas pag walang pasok para mag jogging" ani Madame na may halong pag susungit Tumango lang naman si Mj kay Madame bilang pag galang dito saka tumalikod ito ng makitang lumakad na papalayo ang amo sa kinaroroonan niya. Binuksan na niya ang kuwarto saka siya pumasok hila-hila ang vacuum cleaner at dalang pamunas. Wala nga ang kanyang boss dito. Hinawi niya ang kurtina upa
Dali daling pumasok si Mj sa silid dahil ilang minuto na itong late, nag sisimula na ang klase. "Bakit ba naman kase ganito kahirap sumakay sa Maynila ang aga aga kong pumasok tapos na late pa rin ako dahil sa traffic" pagsisisi ni Mj sa traffic dahil nahuli ito ng limang minuto. Hindi nya tuloy naumpisahan ang klase. Ilang buwan na ring ganito ang problema ni Mj sa pag pasok. Kahit maaga na siyang umalis mula sa opisina nahuhuli pa rin siya dumating sa eskwela. "Oy Mj bukas kailangan natin gawin ang thesis makakapunta ka ba?" tanong ni Bryan ang bading nitong kaibigan sa eskwela "Pwede bang sabado na lang, may pasok kase ako Monday hanggang Friday, kahit ako na lang ang gagawa ng kailangan gawin" pag dadahilan ni Mj na parang nagmamakaawa ang mata nito. "Ay yon naman pala eh" sabay napa palakpak ang kaibigan sa narinig na ito mula kay Mj Tuwang tuwa sila dahil hindi na sila mahihirapan mag isip pa, si Mj na ang bahala gumawa ng lahat. Gaya ng dati siya din ang gumagawa ng home w
Maaga noon gumayak si Mj. Dumaan saglit sa kusina para kumustahin si Aling Loring. Hindi na sila madalas makapag kwentuhan dahil busy na siya sa kanyang trabaho madalas maaga siya umalis para pumasok, paguwi naman sa gabi tulog na ang matanda pagdating niya. Kaya sinadya niya ito para makumusta. Sakto nandoon na si Aling Loring sa kusina ginagayak ang pagkain para pang agahan ng pamilya. "Wah!" gulat ni Mj kay Aling Loring "Ay ano ka bang bata ka!" parang tumalon ang puso ni ALing Loring ng bahagya sa ginaa ni Mj Napatawa ng malakas ang dalaga sabay yakap kay Aling Loring. Namiss niya ang tinuturing niyang ina sa mansion. Ang tagal din nila hindi nagkita. Kaya naman ang yakap nito ay parang niyayakap ang kanyang ina. "Naku ang batang ito napaka pasaway" habang ginugulo naman ang buhok ni Mj Samantala nakita naman ni Scott ang ginawang ito ni Mj kay Aling Loring, papasok sana siya sa kusina upang mag agahan ng makita niya dito si Mj na wari'y nag lalambing sa kanyang Ina si Al
Hindi makatulog si Scott, naalala niya ang maamong mukha ni Mj at ang amoy ng hininga nito na tila naaadik siya. Hindi maaari ito, kontra ng isip niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng ito. Nais na niyang matulog ngunit hindi siya makatulog pilit sumisiksik sa isip niya ang mga pangyayari simula ng may naramdaman siyang kakaiba mula kay Mj. Samantala nag play naman si Scott ng deep pusic sleep upang dalawin siya ng antok. Subalit mukhang hindi pa rin effecive sa kanya ito. Umaga na gising pa rin siya. Kaya naman gumayak na lang ito at pumasok na sa opisina. Kahit na masakit ang ulo ni Mj dahil sa nangyaring celebration kagabi ay maaga pa rin gumising ito at pumasok ng opisina. At nag tungo ng cafeteria para mag agahan. Habang nag iisa siya sa table dumating naman ang mga kasama niya sa opisina at sinamahan ito sa pagkaen. Masayang nag kukwentuhan ang mga ito hanggang dumating si Scott para mag coffee. Tumahimik naman sila ng makita ito. Napatingin naman si Mj at inalam ku
Hindi makatulog si Mj dahil sa nangyari, sobrang kaba ng dibdib niya. Hindi ito maaaring mangyari na magka gusto siya sa kanyang boss. May iba itong gusto, isa pa malaking malaki ang pagkakaiba nila. Parang langit at lupa silang dalawa. Kaya mas minabuti ni Mj na wag pansinin ang nararamdaman niya. Dahil makakasama lang ito sa kanya kung seseryosohin niya. Kinaumagahan matapos ang pangyayari kagabe. Si Scott ay patungo sa kusina upang mag-agahan bago pumasok samantalang si Mj ay maagang umalis papuntang opisina. Gaya ng dati ayaw ni Mj na may masasabi ang ibang tao sa kanya lalong lalo na ang mga boss niya higit sa lahat si Scott. Samantala pag dating ni Scott sa opisina kaagad hinanap ng kanyang mata si Mj sa pwesto nito subalit wala siya dito. "Malamang ay nasa cafeteria siya" ani Scott sa sarili Dahil naka gawian na ni Scott magtungo sa cafeteria tuwing umaga para bumili ng kape ay nagtungo nga ito. Hindi nga siya nag kamali nandoon si Mj. Subalit habang nasa cashier si Scott
Last Year na ni Mj sa College, sa wakas malapit na ang araw na pinaka hihintay niya. Katunayan nga excited na siya ma-meet ang bago niyang classmates, ilang araw na lang iyon ay mangyayari na. Maiging abala na din siya sa school habang nagta trabaho. Pang night classes ang pinili niyang schedule, yun ay para makapa pasok pa siya sa opisina at maka sweldo kasabay ng pag-aaral niya. Kayod marino si Mj, wala siyang sasayangin na oras at panahon. Samantala, abala ang opisina sa pag hahanda para sa launching ng new product ng kumpanya kinabukasan. Kaliwa't kanan din ang meeting ni Scott kaya't busy din si Mj. Excited ang lahat sa big event na ito. Ito rin ang araw na pinakahihintay ni Mica, dahil nais niyang mapansin siyang muli ng dating nobyo. Tok! Tok! Pumasok ang isang magandang dilag sabay ng pag bukas ng pinto. Si Mj ang unang nakita ni Mica sapagkat siya nga ang pumalit na sekretarya ni Scott. Ang table ng sekretarya ni Scott ay may table bago makapasok sa kanyang opisina. Mukh
Sa palapit na palapit ng araw ng pasukan hindi pa rin napapag desisyunan ni Mj kung uuwi na ba siya ng probinsya o sa Siyudad na niya ipag papatuloy ang pag-aaral. Habang tumatagal ang panahon mas nagiging praktikal siya sa buhay. Ngunit mas iniisip niya pa rin iba ang naka tapos ng pag-aaral. Umaga noon, hinanap ni Mang Vien si Mj. Pinahahanap ni Scott si Mj kay Mang Vien sa hindi rin alam na dahilan. "Mj kung wala kang ginagawa ay nais kang makausap ni Sir Scott bago siya pumasok sa opisina" ani Mang Vien Hinihintay ni Scott si Mj sa kotse. Sumenyas lang si Mang Vien na nasa loob ng kotse si Scott. Kumatok si Mj sa bintana ng sasakyan, binaba naman ni Scott ang bintana at pinapasok si Mj. "Maganda Umaga po Sir, pinatatawa niyo daw po ako" ani Mj "Oo, gusto ko sana alukin ka ng trabaho kung mamarapatin mo" ani Scott Inalok nga ni Scott ng trabaho si Mj sapagkat si Zia ay nag file ng Maternity Leave. Nais niyang si Mj ang pumalit kay Zia habang wala ang kanyang sekretary
Bago bumalik ng mansion si Mj napag pasyahan niya na maglakad lakad muna. Pinag mamasdan ang ganda ng siyudad. Matataas na gusali, maraming sasakyan at mga taong abala sa paroo't parito sa daan. Habang nag lalakad lakad si Mj maraming pumapasok sa isip niya. "Kung dito ako mag-aaral tama mapag sasabay ko ang trabaho at pag-aaral" isip nito "Subalit papayag kaya si sir Scott na magiging hati ang oras ko sa pag-aaral at trabaho?" dagdag pa sa isip nito "Kunsabagay mas makakapag focus ako sa pag-aaral kung sa probinsya ako, subalit may scholarship man ako ay hindi ito sasapat para sa pang araw-araw namin gastusin ng mga kapatid ko" daming gumugulo sa isip niya "Kung sana mayaman lang kami gaya nila sir Scott. Ma'am Mica" inggit sa isip nito Naalala tuloy nito ang kanyang mga magulang, nag luluto ng paninda ang nanay nitong Bananacue at kung anong pwedeng ibenta sa school nila para lang may pang baon sila. Samantala ang tatay niya ay nag sasaka, nakikisaka ito sa lupa ng kanyang ti
Nasa 3rd Year College noon si Mj sa kursong Business Management ng mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Mag kasabay na nawala ang magulang, kaya naman hirap siya itaguyod ang pamilya. Isang taon na lang at makakatapos na siya. Meron siyang dalawang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa elementarya at Highschool. Siya na ang tumatayong bread winner ng pamilya. Nag-aaral siya habang nag ta-trabaho sa isang karinderya sa malapit lang sa Baranggay nila. Hirap man sa buhay ay sinisikap niya dahil siya na lang ang inaasahan ng kanyang mga kapatid. Si Nicole ang sumunod sa kanya na matatapos na sa high school. At si Jepoy naman malapit na rin tumungtong ng high school. Kaya doble kayod ito para mapag tapos lang ang mga kapatid niya. Dahil nga sa hirap ng buhay at liit ng sweldo na natatanggap niya sa pag titinda. Nag pasya si Mj pumunta ng Siyudad para duon mag trabaho, bakasyon noon at walang pasok. Sinabi kase ng kaibigan niyang si Janna nag hahanap ng kasambahay ang amo ng...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments