Nasa 3rd Year College noon si Mj sa kursong Business Management ng mamatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Mag kasabay na nawala ang magulang, kaya naman hirap siya itaguyod ang pamilya. Isang taon na lang at makakatapos na siya. Meron siyang dalawang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa elementarya at Highschool. Siya na ang tumatayong bread winner ng pamilya. Nag-aaral siya habang nag ta-trabaho sa isang karinderya sa malapit lang sa Baranggay nila. Hirap man sa buhay ay sinisikap niya dahil siya na lang ang inaasahan ng kanyang mga kapatid.
Si Nicole ang sumunod sa kanya na matatapos na sa high school. At si Jepoy naman malapit na rin tumungtong ng high school. Kaya doble kayod ito para mapag tapos lang ang mga kapatid niya. Dahil nga sa hirap ng buhay at liit ng sweldo na natatanggap niya sa pag titinda. Nag pasya si Mj pumunta ng Siyudad para duon mag trabaho, bakasyon noon at walang pasok. Sinabi kase ng kaibigan niyang si Janna nag hahanap ng kasambahay ang amo ng kanyang nanay. Tiga asikaso naman sa kusina ang ina ni Janna sa bahay na papasukan niya.
"Friend, wag ka mag papagutom dun ha" banggit ni Janna
"Nandun naman si Nanay makakasama mo lagi, para may maka usap usap ka kung nalulungkot ka" dagdag panito
"Oo naman, kailangan ko yun gawin para sa mga kapatid ko" sagot ni Mj sabay yakap nito sa kaibigan.
Samantala binilin ni Mj ang mga kapatid sa kanyang tita Lita. Nahihirapan man umalis ay kailangan gawin para masuportahan ang pag-aaral at pangangailangan nilang mag kakapatid. Titiisin niya ang lahat para lamang mapunan ang lahat ng pangangailangan ng mga ito dahil mahal na mahal niya ang kanyang mga kapatid.
"Tita ikaw na muna po bahala sa mga kapatid ko, magpapa dala po ako ng pera tuwing sahod ko at tatawag na din po ako tuwing day off ko" ani Mj
"Eh ikaw ba balak mo pa tapusin ang pag-aaral mo? Isang taon na lang tapos ka na Mj. Bakit hindi mo na lang hintayin makatapos ka bago ka lumayo sa mga kapatid mo?" bigkas ng tita Lita nito
"Kulang na po kase ang sweldo ko sa pagiging tindera para sa pangangailangan ng mga kapatid ko malapit na din mag College si Nicole si Jepoy naman malapit na rin mag high school" sagot ni Mj
"Tapos ako pa graduating na po, konting tiis na lang naman po makakaraos na din ako sa pag-aaral ko, makakapag hanap na rin ako ng trabaho na gusto ko" dagdag pa nito
"Oh siya sige, basta mag-iingat ka dun ha, wag ka gagala gala dun baka maligaw ka" ani tita Lita
"Hindi po tita, sa bahay lang po ako" sagot nito.
"Ate mag-ingat ka dun ha, wag mo kalilimutan tumawag lagi" ani Jepoy, ang bunsong kapatid nito, sabay yakap sa kanyang ate.
May bahay naman sila Mj, yun lang ang naiwan ng mga magulang niya sa kanila. Mabuti na lang at hindi sila nangungupahan pa dahil isa pa rin yun sa iisipin niya kapag nagka taon.
"Uuwi naman ako kapag may mahabang bakasyon at papayagan ako ng magiging amo ko" bigkas ni Mj sa kapatid.
"Oh ikaw Nicole, wag mo pababayaan si Jepoy ha! kapag may assignment siya tutulungan mo ang akapatid mo. Huwag mo din hahayaan lumalim ang gabi na hindi pa siya nakakauwi"
"Oo ate" sagot ang ni Nicole
Naka alis nga papuntang Siyudad si Mj. Mga walong oras din ang binyahe nila bago nakarating. Dahil ngayon lang ito naka labas ng probinsya, manghang mangha ito sa matataas na building na nakikita nito.
"Ganda po talaga dito sa Maynila ano tita Loring" manghang sabi ni Mj
"Oo, magaganda talaga ang mga building dito lalo na kapag gabi" ani Aling Loring
Pagdating nila ay sinalubong sila ni Mang Vien, ang driver ng pamilya. Pinakilala ni Aling Lita si Mj kay Mang Vien.
"Manong Vien, si Mj po ang magiging yaya ni Sir Scott" pagpapakilala ni Aling Lita.
"Magandang araw Mj, halika at ipakilala kita kina Madame at Sir sa hardin" bigkas ni Mang Vien
Namangha si Mj sa laki ng bahay ng amo niya. Noon lang siya naka kita ng halos kasinlaki ng bahay nila ang kusina dito.
Pag dating sa hardin, namamahinga at nagkakape ang mag asawang si Sir Rodrigo at Madame Maia.
"Mukhang istrikto naman sila" sa isip niya
"Maganda araw po Sir Rodrigo at Madame Maia, siya po pala si Mj magiging Yaya ni Sir Scott" pag papakilala ni Mang Vien
Tumingin si Madame Maia mula ulo hanggang paa "mapag kakatiwalaan ba yang nahanap ni Loring?" istriktang tanong nito
"Ano ka ba naman Maia, di ka na nahiya sa sinasabi mo kararating lang ng tao ganyan agad sinasabi mo" sabi ni Rodrigo
"Maganda araw po, ako nga po pala si Mj, kaibigan ko po ang anak ni Aling Loring na siyang nagpasok sa akin dito" pag galang ng dalaga.
"Magandang araw din naman Hija" sagot ni Don Rodrigo
"Oh sige na Mang Vien dalhin mo na siya sa magigign kwarto niya, ipaliwanag mo na din kung ano ang trabaho niya dito" ani Rodrigo
"Sige po Sir" sagot ni Mang Vien
"Ano ba naman tong matandang to napaka sungit, ganito ba talaga pag mayayaman?" tanong sa isip ni Mj.
Matapos ipakita ni Mang Vien ang magiging quarter ni Mj pinag pahinga na muna niya ito.
"Oh Mj, mag pahinga ka na muna bukas ka na daw mag sisimula" sabe ni Mang Vien
Pagkatapos ipakilala ni Mang Vien si Mj sa mag-asawang Rodrigo at Maia ay hinatid na nga niya ito sa kanyang magiging quarter. Pinagpahinga niya na muna ito dahil bukas pa naman ang simula ng kanyang trabaho. Matapos mai paliwanag ni Mang Vien ang lahat ay umalis na ito at hinayaan na niya muna si Mj mag pahinga. Ngunit hindi pa nito napakilala kay Mj ang magiging amo niya, si Scott. Si Scott ay bunsong anak nina Rodrigo at Maia. Nakapag tapos sa abroad, matalino. Kaya naman ito ang nag papatakbo ng kanilang negosyo sa Maynila. At si Sunny ang kaniyang ate, tatlong taon ang agwat ng dalawa. Nakapag tapos din sa abroad, ngunit iba ang ugali nila. Si Sunny naman ang nagpapa takbo ng negosyo nila sa mga probinsya. Sa hindi pag papakilala ni Mang Vien at Aling Loring kay Mj malamang ang magiging impression nito Scott ay masungit. Dahil seryoso ito sa buhay, sa trabaho lang ang oras niya. Walang sinasayang na oras, malinis. Ayaw nito ang burara sa mga gamit lalo na sa kwarto at opisina niya. Ayaw niya ang maalikabok na mesa, maging ang sahig na may pakalat kalat. Naka organize ang gamit nito mula sa table hanggang sa mga shelve nito.
Umaga ng Lunes, maagang nagising ang mga kasambahay sa Mansion. "Mj, Mj" pag gising ni Aling Loring kay Mj "Bumangon ka na diyan at maaga gumagayak si Sir Scott papuntang oposina niya" "Opo, Opo hindi ko namalayan tanghali na pala" sagot ni Mj sa pag mamadali sa pagbangon. Pagka gayak ay lumabas na din agad ito papunta sa kusina dahil nandoon ang pamilya kumakain. Nakatayo sila sa likod ng mesa, naghihintay matapos sa pagkain ang mga amo. "Ito na kaya si Sir Scott?" tanong sa isip ni Mj "Ang gwapo naman pala niya, napakalinis sa katawan, mukhang ang bango bango" kilig na naramdaman nito Habang may mga tanong sa isip ni Mj, hindi niya namalayan na tinatawag siya ni Scott. Siniko siya ni Aling Loring na kinagulat naman nito. "Anong pangalan ba niya?", tanong ni Scott na tinutukoy si Mj nakatingin sa kanya. "Mj po sir" sagot naman ni Aling Loring sabay siko kay Mj "Yes po sir? Mj po ang pangalan ko" sagot nito"Bakit naman parang ang lalim ng iniisip kase ni Mj" tanong ni D
Si Scott ay isang Ceo sa kanilang kumpanya sa Maynila. Isa sila sa mayaman sa bansa, may mga negosyo sa iba't ibang lugar. Kilala ang kanilang pamilya "Pamilya Hernandez", maging sa karatig bansa ng Pilipinas ay kilala sila dahil sa mga karangalan na binigay ni Scott sa pamilya nito at maging sa mga naging eskwelahan niya. Sa kanila ang Samsung Philippines kaya naman kilalang kilala siya ng mga artista, maging ng mga endorsers at mga sikat na model. Abala ang araw ni Scott, pagod ito sa trabaho matapos siyang umattend ng limang meeting sa isang araw. Nakipag meet din siya sa magiging model ng bagong unit na i-launch nila ngayon taon. Mapili siya sa mga nagiging modelo ng kanilang produkto. Ayaw ng basta bastang modelo lang. Pihikan sa gamit pihikan din sa tao. Tok! Tok! "Sir, mauuna na po ako" sabi ng secretary ni Scott"Oh, yes go ahead. I will finish this work, then will go home na din" sagot ni ScottWalang sinasayang na araw, walang sinasayang na oras. Matapos nga ang trabaho
Pangalawang araw ng trabaho ni Mj sa mansion. Gusto niya maging maayos ang pag tingin ng mga amo niya sa kanya. Kaya pag bubutihin niya ang trabaho. Pababa ng kwarto si Scott halos nagka sabay sila papunta ng kusina para mag-agahan ang pamilya. "Good Morning Sir" pag bati ni Mj Scott smiled. Biglang may kilig na naramdaman si Mj dahil first time niya nakita ang Boss niya na ngumiti. Unang araw niya kase masungit ang pag salubong sa kanya. Dumiretso na nga sila sa dining, nandoon na rin ang mag-asawang Maia at Rodrigo."Good Morning Sir" bati ng mga kasambahaySamantala habang kumakaen ng agahan pamilya ay nabanggit ni Madame Maia na parating ang kapatid ni Scott na Sunny bukas ng gabi. Galing ito sa ibang bansa umattend ng business meeting. Pinaalam niya sa mga kasambahay para makapag linis sa kwarto nito. "Scott how was the meeting with the models?" tanong ni Maia kay Scott"It went well Ma! Medyo tiring ang araw ko kahapon but everything is ok. We just need to finalize the dat
Panibagong araw, panibagong buhay, pag-asa at hinaharap para kay Mj. Ilang lingo na nga rin simula ng makapasok siya sa mansion ng mga Miller. Subalit nalalapit na rin ang araw ng pasukan nila sa probinsya. Naiisp niya tuloy kung itutuloy niya ba ang pag-aaral doon or hihinto na lang siya para mag-trabaho. Subalit ano ba ang mangyayari sa kanila ng mga kapatid niya kung hindi siya mag tatapos ng pag-aaral. Hindi rin gugustuhin ng mga magulang niya na huminto siya ng pag-aaral kung nabubuhay pa ang mga ito. Matinding pag-iisip at desisyon ang gagawin ni Mj para dito. Nakasalalay ang pangarap ng mga kapatid niya sa kanya at syempre nasa kamay niya din kung magiging maganda ang buhay dahil siya ay nakapag tapos. Samantala pinag-iisipan niya na rin kung maaari bang siya lumipat ng school na lang habang nagta trabaho kasabay ng pag pasok sa school para hindi na siya lumayo at maghanap na naman ng panibagong trabaho sa probinsya. Umaga noon, nag-aagahan ang pamilya. Kumpleto sila ngayon dah
Umaga noon sa mansion, pinatawag ni Don Rodrigo si Scott kay Mj para mag agahan. Na agad naman sinunod ni Mj. Tok! Tok! "Good morning sir" "Pinatatawag na po kayo sa baba" ani Mj "Nandoon na din ba si Mica?" tanong ni Scott kay Mj "Wala pa po sila kanina pag akyat ko dito, pero baka po pinatawag na din sila" sagot nito "Ah ok, sige susunod na lang ako salamat" sabi ni Scott Matapos lumabas ni Mj, gumayak na si Scott. Inayos ang sarili, nag spray ng pabango. Ayaw niya na talaga sana magkita pa sila dahil nahihiya na ito sa dating kasintahan. Subalit pinag tatagpo pa rin sila ng tadhana, marahil gusto ng bawat pamilya nila na sila ang magka tuluyan. Pabalik balik ito sa salamin at tinitignan ang sarili kung ok na ba ang kanyang itsura. Ilang minuto lang at nasa dining na rin si Scott. Hindi nga siya nag kamali nandun din si Mica. Subalit si Mica mukhang natunganga sa kagwapuhan ni Scott. Ngayon niya lang ulit ito nakita matapos nilang mag hiwalay noon. Subalit parang nag blus
Samantala ilang araw na lang launching na ng bagong unit nina Scott. Hindi pa rin siya nakaka pili ng model para dito. Kaya naman parang nag dadalawang isip tuloy siya kung kukunin niya a ulit model si Mica. Nasa isip na niya ito, nagdadalawang isip pa rin ito dahil nahihiya na siya kay Mica sa nangyari sa kanilang relasyon. Subalit, "Hindi naman siguro siya mag iisip ng kung ano dahil trabaho naman ang iooffer ko sa kanya" sabi sa isip ni Scott "Pero baka kung ano naman ang isipin ng mga tao kung siya ulit ang kukunin na modelo ng kumpanya" kontra naman ng kabilang isip niya. Iniiwasan niya din kase ang media, alam ng tao na wala na sila. Nagkaroon na kase ng mga haka-haka ang tao sa pag hihiwalay nila noon. Ayaw na niyang dagdagan pa ang isip niya sa problema sa trabaho at sa personal na buhay niya. "Haist mas maganda naman kung si Mica dahil ang lakas ng sales nila noon siya ang nag modelo ng bagong unit nila, kilala na siya ng tao kilala na siya sa mundo ng pag momodelo" isip
Bago bumalik ng mansion si Mj napag pasyahan niya na maglakad lakad muna. Pinag mamasdan ang ganda ng siyudad. Matataas na gusali, maraming sasakyan at mga taong abala sa paroo't parito sa daan. Habang nag lalakad lakad si Mj maraming pumapasok sa isip niya. "Kung dito ako mag-aaral tama mapag sasabay ko ang trabaho at pag-aaral" isip nito "Subalit papayag kaya si sir Scott na magiging hati ang oras ko sa pag-aaral at trabaho?" dagdag pa sa isip nito "Kunsabagay mas makakapag focus ako sa pag-aaral kung sa probinsya ako, subalit may scholarship man ako ay hindi ito sasapat para sa pang araw-araw namin gastusin ng mga kapatid ko" daming gumugulo sa isip niya "Kung sana mayaman lang kami gaya nila sir Scott. Ma'am Mica" inggit sa isip nito Naalala tuloy nito ang kanyang mga magulang, nag luluto ng paninda ang nanay nitong Bananacue at kung anong pwedeng ibenta sa school nila para lang may pang baon sila. Samantala ang tatay niya ay nag sasaka, nakikisaka ito sa lupa ng kanyang ti
Sa palapit na palapit ng araw ng pasukan hindi pa rin napapag desisyunan ni Mj kung uuwi na ba siya ng probinsya o sa Siyudad na niya ipag papatuloy ang pag-aaral. Habang tumatagal ang panahon mas nagiging praktikal siya sa buhay. Ngunit mas iniisip niya pa rin iba ang naka tapos ng pag-aaral. Umaga noon, hinanap ni Mang Vien si Mj. Pinahahanap ni Scott si Mj kay Mang Vien sa hindi rin alam na dahilan. "Mj kung wala kang ginagawa ay nais kang makausap ni Sir Scott bago siya pumasok sa opisina" ani Mang Vien Hinihintay ni Scott si Mj sa kotse. Sumenyas lang si Mang Vien na nasa loob ng kotse si Scott. Kumatok si Mj sa bintana ng sasakyan, binaba naman ni Scott ang bintana at pinapasok si Mj. "Maganda Umaga po Sir, pinatatawa niyo daw po ako" ani Mj "Oo, gusto ko sana alukin ka ng trabaho kung mamarapatin mo" ani Scott Inalok nga ni Scott ng trabaho si Mj sapagkat si Zia ay nag file ng Maternity Leave. Nais niyang si Mj ang pumalit kay Zia habang wala ang kanyang sekretary
Sa pangyayaring ito ay badshot na si Mj kay Mica. Pag-alis ni Mica sa silid ni Scott dumiretso ito sa hardin kung saan laging naroon sina Madame Maia at Don Rodrigo. Lagi nandito ang mag-asawa upang mag pahangin. Pag tungo ni Mica doon ay natagpuan nga niya ang mag-asawa. Nag-i spray ng halaman niyang Variagate Monstera Deliciosa si Madame habang si Don Rodrigo naman ay nagbabasa ng magazine. "Tita can we talk?" anito sa matanda Ngumiti lang naman ang matanda at lumapit ang dalaga sa kanya. Isinalaysay nito ang nakita nadatnan nito sa kuwarto ni Scott. Anito nagkaka mabutihan na ang dalawa dahil kay Mj. Si Mj ang pilit lumalapit sa binata. Hindi naman maiwasan sa mukha ng matanda ang mainis kay Mj. Ngunit si Don Rodrigo naman ay walang pakialam sa dalawang nag-uusap. Matapos mag-usap ang dalawa ay umalis na ang dalaga. "Wag ka nang mag-alala Hija ako na ang bahala" ani Madame sa papaalis na dalaga. Ngumiti naman ang dalaga habang ito ay humahakbang papalayo sa kinaroroonan
Maaga gumayak si Mj para mag linis sa kuwarto ni Scott. Ngunit late na sila naka tulog kagabi kaya nagdadalawang isip ito na baka tulog pa ang binata. Pag katok nito sa pintuan. Tok! Tok! Tok! Walang sumasagot. Dinikit nito ang tenga sa pinto at pinakinggan kung may maririning na ingay mula sa loob. Ngunit wala siyang madinig. Pag labas naman ni Madame Maia ng kuwarto nakita niya si Mj sa pinto. "Anong ginagawa mo diyan?" anito "A-ah eh, iniisip ko po kasi baka tulog pa si Sir Scott sa loob kaya nahihiya ako pumasok bigla. Wala kase sumagot sa pag knock ko" pag dadahilan ni Mj "Wala na siya diyan maaga siya lumalabas pag walang pasok para mag jogging" ani Madame na may halong pag susungit Tumango lang naman si Mj kay Madame bilang pag galang dito saka tumalikod ito ng makitang lumakad na papalayo ang amo sa kinaroroonan niya. Binuksan na niya ang kuwarto saka siya pumasok hila-hila ang vacuum cleaner at dalang pamunas. Wala nga ang kanyang boss dito. Hinawi niya ang kurtina upa
Dali daling pumasok si Mj sa silid dahil ilang minuto na itong late, nag sisimula na ang klase. "Bakit ba naman kase ganito kahirap sumakay sa Maynila ang aga aga kong pumasok tapos na late pa rin ako dahil sa traffic" pagsisisi ni Mj sa traffic dahil nahuli ito ng limang minuto. Hindi nya tuloy naumpisahan ang klase. Ilang buwan na ring ganito ang problema ni Mj sa pag pasok. Kahit maaga na siyang umalis mula sa opisina nahuhuli pa rin siya dumating sa eskwela. "Oy Mj bukas kailangan natin gawin ang thesis makakapunta ka ba?" tanong ni Bryan ang bading nitong kaibigan sa eskwela "Pwede bang sabado na lang, may pasok kase ako Monday hanggang Friday, kahit ako na lang ang gagawa ng kailangan gawin" pag dadahilan ni Mj na parang nagmamakaawa ang mata nito. "Ay yon naman pala eh" sabay napa palakpak ang kaibigan sa narinig na ito mula kay Mj Tuwang tuwa sila dahil hindi na sila mahihirapan mag isip pa, si Mj na ang bahala gumawa ng lahat. Gaya ng dati siya din ang gumagawa ng home w
Maaga noon gumayak si Mj. Dumaan saglit sa kusina para kumustahin si Aling Loring. Hindi na sila madalas makapag kwentuhan dahil busy na siya sa kanyang trabaho madalas maaga siya umalis para pumasok, paguwi naman sa gabi tulog na ang matanda pagdating niya. Kaya sinadya niya ito para makumusta. Sakto nandoon na si Aling Loring sa kusina ginagayak ang pagkain para pang agahan ng pamilya. "Wah!" gulat ni Mj kay Aling Loring "Ay ano ka bang bata ka!" parang tumalon ang puso ni ALing Loring ng bahagya sa ginaa ni Mj Napatawa ng malakas ang dalaga sabay yakap kay Aling Loring. Namiss niya ang tinuturing niyang ina sa mansion. Ang tagal din nila hindi nagkita. Kaya naman ang yakap nito ay parang niyayakap ang kanyang ina. "Naku ang batang ito napaka pasaway" habang ginugulo naman ang buhok ni Mj Samantala nakita naman ni Scott ang ginawang ito ni Mj kay Aling Loring, papasok sana siya sa kusina upang mag agahan ng makita niya dito si Mj na wari'y nag lalambing sa kanyang Ina si Al
Hindi makatulog si Scott, naalala niya ang maamong mukha ni Mj at ang amoy ng hininga nito na tila naaadik siya. Hindi maaari ito, kontra ng isip niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko sa babaeng ito. Nais na niyang matulog ngunit hindi siya makatulog pilit sumisiksik sa isip niya ang mga pangyayari simula ng may naramdaman siyang kakaiba mula kay Mj. Samantala nag play naman si Scott ng deep pusic sleep upang dalawin siya ng antok. Subalit mukhang hindi pa rin effecive sa kanya ito. Umaga na gising pa rin siya. Kaya naman gumayak na lang ito at pumasok na sa opisina. Kahit na masakit ang ulo ni Mj dahil sa nangyaring celebration kagabi ay maaga pa rin gumising ito at pumasok ng opisina. At nag tungo ng cafeteria para mag agahan. Habang nag iisa siya sa table dumating naman ang mga kasama niya sa opisina at sinamahan ito sa pagkaen. Masayang nag kukwentuhan ang mga ito hanggang dumating si Scott para mag coffee. Tumahimik naman sila ng makita ito. Napatingin naman si Mj at inalam ku
Hindi makatulog si Mj dahil sa nangyari, sobrang kaba ng dibdib niya. Hindi ito maaaring mangyari na magka gusto siya sa kanyang boss. May iba itong gusto, isa pa malaking malaki ang pagkakaiba nila. Parang langit at lupa silang dalawa. Kaya mas minabuti ni Mj na wag pansinin ang nararamdaman niya. Dahil makakasama lang ito sa kanya kung seseryosohin niya. Kinaumagahan matapos ang pangyayari kagabe. Si Scott ay patungo sa kusina upang mag-agahan bago pumasok samantalang si Mj ay maagang umalis papuntang opisina. Gaya ng dati ayaw ni Mj na may masasabi ang ibang tao sa kanya lalong lalo na ang mga boss niya higit sa lahat si Scott. Samantala pag dating ni Scott sa opisina kaagad hinanap ng kanyang mata si Mj sa pwesto nito subalit wala siya dito. "Malamang ay nasa cafeteria siya" ani Scott sa sarili Dahil naka gawian na ni Scott magtungo sa cafeteria tuwing umaga para bumili ng kape ay nagtungo nga ito. Hindi nga siya nag kamali nandoon si Mj. Subalit habang nasa cashier si Scott
Last Year na ni Mj sa College, sa wakas malapit na ang araw na pinaka hihintay niya. Katunayan nga excited na siya ma-meet ang bago niyang classmates, ilang araw na lang iyon ay mangyayari na. Maiging abala na din siya sa school habang nagta trabaho. Pang night classes ang pinili niyang schedule, yun ay para makapa pasok pa siya sa opisina at maka sweldo kasabay ng pag-aaral niya. Kayod marino si Mj, wala siyang sasayangin na oras at panahon. Samantala, abala ang opisina sa pag hahanda para sa launching ng new product ng kumpanya kinabukasan. Kaliwa't kanan din ang meeting ni Scott kaya't busy din si Mj. Excited ang lahat sa big event na ito. Ito rin ang araw na pinakahihintay ni Mica, dahil nais niyang mapansin siyang muli ng dating nobyo. Tok! Tok! Pumasok ang isang magandang dilag sabay ng pag bukas ng pinto. Si Mj ang unang nakita ni Mica sapagkat siya nga ang pumalit na sekretarya ni Scott. Ang table ng sekretarya ni Scott ay may table bago makapasok sa kanyang opisina. Mukh
Sa palapit na palapit ng araw ng pasukan hindi pa rin napapag desisyunan ni Mj kung uuwi na ba siya ng probinsya o sa Siyudad na niya ipag papatuloy ang pag-aaral. Habang tumatagal ang panahon mas nagiging praktikal siya sa buhay. Ngunit mas iniisip niya pa rin iba ang naka tapos ng pag-aaral. Umaga noon, hinanap ni Mang Vien si Mj. Pinahahanap ni Scott si Mj kay Mang Vien sa hindi rin alam na dahilan. "Mj kung wala kang ginagawa ay nais kang makausap ni Sir Scott bago siya pumasok sa opisina" ani Mang Vien Hinihintay ni Scott si Mj sa kotse. Sumenyas lang si Mang Vien na nasa loob ng kotse si Scott. Kumatok si Mj sa bintana ng sasakyan, binaba naman ni Scott ang bintana at pinapasok si Mj. "Maganda Umaga po Sir, pinatatawa niyo daw po ako" ani Mj "Oo, gusto ko sana alukin ka ng trabaho kung mamarapatin mo" ani Scott Inalok nga ni Scott ng trabaho si Mj sapagkat si Zia ay nag file ng Maternity Leave. Nais niyang si Mj ang pumalit kay Zia habang wala ang kanyang sekretary
Bago bumalik ng mansion si Mj napag pasyahan niya na maglakad lakad muna. Pinag mamasdan ang ganda ng siyudad. Matataas na gusali, maraming sasakyan at mga taong abala sa paroo't parito sa daan. Habang nag lalakad lakad si Mj maraming pumapasok sa isip niya. "Kung dito ako mag-aaral tama mapag sasabay ko ang trabaho at pag-aaral" isip nito "Subalit papayag kaya si sir Scott na magiging hati ang oras ko sa pag-aaral at trabaho?" dagdag pa sa isip nito "Kunsabagay mas makakapag focus ako sa pag-aaral kung sa probinsya ako, subalit may scholarship man ako ay hindi ito sasapat para sa pang araw-araw namin gastusin ng mga kapatid ko" daming gumugulo sa isip niya "Kung sana mayaman lang kami gaya nila sir Scott. Ma'am Mica" inggit sa isip nito Naalala tuloy nito ang kanyang mga magulang, nag luluto ng paninda ang nanay nitong Bananacue at kung anong pwedeng ibenta sa school nila para lang may pang baon sila. Samantala ang tatay niya ay nag sasaka, nakikisaka ito sa lupa ng kanyang ti