The Tommorow's Gone

The Tommorow's Gone

last updateLast Updated : 2023-01-31
By:  TalesInMind   Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
13Chapters
817views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Amara Sandiego Villaroel is a loving wife to Davin Villaroel— the hottest bachelor of the town, but she just a secret wife. With so much love she gives to her husband she's ruined. She does not know what is missing from her... and what happened to their relationship. And their tomorrow's ... gone.

View More

Latest chapter

Free Preview

Simula

Sumisilaw ang liwanag mula sa aking bintana at tumatama ito sa aking mukha. Marahan akong dumilat at iniharang ang aking palad sa liwanag dahil nakakasilaw ito. Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang aking kamay na nakaharang sa liwanag na pumapasok sa aking bintana. Bagong bukas, bagong umaga... ngunit hanggang saan nga ba ako? Hanggang saan ang relasyon naming dalawa ni Davin? Hanggang saan aabot ang bukas namin? Hindi ko alam ang nangyari sa aming dalawa.Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.Wala na akong naiintindihan pa.Dahan dahang humapdi ang aking mga mata dahil sa nag babadyang mga luha. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na pumapatak na ang aking mga luha. Anong nangyari? Ito ang lagi kong tanong sa aking sarili. Anong nangyari sa aming dalawa? At lumayo siya sa akin? Masakit makita at maramdaman na malayo na sa iyo ang taong mahal mo.Alam ko naman ang dahilan, alam na alam ko. Kaya mas nasasaktan ako sa kadahilanang iyon. Bakit Davin? Bakit ka b

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
13 Chapters

Simula

Sumisilaw ang liwanag mula sa aking bintana at tumatama ito sa aking mukha. Marahan akong dumilat at iniharang ang aking palad sa liwanag dahil nakakasilaw ito. Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang aking kamay na nakaharang sa liwanag na pumapasok sa aking bintana. Bagong bukas, bagong umaga... ngunit hanggang saan nga ba ako? Hanggang saan ang relasyon naming dalawa ni Davin? Hanggang saan aabot ang bukas namin? Hindi ko alam ang nangyari sa aming dalawa.Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.Wala na akong naiintindihan pa.Dahan dahang humapdi ang aking mga mata dahil sa nag babadyang mga luha. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na pumapatak na ang aking mga luha. Anong nangyari? Ito ang lagi kong tanong sa aking sarili. Anong nangyari sa aming dalawa? At lumayo siya sa akin? Masakit makita at maramdaman na malayo na sa iyo ang taong mahal mo.Alam ko naman ang dahilan, alam na alam ko. Kaya mas nasasaktan ako sa kadahilanang iyon. Bakit Davin? Bakit ka b
Read more

Kabanata 1

Tinatago niya ako sa lahat dahil ikinahihiya niya ako, ikinahihiya niya ang babaeng dati niyang ipinagmamalaki. Nakakatawa hindi ba? Kung dati ay halos isigaw na niya ako sa buong mundo ngayon naman ay kahit isang hibla lang ng aking buhok ay ayaw niyang ipakita sa iba. Pero ano bang magagawa ko? Wala. Wala akong magagawa dahil hindi ko siya makokontrol. Nanghihinayang kong tiningnan ang mga pagkaing nasa plato. I miss him, i miss us... sobrang nangungulila ako sa kanya.Agaran kong pinunasan ang luhang tumakas sa aking mata. Kung hindi lang sana nangyari iyon, kung hindi lang sana. Sana ayos pa kaming dalawa, sana maayos pa ang pagsasama namin. Hinihiling ko na sana maibalik ko ang kahapon, ang kahapon kaya ko pang ibahin. Kaya ko pang iayos, ngunit totoo nga talaga ang pag sisisi. Pero hindi ko naman kasalanan iyon, ah? Hindi ko kasalanan. Sobrang galit siya sa akin. Kahit alam ko naman na wala akong kasalanan ay ako iyong nagdurusa, ako iyong nasasaktan. Marahan akong umupo s
Read more

Kabanata 2

Napaupo ako sa malapit na upuan dahil pakiramdam ko ay ano mang segundo ay babagsak na ang aking tuhod. Patuloy na lumalandas ang mga taksil na luha sa aking pisngi. Ako ang asawa... pero iba ang ikinakama.Mas maganda ba ang mga babae mo kaysa sakin Davin? Mas may hubog ba ang katawan nila? Hindi ko gustong mainggit sa kanila, pero iyon ang nararamdaman ko. Noong hapon na iyon ay hindi na ako nakapag bake at nag kulong na lamang sa aking kwarto at inilabas ang lahat ng aking hinanakit. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka tulala habang nakatitig sa aking bintana at kitang kita ko ang nagkukulay kahel na ulap, tanda na papalubog na ito. Yakap-yakap ko ang aking mga tuhod habang lumuluhang nakatitig doon at itinatanong ang aking sarili kung hanggang saan ba ang bukas namin? Kailan ito mawawala? Hanggang saan ang pag asa ko sa kaniya? Sa relasyon naming dalawa?Sinasakop na ng dilim ang aking kwarto, tangi ang liwanag nang bilog na buwan ang pumapasok sa aking bintana. Han
Read more

Kabanata 3

Buong gabi akong nag antay kay Davin hanggang sa pumatak na ang alas tres ng umaga ngunit walang Davin na dumating... Wala siya.Wala na naman siya.Hindi ko na namamalayang unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.Nagising ang aking diwa noong may marinig akong sasakyan ngunit dahil sa sobrang nilalamon ako ng pagod ay muli akong nilamon ng antok.Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa malapad na kulay puting sofa. Dito pala ako nakatulog. Namumungay ang aking mga mata na umalis sa sofa at inilibot ang aking paningin. Pumunta ako sa itaas upang hanapin siya ngunit sa huli ay nabigo lamang ako. Hindi siya umuwi, hindi na naman siya umuwi.Bago pa ako malungkot ng tuluyan ay nag ayos na ako ng sarili at pumunta muli sa sofa. Umupo ako kung saan ako kanina nakahiga, katapat ito ng tv. Binuhay ko iyon at agad na bumungad sa akin ang isang balita."Davin Villaroel and Inna Curtis will be together in a movie. Kung saan trending ngayon sa twitter, maraming mga taga hanga ang
Read more

Kabanata 4

Pagkaparada ko sa harap ng cafe kung saan ko kikitain si Kyla ay bumaba na agad ako sa aking sasakyan. Natanaw ko na agad siya sa loob na nakaupo habang nag ce-cellphone. Napangiti ako ng wala sa sarili. Kahit walang preno ang bibig ni Kyla ay sobrang mahal ko ang babaeng 'yan.Pumasok na ako sa cafe at agad na lumapit sa kanya at niyakap."I miss you, Kyla." anya ko at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap. Hindi kami laging nagkikita dahil flight attendant and babae. "I miss you, too." ani ni Kyla na puno ng galak.Umupo ako sa harapang upuan at tinawag ang waiter. Pagkatapos kong umorder ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa. "Im so sorry, Amara." punong-puno ng pagsisisi ang kanyang boses. "Its okay, kalimutan na natin iyon. At hindi na rin natin mababago ang ginagawa ni Davin." Nakangiti ang aking labi ngunit malungkot ang aking boses.Bumuntong hininga siya. "Bakit ka ba kasi nagtitiis sa kanya? You're beautiful Amara. Marami pang magkakandarapang la
Read more

Kabanata 5

Dahan-dahan at buong kabang inilalapit ko ang aking kaliwang kamay sa kabinet na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, pakiramdam ko ay may kailangan akong makita doon. Dinadagundong ng kaba ang aking dibdib.Rinig na rinig ko ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ano ba ang nasa loob ng kabinet na ito at ganito ang nararamdaman ko? Anong mayroon dito Davin? Anong itinatago mo dito? O sadyang praning lamang ako at kung ano ano ang iniisip ko?Matunog akong napalunok noong dumampi ang aking balat sa saraduhan nito. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga daliri at ang pagpapawis ng aking palad. Nilalamon ng kaba at ng curiousity ang pag katao ko.Dahan-dahan kong binuksan iyon at ang tunog na nanggagaling doon ay mas lalong nagpapalakas sa akin, bawat langingit nito ay tila tumatalon sa kaba ang puso ko.Nakagat ko ang aking pang ibabang labi noong dumungaw ako upang makita kung ano ang laman niyon. Kusang kumunot ang aking
Read more

Kabanata 6

Bumigat ang batok ko hanggang sa mapadukdok na lamang ako sa aking tuhod, gusto ko ng mapagod para sa aking dalawa, pero mas nangingibabaw sa akin ang ipaglaban ang bukas naming dalawa. Nang dahil sa sinabi niya kanina ay pakiramdam ko ay nawasak ako ng pinong pino, sa milyon milyong piraso at hindi ko alam kung paano pa ako mabubuo, Davin? Hanggang kailan ba tayong ganito? Hanggang kailan, huh?Ang bagsak kong balikat ay unti unting yumugyog at lumakas ang aking pag iyak, sunod sunod na bumagsak ang maiinit na luha sa aking pisngi. Hindi ko kaya, hindi ko kayang pakawalan siya. Tawagin na nila akong makasarili ngunit hindi ko kayang bitawan siya.Natatakot akong kapag bumitaw ako sa mga kamay niya ay wala na ulit akong pagkakataong hawakan itong muli, ayokong humantong ako sa ganoong estado, yung ako na iyong walang karapatan sa kanya kahit sa papel. Wala ng karapatang umiyak, wala ng karapatang humiling, wala ng karapatan sa lahat... Mas masakit iyon hindi ba?Hanggat kaya ko pang k
Read more

Kabanata 7

Kakaiba ang boses ni Davin, talagang mahuhulog ang puso mo sa kanya kapag narinig mo ang kanyang boses, sobrang lamig nito at tila kapatid niya ang musika dahil sa galing niya dito. Dahil ata dito sa gitarang ito kaya ako nabihag ni Davin. Wala ako sa sariling tumatawa dahil sa naalala. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit sobrang sikat na niyang artista ngayon, kung bakit maraming humahanga sa lalaking iyon. Kakaiba siya sa stage, tila nag niningning siya. Hindi rin maitatangging magaling din siya sa pag arte sa harap ng kamera.Sinimulan kong kalabitin ito. Napangiti na lang ako noong marinig ang tunog nito na nanunuot sa aking tainga. "Come here! May ipaparinig ako sayo Amara!" sigaw ni Davin mula sa labas, nandoon siya sa damuhan habang nakaupo at may bagogitara na naka kandong sa kanyang mahabang hita. Kulay itim ito at tila kumikintab ito sa t'wing nasisinagan ng araw. "Sige! " sigaw ko pabalik sa kanya. Tumakbo ako papunta sa gawi niya at umupo sa kanyang tabi.Tiningnan k
Read more

Kabanata 8

Pagkatapos ng tabing iyon ay bumalik na naman kami sa dating sitwasyon. Uuwi siya ng madaling araw, at ako? Parang tangang naghihintay sa kanya.Pumunta ako sa kusina upang tumingin ng pwedeng lutuin. Ilang araw na rin akong bagot na bagot sa bahay. Paulit ulit lang ang sistema ko, paulit ulit lang rin ang sakit. Nang matapos akong magluto ay inilagay ko na ito sa tupperware. Bumuga ako ng hangin dahil sa pagod. Noong matapos na akong mag ayos ng aking sarili ay sumakay na ako ng kotse. Habang binabaybay ko ang kalagitnaan ng EDSA ay may natanaw akong billboard ni Davin at ni... Inna. Nasa likod ni Inna si Davin habang nakayakap ang lalaki sa likod niya. Mukha silang masaya sa litrato at mukhang mahal na mahal ang isa't isa. Mga artista talaga. Agad kong iniiwas ang aking paningin doon. Sa litrato pa lamang ay nasasaktan na ako. Dapat ba akong makaramdam ng inggit kay Inna? Dapat ba? Dahil nagagawa ni Davin sa kanya ang dapat sa akin. Ang sakit lang isipin na kayang gawin ni Davin
Read more

Kabanata 9

Pwede bang mag laho na lamang ako? Kasi pakiramdam ko ay wala akong kwenta, walang kwenta ang isang Amara. Buong pag iyak ko lamang ang maririnig sa buong kabahayan. Kaya pala... kaya pala ilang araw siyang wala dahil nasa ibang bansa siya, kaya pala walang dumadating na Davin sa t'wing naghihintay ako. Hindi niya ba naisip na mag aalala ako sa kanya? Kahit anong suksok ko sa aking isipan na wala silang relasyon na dalawa ay kinokontra pa rin ako ng sarili kong kutob na mayroon dahil sa tinginan nila. Masaya ba siya? Masaya ba siya kay Inna? Mas lalong lumakas ang aking pag iyak, hindi ko na alam ang gagawin ko... Davin, paano naman ako? Paano ako? Please... litong lito na ako. Pwede bang mag pahinga muna ako sa sakit kahit isang araw man lang? Kasi napapagod na rin ako pero supling bumitaw. Ayokong bumitaw kasi mahal na mahal ko siya. Umabot na ako sa puntong hindi ko na mahal ang sarili ko dahil nasa kanya na lahat lahat. Handa akong ibigay ang sarili ko sa kanya dahil mahal k
Read more
DMCA.com Protection Status