Chapter: Kabanata 12Ito ata ang kauna unahang pag kakataon na hindi ako nakaramdam ng lungkot sa gabi. Payapa ang dibdib at utak ko at ayoko munang isipin kung anong ginagawa ni Davin ngayon dahil baka masaktan lamang ako. Matiwasay akong naka tulog nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mag bake ng mga samples na ipapatikim ko kay Miss Zapanta, ang tinawagan ko kahapon. Kahit pawis na pawis ako noong natapos ako ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Agad akong gumayak at inilagay sa kotse ang mga cake. Sumakay ako doon at binuhay ang makina.Tinext na sa akin ni miss Zapanta kung saan ko siya pwedeng imeet at sa isang five star hotel. Pag karating ko doon ay nagulat na lamang ako dahil naka abang si Gottfred sa parking lot. Bumaba ako ng sasakyan at nilapitan niya ako. "Kanina pa ko nag hihintay dito. Alam kong marami kang bibitbitin. Tulungan na kita." aniya at binuksan ang likod ng kotse ko at kinuha ang mga kahon ng cake doon. "Thankyou, Gott." Ngumiti ako sa kanya at kinuha an
Last Updated: 2023-01-31
Chapter: Kabanata 11Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga dahil sa narinig. M-May nangyayari sa kanila? Gusto kong sabunutan ang aking sarili. Malamang Amara! Kung kayang mambabae ni Davin, kaya niya 'ding gawing babae si Inna! Pinilit kong buhatin ang aking paa upang humakbang paatras kahit na hindi ko na maramdaman pa ang aking mga binti. Nang matagumpayan kong makagalaw ay hindi ko na napansin pang tumatakbo na pala ako. Gusto kong umalis sa lugar na ito, gusto kong tumakas sa sakit. Wala ako sa sariling pumasok sa aking sasakyan at napakapit ako ng mahigpit sa aking manibela at napadukdok doon. Habol habol ko ang aking hininga, nanunuot ang sakit sa aking dibdib.Inalis ko ang pag kakadukdok ko sa manibela at inihilamos ang aking kamay sa aking mukha. Nanginginig pa rin ang aking kamay noong binuhay ko ang makina ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako patungo, kung anong daan na ba ang aking tinatahak. Basta ang alam ko lamang ay gusto kong makatakas sa sakit. T
Last Updated: 2022-08-17
Chapter: Kabanata 10Sa kalagitnaan ng kanyang pag akyat ay huminto siya. Nabuhayan ako nang pag asa na bakasakaling sumabay siya sa akin na kumain. Lumingon siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mga mata."Kung nagpapakaasawa ka, tigilan mo na." Nag patuloy siya sa kanyang pag akyat.Napaiwas ako ng paningin sa kanya. Mali ba? Mali bang dapat kong gawin ang nararapat kong gawin?"D-Davin teka lang..." pagpigil ko sa kanya. Gusto kong tanungin ang tungkol sa kanila ni Inna. Tumigil siya ngunit hindi tumingin sa akin. "T-Totoo bang nag dedate na k-kayo ni Inna?" ka'y lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. "Oo... " Para akong tinakasan ng lakas dahil sa sinabi niya. Walang emosyon ang kanyang boses. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatanaw sa kanyang nag papatuloy na naglalakad.Napahawak ako sa sofa at napaupo. Sila na?Hinawi ko ang aking mga luha sa aking mata. Pinilit kong kumalma. Noong umagang iyon ay umalis na naman si Davin, noong tinanong ko kung saan siya p
Last Updated: 2022-07-16
Chapter: Kabanata 9Pwede bang mag laho na lamang ako? Kasi pakiramdam ko ay wala akong kwenta, walang kwenta ang isang Amara. Buong pag iyak ko lamang ang maririnig sa buong kabahayan. Kaya pala... kaya pala ilang araw siyang wala dahil nasa ibang bansa siya, kaya pala walang dumadating na Davin sa t'wing naghihintay ako. Hindi niya ba naisip na mag aalala ako sa kanya? Kahit anong suksok ko sa aking isipan na wala silang relasyon na dalawa ay kinokontra pa rin ako ng sarili kong kutob na mayroon dahil sa tinginan nila. Masaya ba siya? Masaya ba siya kay Inna? Mas lalong lumakas ang aking pag iyak, hindi ko na alam ang gagawin ko... Davin, paano naman ako? Paano ako? Please... litong lito na ako. Pwede bang mag pahinga muna ako sa sakit kahit isang araw man lang? Kasi napapagod na rin ako pero supling bumitaw. Ayokong bumitaw kasi mahal na mahal ko siya. Umabot na ako sa puntong hindi ko na mahal ang sarili ko dahil nasa kanya na lahat lahat. Handa akong ibigay ang sarili ko sa kanya dahil mahal k
Last Updated: 2022-06-27
Chapter: Kabanata 8Pagkatapos ng tabing iyon ay bumalik na naman kami sa dating sitwasyon. Uuwi siya ng madaling araw, at ako? Parang tangang naghihintay sa kanya.Pumunta ako sa kusina upang tumingin ng pwedeng lutuin. Ilang araw na rin akong bagot na bagot sa bahay. Paulit ulit lang ang sistema ko, paulit ulit lang rin ang sakit. Nang matapos akong magluto ay inilagay ko na ito sa tupperware. Bumuga ako ng hangin dahil sa pagod. Noong matapos na akong mag ayos ng aking sarili ay sumakay na ako ng kotse. Habang binabaybay ko ang kalagitnaan ng EDSA ay may natanaw akong billboard ni Davin at ni... Inna. Nasa likod ni Inna si Davin habang nakayakap ang lalaki sa likod niya. Mukha silang masaya sa litrato at mukhang mahal na mahal ang isa't isa. Mga artista talaga. Agad kong iniiwas ang aking paningin doon. Sa litrato pa lamang ay nasasaktan na ako. Dapat ba akong makaramdam ng inggit kay Inna? Dapat ba? Dahil nagagawa ni Davin sa kanya ang dapat sa akin. Ang sakit lang isipin na kayang gawin ni Davin
Last Updated: 2022-06-23
Chapter: Kabanata 7Kakaiba ang boses ni Davin, talagang mahuhulog ang puso mo sa kanya kapag narinig mo ang kanyang boses, sobrang lamig nito at tila kapatid niya ang musika dahil sa galing niya dito. Dahil ata dito sa gitarang ito kaya ako nabihag ni Davin. Wala ako sa sariling tumatawa dahil sa naalala. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit sobrang sikat na niyang artista ngayon, kung bakit maraming humahanga sa lalaking iyon. Kakaiba siya sa stage, tila nag niningning siya. Hindi rin maitatangging magaling din siya sa pag arte sa harap ng kamera.Sinimulan kong kalabitin ito. Napangiti na lang ako noong marinig ang tunog nito na nanunuot sa aking tainga. "Come here! May ipaparinig ako sayo Amara!" sigaw ni Davin mula sa labas, nandoon siya sa damuhan habang nakaupo at may bagogitara na naka kandong sa kanyang mahabang hita. Kulay itim ito at tila kumikintab ito sa t'wing nasisinagan ng araw. "Sige! " sigaw ko pabalik sa kanya. Tumakbo ako papunta sa gawi niya at umupo sa kanyang tabi.Tiningnan k
Last Updated: 2022-06-22