Tinatago niya ako sa lahat dahil ikinahihiya niya ako, ikinahihiya niya ang babaeng dati niyang ipinagmamalaki. Nakakatawa hindi ba? Kung dati ay halos isigaw na niya ako sa buong mundo ngayon naman ay kahit isang hibla lang ng aking buhok ay ayaw niyang ipakita sa iba. Pero ano bang magagawa ko? Wala. Wala akong magagawa dahil hindi ko siya makokontrol.
Nanghihinayang kong tiningnan ang mga pagkaing nasa plato. I miss him, i miss us... sobrang nangungulila ako sa kanya.
Agaran kong pinunasan ang luhang tumakas sa aking mata. Kung hindi lang sana nangyari iyon, kung hindi lang sana.
Sana ayos pa kaming dalawa, sana maayos pa ang pagsasama namin.
Hinihiling ko na sana maibalik ko ang kahapon, ang kahapon kaya ko pang ibahin. Kaya ko pang iayos, ngunit totoo nga talaga ang pag sisisi. Pero hindi ko naman kasalanan iyon, ah? Hindi ko kasalanan.
Sobrang galit siya sa akin.
Kahit alam ko naman na wala akong kasalanan ay ako iyong nagdurusa, ako iyong nasasaktan.
Marahan akong umupo sa upuan at walang buhay nag salok ng makakain sa aking plato. I hope we have a baby, para naman maibaling sa iba ang aking atensyon at makalimutan ko naman ang sakit.
Siguro ay nag papakasasa na siya sa mga babae niya ngayon. Hanggang kailan ba ang laro mo Davin? Kailan ba matatapos ito?
Noong umagang iyon ay mag isa lang lamang ako, dapat masanay na ako hindi ba? Dapat magsanay na ako sa ganitong sitwasyon namin.
Noong kinahapunan ay namili ako ng mga rekado para sa cake na gagawin ko. I love cakes, iyon lagi ang pinagkaka abalahan ko tuwing wala si Davin.
Pagkalabas ko sa mall ay tirik na titik ang araw at wala man lang akong dalang payong. Naniningkit ang aking mga mata dahil nakakasilaw ito.
Kahit nahihirapan ako sa aking mga bitbit ay pinilit ko pa ring makarating sa aking sasakyan na bigay pa ng tatay ni Davin.
I just a poor girl back then. Utang ko ang buhay ko sa mga magulang ni Davin, pinag aral at binihisan nila ako.
Inilagay ko sa back seat ang mga paper bag at sumakay na sa driver seat. Isinuot ko ang seatbelt at binuhay na ang engine ng aking sasakyan.
Napapangiti ako tuwing may nadadaanan akong mga bata sa daan na nag lalaro. I remember Davin and i, ganyan na ganyan kami dati. Naliligo sa pawis at naghahabulan at puno ng dumi ang mga katawan namin. Galit na galit pa nga si Doña Lecia— ang lola ni Davin, dahil nadudumihan daw ang kanyang apo.
I miss the old times.
Napabuntong hininga ako.
Inihinto ko ang sasakyan sa tabi at kinuha ang ibang paper nag sa back seat. This is my routine everyday. Wala naman kaming anak ni Davin kaya sa ibang bata ko na lamang ibinabaling ang aking atensyon para kahit sandali ay makalimutan ko naman ang sakit.
"Mga bata!" tawag ko sa kanila. Napahinto sila sa paglalaro at kuminang ang kanilang mga mata ng makita ako.
"Ate!" Kumaripas sila ng takbo papunta sa akin. Oh, i love these kids even if they are not from me. Yumakap ng mahigpit sa aking bewang.
"Ate! Kanina pa po namin kayo hinihintay! Ate gutom na kami!" maligalig na sabi ni Nonoy, parang hiniwa ang puso ko sa sinabi niya. I know the feeling that your stomach is growing because of hunger but you have nothing to eat.
Ginulo ko ang buhok ni Nonoy at umupo. "Sorry, ngayon lang si ate. Kumain ba kayo kaninang umaga?" Tumango silang apat.
Ngumiti ako. "May dala akong makakain, mamaya babalik ako dito. Magdadala ako ng cake, ah?" Sabay-sabay silang tumango.
Umupo kami doon sa isang bench at ibinigay sa kanila ang pagkain. Habang kumakain sila ay nagsalita si Ninay, ang kapatid ni Nonoy.
"Ate? Wala po ba kayong anak? Hindi po ba may asawa kayo?" Bigla akong natigilan sa itinanong niya at napangiti nalang ng mapait.
"Hmm-hm, wala..." Unti-unti akong yumuko.
"Sino po ba 'yong asawa nyo?" tanong ni Nene na ang pinaka bata sa kanila.
Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.
"Syaka ko nalang sasabihin sa inyo." Sinabi ko sa kanilang may asawa na ako ngunit hindi ko sinasabi sa kanina kung sino iyon.
Magkakapatid sina Nonoy, Ninay, Nene at si Nathan. Wala na silang mga magulang dahil parehong mga nasa langit na ang mga ito. Tanging lola nalang nila ang nag aalaga sa kanila, wala ang kanilang lola tuwing umaga dahil nasa palengke ito at naglalako.
Pag katapos nilang kumain ay nagpaalam na akong uuwi at ganoon din sila. Masaya akong nakakatulong sa mga bata, napapasaya nila ako. Napupunan nila ang sakit sa puso ko.
Pagkarating ko sa bahay ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan sa garahe at kinuha ang aking mga pinamili sa back seat. Ibinaba ko ito sa island table at agad ko nang hinanda ang aking mga gagamitin.
Habang hinahalo ko ang mga rekado ay tumunog ang aking telepono, inihinto ko ang ginagawa at sinagot ang tawag. Iniipit ko ito sa aking balikat at tenga, bumalik ako sa pag hahalo.
"Nako! Nakakainis talaga 'yang asawa mo! Nakita ko na naman siya sa hotel na pinag tatrabahuan ko at may kasamang amerikana! Para na silang mga ahas kung makalingkis. Bakit hindi mo pa kasi hiwalayan yang gunggong na yan!?" Bungad sa akin ni Kyla.
Nanginig ako sa narinig at hindi ko na namalayan na unti-unti nang dumudulas ang telepono sa aking balikat hanggang sa mahulog na lamang iyon sa sahig.
Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng lakas dahil sa narinig. Itinanday ko ang aking dalawang palad sa lamesa dahil nanlalambot ang aking mga tuhod.
Kahit ilang beses ko ng narinig iyon, kahit ilang beses ko nang alam na may ikinakama siyang iba ay masakit pa rin. Parang dinudurog pa rin ang pagkatao ko. Lalong lalo na ang puso ko.
Nag iinit ang gilid ng aking mga mata at marahang lumandas ang mga taksil na luha sa aking pisngi. Luhang tanda na sobrang nasasaktan ako. Ang sakit ay paikot-ikot sa aking dibdib.
Kahit nandito ako sa tabi niya ay iba pa rin ang hinahanap niya, kahit na kaya kong ibigay ang lahat sa kanya ay sa iba pa rin siya naghahanap. Bakit Davin?
Napaupo ako sa malapit na upuan dahil pakiramdam ko ay ano mang segundo ay babagsak na ang aking tuhod. Patuloy na lumalandas ang mga taksil na luha sa aking pisngi. Ako ang asawa... pero iba ang ikinakama.Mas maganda ba ang mga babae mo kaysa sakin Davin? Mas may hubog ba ang katawan nila? Hindi ko gustong mainggit sa kanila, pero iyon ang nararamdaman ko. Noong hapon na iyon ay hindi na ako nakapag bake at nag kulong na lamang sa aking kwarto at inilabas ang lahat ng aking hinanakit. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka tulala habang nakatitig sa aking bintana at kitang kita ko ang nagkukulay kahel na ulap, tanda na papalubog na ito. Yakap-yakap ko ang aking mga tuhod habang lumuluhang nakatitig doon at itinatanong ang aking sarili kung hanggang saan ba ang bukas namin? Kailan ito mawawala? Hanggang saan ang pag asa ko sa kaniya? Sa relasyon naming dalawa?Sinasakop na ng dilim ang aking kwarto, tangi ang liwanag nang bilog na buwan ang pumapasok sa aking bintana. Han
Buong gabi akong nag antay kay Davin hanggang sa pumatak na ang alas tres ng umaga ngunit walang Davin na dumating... Wala siya.Wala na naman siya.Hindi ko na namamalayang unti unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.Nagising ang aking diwa noong may marinig akong sasakyan ngunit dahil sa sobrang nilalamon ako ng pagod ay muli akong nilamon ng antok.Kinaumagahan ay nagising na lamang ako sa malapad na kulay puting sofa. Dito pala ako nakatulog. Namumungay ang aking mga mata na umalis sa sofa at inilibot ang aking paningin. Pumunta ako sa itaas upang hanapin siya ngunit sa huli ay nabigo lamang ako. Hindi siya umuwi, hindi na naman siya umuwi.Bago pa ako malungkot ng tuluyan ay nag ayos na ako ng sarili at pumunta muli sa sofa. Umupo ako kung saan ako kanina nakahiga, katapat ito ng tv. Binuhay ko iyon at agad na bumungad sa akin ang isang balita."Davin Villaroel and Inna Curtis will be together in a movie. Kung saan trending ngayon sa twitter, maraming mga taga hanga ang
Pagkaparada ko sa harap ng cafe kung saan ko kikitain si Kyla ay bumaba na agad ako sa aking sasakyan. Natanaw ko na agad siya sa loob na nakaupo habang nag ce-cellphone. Napangiti ako ng wala sa sarili. Kahit walang preno ang bibig ni Kyla ay sobrang mahal ko ang babaeng 'yan.Pumasok na ako sa cafe at agad na lumapit sa kanya at niyakap."I miss you, Kyla." anya ko at mas lalong hinigpitan ang pagkayakap. Hindi kami laging nagkikita dahil flight attendant and babae. "I miss you, too." ani ni Kyla na puno ng galak.Umupo ako sa harapang upuan at tinawag ang waiter. Pagkatapos kong umorder ay bigla niyang hinawakan ang aking kamay na nasa ibabaw ng mesa. "Im so sorry, Amara." punong-puno ng pagsisisi ang kanyang boses. "Its okay, kalimutan na natin iyon. At hindi na rin natin mababago ang ginagawa ni Davin." Nakangiti ang aking labi ngunit malungkot ang aking boses.Bumuntong hininga siya. "Bakit ka ba kasi nagtitiis sa kanya? You're beautiful Amara. Marami pang magkakandarapang la
Dahan-dahan at buong kabang inilalapit ko ang aking kaliwang kamay sa kabinet na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito, pakiramdam ko ay may kailangan akong makita doon. Dinadagundong ng kaba ang aking dibdib.Rinig na rinig ko ang mabilis at malakas na tibok ng aking puso. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ano ba ang nasa loob ng kabinet na ito at ganito ang nararamdaman ko? Anong mayroon dito Davin? Anong itinatago mo dito? O sadyang praning lamang ako at kung ano ano ang iniisip ko?Matunog akong napalunok noong dumampi ang aking balat sa saraduhan nito. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga daliri at ang pagpapawis ng aking palad. Nilalamon ng kaba at ng curiousity ang pag katao ko.Dahan-dahan kong binuksan iyon at ang tunog na nanggagaling doon ay mas lalong nagpapalakas sa akin, bawat langingit nito ay tila tumatalon sa kaba ang puso ko.Nakagat ko ang aking pang ibabang labi noong dumungaw ako upang makita kung ano ang laman niyon. Kusang kumunot ang aking
Bumigat ang batok ko hanggang sa mapadukdok na lamang ako sa aking tuhod, gusto ko ng mapagod para sa aking dalawa, pero mas nangingibabaw sa akin ang ipaglaban ang bukas naming dalawa. Nang dahil sa sinabi niya kanina ay pakiramdam ko ay nawasak ako ng pinong pino, sa milyon milyong piraso at hindi ko alam kung paano pa ako mabubuo, Davin? Hanggang kailan ba tayong ganito? Hanggang kailan, huh?Ang bagsak kong balikat ay unti unting yumugyog at lumakas ang aking pag iyak, sunod sunod na bumagsak ang maiinit na luha sa aking pisngi. Hindi ko kaya, hindi ko kayang pakawalan siya. Tawagin na nila akong makasarili ngunit hindi ko kayang bitawan siya.Natatakot akong kapag bumitaw ako sa mga kamay niya ay wala na ulit akong pagkakataong hawakan itong muli, ayokong humantong ako sa ganoong estado, yung ako na iyong walang karapatan sa kanya kahit sa papel. Wala ng karapatang umiyak, wala ng karapatang humiling, wala ng karapatan sa lahat... Mas masakit iyon hindi ba?Hanggat kaya ko pang k
Kakaiba ang boses ni Davin, talagang mahuhulog ang puso mo sa kanya kapag narinig mo ang kanyang boses, sobrang lamig nito at tila kapatid niya ang musika dahil sa galing niya dito. Dahil ata dito sa gitarang ito kaya ako nabihag ni Davin. Wala ako sa sariling tumatawa dahil sa naalala. Kaya hindi na ako mag tataka kung bakit sobrang sikat na niyang artista ngayon, kung bakit maraming humahanga sa lalaking iyon. Kakaiba siya sa stage, tila nag niningning siya. Hindi rin maitatangging magaling din siya sa pag arte sa harap ng kamera.Sinimulan kong kalabitin ito. Napangiti na lang ako noong marinig ang tunog nito na nanunuot sa aking tainga. "Come here! May ipaparinig ako sayo Amara!" sigaw ni Davin mula sa labas, nandoon siya sa damuhan habang nakaupo at may bagogitara na naka kandong sa kanyang mahabang hita. Kulay itim ito at tila kumikintab ito sa t'wing nasisinagan ng araw. "Sige! " sigaw ko pabalik sa kanya. Tumakbo ako papunta sa gawi niya at umupo sa kanyang tabi.Tiningnan k
Pagkatapos ng tabing iyon ay bumalik na naman kami sa dating sitwasyon. Uuwi siya ng madaling araw, at ako? Parang tangang naghihintay sa kanya.Pumunta ako sa kusina upang tumingin ng pwedeng lutuin. Ilang araw na rin akong bagot na bagot sa bahay. Paulit ulit lang ang sistema ko, paulit ulit lang rin ang sakit. Nang matapos akong magluto ay inilagay ko na ito sa tupperware. Bumuga ako ng hangin dahil sa pagod. Noong matapos na akong mag ayos ng aking sarili ay sumakay na ako ng kotse. Habang binabaybay ko ang kalagitnaan ng EDSA ay may natanaw akong billboard ni Davin at ni... Inna. Nasa likod ni Inna si Davin habang nakayakap ang lalaki sa likod niya. Mukha silang masaya sa litrato at mukhang mahal na mahal ang isa't isa. Mga artista talaga. Agad kong iniiwas ang aking paningin doon. Sa litrato pa lamang ay nasasaktan na ako. Dapat ba akong makaramdam ng inggit kay Inna? Dapat ba? Dahil nagagawa ni Davin sa kanya ang dapat sa akin. Ang sakit lang isipin na kayang gawin ni Davin
Pwede bang mag laho na lamang ako? Kasi pakiramdam ko ay wala akong kwenta, walang kwenta ang isang Amara. Buong pag iyak ko lamang ang maririnig sa buong kabahayan. Kaya pala... kaya pala ilang araw siyang wala dahil nasa ibang bansa siya, kaya pala walang dumadating na Davin sa t'wing naghihintay ako. Hindi niya ba naisip na mag aalala ako sa kanya? Kahit anong suksok ko sa aking isipan na wala silang relasyon na dalawa ay kinokontra pa rin ako ng sarili kong kutob na mayroon dahil sa tinginan nila. Masaya ba siya? Masaya ba siya kay Inna? Mas lalong lumakas ang aking pag iyak, hindi ko na alam ang gagawin ko... Davin, paano naman ako? Paano ako? Please... litong lito na ako. Pwede bang mag pahinga muna ako sa sakit kahit isang araw man lang? Kasi napapagod na rin ako pero supling bumitaw. Ayokong bumitaw kasi mahal na mahal ko siya. Umabot na ako sa puntong hindi ko na mahal ang sarili ko dahil nasa kanya na lahat lahat. Handa akong ibigay ang sarili ko sa kanya dahil mahal k
Ito ata ang kauna unahang pag kakataon na hindi ako nakaramdam ng lungkot sa gabi. Payapa ang dibdib at utak ko at ayoko munang isipin kung anong ginagawa ni Davin ngayon dahil baka masaktan lamang ako. Matiwasay akong naka tulog nang gabing iyon. Kinabukasan ay maaga akong nagising upang mag bake ng mga samples na ipapatikim ko kay Miss Zapanta, ang tinawagan ko kahapon. Kahit pawis na pawis ako noong natapos ako ay hindi ako nakaramdam ng pagod. Agad akong gumayak at inilagay sa kotse ang mga cake. Sumakay ako doon at binuhay ang makina.Tinext na sa akin ni miss Zapanta kung saan ko siya pwedeng imeet at sa isang five star hotel. Pag karating ko doon ay nagulat na lamang ako dahil naka abang si Gottfred sa parking lot. Bumaba ako ng sasakyan at nilapitan niya ako. "Kanina pa ko nag hihintay dito. Alam kong marami kang bibitbitin. Tulungan na kita." aniya at binuksan ang likod ng kotse ko at kinuha ang mga kahon ng cake doon. "Thankyou, Gott." Ngumiti ako sa kanya at kinuha an
Pakiramdam ko ay malalagutan ako ng hininga dahil sa narinig. M-May nangyayari sa kanila? Gusto kong sabunutan ang aking sarili. Malamang Amara! Kung kayang mambabae ni Davin, kaya niya 'ding gawing babae si Inna! Pinilit kong buhatin ang aking paa upang humakbang paatras kahit na hindi ko na maramdaman pa ang aking mga binti. Nang matagumpayan kong makagalaw ay hindi ko na napansin pang tumatakbo na pala ako. Gusto kong umalis sa lugar na ito, gusto kong tumakas sa sakit. Wala ako sa sariling pumasok sa aking sasakyan at napakapit ako ng mahigpit sa aking manibela at napadukdok doon. Habol habol ko ang aking hininga, nanunuot ang sakit sa aking dibdib.Inalis ko ang pag kakadukdok ko sa manibela at inihilamos ang aking kamay sa aking mukha. Nanginginig pa rin ang aking kamay noong binuhay ko ang makina ng aking sasakyan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung saan ako patungo, kung anong daan na ba ang aking tinatahak. Basta ang alam ko lamang ay gusto kong makatakas sa sakit. T
Sa kalagitnaan ng kanyang pag akyat ay huminto siya. Nabuhayan ako nang pag asa na bakasakaling sumabay siya sa akin na kumain. Lumingon siya sa akin, walang emosyon ang kanyang mga mata."Kung nagpapakaasawa ka, tigilan mo na." Nag patuloy siya sa kanyang pag akyat.Napaiwas ako ng paningin sa kanya. Mali ba? Mali bang dapat kong gawin ang nararapat kong gawin?"D-Davin teka lang..." pagpigil ko sa kanya. Gusto kong tanungin ang tungkol sa kanila ni Inna. Tumigil siya ngunit hindi tumingin sa akin. "T-Totoo bang nag dedate na k-kayo ni Inna?" ka'y lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. "Oo... " Para akong tinakasan ng lakas dahil sa sinabi niya. Walang emosyon ang kanyang boses. Nanlalabo ang aking paningin habang nakatanaw sa kanyang nag papatuloy na naglalakad.Napahawak ako sa sofa at napaupo. Sila na?Hinawi ko ang aking mga luha sa aking mata. Pinilit kong kumalma. Noong umagang iyon ay umalis na naman si Davin, noong tinanong ko kung saan siya p