Chapter: KABANATA 3Tumalikod na si Jellai upang umalis sa lugar na ‘yon dahil sapat na ang kaniyang nakuhang mga litrato upang magawan ng journal.Hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng gano’ng klaseng litrato.Huminga siya nang malalim at saka naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.Dapat masaya siya sa kaniyang mga nakukuha pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, parang bigla siyang nawalan ng gana.Panay ang buntonghininga niya habang nagmamaneho siya pabalik sa kaniyang bahay.Umiling siya at muling napabuntonghininga.Kailangan niyang mag-isip nang maisusulat sa gagawin niyang journal.Malaking balita ‘to kapag nailabas na niya sa publiko.Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay umupo muna siya sa kaniyang sofa upang magpahinga muna.Nilingon niya ang kaniyang camera at kinuha ’to upang tingnan ang mga litrato na nakuha niya, inisa-isa niya ang mga ’to at hindi niya maialis ang mga mata niya sa litrato ng lalaki na seryosong nakikipag-usap kay Amanda.
Huling Na-update: 2022-12-26
Chapter: KABANATA 2Kinaumagahan, maagang nagising si Jellai upang pumunta sa isang lugar kung nasaan ngayon ang kaniyang Boss at naghihintay sa kaniya.Gusto siyang makausap nang personal ng kaniyang Boss upang maipaliwanag nitong mabuti kung ano ba ang mga kailangan gawin ni Jellai dahil malaking tao ang kanilang babanggain at sa aminin man nila o hindi, maaaring mapahamak si Jellai kung sakali mang papalpak ang kanilang plano kaya naman hangga’t kaya nilang protektahan at suportahan si Jellai ay gagawin nila dahil malaking pera ang naipapasok ni Jellai sa kanilang kompanya.Para sa kanila, ang tingin nila ngayon kay Jellai ay isang alas na may dalang s’werte kaya hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa dalaga.“Morning, Boss,” bati ng dalga sa kaniyang amo nang makita niya na ito sa meeting place na kanilang pinag-usapan.“Magandang araw, Miss Sudalga. Mabuti naman at tinanggap mo ang munti kong imbitasyon sa ‘yo, sige, maupo ka lang at um-order ng pagkain habang hindi pa tayo nagsisimula sa a
Huling Na-update: 2022-12-26
Chapter: KABANATA 1Gabi na nang dumating sa apartment niya si Jellai, kauuwi niya lang galing sa pagsunod kay Leon para lang makakuha ng mga inpormasyon at makagawa siya ng balita tungkol sa binata tulad pinapatrabaho sa kaniya ng Boss niya.Mahalaga ang journal na ilalabas niya at sigurado na ikatutuwa ‘yon nang kaniyang boss kaya kahit na pagod ay humarap na siya sa kaniyang laptop upang simulan ang paggawa sa nakalap niyang balita.Panay buntonghininga ni Jellai habang nagta-type siya sa kaniyang laptop dahil hind na siya nagulat sa balita na nakuha niya, alam naman niya na babaero talaga si Leon at hindi na siya nagulat nang makakuha siya ng litrato ng lalaki na papasok sa isang hotel habang may kasamang isang sikat na artista.Matapos gumawa ng journal ni Jellai ay agad na niya ‘tong inilabas sa publiko.“Natapos din,” bulong niya sa kaniyang sarili bago mag-inat at mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakita niyang maliwanag na. “Inabot na naman ako ng umaga.” Hinubad niya ang kaniyang salami
Huling Na-update: 2022-12-26
Chapter: KABANATA 5Hindi na ako nagulat nang pagkarating namin sa High Hei University ay maraming tao.Enrollment ngayon kaya naman inaasahan ko ng dagsa ang mga estudyante.“Kung gusto mong makauwi nang maaga ay ’wag kang hihiwalay sa akin.” Tumingin ako kay Kieferd na kararating lang habang nagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya sa kamay.Tumango na lang ako bilang sagot ako sumunod sa kaniya nang maglakad siya.Hindi ko maiwasang hindi ilibot ang aking mga mata sa paligid dahil maganda ang bawat gusaling nasa paligid ko at isa na rin para maging pamilyar na ako bawat sulok dito.Nauunang maglakad si Kieferd at napapansin ko ang ibang mga kababaihan na pasimpleng tumitingin kay Kieferd.Napangiti ako ng palihim dahil nagkamali ako sa aking hinala na walang nagkakagusto kay Kieferd dahil mukhang popular pa ito rito sa unibersidad na pinasukan namin pero sandali lang, ang pagkakaalam ko kasi ay 4th-year high school pa lang si Kieferd
Huling Na-update: 2022-02-26
Chapter: KABANATA 4“Sa High Hei University ba ka mo?” Tumango ako sa tanong ni Tito Kei.Nagtatanong kasi ako kung paanong mag-enroll sa High Hei University dahil napagpasyahan ko na rin kasi na lumipat ng eskwelahan dahil may kalayuan ang dating eskwelahan ko rito, mahihirapan ako sa pagbyahe-byahe.“Opo, kumpleto naman po ako ng mga requirements,” sabi ko bago ipakita sa kaniya ang mga papel na p’wede kong magamit sa pag-eenroll sa High Hei.“Si Tita Lovelle mo ay p’wede mong makasama ro’n, madali ka na lang makakapasok dahil Dean ang kapatid niya do’n.” Namilog ang aking bibig at napatango.‘Talaga ngang mayaman sila.’“Okay lang po kaya kung ako na lang ang pupunta ro’n?” tanong ko kay Tito na agad naman niyang ipinagtaka kaya naman nagsalita na ulit ako. “Baka po kasi busy si Tita Lovelle at maistorbo ko pa po siya.” Inayos ko ang aking salamin at hinintay ang k
Huling Na-update: 2022-02-26
Chapter: KABANATA 3Nilagay ko ang aking mga damit sa cabinet na nandito sa k’warto dahil sabi ni Tita ay lahat ng nandito ay p’wede kong gamitin.Kumpleto ang mga gamit dito, kahit na sa cr ay nando’n na ang lahat, shampoo, sabon, conditioners, at iba pang kakailanganin ko sa pagligo.Kinuha ko rin ang mga librong dala ko para sa pag-aaral ko.“Miss Portia, magmeryenda muna raw po kayo.” Tumingin ako sa isang maid nila Tita Lovelle na may dalang tray ng pagkain.Tumayo ako upang tulungan siyang ilagay ang mga ’yon sa side table ko.“Salamat,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.Mukhang bata pa siya dahil sa maganda niyang mukha.“Ako nga po pala si Summer, isa po akong katulong dito sa bahay,” nakangiting sabi niya sa akin at inabot niya ang kaniyang kamay kaya naman inabot ko rin ’yon at nakipag-shake hands.“Portia na lang ang itawag mo sa akin, ilang taon ka na?” tan
Huling Na-update: 2022-02-26
Chapter: KABANATA 2“Sigurado ba kayong hindi na kayo kakain?” tanong ni Tita Lovelle dahil aalis na sila Mama agad kahit hindi pa sila kumakain.“Oo, Mare. Baka kasi ma-late kami sa flight namin,” sagot ni Mama bago tumingin sa akin at yakapin ako. “Aalis na muna kami ni Papa mo, dito ka muna kay Tita Lovelle mo.” Inayos ni Mama ang aking buhok na napupunta sa aking mukha dahil sa hangin.“Hindi ka na namin dapat pang sabihin sa mga dapat mong gawin dahil malaki ka na pero magpakabait ka rito at mag-aral ka ng mabuti, buwan-buwan ay darating ang allowance mo para sa gastusin mo sa pag-aaral at sa mga personal na gastusin mo.” Tumango ako sa sinabi ni Papa.“Hindi ka naman makulit pero ’wag mong papasakitin ang ulo ng Tita Lovelle at Tito Kiesler mo, maliwanag?” tanong ni Mama kaya naman sumagot ako sa kaniya.“Opo, kaya ko naman po ang sarili ko kaya wala po kayong dapat ipag-alala at saka nasa puder na
Huling Na-update: 2022-02-26
Chapter: KABANATA 1“Portia?” Dinilat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako. “Ma?” tawag ko sa kaniya bago kusutin ang aking mata. “Nandito na tayo, hija.” Tumingin ako sa labas ng sasakyan namin upang tingnan ang bahay ng mga De Chavez. Hindi nga ako nagkamali sa aking akala dahil malaki at maganda nga ang bahay nila. “Bumaba ka na at hinihintay na nila tayo.” Tumango ako kay Mama bago bumaba sa kotseng sinasakyan namin. Sinuot ko ang aking salamin sa mata bago ilibot sa buong paligid ang aking paningin. Maraming puno at mga bulaklak ang nasa paligid kaya naman bahagya akong napangiti dahil maganda ang pagkakaayos ng mga ito. “Ma’am, nasa loob na po sila Madam Lovelle.” May isang kasam-bahay ang lumapit sa amin kaya naman nginitian ko siya bago tumango at sumama kay Mama na papasok na sa loob ng bahay. “Mabait sila Portia kaya naman hindi mo kailangan matakot.” Kumapit ako kay Mama nang bumukas na ang pinto. “At nandito rin ang anak nila na p’wede mong kausapi
Huling Na-update: 2022-02-26