Share

Substitute Bride
Substitute Bride
Author: Kyanma

KABANATA 1

Author: Kyanma
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Gabi na nang dumating sa apartment niya si Jellai, kauuwi niya lang galing sa pagsunod kay Leon para lang makakuha ng mga inpormasyon at makagawa siya ng balita tungkol sa binata tulad pinapatrabaho sa kaniya ng Boss niya.

Mahalaga ang journal na ilalabas niya at sigurado na ikatutuwa ‘yon nang kaniyang boss kaya kahit na pagod ay humarap na siya sa kaniyang laptop upang simulan ang paggawa sa nakalap niyang balita.

Panay buntonghininga ni Jellai habang nagta-type siya sa kaniyang laptop dahil hind na siya nagulat sa balita na nakuha niya, alam naman niya na babaero talaga si Leon at hindi na siya nagulat nang makakuha siya ng litrato ng lalaki na papasok sa isang hotel habang may kasamang isang sikat na artista.

Matapos gumawa ng journal ni Jellai  ay agad na niya ‘tong inilabas sa publiko.

“Natapos din,” bulong niya sa kaniyang sarili bago mag-inat at mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakita niyang maliwanag na. “Inabot na naman ako ng umaga.” Hinubad niya ang kaniyang salamin at sinarado na ang laptop saka humiga sa kaniyang kama upang matulog at makapagpahinga na dahil isang buong araw siyang nagtatrabaho.

Agad na dinalaw ng antok si Jellai dala na rin nang sobrang pagod kaya naman agad siyang nakatulog nang mahimbing at tirik na ang araw nang magising siya.

Kung hindi pa siguro tumunog ang kaniyang telepono ay hindi pa siya magigising sa mahimbing na pagkakatulog.

Pupungay-pungay ang kaniyang mga mata nang kuhanin niya ang kaniyang telepono upang tingnan kung sino ba ang tumatawag sa kaniya at napabutonghininga na lang siya nang makita niya ang numero at pangalan ng kaniyang boss sa screen ng cellphone.

Sinagot niya ‘to bago muling ipikit ang mga mata.

‘Hindi ba muna niya ako pagpapahingahin?’

“Boss…” tawag niya rito.

Narinig niya ang pagtikhim nito sa kabilang linya.

“Magandang araw, Miss Sudalga,” anang kausap niya sa kabilang linya kaya naman tumango si Jellai na para bang nasa harap niya lang ang kaniyang kausap. “Masaya ako na nagawa mo nang malinis at maayos ang pinapatrabaho ko sa ‘yo kaya naman bibigyan kita ng bonus.” Awtomationg napadilat ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ng Boss niya.

Parang nawala ang antok niya dahil sa kaniyang narinig at napangisi na lamang.

‘Hindi nasayang ang paghihirap ko.’

Naiusal na lamang ni Jellai sa kaniyang isipan habang nakangiti.

Sigurado siya na natuwa talaga ang kaniyang boss dahil sa ginawa niya kaya naman kinuha niya ang laptop upang bisitahin ang mga kaganapan at kung ano na ba ang nangyayari sa social media.

Sigurado na pinagpipyestahan na ang ginawa niya at hindi nga siya nagkamali dahil agad na kumalat ang balita na ginawa niya at nag-trending.

“Siguro ay nakita mo na rin ang ginawa mo kaya nga bibigyan ulit kita ng bagong trabaho.” Kusa na lang nawala sa mga labi ni Jellai ang mga ngiti nito kanina.

Hindi pa siya nakakapagpahinga nang maayos pero may bago na namang trabaho kaya naman muling napahiga sa kama si Jellai.

Parang gusto na niya munang magpahinga kahit na isang linggo dahil laging bugbog ang kaniyang katawan sa pagpunta sa iba’t ibang lugar masundan lang ang mga tao na pinapatrabaho sa kaniya ng kaniyang Boss.

“Boss, bigyan niyo naman ako ng bakasyon kahit na isang linggo, marami naman kami baka p’wede na sa kanila mo muna ipagawa ‘yan,” sabi nito na may halong pagrerklamo, malaki ang kinikita niya pero tao pa rin siya at kailangan niya rin nang pahinga.

“Alam mo naman na sa lahat ng mga journalist na nagatatrabaho sa kompanya namin, ikaw talaga ang may pinakamaraming balita na nailabas at napasikat at dahil din sa ‘yo nakikilala ang panglan ng kompanya namin. Naiintindihan naman kita at alam ko na napapagod ka rin pero sigurado kasi ako na magugustuhan mo ang sunod na taong ipapatrabaho ko sa ‘yo.” Kahit na gustong umangal ni Jellai, wala na siyang nagawa kung hindi ang hintayin ang mga sunod na sasabihin ng kaniyang Boss dahil mukhang kilala na namang tao ang ipapatrabaho sa kaniya ng kaniyang Boss.

Lagi naman na mga kilalang tao ang nagiging subject niya sa kaniyang mga ginagawang journal, kung hindi sikat na artista, isa namang kilalang model, kung hindi naman ay mga kilalang tao na gustong dumihan ang pangalan upang maipagpatuloy ang kanilang mga pinaplano.

Isang secret journalist si Jellai, walang nakakakilala sa kaniya bukod sa kaniyang Boss na nag-uutos sa kaniya kung ano ang mga kailangan niyang gawin kaya lahat ng gawin niyang journal ay safe ang personal information niya.

“Okay, Boss. Sino ba ang tao na ‘yan?” walang ganang tanong ni Jellai dahil sigurado naman siyang matatrabaho niya agad ang tao na ‘to.

May tiwala siya sa kaniyang sarili, alam niyang magagawa niya agad ‘yon at matatapos sa maikling panahon.

Tumahimik sa kabilang linya kaya naman ang akala niya ay pinutol na ng kaniyang Boss ang tawag pero nang tingnan niya ‘to, nasa kabilang linya pa rin ang kausap niya.

“Boss—” Naputol ang pagtangka niyang pagtawag sa kausap nang magsalita na ‘to.

“Russel… Russel Dantes.” Nangunot ang noo niya dahil sa kaniyang narinig. “Siya ang tao na ipapatrabaho ko sa ‘yo, kailangan mo lang makahanap at makagawa ng mga negative news na ikasisira ng pangalan niya.” Hindi agad nakapagsalita si Jellai. “Malaking pera ang nakalaan dito,” pangungumbinsi pa ng kaniya Boss at kusa na lang umangat ang gilid ng labi ni Jellai nang may mapagtanto siyang isang bagay.

Matagal na niyang kilala ang lalaki at matagal na rin niyang minamanmanan.

Napansin niya nga na napakaganda ng imahe nito sa publiko.

Kahit na minsan ay hindi nagkaro’n ng issue.

Napakalinis ng pangalan mapaloob o labas man ng bansa kaya naman nagkaro’n agad ng interest si Jellai sa taong ‘to.

Napalaking balita nang magagawa niya kapag nagkataon.

Napangisi si Jellai.

‘Mukhang magiging mahirap ang traabaho ko na ‘to.’

“Sige, Boss. Ako na ang bahala,” pakikipasundo niya sa kausap niya at kahit na hindi niya nakikita ang taong kausap niya, alam niya na nakangisi na rin ‘to dahil sa naging sagot niya sa alok nito.

“Maaasahan ka talaga,  Miss Sudalga. Aasahan ko na ang katagumpayan mo.”

Related chapters

  • Substitute Bride   KABANATA 2

    Kinaumagahan, maagang nagising si Jellai upang pumunta sa isang lugar kung nasaan ngayon ang kaniyang Boss at naghihintay sa kaniya.Gusto siyang makausap nang personal ng kaniyang Boss upang maipaliwanag nitong mabuti kung ano ba ang mga kailangan gawin ni Jellai dahil malaking tao ang kanilang babanggain at sa aminin man nila o hindi, maaaring mapahamak si Jellai kung sakali mang papalpak ang kanilang plano kaya naman hangga’t kaya nilang protektahan at suportahan si Jellai ay gagawin nila dahil malaking pera ang naipapasok ni Jellai sa kanilang kompanya.Para sa kanila, ang tingin nila ngayon kay Jellai ay isang alas na may dalang s’werte kaya hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa dalaga.“Morning, Boss,” bati ng dalga sa kaniyang amo nang makita niya na ito sa meeting place na kanilang pinag-usapan.“Magandang araw, Miss Sudalga. Mabuti naman at tinanggap mo ang munti kong imbitasyon sa ‘yo, sige, maupo ka lang at um-order ng pagkain habang hindi pa tayo nagsisimula sa a

  • Substitute Bride   KABANATA 3

    Tumalikod na si Jellai upang umalis sa lugar na ‘yon dahil sapat na ang kaniyang nakuhang mga litrato upang magawan ng journal.Hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng gano’ng klaseng litrato.Huminga siya nang malalim at saka naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.Dapat masaya siya sa kaniyang mga nakukuha pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, parang bigla siyang nawalan ng gana.Panay ang buntonghininga niya habang nagmamaneho siya pabalik sa kaniyang bahay.Umiling siya at muling napabuntonghininga.Kailangan niyang mag-isip nang maisusulat sa gagawin niyang journal.Malaking balita ‘to kapag nailabas na niya sa publiko.Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay umupo muna siya sa kaniyang sofa upang magpahinga muna.Nilingon niya ang kaniyang camera at kinuha ’to upang tingnan ang mga litrato na nakuha niya, inisa-isa niya ang mga ’to at hindi niya maialis ang mga mata niya sa litrato ng lalaki na seryosong nakikipag-usap kay Amanda.

Latest chapter

  • Substitute Bride   KABANATA 1

    Gabi na nang dumating sa apartment niya si Jellai, kauuwi niya lang galing sa pagsunod kay Leon para lang makakuha ng mga inpormasyon at makagawa siya ng balita tungkol sa binata tulad pinapatrabaho sa kaniya ng Boss niya.Mahalaga ang journal na ilalabas niya at sigurado na ikatutuwa ‘yon nang kaniyang boss kaya kahit na pagod ay humarap na siya sa kaniyang laptop upang simulan ang paggawa sa nakalap niyang balita.Panay buntonghininga ni Jellai habang nagta-type siya sa kaniyang laptop dahil hind na siya nagulat sa balita na nakuha niya, alam naman niya na babaero talaga si Leon at hindi na siya nagulat nang makakuha siya ng litrato ng lalaki na papasok sa isang hotel habang may kasamang isang sikat na artista.Matapos gumawa ng journal ni Jellai ay agad na niya ‘tong inilabas sa publiko.“Natapos din,” bulong niya sa kaniyang sarili bago mag-inat at mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakita niyang maliwanag na. “Inabot na naman ako ng umaga.” Hinubad niya ang kaniyang salami

DMCA.com Protection Status