Share

KABANATA 2

Author: Kyanma
last update Last Updated: 2022-12-26 14:15:11

Kinaumagahan, maagang nagising si Jellai upang pumunta sa isang lugar kung nasaan ngayon ang kaniyang Boss at naghihintay sa kaniya.

Gusto siyang makausap nang personal ng kaniyang Boss upang maipaliwanag nitong mabuti kung ano ba ang mga kailangan gawin ni Jellai dahil malaking tao ang kanilang babanggain at sa aminin man nila o hindi, maaaring mapahamak si Jellai kung sakali mang papalpak ang kanilang plano kaya naman hangga’t kaya nilang protektahan at suportahan si Jellai ay gagawin nila dahil malaking pera ang naipapasok ni Jellai sa kanilang kompanya.

Para sa kanila, ang tingin nila ngayon kay Jellai ay isang alas na may dalang s’werte kaya hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa dalaga.

“Morning, Boss,” bati ng dalga sa kaniyang amo nang makita niya na ito sa meeting place na kanilang pinag-usapan.

“Magandang araw, Miss Sudalga. Mabuti naman at tinanggap mo ang munti kong imbitasyon sa ‘yo, sige, maupo ka lang at um-order ng pagkain habang hindi pa tayo nagsisimula sa ating pag–usapan,” anang kaniyang kausap kaya naman tumingin si Jellai sa menu na nasa kaniyang harap upang um-order ng pagkain dahil sa totoo lang ay hindi pa siya kumakain, maagang tumawag ang Boss niya at hindi man lang siya nakapaghanda nang dahil do’n.

“Ang agang meeting naman nito, Boss. Hindi mo man lang ako sinabihan na magme-meeting muna pala tayo bago ako magsimula, bakit? May bukod sa paggawa ng balita tungkol  kay Russel Dantes, may ipagagawa pa ba kayong iba sa akin?” tanong nito habang ang mga mata ay nasa menu at abala sa pagpili ng makakain.

Ngumiti ang Boss niya dahil sa kaniyang sinabi.

Sa mga mata ng kaniyang Boss, si Jellai ay isang napakaganda at napakabait na dalaga.

“May mga kailangan lang akong ipaliwanag sa ‘yo, baka kasi hindi tayo magkaintindihan kung sa telepono tayo mag-uusap kaya naman niisip ko na sa personal na lang tayo mag-usap para mas lalo tayong magkaunawaan.” Saglit na nawala sa menu ang atensyon ni Jellai dahil biglang nag-iba ang tono ng pananalita ng kaniyang amo na tila nagbabanta ito na may panganib na nagahihintay sa kaniya.

Tumikhim siya bago itaas ang kamay upang tawagin ang waiter.

“What’s your oder, Ma’am?” tanong ng waiter sa kaniya.

“Glass of water please, mukhang manunuyo ang lalamunan ko sa usapan namin,” sabi niya sa waiter na bahagyang ikinatawaa ng kaniyang Boss. “Masyado mo naman akong pinpakaba, Boss. Wala ka namang kailangang ipag-alala dahil sa ilang taon kong pagtatrabaho sa inyo, kahit na minsan ay walang nakahuli sa akin at isa pa, matagal ko na talagang minamanmanan ang tao na ‘yan kaya baka maging madali na lang sa akin ang lahat,” may kasiguraduhan ang kaniyang boses nang sabihin niya ‘yon.

Kilala niya ang kaniyang Boss at alam niya na tulad dati, nag-aalala na naman sa kaniya ‘to dahil muntik na siyang mahuli no’n, mabuti na lang at nagawan nila ng paraan at nailigtas at naitago nila nang ligtas si Jellai.

Aminin man ni Jellai o hindi, hindi nagkulang sa kaniya ang kaniyang Boss.

Hindi siya nito pinababayaan sa kahit na anong oras.

Tiningnan niya ang maamo at magandang mukha ng babaeng kaharap niya.

‘Kung hindi ko lang alam ang trabaho niya, iisipin ko na inosente siya.’

Ngumiting muli sa kaniya ang kaniyang Boss bago ilabas ang mga papel na dala nito.

Mga advance information ang mga ‘yon, nagre-search na rin ito kagabi upang hindi na mahirapan si Jellai kung saan magsisimula ang dalaga.

Kinuha ni Jellai ang mga papel sa kaniyang harap upang tingnan ang mga ‘to.

Napatango-tango siya nang mabasa niya ang mga nakasulat dito, makakatulong sa kaniya ‘to upang makapagsimula at makaisip ng mga plano upang maging malinis ang kaniyang trabaho.

“Kung gano’n patuloy pa rin sa pagsikat ang lalaki na ‘to, hindi na nakakagulat ‘to,” sabi niya na parang wala lang sa kaniya ang nabasa na patuloy pa rin sa pagsikat si Russel dahil patuloy pa rin sa paglago ang negosyo nito.

Hindi na maitatanggi ni Jellai ang katangian ng lalaki.

‘Magaling talaga siya sa paghawak ng isang negosyo.’

Napangisi na lang si Jellai sa kaniyang naisip.

Napahinto ng ilang segundo si Jellai nang may makita pa siyang isang bagay kay Russel.

Kasalukuyan ‘tong nasa isang relasyon at ang sikat na model na si Samara Ventura ang kaniyang nobya at ikakasal na sila— tatlong buwan simula ngayon.

Bahagyang nagulat si Jellai sa kaniyang nabasa lalo na at nakita niyang nakapubliko ang balita na ‘to pero hindi man lang niya alam ‘to.

‘Nakakagulat ‘to.’

“Ikaw na ang bahala sa kaniya, aasahan ko ang balita na ilalabas mo, mauuna na ako, Miss Sudalga.” Tinanguan na lang ni Jellai ang kaniyang Boss nang magpaalam na sa kaniya ‘to.

Ilang minuto lang nang umalis ang kaniyang Boss, napagpasyahan na rin ni Jellai na umalis sa lugar na ‘yo upang maglibot-libot at magpalipas ng ilang oras bago siya muling umuwi at bumalik sa kaniyang pagtatrabaho.

Pumunta siya sa isang park malapit sa kainan na pinuntahan ng kaniyang Boss.

Marami ang tao rito upang mamasyal.

Ang iba sa kanila ay kasama ang mga kasintahan o mga kaibigan pero karamihan sa mga ‘to ay isang buong pamilya na nagbo-bonding.

Huminto si Jellai sa isang wishing well na kaniyang nadaan.

Nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga ang dalaga bago may biglang maalalang munting alaala.

Naaalala niya pa no’n, tuwing makakakita siya ng ganito, lagi lang siyang humihiling na sana maging masaya ang kaniyang pamilya na sana magkaro’n sila ng mahabang panahon na magkakasama pero kabaliktaran nun ang lahat nang nangyari sa kanila.

“Hindi nanalo ang kaso Jellai at isasardo na nila ‘to dahil wala silang makuhang matibay na ibidensya sa pinangyarihan ng insidente.”

Napadilat si Jellai nang parang muli niyang narinig ang mga salitang ‘yon sa kaniyang isipan.

“Panaginip…” bulong niya bago pindutin ang alarm clock na nag-iingay sa side table niya.

Umaga na at napahaba ang tulog niya kagabi dahil sa sobrang pagod kaya siguro napanaginipan na naman niya ang bagay na ‘yon.

Bumangon siya upang buksan ang kaniyang laptop at tingnan ang email sa kaniya ng kaniyang boss.

Ipinadala na sa kaniya ang kalahati ng bayad para sa gagawin niyang trabaho.

Napatitig na lang siya sa screen ng kaniyang laptop.

Hindi na siya namamangha sa mga halaga na ipinapadala sa kaniya ng kaniyang Boss, hindi tulad dati.

Malaking halaga naman ‘to pero pakiramdam niya ay napakadali na lang niyang kikitain ‘to.

Ganito na lang ang nagiging takbo ng buhay niya.

Magtatrabaho.

Magkakapera.

Magpapahinga.

At muling babalik sa pagtatrabaho.

Hindi na niya alam kung may patutunguhan pa ba ang buhay niya dahil sa trabaho na lang niya umiikot ang buo niyang mundo.

Trabaho, trabaho, trabaho, walang katapusan na trabaho.

Nakakaramdam siya ng pagod pero ang katawan niya, nasanay nang laging may ginagawa kaya naman kahit na gusto niyang magpahinga, hindi siya makatagal na wala siyang ginagawa.

Muli niyang isinara ang kaniyang laptop at tumayo na upang kumain ng umagahan dahil ngayong araw na ang simula ng kaniyang trabaho, kasama sa email na ipinadala sa kaniyang kaniyang Boss ang impormasyon na ngayong araw ay may pupuntahan na meeting si Russel at magandang pagkakataon ‘to para kay Jellai.

Wala naman nang kailangan gawin si Jellai sa kaniyang buhay kung hindi ang magtrabhao nang magtrabaho dahil ito lang ang nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan.

Nagsuot siya ng isang black fitted dress dahil nakita niya na sa isang hotel restaurant pupunta ngayon si Russel at si Amanda ang kasama nito.

Magandang pagkakataon na ang bagay na ‘to para sa kaniya dahil nalaman niya mula sa kaniyang Boss na si Amanda at Russel ay may hindi magandang nakaraan kung saan ipinagkasundo silang dalawa sa isang kasal ngunit hindi natuloy ang bagay na ‘yon dahil sa pagtutol ni Russel sa mangyayaring arranged marriage.

Pero nalaman niya rin na kung hindi lang dumating si Samara sa buhay ni Russel, siguradong silang dalawa ni Amanda ang magkakatuluyan ngayon dahil hindi mahirap mahalin ang tulad ni Amanda.

Sumakay si Jellai sa kaniyang sasakyan at nag-drive papunta sa lugar kung saan papunta rin ngayon sila Russel pero sa hindi malamang dahilan para siyang nakaramdam ng kaba na para bang may mangyayaring hindi maganda habang nagmamaneho siya pero iwinaglit na lang niya ‘yon sa kaniyang isipan at mas piniling ituon na lang ang buong atensyon  kaniyang dinaraanan.

Napatingin si Russel sa babae na pumasok sa restaurant, nakaitim ‘tong dress na hapit na hapit sa maganda niyang katawan, may kaiklian ‘to kaya naman nakabilad ngayon ang maputi at mahaba nitong hita.

Tumayo siya upang salubungin ang dalaga.

“Thank you for coming, Amanda,” anito bago ipaghila ng upuan ang dalaga na nasa harap niya.

“Mabuti na lang at nataon na wala akong meeting ngayon,  you’re lucky, Russel,” sagot sa kaniya ng dalaga kaya naman tumango siya rito.

“It’s good, do you want to eat something?” tanong niya kay Amanda nang makaupo na silang pareho.

Tiningnan naman siya ni Amanda bago tumingin sa menu na nasa harap nila.

Napailing na lang si Russel dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang dalaga, tulad pa rin ‘to nang dati.

“Hay…” Mahinang nagpakawala nang malalim na buntonghininga si Russel bago tumanaw sa labas ng glass wall kung saan kita niya ang labas ng hotel retaurant at sa pagtanaw niya rito ay may nakita siyang isang babae na naglalakad.

Nakasuot din ‘to ng itim na dress at may suot na sunglasses habang naglalakad na para bang modelo.

Hindi naalis ni Russel ang mga mata niya sa babae na ‘to hanggang sa tuluyan na ‘tong mawala sa kaniyang paningin.

Hindi alam ni Jellai kung saan siya pupunta dahil biglang nawala sa kaniyang paningin si Russel kaya naman nagsuot siya ng sunglasses at naglakad papunta sa isang bahagi ng hotel upang tingnan kung nando’n ba ang tao na hinahanap niya.

“B’wisit naman kasi ang lalaki na ‘yon, ang bilis maglakad,” bulong niya sa kaniyang sarili bago magpatuloy sa paglalakad.

Pumunta siya malapit sa parking at napahinto siya nang matanaw niya ang dalawang tao na nakaupo sa mismong tapat ng glass wall kaya naman agad na kinuha ni Jellai ang dala niyang camera at pomosisyon dahil tamang-tama ang kaniyang p’westo para sa isang magandang anggulo ng dalawang tao na ngayon ay nag-uusap habang kumakain.

‘Nandito lang pala kayo.’

Napangisi si Jellai sa kaniyang isipan habang binabantayan nang mabuti sina Russel.

Tinutok niya ang kaniyang camera sa seryosong mukha ni Russel at natigilan na lang si Jellai nang makita niya ang mukha ng binata.

Napakinis at napakag’wapo na para ‘tong isang modelo.

Muling tiningnan ni Jellai ang mukha ni Russel at tulad pa rin kanina, namangha pa rin siya sa tinatangi nitong kakisigan.

Nakita na niya ‘to sa litrato pero iba ang epekto sa kaniya ng lalaki na nakikita na niya ‘to sa personal.

‘Napakag’wapo niya.’

Umiling na lang si Jellai sa kaniyang naisip.

Nawawala na siya sa kaniyang focus.

Nakakalimutan na niya ang tunay na dahilan kung bakit siya nandito kaya muling ibinalik ni Jellai sa kaniyang isipan kung ano ba ang dahilan at nandito siya kaya naman tinanaw niyang muli ang dalawang tao at nagulat na lang siya nang tumayo ‘to at kumuha ng tissue napkin.

Napalunok si Jellai at hinihintay ang sunod na gagawin ng binata at nang makita  niyang tumunghay ‘to palapit kay Amanda ay agad na siyang humarap sa camera at kinuhanan ang kanilang posisyon ngayon kahit na nanginginig pa ang mga kamay niya.

Nakita ni Jellai na pupunasan ni Russel ang labi ni Amanda kaya pinindot niya ang kaniyang camera at nakuhanan niya ang pangyayari na ‘yon.

Tamang-tama ang anggulo.

Kitang-kitang ang mukha nila Russel at Amanda sa litrato na nakuha ni Jellai.

Maganda ang pagkakakuha niya pero…

Muling tumingin si Jellai dalawang tao na kaniyang binabantayan.

‘Bakit? Bakit, Russel?’

Tanong ni Jellai sa kaniyang isipan.

“Hindi ba at malapit na kayong ikasal ni Samara?”

Related chapters

  • Substitute Bride   KABANATA 3

    Tumalikod na si Jellai upang umalis sa lugar na ‘yon dahil sapat na ang kaniyang nakuhang mga litrato upang magawan ng journal.Hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng gano’ng klaseng litrato.Huminga siya nang malalim at saka naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.Dapat masaya siya sa kaniyang mga nakukuha pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, parang bigla siyang nawalan ng gana.Panay ang buntonghininga niya habang nagmamaneho siya pabalik sa kaniyang bahay.Umiling siya at muling napabuntonghininga.Kailangan niyang mag-isip nang maisusulat sa gagawin niyang journal.Malaking balita ‘to kapag nailabas na niya sa publiko.Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay umupo muna siya sa kaniyang sofa upang magpahinga muna.Nilingon niya ang kaniyang camera at kinuha ’to upang tingnan ang mga litrato na nakuha niya, inisa-isa niya ang mga ’to at hindi niya maialis ang mga mata niya sa litrato ng lalaki na seryosong nakikipag-usap kay Amanda.

    Last Updated : 2022-12-26
  • Substitute Bride   KABANATA 1

    Gabi na nang dumating sa apartment niya si Jellai, kauuwi niya lang galing sa pagsunod kay Leon para lang makakuha ng mga inpormasyon at makagawa siya ng balita tungkol sa binata tulad pinapatrabaho sa kaniya ng Boss niya.Mahalaga ang journal na ilalabas niya at sigurado na ikatutuwa ‘yon nang kaniyang boss kaya kahit na pagod ay humarap na siya sa kaniyang laptop upang simulan ang paggawa sa nakalap niyang balita.Panay buntonghininga ni Jellai habang nagta-type siya sa kaniyang laptop dahil hind na siya nagulat sa balita na nakuha niya, alam naman niya na babaero talaga si Leon at hindi na siya nagulat nang makakuha siya ng litrato ng lalaki na papasok sa isang hotel habang may kasamang isang sikat na artista.Matapos gumawa ng journal ni Jellai ay agad na niya ‘tong inilabas sa publiko.“Natapos din,” bulong niya sa kaniyang sarili bago mag-inat at mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakita niyang maliwanag na. “Inabot na naman ako ng umaga.” Hinubad niya ang kaniyang salami

    Last Updated : 2022-12-26

Latest chapter

  • Substitute Bride   KABANATA 3

    Tumalikod na si Jellai upang umalis sa lugar na ‘yon dahil sapat na ang kaniyang nakuhang mga litrato upang magawan ng journal.Hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng gano’ng klaseng litrato.Huminga siya nang malalim at saka naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.Dapat masaya siya sa kaniyang mga nakukuha pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, parang bigla siyang nawalan ng gana.Panay ang buntonghininga niya habang nagmamaneho siya pabalik sa kaniyang bahay.Umiling siya at muling napabuntonghininga.Kailangan niyang mag-isip nang maisusulat sa gagawin niyang journal.Malaking balita ‘to kapag nailabas na niya sa publiko.Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay umupo muna siya sa kaniyang sofa upang magpahinga muna.Nilingon niya ang kaniyang camera at kinuha ’to upang tingnan ang mga litrato na nakuha niya, inisa-isa niya ang mga ’to at hindi niya maialis ang mga mata niya sa litrato ng lalaki na seryosong nakikipag-usap kay Amanda.

  • Substitute Bride   KABANATA 2

    Kinaumagahan, maagang nagising si Jellai upang pumunta sa isang lugar kung nasaan ngayon ang kaniyang Boss at naghihintay sa kaniya.Gusto siyang makausap nang personal ng kaniyang Boss upang maipaliwanag nitong mabuti kung ano ba ang mga kailangan gawin ni Jellai dahil malaking tao ang kanilang babanggain at sa aminin man nila o hindi, maaaring mapahamak si Jellai kung sakali mang papalpak ang kanilang plano kaya naman hangga’t kaya nilang protektahan at suportahan si Jellai ay gagawin nila dahil malaking pera ang naipapasok ni Jellai sa kanilang kompanya.Para sa kanila, ang tingin nila ngayon kay Jellai ay isang alas na may dalang s’werte kaya hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa dalaga.“Morning, Boss,” bati ng dalga sa kaniyang amo nang makita niya na ito sa meeting place na kanilang pinag-usapan.“Magandang araw, Miss Sudalga. Mabuti naman at tinanggap mo ang munti kong imbitasyon sa ‘yo, sige, maupo ka lang at um-order ng pagkain habang hindi pa tayo nagsisimula sa a

  • Substitute Bride   KABANATA 1

    Gabi na nang dumating sa apartment niya si Jellai, kauuwi niya lang galing sa pagsunod kay Leon para lang makakuha ng mga inpormasyon at makagawa siya ng balita tungkol sa binata tulad pinapatrabaho sa kaniya ng Boss niya.Mahalaga ang journal na ilalabas niya at sigurado na ikatutuwa ‘yon nang kaniyang boss kaya kahit na pagod ay humarap na siya sa kaniyang laptop upang simulan ang paggawa sa nakalap niyang balita.Panay buntonghininga ni Jellai habang nagta-type siya sa kaniyang laptop dahil hind na siya nagulat sa balita na nakuha niya, alam naman niya na babaero talaga si Leon at hindi na siya nagulat nang makakuha siya ng litrato ng lalaki na papasok sa isang hotel habang may kasamang isang sikat na artista.Matapos gumawa ng journal ni Jellai ay agad na niya ‘tong inilabas sa publiko.“Natapos din,” bulong niya sa kaniyang sarili bago mag-inat at mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakita niyang maliwanag na. “Inabot na naman ako ng umaga.” Hinubad niya ang kaniyang salami

DMCA.com Protection Status