Tumalikod na si Jellai upang umalis sa lugar na ‘yon dahil sapat na ang kaniyang nakuhang mga litrato upang magawan ng journal.
Hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng gano’ng klaseng litrato.Huminga siya nang malalim at saka naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.Dapat masaya siya sa kaniyang mga nakukuha pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, parang bigla siyang nawalan ng gana.Panay ang buntonghininga niya habang nagmamaneho siya pabalik sa kaniyang bahay.Umiling siya at muling napabuntonghininga.Kailangan niyang mag-isip nang maisusulat sa gagawin niyang journal.Malaking balita ‘to kapag nailabas na niya sa publiko.Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay umupo muna siya sa kaniyang sofa upang magpahinga muna.Nilingon niya ang kaniyang camera at kinuha ’to upang tingnan ang mga litrato na nakuha niya, inisa-isa niya ang mga ’to at hindi niya maialis ang mga mata niya sa litrato ng lalaki na seryosong nakikipag-usap kay Amanda.“Ilang beses na kitang nakita sa mga magazine at journal pero…” Izinoom niya ng litrato ng lalaki at bahagyang napangiti. “Iba pa rin ang hitsura mo sa personal, nakakabihag pero…” Pinatunog niya ang mga buto sa leeg. “Mas mahalaga ang trabaho ko kaysa sa kag’wapuhan mo.”Humarap si Jellai sa kaniyang laptop upang magsimula na sa kaniyang trabaho.Wala dapat siyang sinasayang na oras.Mahalaga ang bawat segundo sa kaniya.Seryoso ang kaniyang mukha habang nakaharap sa laptop, maingat ang bawat salitang kaniyang inilalagay sa journal, lahat ay detalyado— walang labis, walang kulang.Nang matapos siya ay binasa niya muna ’to upang masigurdo na wala siyang nakalimutan na ilagay.“Ito ang simula ng pagbagsak mo, Russel,” bulong niya sa kaniyang sarili. “Ano na lang ang iisipin ng mga tao na tinitingala ka kapag nalaman nila na ikakasal ka na pero nagawa mo pang mambabae.”Alam niyang hindi totoo ang mga inilagay niya sa journal pero gamit ang mga litrato na nakuha niya, sigurado na paniniwalaan ang ginawa niya.Inilabas niya ’to sa publiko at pagkatapos nun ay napagpasyahan na niyang magpahinga dahil nakita niya na alas-kwartro na ng umaga.“Inumaga na naman ako.”Natulog siya at hindi na muna inintindi ang ginawa niyang journal para sa pumbliko.Malakas na hinampas ni Russel ang kaniyang lamesa nang may makita siyang isang journal, nando’n ng kaniyang litrato kasama si Amanda at nakatunghay siya sa dalaga na nagmumukhang hahalikan niya si Amanda kahit na ang totoo ay pupunasan niya lang naman ang gilid ng labi ng dalaga.Mas lalo pang nag-init ang kaniyang ulo nang makita niya ang nakasulat dito.“Russel Dantes and Amanda Bentalles are dating.”“F*ck this journal!” malakas na sigaw niya at galit na bumaling sa kaniyang secretary. “Hiro, delete this f*cking journal!” galit na utos nito sa kaniyang secretary.Agad namang yumuko ang lalaki at saka umalis sa opisina ni Russel upang gawan ng paraan at mabura ang journal na mabilis na kumalat sa publiko.Isang malaking kahihiyan ang journal na ’to at nagagalit si Russel dahil do’n, hindi niya alam kung sino’ng walang k’wentang tao ang gumawa ng journal na ’to.Sa sobrang galit ni Russel ay naibato na lang niya ang bote ng alak na nasa harap niya.Masisira ang iniingatan na pangalan ng pamilya niya at maaaring ikasira pa ng kanilang relasyon ni Samara ang bagay na ’to kaya agad na niyang tinawagan ang dalaga bago pa nito mabasa ang tungkol sa journal.Matalim ang kaniyang mga tingin nang balingan niyang muli ang journal na nasa laptop niya na kumalat sa buong publiko.Hinding-hindi niya mapapatawad ang taong gumawa nito.Hahanapin niya ’to kahit na sa kaila-ilaliman pa ng lupa.Nagising si Jellai na sobrang bigat ng pakiramdam niya na tila magkakalagnat siya kaya nanatili siyang nakahiga kahit na kanina pa tunog nang tunog ang cellphone niya, alam niyang ang Boss niya ang tumatawag at mukhang may ideya na siya kung bakit tumatawag ang dalaga sa kaniya.Pakiramdam niya ay hindi magiging maganda ang araw na ‘to para sa kaniya, ang bigat-bigat ng pakiramdam niya na parang ayaw na niyang tumayo sa kaniyang hinihigaan.‘Kumusta na kaya ang ginawa kong journal?’Tanong niya sa kaniyang isipan kaya naisipan niyang sagutin ang telepono niya na patuloy sa pagtunog. Hindi naman siya nagkamali sa kaniyang hinala na ang Boss niya ang tumatawag dahil nang tingnan niya ang screen ng phone niya, numero ng Boss niya ang bumungad sa kaniya.Sinagot niya ‘to habang sine-set-up ang laptop niya, bibisitahin niya lang ang journal na ginawa niya.“Hello, Boss. Napatawag ka?” tanong nito sa kausap sa kabilang linya.“May dalawa akong balita, isang bad at isang good, ano’ng gusto mong unang marinig?” balik na tanong sa kaniya ng kaniyang kausap.Napabuga ng hangin si Jellai dahil sa bungad sa kaniya ng kaniyang Boss, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo lang sasama ang pakiramdam.“Bahala ka na, Boss. Wala na rin akong magagawa sa kung ano pa’ng balita ang dala mo, nand’yan na ‘yan,” walang ganang sagot nito sa kausap.Bumukas na ang kaniyang laptop at bumungad sa kaniyang mga mata ang hindi mabilang na notification, kung gaano karami ang nag-share, nag-comment at nag-react sa ginawa niyang journal.Imbes na matuwa ay kabaliktaran nun ang naramdaman ngayon ni Jellai, tanging kaba ang nararamdaman niya sa hindi malamang dahilan.Natahimik siya, tanging malakas na kabog ng kaniyang dibdib lang ang naririnig niya hanggang sa magsalita ang tao na kausap niya sa kabilang linya.“Gusto kitang batiin dahil matagumpay mong nagawa ang iyong trabaho, nagawa mong sirain ang pangalan ni Russel Dantes kahit na sa maikling panahon pero ang masamang balitang kalakip nito ay nagawa nilang burahin ang ibang gawa mong journal at may posibilidad na ma-hack nila ang system mo at matunton ka kaya ngayon pa lang, sinasabihan na kita na mag-impake ka na at umalis na sa bahay mo, sunugin mo ang lahat nng mga gamit na p’wede nilang magamit para ma-trace ka.” Hindi agad nakapag-react si Jellai. Hindi niya alam kung ano ang kailangan niyang gawin. Natahimik na lang siya bigla at hindi na nakapagsalita matapos sabihin ang balitang ‘yon. “Susuportahan ka namin, Sudalga. Tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya kaya sige na, mag-impake ka na dahil ipapadala kita sa ibang bansa upang do’n muna manirahan hanggang hindi ka pa ligtas.” Pinutol na ng kaniyang Boss ang tawag pero hindi pa rin tinatanggal ni Jellai ang telepono na nakatapat sa kaniyang tainga.‘Hindi… Paano nilang nalaman ang bagay na ‘yon? Paano nilang nabura ang journal na ginawa ko? Gaano ba makapangyarihan ang taong ‘yon? Russel Dantes, sino ka ba talaga?’Natulala na lang si Jellai sa laptop habang pinagmamasdan ang ginawa niya.Nanlalamig siya lalo na nang may biglang kumatok sa pinto ng bahay niya.Do’n pa lang siya natauhan at napagtanto kung sino ang tao sa labas.“What a mess, Russel.” Tiningnan ni Russel nang masama ang kaniyang Kuya nang tingnan siya nito na parang napakalaki niyang pagkakamali. “May Samara ka na pero nagpahuli ka pa na kasama si Amanda, ano na lang kaya ang magiging reaksyon ni Samara kapag nakita niya ang journal kung saan ang fiance niya ang nakalagay habang may kasamang ibang babae.” Ngumisi ang kaniyang kapatid lalo na nang makita ang kaniyang mukha na sobrang pula na.“That’s a fake news, alam naman natin na hindi totoo ang nakasulat sa journal na ‘yon, Kuya.” May diin ang bawat salitang kaniyang binibitawan, bata pa lang talaga ay hindi na sila magkasundo. Lagi na lang silang nagkukumpitensya upang mapansin ng magulang.“Sa mga mata mo, oo. Pero paano sa mata ng publiko na mas pinaniniwalaan ang nakikita nila.” Taas noo siyang tiningnan ng kapatid niya. Hindi niya gusto ang uri ng pagtingin sa kaniya ng kaniyang kapatid. “Ikaw ang bumuo at nagpakilala sa pangalan natin pero hindi ko inaakala na ikaw rin pala ang sisira sa pangalaan natin sa mata ng publiko. Nakakahiya ka. Linisin mo ang pangalan mo habang maaga pa, ipaliwanag mo sa makikitid ang utak na ‘yon kung ano talaga ang nangyari.” Pagkatapos nun ay tinalikuraan na siya nito. Naikuyom na lang ni Russel ang kaniyang kamao dahil sa mga sinabi sa kaniya ng kaniyang kapatid.Hindi niya alam na sa isang maliit na kasinungalingan ay masisira nang gano’n ang kanilang pangalan dahil matapos umusbong ng balita na ginawa ni Jellai, sunod-sunod na naglabasan ang mga bad news tungkol sa kanilang pamilya.Naging sunod-sunod din ang pagbatikos sa kanila at pagbato ng hindi magagandang balita na hindi na niya nagugustuhan lalo na ang isang kaso na kinasangkutan na ng kaniyang pamilya noon na nabuhay muli na mas lalong nagpalala ng kanilang sitwasyon.Kahit na ang mga magulang niya ay hindi na siya magawang harapin dahil sa sobrang kahihiyan.‘Hindi kita mapapatawad, kahit na kailan, Miss Sudalga.’Matapos ang ilang oras na pag-iimbistiga ni Hiro kagabi, nalaman nila na ang tao sa likod ng fake news na ‘to ay walang iba kung hindi si Jellai Sudalga.Malaking halaga ng pera ang binitawan ni Russel para lang ipambayad sa pinakamagaling na hacker upang malaman nila kung sino ang lapastangan na gumawa ng journal na ‘yon.Tumunog ang telepono niya. Tiningnan niya ‘to at hindi na sana sasagutin dahil wala sa siya sa wisyo na makipag-usap sa kahit na sino pagkatapos niyang makipag-usap sa kaniyang kapatid pero nakita niya ang numero ng Ama ni Samara kaya agad niya ‘tong sinagot.Kagabi niya pa sinusubukan na tawagan ang nobya upang maipaliwanag na rito ang lahat at hindi na mag-isip nang kung ano-ano pero kahit na isa sa kaniyang mga tawag ay hindi man lang sinagot ni Samara kaya hindi na nakatulog pa si Russel dahil sa sobrang pag-iisip.“Papa—” Hindi na niya naituloy ang tangkang pagtawag niya rito nang magsalita na ‘to.“Starting today, don’t call me Papa anymore dahil hindi na matutuloy ang kasal niyo ng anak ko.” Kahit na hindi niya nakikita ang lalaking kaniyang kausap, ramdam naman niya ang galit sa boses nito na nagbigay kaba sa kaniya.“But Papa, let me explain, kayang-kaya kong ipaliwanag ang lahat ng nasa journal na ‘yon—”“I don’t need your explanation yet, ang kailangan ko ay ang kaligtasan ng anak ko sa mga taong nagbabadya sa buhay niya lalo na’t wala siyang malay ngayon, naaksidente siya dahil nakita niya ang journal mo habang pauwi siya galing shoot!” Nabingi si Russel sa kaniyang narinig. Ayaw tanggapin ng isip niya ang mga salitang ‘yon. “Kapag may nangyaring masama sa anak ko, sinisigurado ko sa ‘yo, Russel. Kahit na kailan ay hindi ka na makakaharap sa mga taong humahanga sa ‘yo.” Pinutol na ang tawag.Sa sobrang galit ni Russel ay sumigaw siya nang malakas at saka binato nang malakas ang kaniyang telepono.Lahat nang nakikitang bagay ni Russel ay binabasag o sinisira niya.Nasasaktan siya dahil sa balitang sinabi sa kaniya ni Mr. Ventura pero mas nanaig ang galit na nararamdaman niya sa babae na naging puno’t dulo ng lahat ng ‘to kaya tumayo siya at mabilis na naglakad palabas sa kanilang mansion.Nandidilim ang kaniyang paningin dahil sa mga nangyayari pero hindi naging hadlang ‘yon para hindi siya makapagmaneho nang mabilis at makarating agad sa ibinigay na location sa kaniya ni Hiro.Pagdating niya sa bahay ni Jellai ay walang ano-ano niya ‘tong kinatok nang malakas.“Jellai Sudalga! Show me your f*cking face!” sigaw nito habang patuloy sa pagkatok nang malakas. Hindi na alam ni Jellai ang kaniyang gagawin nang marinig niya ang galit na galit na boses ni Russel na kumakatok sa pinto ng bahay niya.Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya, nanlalamig at nangingig ang buong katawan niya dahil hindi niya inaasahan na mahahanap siya nito ng gano’ng kabilis.Takot si Jellai, takot na takot siya lalo na at alam niya ang naghihintay na parusa sa kaniya kaya hindi na siya mapakali hanggang sa tuluyang masira ni Russel ang pinto ng bahay niya at magtagpo ang kanilang mga mata.Napalunok si Jellai nang makita niya ang nagliliyab sa galit na mga mata ni Russel Dantes.Napaatras siya nang maglakad ‘to palapit sa kaniya.“Jellai… Sudalga, do you know me?” dahan-dahan na tanong ni Russel sa dalaga.Nanigas si Jellai nang malamig na pader na ang kaniyang naatrasan.“‘Wag kang l-lapit,” takot na saad nito.“Kinalaban mo ang isang tao na hindi mo pa kilala nang lubusan.” Hinawakan siya ni Russel sa braso. “Hindi mo kilala ang kaharap mo, ako… Ako ang magdadala sa ‘yo sa impyerno.”Gabi na nang dumating sa apartment niya si Jellai, kauuwi niya lang galing sa pagsunod kay Leon para lang makakuha ng mga inpormasyon at makagawa siya ng balita tungkol sa binata tulad pinapatrabaho sa kaniya ng Boss niya.Mahalaga ang journal na ilalabas niya at sigurado na ikatutuwa ‘yon nang kaniyang boss kaya kahit na pagod ay humarap na siya sa kaniyang laptop upang simulan ang paggawa sa nakalap niyang balita.Panay buntonghininga ni Jellai habang nagta-type siya sa kaniyang laptop dahil hind na siya nagulat sa balita na nakuha niya, alam naman niya na babaero talaga si Leon at hindi na siya nagulat nang makakuha siya ng litrato ng lalaki na papasok sa isang hotel habang may kasamang isang sikat na artista.Matapos gumawa ng journal ni Jellai ay agad na niya ‘tong inilabas sa publiko.“Natapos din,” bulong niya sa kaniyang sarili bago mag-inat at mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakita niyang maliwanag na. “Inabot na naman ako ng umaga.” Hinubad niya ang kaniyang salami
Kinaumagahan, maagang nagising si Jellai upang pumunta sa isang lugar kung nasaan ngayon ang kaniyang Boss at naghihintay sa kaniya.Gusto siyang makausap nang personal ng kaniyang Boss upang maipaliwanag nitong mabuti kung ano ba ang mga kailangan gawin ni Jellai dahil malaking tao ang kanilang babanggain at sa aminin man nila o hindi, maaaring mapahamak si Jellai kung sakali mang papalpak ang kanilang plano kaya naman hangga’t kaya nilang protektahan at suportahan si Jellai ay gagawin nila dahil malaking pera ang naipapasok ni Jellai sa kanilang kompanya.Para sa kanila, ang tingin nila ngayon kay Jellai ay isang alas na may dalang s’werte kaya hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa dalaga.“Morning, Boss,” bati ng dalga sa kaniyang amo nang makita niya na ito sa meeting place na kanilang pinag-usapan.“Magandang araw, Miss Sudalga. Mabuti naman at tinanggap mo ang munti kong imbitasyon sa ‘yo, sige, maupo ka lang at um-order ng pagkain habang hindi pa tayo nagsisimula sa a
Tumalikod na si Jellai upang umalis sa lugar na ‘yon dahil sapat na ang kaniyang nakuhang mga litrato upang magawan ng journal.Hindi niya inaasahan na makakakuha siya ng gano’ng klaseng litrato.Huminga siya nang malalim at saka naglakad pabalik sa kaniyang sasakyan.Dapat masaya siya sa kaniyang mga nakukuha pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman, parang bigla siyang nawalan ng gana.Panay ang buntonghininga niya habang nagmamaneho siya pabalik sa kaniyang bahay.Umiling siya at muling napabuntonghininga.Kailangan niyang mag-isip nang maisusulat sa gagawin niyang journal.Malaking balita ‘to kapag nailabas na niya sa publiko.Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay umupo muna siya sa kaniyang sofa upang magpahinga muna.Nilingon niya ang kaniyang camera at kinuha ’to upang tingnan ang mga litrato na nakuha niya, inisa-isa niya ang mga ’to at hindi niya maialis ang mga mata niya sa litrato ng lalaki na seryosong nakikipag-usap kay Amanda.
Kinaumagahan, maagang nagising si Jellai upang pumunta sa isang lugar kung nasaan ngayon ang kaniyang Boss at naghihintay sa kaniya.Gusto siyang makausap nang personal ng kaniyang Boss upang maipaliwanag nitong mabuti kung ano ba ang mga kailangan gawin ni Jellai dahil malaking tao ang kanilang babanggain at sa aminin man nila o hindi, maaaring mapahamak si Jellai kung sakali mang papalpak ang kanilang plano kaya naman hangga’t kaya nilang protektahan at suportahan si Jellai ay gagawin nila dahil malaking pera ang naipapasok ni Jellai sa kanilang kompanya.Para sa kanila, ang tingin nila ngayon kay Jellai ay isang alas na may dalang s’werte kaya hindi nila hahayaan na may mangyaring masama sa dalaga.“Morning, Boss,” bati ng dalga sa kaniyang amo nang makita niya na ito sa meeting place na kanilang pinag-usapan.“Magandang araw, Miss Sudalga. Mabuti naman at tinanggap mo ang munti kong imbitasyon sa ‘yo, sige, maupo ka lang at um-order ng pagkain habang hindi pa tayo nagsisimula sa a
Gabi na nang dumating sa apartment niya si Jellai, kauuwi niya lang galing sa pagsunod kay Leon para lang makakuha ng mga inpormasyon at makagawa siya ng balita tungkol sa binata tulad pinapatrabaho sa kaniya ng Boss niya.Mahalaga ang journal na ilalabas niya at sigurado na ikatutuwa ‘yon nang kaniyang boss kaya kahit na pagod ay humarap na siya sa kaniyang laptop upang simulan ang paggawa sa nakalap niyang balita.Panay buntonghininga ni Jellai habang nagta-type siya sa kaniyang laptop dahil hind na siya nagulat sa balita na nakuha niya, alam naman niya na babaero talaga si Leon at hindi na siya nagulat nang makakuha siya ng litrato ng lalaki na papasok sa isang hotel habang may kasamang isang sikat na artista.Matapos gumawa ng journal ni Jellai ay agad na niya ‘tong inilabas sa publiko.“Natapos din,” bulong niya sa kaniyang sarili bago mag-inat at mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakita niyang maliwanag na. “Inabot na naman ako ng umaga.” Hinubad niya ang kaniyang salami