“Sigurado ba kayong hindi na kayo kakain?” tanong ni Tita Lovelle dahil aalis na sila Mama agad kahit hindi pa sila kumakain.
“Oo, Mare. Baka kasi ma-late kami sa flight namin,” sagot ni Mama bago tumingin sa akin at yakapin ako. “Aalis na muna kami ni Papa mo, dito ka muna kay Tita Lovelle mo.” Inayos ni Mama ang aking buhok na napupunta sa aking mukha dahil sa hangin.
“Hindi ka na namin dapat pang sabihin sa mga dapat mong gawin dahil malaki ka na pero magpakabait ka rito at mag-aral ka ng mabuti, buwan-buwan ay darating ang allowance mo para sa gastusin mo sa pag-aaral at sa mga personal na gastusin mo.” Tumango ako sa sinabi ni Papa.
“Hindi ka naman makulit pero ’wag mong papasakitin ang ulo ng Tita Lovelle at Tito Kiesler mo, maliwanag?” tanong ni Mama kaya naman sumagot ako sa kaniya.
“Opo, kaya ko naman po ang sarili ko kaya wala po kayong dapat ipag-alala at saka nasa puder naman po ako nila Tita Lovelle kaya naman po mas lalong hindi niyo kailangan mag-alala dahil ligtas po ako rito.” Ngumiti ako kay Mama bago siya yakapin.
“Isang taon lang naman kaming mawawala ng Papa mo kaya naman sana alagaan mong mabuti ang sarili mo.” Tumango ako habang yakap si Mama.
“Pangako po, magiging ayos lang po ako rito, mag-ingat po kayo,” sabi ko bago umalis sa pagkakayakap sa kaniya at lumapit kay Papa upang magpaalam na.
“Mag-aral ka ng mabuti at ’wag mong hahayaan ang kalusugan mo,” paalala sa akin ni Papa kaya naman niyakap ko siya bago sumagot.
“Opo, at saka lagi ko naman pong naaalala ang mga payo niyo sa akin ni Mama kaya ’wag po kayong mag-alala.” Ngumiti ako bago humiwalay sa kaniya.
Umatras ako upang panoorin ang kanilang pag-alis.
“Mare ikaw na ang bahala sa anak namin!” sigaw ni Mama habang papalayo sila sa amin habang kumakaway.
“Oo! Kami nang bahala kay Portia, mag-ingat kayo!” sagot ni Tita Lovelle bago niya ako hawakan sa magkabilang balikat.
“Pare, alis na kami!” ani Papa kaya naman kumaway si Tito Kei sa kaniya bago sila makalabas sa gate ng bahay nila Tita Lovelle.
“Halika na hija, baka nagugutom ka na.” Inalalayan akong umakyat ni Tita sa hagdan papasok sa kanilang bahay.
Mukha naman silang mabait kaya naman wala akong dapat ikabahala, marami rin silang kasam-bahay na mahihingian ko ng tulong kung sakali mang kailanganin ko nang tulong.
“’Wag kang mahihiya sa amin dahil parang kapatid na ang turingan namin ng Mama mo dahil simula high schoo hanggang ngayon ay magkaibigan na kami ni Patricia.” Ngumiti ako kay Tita bago magsalita.
“Oo nga po, lagi nga po kayong na ikuk’wento sa akin ni Mama,” sabi ko bago maupo sa isang upuan kung saan katapat ko si Kieferd.
“Hindi mo kailangan mailang sa amin, isipin mo lang na matagal mo na kaming kasama para hindi ka na masyadong mahiya,” ani Tito Kei kaya naman sa kaniya naman ako tumingin bago bahagyang ngumiti.
“Sige po, Tito,” sagot ko sa kaniya bago kumuha ng pagkain dahil nagugutom na nga rin ako kanina pa.
“Nabanggit kanina ng Papa mo na college ka na raw, anong kurso ba ang kinukuha mo?” tanong ni Tito sa akin kaya naman uminom ako ng tubig upang malunok ko ang laman ng bibig ko.
“Architecture po,” sagot ko na ikinatango niya.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang sinasagot ang kanilang mga tanong.
Hindi na rin ako magtataka kung bakit panay ang tanong nila dahil siguro ay gusto nilang makilala ako ng lubos at para na rin hindi na ako makaramdam ng hiya sa kanila.
“Siguro ay may nobyo ka na?” tanong ni Tita kaya naman napaubo ako dahil sa tanong niya, agad naman akong binigyan ng tubig ni Tito na agad kong ininom.
“Mahal naman ’wag mo naman masyadong tanungin si Portia,” ani Tito kaya naman umiling ako.
“H-hindi po, okay lang medyo nagulat lang po ako,” natatawang sabi ko. “Wala po akong nobyo,” sagot ko kay Tita at agad naman siyang nagtaka.
“Sa ganda mong ’yan ay wala ka pang nobyo? O baka naman manliligaw?” tanong niya pa kaya naman bahagya akong natawa sa reaksyon ni Tita.
“Wala po, Tita. Pero mayro’n naman pong nanliligaw sa akin pero wala pa po talaga sa isip ko ang mga ganiyang bagay,” ani ko at nagpunas ng bibig.
Wala pa sa isip ko ang mga ganiyang bagay dahil tinatak ko sa aking isip na hindi muna ako magnonobyo hanggang hindi ako tapos sa pag-aaral dahil p’wedeng makaapekto sa pag-aaral ang nobyo-nobyo na ’yan.
“Hayaan mo na ang mga katulong ang magligpit d’yan at umakyat ka na sa magiging k’warto mo,” ani Tita at kinuha ang platong hawak ko nang tangkain kong tumulong sa pagliligpit sa mga pinagkainan namin. “Sa taas ang magiging k’warto mo katabi ng kay Kieferd kaya naman kung sakaling may kailangan ka ay katukin mo lang si Kieferd ano mang oras,” sabi niya at sinamahan ako sa magiging k’warto ko.
Nandito na rin ang mga gamit kong dala kanina nang pumunta kami rito.
May kalakihan ang k’warto at malinis.
“Ayos lang ba sa’yo na rito ka?” tanong ni Tita kaya naman tumango ako sa kaniya bago pumasok ng tuluyan sa magiging k’warto ko.
Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan nito, kulay puti lang ang pintura at ang mga kurtina nito ay kulay asul na bumagay sa kulay ng pader.
Lumapit ako sa isang bintana at hinawi ang kurtina no’n upang makapasok ang liwanag ng araw sa aking k’warto.
“Ayos lang po ako rito, Tita. Sa una lang naman po ako maninibago pero alam ko naman pong makakapag-adjust naman po ako,” ani ko at naupo sa kamang nasa harap ko.
Alam kong malaking pag-aadjust ang gagawin ko dahil ngayon ko lang sila makakasama sa iisang bahay at idagdag mo pang ngayon ko lang sila nakilala sa personal dahil laging sa k’wento ko lang sila naririnig.
Hindi naman siguro ako mahihirapan na makisama sa kanila dahil mabait naman sila Tita at Tito ang problema ko nga lang dito ay si Kieferd dahil mukhang mailap sa mga tao.
Pero sa tingin ko naman ay kung makakausap ko siya ng maayos ay baka magkasundo pa kami.
“Sige na, magpahinga ka muna dahil malayo-layo rin ang binyahe niyo.” Tumingin ako kay Tita bago ngumiti ng tipid.
“Sige po, Tita,” ani ko bago siya lumabas at isarado ang pinto, nang mawala na siya sa paningin ko ay humiga ako sa kama dahil medyo masakit nga ang likod ko dahil sa byahe.
Hindi naman nagtagal ay dinalaw ako ng antok.
Nilagay ko ang aking mga damit sa cabinet na nandito sa k’warto dahil sabi ni Tita ay lahat ng nandito ay p’wede kong gamitin.Kumpleto ang mga gamit dito, kahit na sa cr ay nando’n na ang lahat, shampoo, sabon, conditioners, at iba pang kakailanganin ko sa pagligo.Kinuha ko rin ang mga librong dala ko para sa pag-aaral ko.“Miss Portia, magmeryenda muna raw po kayo.” Tumingin ako sa isang maid nila Tita Lovelle na may dalang tray ng pagkain.Tumayo ako upang tulungan siyang ilagay ang mga ’yon sa side table ko.“Salamat,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.Mukhang bata pa siya dahil sa maganda niyang mukha.“Ako nga po pala si Summer, isa po akong katulong dito sa bahay,” nakangiting sabi niya sa akin at inabot niya ang kaniyang kamay kaya naman inabot ko rin ’yon at nakipag-shake hands.“Portia na lang ang itawag mo sa akin, ilang taon ka na?” tan
“Sa High Hei University ba ka mo?” Tumango ako sa tanong ni Tito Kei.Nagtatanong kasi ako kung paanong mag-enroll sa High Hei University dahil napagpasyahan ko na rin kasi na lumipat ng eskwelahan dahil may kalayuan ang dating eskwelahan ko rito, mahihirapan ako sa pagbyahe-byahe.“Opo, kumpleto naman po ako ng mga requirements,” sabi ko bago ipakita sa kaniya ang mga papel na p’wede kong magamit sa pag-eenroll sa High Hei.“Si Tita Lovelle mo ay p’wede mong makasama ro’n, madali ka na lang makakapasok dahil Dean ang kapatid niya do’n.” Namilog ang aking bibig at napatango.‘Talaga ngang mayaman sila.’“Okay lang po kaya kung ako na lang ang pupunta ro’n?” tanong ko kay Tito na agad naman niyang ipinagtaka kaya naman nagsalita na ulit ako. “Baka po kasi busy si Tita Lovelle at maistorbo ko pa po siya.” Inayos ko ang aking salamin at hinintay ang k
Hindi na ako nagulat nang pagkarating namin sa High Hei University ay maraming tao.Enrollment ngayon kaya naman inaasahan ko ng dagsa ang mga estudyante.“Kung gusto mong makauwi nang maaga ay ’wag kang hihiwalay sa akin.” Tumingin ako kay Kieferd na kararating lang habang nagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya sa kamay.Tumango na lang ako bilang sagot ako sumunod sa kaniya nang maglakad siya.Hindi ko maiwasang hindi ilibot ang aking mga mata sa paligid dahil maganda ang bawat gusaling nasa paligid ko at isa na rin para maging pamilyar na ako bawat sulok dito.Nauunang maglakad si Kieferd at napapansin ko ang ibang mga kababaihan na pasimpleng tumitingin kay Kieferd.Napangiti ako ng palihim dahil nagkamali ako sa aking hinala na walang nagkakagusto kay Kieferd dahil mukhang popular pa ito rito sa unibersidad na pinasukan namin pero sandali lang, ang pagkakaalam ko kasi ay 4th-year high school pa lang si Kieferd
“Portia?” Dinilat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako. “Ma?” tawag ko sa kaniya bago kusutin ang aking mata. “Nandito na tayo, hija.” Tumingin ako sa labas ng sasakyan namin upang tingnan ang bahay ng mga De Chavez. Hindi nga ako nagkamali sa aking akala dahil malaki at maganda nga ang bahay nila. “Bumaba ka na at hinihintay na nila tayo.” Tumango ako kay Mama bago bumaba sa kotseng sinasakyan namin. Sinuot ko ang aking salamin sa mata bago ilibot sa buong paligid ang aking paningin. Maraming puno at mga bulaklak ang nasa paligid kaya naman bahagya akong napangiti dahil maganda ang pagkakaayos ng mga ito. “Ma’am, nasa loob na po sila Madam Lovelle.” May isang kasam-bahay ang lumapit sa amin kaya naman nginitian ko siya bago tumango at sumama kay Mama na papasok na sa loob ng bahay. “Mabait sila Portia kaya naman hindi mo kailangan matakot.” Kumapit ako kay Mama nang bumukas na ang pinto. “At nandito rin ang anak nila na p’wede mong kausapi

“Sigurado ba kayong hindi na kayo kakain?” tanong ni Tita Lovelle dahil aalis na sila Mama agad kahit hindi pa sila kumakain.“Oo, Mare. Baka kasi ma-late kami sa flight namin,” sagot ni Mama bago tumingin sa akin at yakapin ako. “Aalis na muna kami ni Papa mo, dito ka muna kay Tita Lovelle mo.” Inayos ni Mama ang aking buhok na napupunta sa aking mukha dahil sa hangin.“Hindi ka na namin dapat pang sabihin sa mga dapat mong gawin dahil malaki ka na pero magpakabait ka rito at mag-aral ka ng mabuti, buwan-buwan ay darating ang allowance mo para sa gastusin mo sa pag-aaral at sa mga personal na gastusin mo.” Tumango ako sa sinabi ni Papa.“Hindi ka naman makulit pero ’wag mong papasakitin ang ulo ng Tita Lovelle at Tito Kiesler mo, maliwanag?” tanong ni Mama kaya naman sumagot ako sa kaniya.“Opo, kaya ko naman po ang sarili ko kaya wala po kayong dapat ipag-alala at saka nasa puder na