Share

It Doesn’t Matter
It Doesn’t Matter
Author: Kyanma

KABANATA 1

Author: Kyanma
last update Last Updated: 2022-02-26 07:45:39

“Portia?” Dinilat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako.

“Ma?” tawag ko sa kaniya bago kusutin ang aking mata.

“Nandito na tayo, hija.” Tumingin ako sa labas ng sasakyan namin upang tingnan ang bahay ng mga De Chavez.

Hindi nga ako nagkamali sa aking akala dahil malaki at maganda nga ang bahay nila.

“Bumaba ka na at hinihintay na nila tayo.” Tumango ako kay Mama bago bumaba sa kotseng sinasakyan namin.

Sinuot ko ang aking salamin sa mata bago ilibot sa buong paligid ang aking paningin.

Maraming puno at mga bulaklak ang nasa paligid kaya naman bahagya akong napangiti dahil maganda ang pagkakaayos ng mga ito.

“Ma’am, nasa loob na po sila Madam Lovelle.” May isang kasam-bahay ang lumapit sa amin kaya naman nginitian ko siya bago tumango at sumama kay Mama na papasok na sa loob ng bahay.

“Mabait sila Portia kaya naman hindi mo kailangan matakot.” Kumapit ako kay Mama nang bumukas na ang pinto. “At nandito rin ang anak nila na p’wede mong kausapin kung gusto mo ng kausap,” ani Mama at naramdaman ko naman ang paghawak ni Papa sa aking ulo.

“’Wag kang mag-alala araw-araw tayong mag-uusap.” Kumindat si Papa sa akin kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

“Mareng Patricia!” May isang babaeng kasing edad lang siguro ni Mama ang sumalubong sa amin at yumakap kay Mama bago makipag-beso kay Papa.

“Ito na ba si Portia? Ang laki-laki na niya, hi! I’m your Tita Lovelle,” aniya bago ngumiti at yakapin ako.

Hinawakan niya ako sa kamay bago hilahin papalapit sa isang lalaki na mukhang asawa niya.

“Portia this is my husband Kiesler but you can call him Tito Kie.” Bahagya akong yumuko sa lalaking nasa harap ko.

“Welcome home, hija, ’wag kang mahiya sa amin ituring mo kaming iyong pangalawang mga magulang,” ani Tito Kie kaya naman nagsalita ako.

“Salamat po,” ani ko habang namumula ang aking pisnge dahil sa hiya.

Lumapit sa amin si Mama at naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Papa sa magkabilang balikat.

“Pare, sa’yo ko muna iiwan ’tong unica hija ko kaya naman ikaw na ang bahala sa kaniya, ha?” tanong ni papa kay Tito Kie na natawa dahil sa sinabi ni Papa.

‘Parang pinapamigay na ako ni Papa.’

“Oo naman, Pare. At saka nandito naman ang anak ko si Keiferd kaya alam kong hindi siya maiinip dito,” sabi ni Tito at nilibot ang kaniyang paningin na parang may hinahanap na kung sino. “Nasaan na ba si Keiferd?” tanong nito at humarap sa kaniyang asawa na kinakausap si Mama. “Mahal, nasaan si Keiferd?” tanong nito at agad namang nangunot ang noo ni Tita Lovelle.

“Nand’yan lang ’yon, Keiferd!?” tawag nito sa isang pangalan na hindi pamilyar sa akin pandinig. “Keiferd!?” tawag pa ulit nito at napatingin kaming lahat sa taas dahil isang malakas na kalabog ang narinig namin.

“Mom!?” tanong ng isang binatilyo na walang suot na pang-itaas na damit kaya naman nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ako sanay na nakakakita ng mga gano’n.

“Ikaw talagang bata ka! Magsuot ka ng maayos na damit at bumama ka rito dahil nandito sila Tita Patricia mo!” utos ni Tita Lovelle sa kaniyang anak at hindi ko alam kung umalis na ’to dahil hindi ko na ulit tiningnan ’to.

“Iyon na ba si Keiferd!?” gulat na tanong ni Mama bago ako maupo sa kaniyang tabi, sila Papa naman at Tito Kie ay lumabas at parang may pinag-uusapan tungkol sa kanilang negosyo.

“Oo Mare,” nakangiting sagot ni Tita kaya naman sumagot si Mama.

“Talaga!? Ang laki na niya at ang gandang lalaki!” ani Mama na parang kinikilig pa kaya naman napangiti ako ng bahagya dahil ang akala ko ay kay Papa lang siya kinikilig.

“Oo nga, Mare! Habulin nga ng mga babae,” sabi ni Tita bago sila sabay na tumawa ni Mama, hindi ako makasabay sa k’wentuhan nila dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.

“Mom?” Sabay-sabay kaming napatingin sa isang lalaking nakatayo sa may hagdanan habang magulo ang buhok at nakatingin sa direksyon namin.

“Tara rito at nandito ang anak ni Tita Patricia mo na titira sa atin pansamantala.” Naglakad papalapit sa amin ang lalaki at naupo sa tabi ni Tita Lovelle.

“Hello, Keiferd,” ani Mama at kumaway rito kaya naman mas lalo pa akong tumabi kay Mama at kumapit sa kaniyang braso.

“Hi, Tita.” Lumapit siya kay Mama at nakipag-beso.

“Ang laki-laki mo na talaga, oo nga pala, ito si Portia anak ko.” Hinawakan ako ni Mama sa magkabilang balikat at hinarap sa lalaking sa palagay ko ay nasa kinse anyos pa lang.

Nagpilit ako ng ngiti at kumaway sa kaniya.

“H-hello,” nahihiyang bati ko sa kaniya at inabot ang aking kamay. “I’m Portia Denise but you can call me Ate Portia,” ani ko at inabot naman niya ang aking kamay upang makipag-shake hands.

“Hmm, Keiferd,” aniya at tumango, binitawan niya ang kamay ko kaya naman binawi ko na ’yon.

Masyadong seryoso ang kaniyang mukha at nakasimangot kaya naman naiilang ako na baka sungitan niya ako kapag kaming dalawa na lang ang tao.

“Ilang taon ka na, Keiferd?” tanong ni Mama kaya naman tumingin ako kay Keiferd na naka-cross-arm habang nakatingin sa akin kaya naman nginitian ko siya at nag-iwas naman siya ng tingin bago tumingin kay Mama.

“Po?” tanong nito dahil mukhang hindi niya narinig ang tanong ni Mama.

“Ilang taon ka na?” pag-uulit ni Mama sa tanong niya kanina rito.

“15 po,” sagot nito at hindi nga ako nagkamali sa hula ko.

“Si Portia ba?” tumingin ako kay Tita Lovelle dahil bigla siyang nagtanong.

“20 years old na po ako, Tita. 2nd year college po,” nakangiting sagot ko kay Tita Lovelle at nakita ko naman kung paanong madismaya ang kaniyang mukha na ipinagtaka ko.

“Sayang naman Mare kung nauna lang na ipanganak ’tong anak mong si Kieferd siguro ay p’wedeng sila pa ang magkatuluyan ni Portia!” ani Mama kaya naman bahagya ko siyang kinalabit dahil sa panunukso niya.

“Mama,” mahinang tawag ko rito para mahinto siya.

“Oo nga e! Maganda pa naman si Portia at mukhang mabait!” gatong pa ni Tita Lovelle kaya naman nagsimula ng mag-init ang aking mukha lalo nang makita kong napailing si Keifer na halatang hindi rin natutuwa sa topic ng mga magulang namin.

‘Bakit ba kasi napunta rito ang usapan? Baka mamaya ay mailang na lumapit sa akin si Keiferd.’

Napailing na lang ako dahil sa pinag-uusapan nila Mama.

Related chapters

  • It Doesn’t Matter   KABANATA 2

    “Sigurado ba kayong hindi na kayo kakain?” tanong ni Tita Lovelle dahil aalis na sila Mama agad kahit hindi pa sila kumakain.“Oo, Mare. Baka kasi ma-late kami sa flight namin,” sagot ni Mama bago tumingin sa akin at yakapin ako. “Aalis na muna kami ni Papa mo, dito ka muna kay Tita Lovelle mo.” Inayos ni Mama ang aking buhok na napupunta sa aking mukha dahil sa hangin.“Hindi ka na namin dapat pang sabihin sa mga dapat mong gawin dahil malaki ka na pero magpakabait ka rito at mag-aral ka ng mabuti, buwan-buwan ay darating ang allowance mo para sa gastusin mo sa pag-aaral at sa mga personal na gastusin mo.” Tumango ako sa sinabi ni Papa.“Hindi ka naman makulit pero ’wag mong papasakitin ang ulo ng Tita Lovelle at Tito Kiesler mo, maliwanag?” tanong ni Mama kaya naman sumagot ako sa kaniya.“Opo, kaya ko naman po ang sarili ko kaya wala po kayong dapat ipag-alala at saka nasa puder na

    Last Updated : 2022-02-26
  • It Doesn’t Matter   KABANATA 3

    Nilagay ko ang aking mga damit sa cabinet na nandito sa k’warto dahil sabi ni Tita ay lahat ng nandito ay p’wede kong gamitin.Kumpleto ang mga gamit dito, kahit na sa cr ay nando’n na ang lahat, shampoo, sabon, conditioners, at iba pang kakailanganin ko sa pagligo.Kinuha ko rin ang mga librong dala ko para sa pag-aaral ko.“Miss Portia, magmeryenda muna raw po kayo.” Tumingin ako sa isang maid nila Tita Lovelle na may dalang tray ng pagkain.Tumayo ako upang tulungan siyang ilagay ang mga ’yon sa side table ko.“Salamat,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.Mukhang bata pa siya dahil sa maganda niyang mukha.“Ako nga po pala si Summer, isa po akong katulong dito sa bahay,” nakangiting sabi niya sa akin at inabot niya ang kaniyang kamay kaya naman inabot ko rin ’yon at nakipag-shake hands.“Portia na lang ang itawag mo sa akin, ilang taon ka na?” tan

    Last Updated : 2022-02-26
  • It Doesn’t Matter   KABANATA 4

    “Sa High Hei University ba ka mo?” Tumango ako sa tanong ni Tito Kei.Nagtatanong kasi ako kung paanong mag-enroll sa High Hei University dahil napagpasyahan ko na rin kasi na lumipat ng eskwelahan dahil may kalayuan ang dating eskwelahan ko rito, mahihirapan ako sa pagbyahe-byahe.“Opo, kumpleto naman po ako ng mga requirements,” sabi ko bago ipakita sa kaniya ang mga papel na p’wede kong magamit sa pag-eenroll sa High Hei.“Si Tita Lovelle mo ay p’wede mong makasama ro’n, madali ka na lang makakapasok dahil Dean ang kapatid niya do’n.” Namilog ang aking bibig at napatango.‘Talaga ngang mayaman sila.’“Okay lang po kaya kung ako na lang ang pupunta ro’n?” tanong ko kay Tito na agad naman niyang ipinagtaka kaya naman nagsalita na ulit ako. “Baka po kasi busy si Tita Lovelle at maistorbo ko pa po siya.” Inayos ko ang aking salamin at hinintay ang k

    Last Updated : 2022-02-26
  • It Doesn’t Matter   KABANATA 5

    Hindi na ako nagulat nang pagkarating namin sa High Hei University ay maraming tao.Enrollment ngayon kaya naman inaasahan ko ng dagsa ang mga estudyante.“Kung gusto mong makauwi nang maaga ay ’wag kang hihiwalay sa akin.” Tumingin ako kay Kieferd na kararating lang habang nagsusuklay ng buhok gamit ang mga daliri niya sa kamay.Tumango na lang ako bilang sagot ako sumunod sa kaniya nang maglakad siya.Hindi ko maiwasang hindi ilibot ang aking mga mata sa paligid dahil maganda ang bawat gusaling nasa paligid ko at isa na rin para maging pamilyar na ako bawat sulok dito.Nauunang maglakad si Kieferd at napapansin ko ang ibang mga kababaihan na pasimpleng tumitingin kay Kieferd.Napangiti ako ng palihim dahil nagkamali ako sa aking hinala na walang nagkakagusto kay Kieferd dahil mukhang popular pa ito rito sa unibersidad na pinasukan namin pero sandali lang, ang pagkakaalam ko kasi ay 4th-year high school pa lang si Kieferd

    Last Updated : 2022-02-26

Latest chapter

  • It Doesn’t Matter   KABANATA 1

    “Portia?” Dinilat ko ang aking mga mata dahil narinig ko ang boses ni Mama na tinatawag ako. “Ma?” tawag ko sa kaniya bago kusutin ang aking mata. “Nandito na tayo, hija.” Tumingin ako sa labas ng sasakyan namin upang tingnan ang bahay ng mga De Chavez. Hindi nga ako nagkamali sa aking akala dahil malaki at maganda nga ang bahay nila. “Bumaba ka na at hinihintay na nila tayo.” Tumango ako kay Mama bago bumaba sa kotseng sinasakyan namin. Sinuot ko ang aking salamin sa mata bago ilibot sa buong paligid ang aking paningin. Maraming puno at mga bulaklak ang nasa paligid kaya naman bahagya akong napangiti dahil maganda ang pagkakaayos ng mga ito. “Ma’am, nasa loob na po sila Madam Lovelle.” May isang kasam-bahay ang lumapit sa amin kaya naman nginitian ko siya bago tumango at sumama kay Mama na papasok na sa loob ng bahay. “Mabait sila Portia kaya naman hindi mo kailangan matakot.” Kumapit ako kay Mama nang bumukas na ang pinto. “At nandito rin ang anak nila na p’wede mong kausapi

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status