Mula sa labas ng silid, tanaw ni Hugo ang kaniyang asawa na masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang bisita. Kita niya ang galak sa mga mata nito na ngayon na lamang ulit lumitaw. Matagal na itong nakakulong sa silid at hindi magawang kumilos nang walang tulong ng iba. Minsan lamang din itong makakita ng ibang tao kaya ganito na lang ang pagkasabik nang malamang ngayong gabi ang pagdating ng dalagang ipagkakasundo nila sa kanilang unico hijo." Papà. " Napalingon siya sa kaliwang bahagi ng pasilyo nang marinig ang boses ng anak. " Puwede ko ho ba kayong makausap saglit? "Batid na ni Hugo kung tungkol saan ang kanilang pag-uusapan. Binalik niya ang tingin sa silid kung saan naroroon ang asawa at si Lucine na nakikinig sa mga kuwento nito bago siya naglakad palayo patungo sa salas. Kasunod niya ang anak na nag ipon ng lakas ng loob bago mag desisyon na kausapin ang ama. " Ano ba ang gusto mong sabihin? " tanong ni Hugo saka naupo sa sopa at inangat ang tingin kay Claude. " Gusto ko po
" Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? " ang tanging salitang lumabas sa bibig ni Lucine habang nakakunot ang noong nakatingin kay Amadeus. " Hindi ba ako puwedeng pumasok? " balik nitong tanong saka lumakad palapit sakaniya. " Sabihin mo lang kung ayaw mo, lalabas ako. " Naiyukom niya ang kamao. " Ano bang kailangan mo? Kung hinihintay mo 'ko, puwede mo naman akong hintayin sa labas ng kuwarto ko. Hindi naman tama na pumasok ka na lang dito ng basta-basta...lalo na't mayroon kang asawa. " Nakatingin lamang sa kaniya si Amadeus. Nawala ang matigas nitong ekspresyon sa mukha nang mapagtantong tama ang sinabi ni Lucine. " Pasensya na, " anito, " Hindi kita puwedeng hintayin sa labas dahil maraming mga mata si Logan dito sa mansyon. Itong kuwarto mo lang ang nakikita kong ligtas para makausap ka—para makapag usap tayong dalawa. " Si Lucine naman ngayon ang natauhan. Nawala saglit sa isip niya ang kalagayan ni Amadeus sa mansyong ito. Magulo ang isip niya at nadala siya ng damdamin
Pabalik-balik ang tingin ni Claude kay Lucine na malayo na naman ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Halatang malalim ang iniisip at batid niyang may kinalaman itong tungkol sa kanilang pinag-usapan kagabi. Tumikhim si Claude upang kuhanin ang atensyon ng dalagang kaniyang kasama. " Tungkol pala kagabi, sigurado ka ba sa sinabi mo? "" Saan? " tanong nito nang hindi lumilingon sa gawi niya. " Itong ginagawa natin. Sigurado ka bang ipagpapatuloy pa natin 'to? Mukha kasing hindi ka komportable sa naging desisyon mo. "Napabuga sa hangin si Lucine bago ibaling ang tingin kay Claude. " Sa tingin mo ba may mangyayari kapag may ginawa pa tayo? Hindi madadaan sa pakiusapan ang Papà lalo na't siya rin naman ang makikinabang dito. "" Kung ganoon hahayaan mo na lang sila? " tanong ni Claude, naguguluhan kung ano ba ang nais mangyari ni Lucine dahil noong nakaraang araw lang ay gustong-gusto nitong gumawa ng paraan upang maipatigil ang magaganap na kasal sa pagitan nila. " Kung iniisip m
" Don Banville, may ilan pong media ang nasa labas ngayon ng kompanya. Mukhang wala po silang balak umalis hanggat hindi kayo nakakapanayam, " hayag ng sekretaryo ni Logan. " Nakahanda na rin po ang inyong sasakyan sa main entrance kung saan nag aabang ang mga media. Kung gusto niyo po, sa likod po tayo—"" Hayaan mo sila, " ani Logan habang inaayos ang kaniyang kurbata sa harap ng salamin. " Wala naman akong dapat katakutan sa mga taong 'yon. Hindi ako duwag para magtago sa kanila. "Simula noong lumabas ulit ang eskandalo na kinasasangkutan ni Logan, hindi mawala-wala ang ilang mga medya na gustong hingin ang opinyon niya. Kadalasan ay ang kaniyang abogado ang humaharap sa mga ito para linawin ang mga bagay-bagay at tapusin ang mga haka-haka na ginagawa ng mga tao. Malaki ang kaniyang tiwala sa abogado niya, kasing laki ng perang inilalabas niya upang malusutan ang mga naglalakihang butas na nakikita sa kaso niya. Taas-noong naglakad si Logan palabas ng opisina kasunod ang kaniyang
Eksaktong alas-otso ng gabi nagsara ang karinderya. Wala ng mga parokyano at tanging mga tauhan na lamang ang nasa loob na abala sa pagluluto at paghahanda. Ang bawat mesa ay puno ng lalagyang yari sa kahon na magsisilbing kainan ng mga bata. " Mayroon pa bang tisyu d'yan? Wala na ako, " tanong ni Janina na abala sa paglalagay ng tisyu sa mga kubyertos na gawa sa plastik." Mayroon pa ako dito, " saad ni Claude saka inabot ang isang pang kahon kay Janina. Kagaya ng iba, abala rin ito sa pagbabalot ng tisyu sa mga kubyertos. Makikitang malaki ang pagkakaiba ng gawa ni Claude sa mga kasama ngunit presentable namang tignan kaya hinayaan na lamang nila. " Iyong kanin ba? Bukas na lang ba lulutuin o ngayong gabi na? " tanong ng kusinera na lumabas ng kusina upang hingin ang opinyon ni Lucine na abala namam sa pag ku-kuwenta ng kinita nila ngayong araw. " Bukas na lang po ng madaling araw. Baka kasi mapanis agad, masasayang lang po, " sagot ni Lucine na sinang-ayunan naman ng lahat dahil
" Mamamasahe na lang ako, " saad ni Lucine nang maibalik ang kaniyang selpon sa bulsa. " Mauna na kayong dalawa. Kaya ko naman mamasahe mag isa. "" Sasamahan kita, " biglang sabi ni Amadeus, ayaw magpatalo at hindi papayag na hindi kasama si Lucine pauwi sa mansyon. " Kung ganoon sasama na lang din ako, " saad ni Claude. " Hindi ako panatag na may ibang kasamang lalaki ang fiancé ko. "Napabuga sa hangin si Lucine. Batid niya ang pang-aasar ni Claude kay Amadeus na hindi niya alam kung bakit at para saan. Siya ang naiipit sa tensyon mula pa kanina at 'yong nangyayari ngayon ay magsisilbing aral sa kaniya na hindi na dapat magsama pa sa iisang lugar ang dalawa.Sa kalagitnaan ng pagsusukatan ng tingin, biglang may tumunog na selpon na nanggagaling mula sa bulsa ng isa sa kanila. Napatingin si Amadeus at Lucine kay Claude na tila nagdadalawang isip kung dapat bang sagutin ang tawag na 'yon. " Claude, sagutin mo, " ani Lucine kaya walang nagawa si Claude kundi ang kuhanin ang kaniyang
Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Claude patungo sa karinderya ni Lucine. Sa mga sandaling ito, nababatid niyang may mga medya na ang nagkukumahog hanapin sila upang kuhanan ng pahayag patungkol sa balitang gumalat sa lahat. Maski siya'y walang ideya na magiging ganito kabilis ang pag lalabas ng anunsyo tungkol sa kasalang magaganap sa kanila ni Lucine gayong wala pang isang buwan magmula noong sila'y magkakilala. " Claude, kailangan na nating madaliin ang kasal dahil hindi na maganda ang lagay ng iyong ina. " Napahigpit ang kaniyang hawak sa manibela nang bumalik sa kaniyang isipan ang naging usapan nila ng ama kagabi. " Ang akala ko kanina ay tuluyan na niya tayong iiwan. Ilang beses namin siyang ginigising pero hindi niya minumulat ang mata niya. Nabasà rin ang kamang hinihigan niya kanina kaya ang akala ko..." halos hindi makapagsalita si Hugo habang kausap si Claude na bakas pa rin ang takot at pag-aalala. "...natatatakot akong hindi natin matupad ang kaisa-isa niyang
Nagsimula ang hapunan na madalas ay tango at pilit na ngiti ang ginagawang tugon ni Lucine sa lahat ng mga itinatanong sa kaniya. Wala siyang lakas makipagtalo sa ama dahil sa mga desisyon nitong hindi man lang siya kinukunsulta. Ang paglalabas ng anunsyo ng kasal nila ni Claude ay sapat ng dahilan para makaramdam siya ng matinding inis. Dumagdag pa ang biglaang hapunan kasama ang pamiyang Zolina na tila sinadyang mangyari sa parehong araw ng paglalabas ng anunsyo ng kasal dahilan upang hindi niya makompronta ang ama. Naisin man niya, hindi niya gustong magmukhang walang galang sa harap ng bisita. " Gagawin nating magarbo ang kasal dahil minsan lang naman sa buhay natin mangyari ang ganiting uri ng seremonya, " wika ni Hugo na sinang-ayunan ng kaniyang asawa. " Mahalaga ang seremonyang ito lalo na sa mga kababaihan. Noong ako'y dalaga, isa talaga sa mga pangarap ko ang magkaroon ng malaking kasalan dahil isang beses lang 'yong mangyayari sa buong buhay natin..." saglit na tumigil