Eksaktong alas-otso ng gabi nagsara ang karinderya. Wala ng mga parokyano at tanging mga tauhan na lamang ang nasa loob na abala sa pagluluto at paghahanda. Ang bawat mesa ay puno ng lalagyang yari sa kahon na magsisilbing kainan ng mga bata. " Mayroon pa bang tisyu d'yan? Wala na ako, " tanong ni Janina na abala sa paglalagay ng tisyu sa mga kubyertos na gawa sa plastik." Mayroon pa ako dito, " saad ni Claude saka inabot ang isang pang kahon kay Janina. Kagaya ng iba, abala rin ito sa pagbabalot ng tisyu sa mga kubyertos. Makikitang malaki ang pagkakaiba ng gawa ni Claude sa mga kasama ngunit presentable namang tignan kaya hinayaan na lamang nila. " Iyong kanin ba? Bukas na lang ba lulutuin o ngayong gabi na? " tanong ng kusinera na lumabas ng kusina upang hingin ang opinyon ni Lucine na abala namam sa pag ku-kuwenta ng kinita nila ngayong araw. " Bukas na lang po ng madaling araw. Baka kasi mapanis agad, masasayang lang po, " sagot ni Lucine na sinang-ayunan naman ng lahat dahil
" Mamamasahe na lang ako, " saad ni Lucine nang maibalik ang kaniyang selpon sa bulsa. " Mauna na kayong dalawa. Kaya ko naman mamasahe mag isa. "" Sasamahan kita, " biglang sabi ni Amadeus, ayaw magpatalo at hindi papayag na hindi kasama si Lucine pauwi sa mansyon. " Kung ganoon sasama na lang din ako, " saad ni Claude. " Hindi ako panatag na may ibang kasamang lalaki ang fiancé ko. "Napabuga sa hangin si Lucine. Batid niya ang pang-aasar ni Claude kay Amadeus na hindi niya alam kung bakit at para saan. Siya ang naiipit sa tensyon mula pa kanina at 'yong nangyayari ngayon ay magsisilbing aral sa kaniya na hindi na dapat magsama pa sa iisang lugar ang dalawa.Sa kalagitnaan ng pagsusukatan ng tingin, biglang may tumunog na selpon na nanggagaling mula sa bulsa ng isa sa kanila. Napatingin si Amadeus at Lucine kay Claude na tila nagdadalawang isip kung dapat bang sagutin ang tawag na 'yon. " Claude, sagutin mo, " ani Lucine kaya walang nagawa si Claude kundi ang kuhanin ang kaniyang
Mabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Claude patungo sa karinderya ni Lucine. Sa mga sandaling ito, nababatid niyang may mga medya na ang nagkukumahog hanapin sila upang kuhanan ng pahayag patungkol sa balitang gumalat sa lahat. Maski siya'y walang ideya na magiging ganito kabilis ang pag lalabas ng anunsyo tungkol sa kasalang magaganap sa kanila ni Lucine gayong wala pang isang buwan magmula noong sila'y magkakilala. " Claude, kailangan na nating madaliin ang kasal dahil hindi na maganda ang lagay ng iyong ina. " Napahigpit ang kaniyang hawak sa manibela nang bumalik sa kaniyang isipan ang naging usapan nila ng ama kagabi. " Ang akala ko kanina ay tuluyan na niya tayong iiwan. Ilang beses namin siyang ginigising pero hindi niya minumulat ang mata niya. Nabasà rin ang kamang hinihigan niya kanina kaya ang akala ko..." halos hindi makapagsalita si Hugo habang kausap si Claude na bakas pa rin ang takot at pag-aalala. "...natatatakot akong hindi natin matupad ang kaisa-isa niyang
Nagsimula ang hapunan na madalas ay tango at pilit na ngiti ang ginagawang tugon ni Lucine sa lahat ng mga itinatanong sa kaniya. Wala siyang lakas makipagtalo sa ama dahil sa mga desisyon nitong hindi man lang siya kinukunsulta. Ang paglalabas ng anunsyo ng kasal nila ni Claude ay sapat ng dahilan para makaramdam siya ng matinding inis. Dumagdag pa ang biglaang hapunan kasama ang pamiyang Zolina na tila sinadyang mangyari sa parehong araw ng paglalabas ng anunsyo ng kasal dahilan upang hindi niya makompronta ang ama. Naisin man niya, hindi niya gustong magmukhang walang galang sa harap ng bisita. " Gagawin nating magarbo ang kasal dahil minsan lang naman sa buhay natin mangyari ang ganiting uri ng seremonya, " wika ni Hugo na sinang-ayunan ng kaniyang asawa. " Mahalaga ang seremonyang ito lalo na sa mga kababaihan. Noong ako'y dalaga, isa talaga sa mga pangarap ko ang magkaroon ng malaking kasalan dahil isang beses lang 'yong mangyayari sa buong buhay natin..." saglit na tumigil
Natapos ang hapunan, hindi pa rin nahinto ang pagpa-plano ng mag asawang Zolina at Banville tungkol sa kasal ng kanilang mga anak. Pinili nilang ituloy ang diskusyon sa loob ng opisina ni Logan hanggang sa magpaalam si Claude na lalabas muna upang magpahangin. Isinama na rin niya si Lucine na kanina niya pa napapansin ang pagkabagot sa usaping hindi naman sila sinasali gayong sila naman ang higit na dapat makaalam ng mga mangyayari sa kanilang kasal. " Alam mo bang lumaki ako sa puder ng mga madre? " biglang tanong ni Lucine habang sila'y naglalakad sa pasilyo patungong hardin. " Pinalaki ako ni sister Bella na magalang at marunong rumespeto sa mga matatanda lalo na sa magulang, pero sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon, pakiramdam ko ang sarap magbitiw ng salitang pinagbabawal. " " Kagaya ng? " pagtatanong ni Claude, batid ang nais sabihin nito ngunit nais niya pa rin itong marinig. " Puñeta, " walang pag-aalinlangang sambit ni Lucine habang diretsong ang mga tingin sa pasilyong
Nakababad ang katawan ni Lucine sa maligamgam na tubig sa isang banyera habang nakapikit ang mga mata. Hindi niya batid kung ilang oras na siyang nakababad sa tubig sapagkat ang kaniyang isip ay malayo ang nilalakbay. Hirap siyang paniwalaan na sa loob ng ilang buwan na paninirahan sa mansyon, ang mga kaganapan sa buhay niya ay mabibilang na ng isang taon. Sunod-sunod at tila kada linggo ay mayroon siyang kailangang ayusing problema. Idinilat ni Lucine ang mata at nilubog ang sarili sa tubig hanggang ibabaw ng bibig. Napapalibutan siya ng mga bula na galing sa sabon na inilagay niya sa banyera. Humahalimuyak ang mabangong amoy, pinakakalma ang isip niyang gulong-gulo sa mga nangyayari sa paligid niya. Nanatili pa siya ng halos kalahating oras sa banyera bago napagdesisyunang mag banlaw upang siya'y makapagbihis. Ala-dose na ng hating-gabi, mula sa bintana ng kaniyang banyo, natatanaw niya ang malaki at maliwanag na buwan sa labas. Pakiramdam niya ay gusto na lamang niya itong titi
Kumpleto na ang lahat ng tao sa simbahan na siyang pagdarausan ng kasal. Ang Padre ay nakahanda na sa seremonya, ang mga importanteng bisita ay nakaupo na, at ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak ng dalawang pamilya ay hindi na makapaghintay na magsimula ang misa. " Ilang minuto pa ba bago magsimula 'to? " pagtatanong ni Victoria sa katabing si Venice. Sila ay nakaupo na at nakapuwesto sa unahan habang si Logan ay nasa labas na siyang kasama maglalakad ni Lucine oras na magsimula ang seremonya. " Bakit hindi ko makita ang Papà mo? Hindi pa naman nagsisimula, bakit hindi muna siya maupo dito? "" Sampung minuto na lang po bago magsimula ang seremonya, " ani Venice, bagot ng nilibot ang tingin sa kabuuan ng simbahan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainsulto nang mapagtanong ito rin ang simbahan na naging saksi ng pag-iisang dibdib nila Amadeus. Pasimple siyang tumingin sa likuran, sinalubong siya ng tingin ng mga bisitang nakaupo sa si likuran nila. Ngumiti na l
" Mga wala kayong silbi! " halos pumutok ang ugat ni Logan, kaharap ang tatlong tauhan na kaniyang inutusan sa paghahanap sa nawawala niyang anak. " Napakadali lang naman ng ipinagagawa ko sainyo, natakasan pa kayo?! " Walang nagsalita. Lahat ay nakatungo habang tinatanggap ang mga masasakit na salita mula kay Logan na malapit ng mawala sa katinuan. Naubos ang bong araw sa paghahanap kina Lucine at Claude na hindi pa rin nila mahagilap hanggang ngayon. " Asahan mo bukas na mayroon na namang nakasulat sa dyaryo tungkol sa pamilya natin, " wika ni Victoria na prenteng nakaupo sa sopa habang hinahalo ang tsaa gamit ang kaniyang kutsarita. " Sa halip na umingay ang pangalang Banville sa positibong dahilan, puputok ang isang eskandalo na pangalan ng anak mo ang gagamitin para ipahiya ang pangalan natin. Sinabi ko na kasi sa'yo, hindi magandang gamitin ang anak mo na mas matigas pa sa bato ang ulo. " " Pakiusap, Victoria, kahit ngayon lang ay tumahimik ka. Hindi ka nakakatulong sa sitwa