" Mga wala kayong silbi! " halos pumutok ang ugat ni Logan, kaharap ang tatlong tauhan na kaniyang inutusan sa paghahanap sa nawawala niyang anak. " Napakadali lang naman ng ipinagagawa ko sainyo, natakasan pa kayo?! " Walang nagsalita. Lahat ay nakatungo habang tinatanggap ang mga masasakit na salita mula kay Logan na malapit ng mawala sa katinuan. Naubos ang bong araw sa paghahanap kina Lucine at Claude na hindi pa rin nila mahagilap hanggang ngayon. " Asahan mo bukas na mayroon na namang nakasulat sa dyaryo tungkol sa pamilya natin, " wika ni Victoria na prenteng nakaupo sa sopa habang hinahalo ang tsaa gamit ang kaniyang kutsarita. " Sa halip na umingay ang pangalang Banville sa positibong dahilan, puputok ang isang eskandalo na pangalan ng anak mo ang gagamitin para ipahiya ang pangalan natin. Sinabi ko na kasi sa'yo, hindi magandang gamitin ang anak mo na mas matigas pa sa bato ang ulo. " " Pakiusap, Victoria, kahit ngayon lang ay tumahimik ka. Hindi ka nakakatulong sa sitwa
" Lucine, bumangon ka na diyan sa kama. Tanghali na, " boses ng isang babae ang gumising kay Lucine na nanatiling nakapikit at dinadama ang marahang haplos sa ulo niya. " Anak, alam kong gising ka na. Bangon na at kakain ka pa ng umagahan. Papasok ka pa." " Mamaya na po, Ma... " Inaantok na wika ni Lucine. " Inaantok pa po ako. " " Akala ko ba'y maaga ang pasok mo? " Tumigil ito sa paghaplos sa kaniya. " Gumayak ka na kung ayaw mong ako ang magpaligo sa'yo diyan sa kama mo mismo, sige ka. " Idinilat ni Lucine ang mga mata at nakangusong bumangon sa kama. Inangat niya ang tingin sa babaeng nasa harap niya, hindi niya maaninag masyado ang mukha subalit alam niya sa sarili na ito ang kaniyang ina. " Anong oras ka na ba natulog at puyat na puyat ka yata? " tanong ng ina bago siya nito talikuran upang magtungo sa kusina. Tamad namang bumangon si Lucine na sumunod sa kaniyang ina subalit laking pagtataka nang makitang wala namang tao sa kusina. Tumungo siya sa sala, paulit-ulit tinata
" Ayoko, " saad ni Janina habang nakatingin sa mga kasama, " hindi ko kayang humawak ng pera lalo na kung malaki. Hindi ko rin puwedeng iuwi saamin 'yong mga kinita natin, maraming tao madalas na nakatambay saamin. "" Kung ganoon sino ang magtatabi? Hindi naman natin puwedeng iwan 'yong pera dito sa karinderya, " saad naman ng isa niyang kasama saka napabuga sa hangin. " Nasaan na kaya si Lucine ngayon, ano? Sana nasa mabuti siyang kalagayan. "Nagpakawala rin nang malalim na buntong hininga si Janina. " Hindi ko inakalang mangyayari 'yong kahapon sa kasal. Pero nakapagtataka lang din kasi pati 'yong groom, nawawala. Pakiramdam ko nga magkasama lang sila, eh. Tumakas sila pareho kasi ayaw nilang ikasal? "" Pakiramdam ko rin, pareho silang tumakas sa kasal. Biruin mo naman kasi, halos dalawang buwan pa lang naman silang magkakila tapos ikakasal na agad? Sinong hindi aatras doon, diba? " Tumango si Janina bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kasama. " Tama ka, tsaka 'yong hitsura ni Luci
" May plano kang iderborsyo si Venice? " gulat na tanong ni Lucine kay Amadeus. " Matagal ko ng plano bago ka pa dumating sa mansyon, " sagot ni Amadeus. Hindi magawang magsalita ni Lucine. Bumalik sa isipan niya ang unang beses na nahuli niya si Venice limang taon na ang nakalilipas. Malinaw pa rin sa alaala niya ang narinig sa silid kung saan naroroon si Venice at ang naging kabit nito. Tanda niya pa kung paanong kaswal na kumikilos si Venice sa harap ni Amadeus na animo'y walang ginawang kasalanan. Hindi mawari ni Lucine kung saan kumuha nang lakas ng loob si Venice upang gumawa ng kataksilan sa mismong pamamahay ni Amadeus. " May balita ka pa ba sa lalaking naging kalaguyo ni Venice? " hindi maiwasang itanong ni Lucine. " Ngayon ko lang naisip dahil nabanggit mo na rin 'yong tungkol sainyo noon. Mukhang wala na silang koneksyon dahil parang puro trabaho na lang ngayon si Venice. " " Sa pagkakatanda ko, may pamilya na 'yong lalaki. Hindi ko na inalam ang buong detalye kung paan
" Mahal kita, Lucine..." Paulit-ulit na naririnig ni Lucine sa isip niya ang tatlong salitang binitawan ni Amadeus ilang oras na ang nakararaan. Nakabalik na sila sa bahay ngunit ang isip niya ay tila naiwan sa yate. Ayaw siyang tantanan ng mga katagang nagbigay ng kasiyahan sa puso niya, subalit hindi rin naman niya maiwasang makaramdam ng konsensya sapagkat hindi niya ito nagawang tugonan. Humugot nang malalim na hininga si Lucine bago tignan ang sarili sa salamin. Ilang minuto na siyang nakakulong sa banyo upang maglinis ng katawan. Kanina pa siya tapos at nakapagbihis na rin siya, ngunit hindi niya magawang lumabas sa takot na baka sila'y magkita ni Amadeus pagkatapos ng hindi sinasadyang pagbaliwala niya sa pagtatapat nito. Na-blangko siya, nakatungtong na sila sa lupa't lahat ngunit hindi niya magawang magsalita, hanggang sa kaswal ng iniba ni Amadeus ang usapan nila dahilan upang malugmok si Lucine. Nais niyang tugonan ang pagtatapat nito, ngunit hindi niya alam kung papano.
Isang sarkastikong tawa ang kumawala sa bibig ni Logan matapos marinig ang sinabi ni Venice na hindi nabago ang ekspresyon sa mukha. Seryoso ang mga tingin nito na ibinibigay sa ama." Ako ba'y binabantaan mo, Venice? " mapanuyang pagtatanong ni Logan. " Hindi ko inasahan na mayroon ka palang nakatagong ugaling ganiyan. Namana mo ba 'yan saakin o kay Victoria? "Naiyukom ni Venice ang kamao. Wala siyang balak makipagusap sa ama tungkol sa ibang bagay dahil isa lamang ang kaniyang sadya. " Narinig niyo ang sinsabi ko Papà. Wala kayong gagawin kay Amadeus—"" At paano ka naman nakasisiguro na susundin ko ang gusto mo? May mapapala ba ako, Venice? "" Kapag ba pinatay niyo si Amadeus, paano kayo nakasisiguro na hindi madadawit ang pangalan niyo? " tanong pabalik ni Venice. " Alam na ng lahat na mayroon kayong alitan at kayo ang unang magiging suspect kapag ginawa niyo 'yon. Lalo rin kayong madidiin sa kasong kahaharapin niyo dahil siguradong magsasalita ang paborito niyong anak laban sai
Naalimpungatan si Janina nang makaramdam na kailangan niyang gumamit ng banyo. Nakapikit siyang bumangon mula sa malambot na kama ngunit nang maramdaman ang malamig na hangin na humahalik sa katawan niya, binuksan niya ang mga mata. Madilim ngunit batid niyang wala siya sa kaniyang silid. Napatingin siya sa bintana, kulay asul na kalangitan ang bumungad sa kaniya. Nagsisimula na ring mag-ingay ang mga ibon sa labas na isa rin sa dahilan ng paggising niya. Ibinalik niya ang tingin sa bawat sulok ng silid na kinaroroonan niya, makalat ang paligid ngunit ang pumukaw sa atensyon niya ay ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig. " A-anong... " Dahan-dahang ibinaba ni Janina ang tingin at doon lamang niya napagtanto na wala siyang suot na kahit na anong saplot sa katawan. Kinuha niya ang kumot na nasa hita niya upang itakip sa kaniyang dibdib at napatingin sa kaniyang gilid nang maramdaman ang paggalaw ng kama. Mayroon siyang katabi at hindi niya makita ang mukha nito dahil sa parehong
Unti-unting nagkaroon ng malay si Lucine ngunit nang sinubukan niyang imulat ang mata, wala siyang makita kundi itim dahil nakapiring pa rin ang kaniyang mga mata. Hindi rin niya magawang makapagsalita dahil sa nakatakip sa kaniyang bibig. Ang mga kamay niya ay nakatali patalikod habang siya'y nakahiga patagilid mula sa isang malambot ng kama. Pinakiramdaman niya ang paligid, may naririnig siyang boses ng mga taong nag-uusap mula sa 'di kalayuan. Magalaw din ang kaniyang kinalalagyan at dahil sa hampas ng tubig at ingay ng makina na naririnig niya, doon nakumpirma ni Lucine na nasa isa siyang sasakyang pandagat. Sinubukang bumangon ni Lucine mula sa pagkakahiga, ngunit hindi niya magawa dahil sa sakit na nararamdaman niya sa braso kung saan may itinurok sa kaniya. Idikinit ni Lucine ang mukha sa kamang kinaroroonan at ikiniskis pataas ang piring na nakakabit sa kaniya sa pagbabakasakaling maalis ito, hanggang sa unti-unting umangat ang piring at napunta sa itaas ng kaniyang mga mata.