Share

CHAPTER 71

" Mahal kita, Lucine..."

Paulit-ulit na naririnig ni Lucine sa isip niya ang tatlong salitang binitawan ni Amadeus ilang oras na ang nakararaan. Nakabalik na sila sa bahay ngunit ang isip niya ay tila naiwan sa yate. Ayaw siyang tantanan ng mga katagang nagbigay ng kasiyahan sa puso niya, subalit hindi rin naman niya maiwasang makaramdam ng konsensya sapagkat hindi niya ito nagawang tugonan.

Humugot nang malalim na hininga si Lucine bago tignan ang sarili sa salamin. Ilang minuto na siyang nakakulong sa banyo upang maglinis ng katawan. Kanina pa siya tapos at nakapagbihis na rin siya, ngunit hindi niya magawang lumabas sa takot na baka sila'y magkita ni Amadeus pagkatapos ng hindi sinasadyang pagbaliwala niya sa pagtatapat nito. Na-blangko siya, nakatungtong na sila sa lupa't lahat ngunit hindi niya magawang magsalita, hanggang sa kaswal ng iniba ni Amadeus ang usapan nila dahilan upang malugmok si Lucine. Nais niyang tugonan ang pagtatapat nito, ngunit hindi niya alam kung papano.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status