Halos mapatalon sa gulat sina Owen at Morriss na nasa salas nang makarinig nang malakas na kalabog na gawa ng pintong pabalibag na isinara. Ilang saglit pa ay lumitaw si Amadeus, dumaan lamang ito sa harap nila at dire-diretsong nagtungo sa opisina. Nagkatinginan ang dalawa, hindi na nila kailangang mag-usap gamit ang mga bibig sapagkat nagkakaintindihan na sila gamit ang mga mata. Lumipas na ang bente kuwarto oras simula noong kuhanin si Lucine ng mga armadong lalaki ngunit hanggang ngayon, wala pa rin silang balita kung nasaan ang dalagang hinahanap nila. Nagawa silang linlangin ng mga binabantayan nilang sasakyang na pinaniniwalaan nilang sinasakyan ni Lucine subalit nang ito'y kanilang harangin, wala sa loob ang hinahanap nila. " Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung saan itinago ng Don Banville ang anak niya, " saad ni Owen, abala ang mata sa mapa na nasa lamesita. Ginuhitan niya ng ekis ang isang lokasyon na pinuntahan nila ni Morriss sa pagbabakasakaling makita na nila
" Don Banville, mabuti at nakarating ka na. Akala ko'y matatagalan ulit bago tayo magkita. " Magiliw na bati ng Don Caruso kay Logan nang ito'y pumasok sa kaniyang opisina." Pasensya na kung natagalan ako, Don Caruso, " ani Logan. Inakbayan naman siya sa balikat ng Don at sila'y lumakad patungo sa gitna ng silid kung saan sila naupo sa magarang sopa na may mamahaling babasaging lamesita sa gitna nila. Lumingon si Logan sa tatlo niyang guwardiya na may hawak na limang parisukat na lalagyan o maliit na maleta na naglalaman ng pinag-usapan. Sinenyasan niya ang mga ito na ilagay na sa mesa ang maleta at isa-isang binuksan upang ipakita ang mga pera na kapalit ng pagtulong sa kanila ng Don Caruso." Bueno, masaya ako at umayon saatin ang plano. " Humithit si Don Caruso ng tabaco at sumenyas sa kaniyang mga tauhan na kuhanin ang limang maleta sa mesa. Ibinuga niya ang usok, ngunit napunta ang lahat ng 'yon sa gawi ni Logan na inubo habang inaalis ang usok sa harap niya. Napangiti si Don Ca
Hindi malaman ni Lucine kung ano ang dapat na maramdaman nang sandaling huminto ang sasakyan sa harapan mismo ng mansyon. Bumalik 'yong pakiramdam niya noong una siyang umapak sa mansyon na kung saan hindi niya batid kung ano ang sasalubong sa kaniya sa loob. Walang takot, ngunit mayroong pag-aalala. " Halika na, bumaba na tayo, " saad ni Logan na nauna ng bumaba ng sasakyan matapos siyang pagbuksan ng pinto ng guwardiya nito. Hindi na hinintay ni Lucine na may magbukas pa ng pinto sa kaniya, agad siyang lumabas ng kotse at sinalubong siya nang malakas na ihip ng hangin na tila masaya sa pagbabalik niya. Inilibot ni Lucine ang tingin sa paligid, hindi pa rin siya makapaniwala na ang bahay na siyang ginamit upang itago siya ay nakatayo lamang sa dulo ng mansyon. Matagal na niyang batid na malaki at napakalawak ng lupaing orihinal na pagmamay-ari ni Amadeus, ngunit kailanman ay hindi niya naisip na maaari din itong gamitin ng ama upang pamugaran ng mga sindikatong kalaban ni Amadeus.
Hindi maintindihan ni Amadeus ang mga nangyayari. Na-supresa siya sa biglaang paglitaw ni Lucine sa mansyon nang siya'y umuwi subalit mas ma-su-supresa pa pala siya sa inakto nito kanina sa harap niya. Hindi niya mawari kung bakit tila pinagtulakan siya kanina ng dalaga at hindi rin siya nito magawang tignan nang diretso sa mata. Nababatid niyang mayrong mali at iyon ang nais niyang malaman. " Hindi ka pa ba matutulog? " tanong ni Venice na lumabas ng balkonahe ng kanilang silid upang silipin si Amadeus. Nasa tapat ito ng barandilya, may hawak na baso na may lamang alak. Lumapit si Venice sa sopa na nasa gilid ng pintuan ng balkonahe, naupo habang pinagmamasdan ang likod ni Amadeus. " Hindi ka pa rin ba makapaniwalang bumalik na si Lucine? Dapat masaya ka, hindi ba? Bakit sa nakikita ko parang problemado ka? " Hindi kumibo si Amadeus. Nanatili ang kaniyang paningin sa kawalan, iniisip ang posibleng nangyari kay Lucine. Kaswal siyang pinakitunguhan kanina, animo'y walang naganap na
Buong lakas na itinusok ni Venice ng kutsilyo ang gulong ng kaniyang sasakyan dahilan upang ito'y unti-unting mawalan ng hangin sa loob at umimpis. Mabilis siyang tumayo at lumayo tsaka itinapon ang hawak na kutsilyo sa isang halaman na nagsisilbing palamuti malapit sa garahe ng mansyon. Inayos niya ang sarili bago naglakad palabas ng garahe. Nakita niya ang sasakyan ng ama na nakaparada na sa tapat ng mansyon, ngunit hindi iyon ang hinahanap ng mata niya. " Oh, akala ko nakaalis ka na? " takhang tanong ni Victoria na nakatayo sa bungad ng mansyon katabi si Logan na abala sa pakikipagusap sa guwardiya nito." Paalis na nga ho sana ako, butas pala ang gulong ng sasakyan ko..." pagsisinungaling ni Venice saka lumapit sa kinatatayuan ng kaniyang magulang upang sumilong saglit dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw. " Ganoon ba? Kung ganoon sumabay ka na lang sa Papà mo, " suhestiyon ni Victoria saka nilingon si Logan na napahinto sa pagsasalita at takhang lumingon sa kanila. Walang idey
" K-kanina ka pa d'yan? " hindi alam ni Janina ang sasabihin matapos bumungad sa harap niya si Morriss na may dalang palumpon ng mga rosas. Mayroon din itong hawak na isang kahon na naglalaman ng pan de drema. Ramdam ni Janina ang paro-paro sa tiyan niya, ngunit pinipigilan niya ang sarili na ngumiti dahil tinatak niya sa isip na dapat nagtatampo siya. " Para sa'yo..." Inabot ni Morriss ang bulaklak kay Janina pati na rin ang pan de krema. Tahimik ang paligid, ngunit na sa kanila ang mga mata ng bawat tao sa loob ng karinderya. " Ah, salamat..." Pinalobo ni Janina ang pisngi niya upang pigilan ang kaniyang pag-ngiti ngunit unti-unti rin itong umimpis nang sundutin ni Morriss ang kaliwa niyang pisngi dahilan upang lumabas na nang tuluyan ang tuwa at kilig ni Janina. Nagsimula na ring magpalakpakan ang mga tao sa paligid na sinamahan ng pang-aasar mula sa mga serbidora na nakasaksi kung paano maging marupok ang dalaga.Tumikhim si Lucine upang kuhanin ang atensyon ng dalawa sa harap n
Maingat na ibinaba ng sekretarya ni Logan ang bawat tsaa sa harap ng mga Don na abala sa kuwentuhan at payabangan ng kani-kanilang mga napagtagumpayan sa mga nakalipas na buwan. Tatlong malalaking tao ang kasama ngayon ni Logan; ang isa ay ang kaniyang kasiyoso sa kompanya na si Don Gregorio, habang ang dalawa ay ang may-ari ng mga naglalakihang pangalan sa mundo ng mga makabagong teknolohiya. Masaya ang kuwentuhan ng lahat, kaniya-kaniyang buhat ng bangko upang hindi mapag-iwanan, nag-iimbento pa ng mga kasinungalingan para lang hindi malamangan. " Siya nga pala, Don Banville, ano na palang balita sa iyong anak na dalaga? " tanong ng isang mataba at matandang lalaki na si Don Gelacio—ang may ari ng isang sikat na pangalan ng mga nauusong gadyet sa kasalukuyan na siyang kinahihiligan ng maraming kabataan. " Nabalitaan kong nagkaroon ng kaguluhan sa simbahan dahil sa hindi pagsipot ng inyong anak at ng unico hijo ng Zolina sa simbahan. Totoo bang kinansila niyo na rin ang kasal nila?
Kapag nakararamdam ng galit si Logan, hindi malabong pati ang mga tao sa paligid niya ay makatikim ng kaniyang kalupitan. Walang maaaring kumausap sa kaniya at wala ring maaaring humawak sa kaniya dahil nagiging isa siyang mabangis na halimaw na hindi puwedeng lapitan ninuman. " Don Banville... " mula sa pintuan ng opisina sa mansyon, pumasok ang isang kasambahay na nanginginig na lumapit sa kaniyang amo na nakaupo sa silyang pang-opisina habang nakapikit ang mga mata. " N-narito na po ang Señor Hassan. "Iminulat ni Logan ang mga mata nang marinig ang ngalan ng taong kinasusuklaman niya. Kumpara kanina, kalmado na ang isip niya matapos ng gulong nangyari sa kompanya. Huminahon na siya ngunit naroroon pa rin ang matinding galit sa loob niya sa tuwing naririnig ang ngalan o kahit na anong bagay na may kinalaman kay Amadeus Hassan. Umalis si Logan sa pagkakasandal sa kaniyang silya, tumayo at lumabas ng opisina. Hindi niya pinasunod ang mga guwardiya na nagsisilbing anino niya bente k