Share

CHAPTER 86

Kapag nakararamdam ng galit si Logan, hindi malabong pati ang mga tao sa paligid niya ay makatikim ng kaniyang kalupitan. Walang maaaring kumausap sa kaniya at wala ring maaaring humawak sa kaniya dahil nagiging isa siyang mabangis na halimaw na hindi puwedeng lapitan ninuman.

" Don Banville... " mula sa pintuan ng opisina sa mansyon, pumasok ang isang kasambahay na nanginginig na lumapit sa kaniyang amo na nakaupo sa silyang pang-opisina habang nakapikit ang mga mata. " N-narito na po ang Señor Hassan. "

Iminulat ni Logan ang mga mata nang marinig ang ngalan ng taong kinasusuklaman niya. Kumpara kanina, kalmado na ang isip niya matapos ng gulong nangyari sa kompanya. Huminahon na siya ngunit naroroon pa rin ang matinding galit sa loob niya sa tuwing naririnig ang ngalan o kahit na anong bagay na may kinalaman kay Amadeus Hassan.

Umalis si Logan sa pagkakasandal sa kaniyang silya, tumayo at lumabas ng opisina. Hindi niya pinasunod ang mga guwardiya na nagsisilbing anino niya bente k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status