Share

CHAPTER 85

Maingat na ibinaba ng sekretarya ni Logan ang bawat tsaa sa harap ng mga Don na abala sa kuwentuhan at payabangan ng kani-kanilang mga napagtagumpayan sa mga nakalipas na buwan. Tatlong malalaking tao ang kasama ngayon ni Logan; ang isa ay ang kaniyang kasiyoso sa kompanya na si Don Gregorio, habang ang dalawa ay ang may-ari ng mga naglalakihang pangalan sa mundo ng mga makabagong teknolohiya. Masaya ang kuwentuhan ng lahat, kaniya-kaniyang buhat ng bangko upang hindi mapag-iwanan, nag-iimbento pa ng mga kasinungalingan para lang hindi malamangan.

" Siya nga pala, Don Banville, ano na palang balita sa iyong anak na dalaga? " tanong ng isang mataba at matandang lalaki na si Don Gelacio—ang may ari ng isang sikat na pangalan ng mga nauusong gadyet sa kasalukuyan na siyang kinahihiligan ng maraming kabataan. " Nabalitaan kong nagkaroon ng kaguluhan sa simbahan dahil sa hindi pagsipot ng inyong anak at ng unico hijo ng Zolina sa simbahan. Totoo bang kinansila niyo na rin ang kasal nila?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status