" Matagal na, " pagkumpirma ni Amadeus, " Simula pa lang, alam kong may kinalaman na siya. " Tuluyang bumagsak ang balikat ni Lucine. Lalo siyang nakaramdam ng bigat at kirot sa dibdib habang pinagmamasdan ang walang ekspersyong mukha ni Amadeus na nakatingin sa kaniya. Hindi alam ni Lucine kung paano nagagawang kausapin at harapin pa ni Amadeus ang kaniyang ama matapos ng mga ginawa nito sa kaniya. Ramdam ni Lucine ang paglamon sa kaniya nang buo ng konsensya hanggang sa maramdaman ang panggigilid ng luha sa kaniyang mga mata. " Patawarin mo 'ko..." halos pabulong na saad ni Lucine, " Hindi ko alam na may kinalaman ang Papà sa bagay na 'yan. Wala akong ideya— " Para saan ang paghingi mo ng tawad? " tanong ni Amadeus, inilipat ang bola sa kabilang kamay upang ito naman ang pumiga-piga rito. " Ikaw na ba ang humihingi ng tawad para sa ama mo? " " Amadeus, hindi... " agad na sagot ni Lucine, " Gusto kong humingi ng pasensya dahil nasasaktan ako para sa'yo. Nasasaktan ako dahil akal
Sa pagmulat ng mga mata ni Lucine, ang unang bumungad agad sakaniya ay ang maaliwalas na mukha ni Amadeus na nakayakap sa kaniya. Wala sa sarili siyang napangiti habang pinagmamasdan ang bawat parte ng mukha ng lalaking minamahal niya. Gamit ang hintuturo, pinalandas niya ito sa makapal na kilay at mahahaba nitong pilik mata habang binabalikan ang nangyaring pag-iisa. Ramdam pa rin ni Lucine ang sakit sa kaniyang kaselanan subalit walang makakatumbas sa kaligayahan na kaniyang naranasan at naramdaman. Ito ang kaniyang unang beses at tila ba sa isang iglap, nawala ang bigat sa dibdib niya dahil pinunan ito ng pagmamahal ng lalaki sa kaniyang harapan. Nawala ng parang bula ang kaniyang mga alinlangan at pag-alala sa relasyong mali sa paningin ng lahat. Bumangon si Lucine sa kama nang dahan-dahan, tiniis ang sakit na nararamdaman sa kaniyang ibaba habang pinupulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Dumaan ang kaniyang tingin sa malaking salamin at mula leeg hanggang dibdib, puno ito ng
Nagkukumahog na pumasok si Lucine sa loob ng karinderya nang makitang wala ang kotse ng ama sa kahit na saang parte ng kalsada. " Oh, nandito ka na pala. Akala ko hindi ka papasok, " ani Janina na kalalabas lang ng kusina dala ang bandeha na may mga putaheng ibinaba sa isang mesa. " Janina, galing ba dito ang Papa? " kabadong tanong ni Lucine." Ha? Hindi naman. Bakit? Anong mayroon? " sunod-sunod nitong tanong, agad nakaamoy ng tila panibagong ganap sa buhay ni Lucine, kung kaya naman nang matapos ibaba ang huling putahe sa mesa, agad siyang nagtungo sa kahera upang puntahan ang kaibigan na tila hindi mapakali. " May nangyari na naman ba? "Napalunok si Lucine at agad umiwas ng tingin kay Janina. " Kung sakaling magpunta man dito si Papà, puwede bang sabihin niyong—" Kumalansing ang bagay na nakasabit sa itaas ng pintuan hudyat na may nagbukas ng pinto. Tila nag yelo sa kinatatayuan si Lucine nang makita ang kaniyang ama na agad ngumiti sakaniya nang mag tama ang kanilang mata. "
Hindi na mabilang ni Janina kung ilang beses na niyang naibuka ang bibig para maghikab habang pinupunasan ang mga kubyertos na gawa sa plastik. Alas sais pa lamang ng gabi, ngunit pakiramdam niya'y hinahatak na siya ng kama niya upang makapagpahinga. " Pang-limang hikab mo na 'yan, Janina. Pati ako nahahawa na, " saad ng katabi niya na abala naman sa pagbabalot ng tisyu sa kubyertos na galing kay Janina. " Ang aga pa naman, inaantok ka na agad. Puyat ka ba? " " Pinuyat ako ng kapatid ko kagabi. Tinulungan kong gumawa ng project niya sa school..." Napaisip bigla si Janina nang may napagtanto. " Mali pala, ako pala ang halos gumawa ng project niya. " Natawa ang kasama niya sa mesa. " Ganiyan din kapatid ko. Kulang na lang nga ay pangalan ko na ang ilagay ko para ako ang makatanggap ng mga papuri sa teacher niya. Napakatamad kaya, sarap isumbong sa nililigawan para basted-in siya. " " Naku, hindi uubra saakin ang katamaran. Kapatid ko nakatatanggap ng kutos saakin kapag nahuhuli kon
" Mag-isa lang kayong nakatira sa malaking bahay na 'to? " tanong ni Owen habang nililibot ng tingin ang buong salas kung saan sila dinala ni Amelia. Lahat ng mga kagamitan ay ginto ang halaga, maski ang pusa na dumaan sa harap nila ay mababatid ni Owen na hindi ito madaling hanapin at bilhin dahil sa uri nito." Mag-isa lang akong nakatira dito. Pero minsan, nandito rin si Gregorio para samahan ako, " saad ni Amelia saka binaba ang bandeha sa lamesitang nasa harap nina Owen at Morriss na nakaupo sa sopa. " Uminom muna kayong dalawa. Alam kong malayo ang naging byahe niyo para magtungo dito sa bahay ko. Ewan ko ba kay Gregorio, sa dami ng bahay na malapit sa bayan nila, dito pa ako sa malayo dinala. "" Para sa kaligtasan niyo, " saad ni Morriss na ngayon lang nagsalita matapos ng mahigit isang oras na pananahimik. " Maraming koneksyon ang asawa ni Don Gregorio. Siguradong sa isang pitik lang ng kamay niya, mahahanap na kayo. "Kumawala ang tawa sa dalaga saka naupo sa sopa kaharap an
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Amelia habang nakatayo sa harap ng establisyemento kung saan sila madalas nagtatagpo nang patago ni Don Gregorio. Pakiwari niya'y ito na ang huling beses na papasok siya sa lugar na ito dahil sa kasunduan na kaniyang sinang-ayunan. Nagsimula humakbang palapit si Amelia sa pintuan at taas-noong tumingin sa guwardiya na nakabantay sa labas na agad rin naman siyang pinagbuksan. Pagkaapak niya sa loob ng restawran, pasimple niyang inilibot ang tingin sa paligid at nakita sa isang lamesa ang dalawang estranghero na kaniyang nakausap kanina. May dalawang walang lamang baso sa mesa nito na agad naman pinalitan ng lumapit na serbidora ng dalawang bagong alak. " Magandang gabi, Señorita. " Naalis ang tingin ni Amelia sa gawi nina Owen at Morriss nang may isang serbidora na sumalubong sa kaniya. Magalang nitong itinuro ang isang pasilyo kung saan matatagpuan ang mga pribadong silid na laman ng mga taong gusto ng pribadong oras. " Dito po
Hindi alam ni Lucine kung ano ang dapat na gawin sa mga marka sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Wala siyang ideya kung ilang araw o linggo itong mananatili sa kaniyang katawan kaya naman namo-mroblema siya kung ano ang mga damit na kailangan niya suotin upang hindi makita ang kahit na anong palatandaan ng kaniyang kasalanan.Huminga nang malalim si Lucine bago alisin ang paningin sa salamin upang buksan ang aparador at kumuha ng damit pantulog. Isang puting bestida ang kaniyang pinili na mayroong mahabang manggas. May kataasan ang kuwelyo subalit kinailangan pa rin niyang ilugay ang mahabang buhok upang itakip ito sa magkabilang leeg.Inangat niya ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding, alas nuebe na ng gabi ngunit iyong antok na nararamdaman niya kanina ay nawala matapos niyang magbabad ng halos isang oras sa banyera. Ang plano niya lang sana ay maglinis ng katawan bago matulog ngunit hindi nasunod dahil sa dami ng tumatakbo sa kaniyang isipan hanggang sa muling mag
Umalingawngaw ang galit na boses ni Logan sa kaniyang opisina matapos ibalita sa kaniya ng sekretarya ang mga sunod-sunod na pag-alisan ng mga empleyado sa bawat depertamento. Nagkalat sa lapag ang mga papel na naglalaman ng mga sulat ng pagbibitiw sa trabaho galing sa mga nagsialisang tao mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakaibaba. " Ang lalakas ng loob nilang lapastanganin ang kompanya ko! Ako ba'y tinatarantad* ng mga 'yan?! " Nanggagalaiting saad ni Logan. Halos hindi naman makagalaw sa kinatatayuan ang sekretarya na sumasalo ng galit at masasakit na salita mula sa kaniyang pinaglilingkuran. " Ipaliwanag mo nga saakin kung paano nangyari 'to?! Ano bang pumasok sa isip ng mga 'yan?! "" Don Banville, halos iisa lang po ang mga dahilan ng mga empleyado..." Nakatungong saad ng sekretarya. " Iyong mga nadadagdag na oras na ginugugol nila sa opisina ay hindi pa rin po bayad. Halos taon na rin po nila itong inirereklamo pero wala pa rin po kasing aksyon na nangyayari sa i