Share

CHAPTER 92

Nagkukumahog na pumasok si Lucine sa loob ng karinderya nang makitang wala ang kotse ng ama sa kahit na saang parte ng kalsada.

" Oh, nandito ka na pala. Akala ko hindi ka papasok, " ani Janina na kalalabas lang ng kusina dala ang bandeha na may mga putaheng ibinaba sa isang mesa.

" Janina, galing ba dito ang Papa? " kabadong tanong ni Lucine.

" Ha? Hindi naman. Bakit? Anong mayroon? " sunod-sunod nitong tanong, agad nakaamoy ng tila panibagong ganap sa buhay ni Lucine, kung kaya naman nang matapos ibaba ang huling putahe sa mesa, agad siyang nagtungo sa kahera upang puntahan ang kaibigan na tila hindi mapakali. " May nangyari na naman ba? "

Napalunok si Lucine at agad umiwas ng tingin kay Janina. " Kung sakaling magpunta man dito si Papà, puwede bang sabihin niyong—"

Kumalansing ang bagay na nakasabit sa itaas ng pintuan hudyat na may nagbukas ng pinto. Tila nag yelo sa kinatatayuan si Lucine nang makita ang kaniyang ama na agad ngumiti sakaniya nang mag tama ang kanilang mata.

"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status