" Mag-isa lang kayong nakatira sa malaking bahay na 'to? " tanong ni Owen habang nililibot ng tingin ang buong salas kung saan sila dinala ni Amelia. Lahat ng mga kagamitan ay ginto ang halaga, maski ang pusa na dumaan sa harap nila ay mababatid ni Owen na hindi ito madaling hanapin at bilhin dahil sa uri nito." Mag-isa lang akong nakatira dito. Pero minsan, nandito rin si Gregorio para samahan ako, " saad ni Amelia saka binaba ang bandeha sa lamesitang nasa harap nina Owen at Morriss na nakaupo sa sopa. " Uminom muna kayong dalawa. Alam kong malayo ang naging byahe niyo para magtungo dito sa bahay ko. Ewan ko ba kay Gregorio, sa dami ng bahay na malapit sa bayan nila, dito pa ako sa malayo dinala. "" Para sa kaligtasan niyo, " saad ni Morriss na ngayon lang nagsalita matapos ng mahigit isang oras na pananahimik. " Maraming koneksyon ang asawa ni Don Gregorio. Siguradong sa isang pitik lang ng kamay niya, mahahanap na kayo. "Kumawala ang tawa sa dalaga saka naupo sa sopa kaharap an
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Amelia habang nakatayo sa harap ng establisyemento kung saan sila madalas nagtatagpo nang patago ni Don Gregorio. Pakiwari niya'y ito na ang huling beses na papasok siya sa lugar na ito dahil sa kasunduan na kaniyang sinang-ayunan. Nagsimula humakbang palapit si Amelia sa pintuan at taas-noong tumingin sa guwardiya na nakabantay sa labas na agad rin naman siyang pinagbuksan. Pagkaapak niya sa loob ng restawran, pasimple niyang inilibot ang tingin sa paligid at nakita sa isang lamesa ang dalawang estranghero na kaniyang nakausap kanina. May dalawang walang lamang baso sa mesa nito na agad naman pinalitan ng lumapit na serbidora ng dalawang bagong alak. " Magandang gabi, Señorita. " Naalis ang tingin ni Amelia sa gawi nina Owen at Morriss nang may isang serbidora na sumalubong sa kaniya. Magalang nitong itinuro ang isang pasilyo kung saan matatagpuan ang mga pribadong silid na laman ng mga taong gusto ng pribadong oras. " Dito po
Hindi alam ni Lucine kung ano ang dapat na gawin sa mga marka sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Wala siyang ideya kung ilang araw o linggo itong mananatili sa kaniyang katawan kaya naman namo-mroblema siya kung ano ang mga damit na kailangan niya suotin upang hindi makita ang kahit na anong palatandaan ng kaniyang kasalanan.Huminga nang malalim si Lucine bago alisin ang paningin sa salamin upang buksan ang aparador at kumuha ng damit pantulog. Isang puting bestida ang kaniyang pinili na mayroong mahabang manggas. May kataasan ang kuwelyo subalit kinailangan pa rin niyang ilugay ang mahabang buhok upang itakip ito sa magkabilang leeg.Inangat niya ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding, alas nuebe na ng gabi ngunit iyong antok na nararamdaman niya kanina ay nawala matapos niyang magbabad ng halos isang oras sa banyera. Ang plano niya lang sana ay maglinis ng katawan bago matulog ngunit hindi nasunod dahil sa dami ng tumatakbo sa kaniyang isipan hanggang sa muling mag
Umalingawngaw ang galit na boses ni Logan sa kaniyang opisina matapos ibalita sa kaniya ng sekretarya ang mga sunod-sunod na pag-alisan ng mga empleyado sa bawat depertamento. Nagkalat sa lapag ang mga papel na naglalaman ng mga sulat ng pagbibitiw sa trabaho galing sa mga nagsialisang tao mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakaibaba. " Ang lalakas ng loob nilang lapastanganin ang kompanya ko! Ako ba'y tinatarantad* ng mga 'yan?! " Nanggagalaiting saad ni Logan. Halos hindi naman makagalaw sa kinatatayuan ang sekretarya na sumasalo ng galit at masasakit na salita mula sa kaniyang pinaglilingkuran. " Ipaliwanag mo nga saakin kung paano nangyari 'to?! Ano bang pumasok sa isip ng mga 'yan?! "" Don Banville, halos iisa lang po ang mga dahilan ng mga empleyado..." Nakatungong saad ng sekretarya. " Iyong mga nadadagdag na oras na ginugugol nila sa opisina ay hindi pa rin po bayad. Halos taon na rin po nila itong inirereklamo pero wala pa rin po kasing aksyon na nangyayari sa i
" Puñeta! Anong ibig niyong sabihing hindi makita?! " Nanggagalaiting sigaw ni Logan sa dalawang tao na kaniyang inutusan para hagilapin ang Don Gregorio dahil mahigit isang linggo na itong hindi nagpaparamdam sa kanila. Sa mga pagpupulong ay hindi ito dumadalo kaya doon nagsimula magtaka si Logan sapagkat isa si Don Gregorio sa mga mahahalagang tao sa kompanya na hindi maaaring mawala sa mga importanteng pulong. " Ayon ho sa kaniyang sekretarya, bigla na lang rin daw itong hindi nagpakita sa kaniya. Maka-ilang beses daw ho niyang sinubukang kontak-in ang Don pero hindi na ho aktibo ang numero nito. Nagpunta rin ho kami sa mansyon ng pamilya niya pero wala rin hong alam ang asawa at mga anak niya. Ilang araw na raw ho itong hindi umuuwi sa kanila, " pahayag ng isa niyang tauhan. Naiyukom ni Logan ang kamao at nagsisimula maglabasan ang mga ugat sa sentido. Hindi siya makapagisip nang maayos dahil pinangunahan siya ng matinding galit at kalituhan sa nangyayari. " Iyong babae niya?
" Sister Bella, maghahapunan na po! Kain na po tayo! " Masiglang pagyayaya ng tatlong batang sumundo kay Sister Bella na nasa harapan ng isang altar, inaayos ang ilang palamuti matapos nitong sindihan ang kalalagay lang na bagong dalawang kandila. " Sige mga bata, mauna na kayo sa mesa. Susunod ako, tatapusin ko lang ito, " ani sister Bella. Agad namang nagtakbuhan palayo ang tatlong batang lumapit sa kaniya upang mag una-unahan sa mga puwesto nila sa mesa. Ibinalik ni Sister Bella ang atensyon sa pag-aayos ng altar. Pinunasan niya ang paanan at kinatatayuan ng mga rebulto habang taimtim na nananalangin sa kaniyang isipan. Ilang linggo na ang nakalipas magmula noong huling dalaw ni Lucine sa bahay ampunan subalit hindi pa rin pinatatahimik ang madre patungkol sa iniwan nitong paalala. Palagi niyang pinanonood ang mga galaw ni Aling Josie ngunit wala naman siyang napapansing kakaiba o mga bagay na ginagawa nito na magdadala ng kapahamakan sa mga bata. Ganunpaman, palagi niyang ipin
" Señorita, gising pa po ba kayo? " tanong ng isang kasambahay matapos kumatok sa harap ng pinto ng silid na pagmamay-ari ni Lucine. Tatlong segundo bago siya muling magsalita. " Mayroon po akong dalang pagkain para po sa hapunan niyo. Baka po kasi nagugutom kayo—" Bumukas nang bahagya ang pinto at sumilip rito si Lucine bago patuluyin sa loob ang kasambahay. Naglakad siya patungo sa isang pabilog na mesa upang ibaba ang bandeha na naglalaman ng pagkain na siya mismo ang naghanda. Matapos ng nangyaring gulo kanina, hindi niya napansing bumaba si Lucine upang makapaghapunan kaya batid niyang gutom na ito. Pasado alas diyes na ng gabi at hindi niya nais matulog na dala sa kama ang pag-aalala. " Kumusta ang lagay ni Papà? " tanong ni Lucine. " Maayos na ba ang lagay niya? " " Maayos na po ang kalagyan ng Don. Bumalik na po sa normal ang presyon niya, " sagot ng kasambahay saka nilingon si Lucine na nasa kaniyang likuran. Malungkot siyang ngumiti. " Señorita, pasensya na po sa nangyari
Hindi malaman ni Lucine kung anong reaksyon ang gagawin niya nang hindi niya mabuksan ang pinto mula sa loob ng kaniyang silid. Ilang beses niyang sinubukang pihitin ang busol at malaya naman niya itong naigagalaw ngunit hindi niya ito magawang hilahin para magbukas. Sa kaniyang inis, padabog niya itong kinatok nang kinatok. " Mayroon bang tao d'yan sa labas?! " sigaw ni Lucine, muli siyang kumatok at sa pagkakataong ito, halos gibain na niya ang pinto. " Ano ba, palabasin niyo 'ko dito! " Ngunit lumipas ang ilang minuto, nanatili pa ring nakasarado ang pinto. Napaatras si Lucine at napahawak sa noo habang nagtatakbuhan sa isip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit niya hindi magawang lumabas. Lumakad siya patungo sa balkonahe at halos pagsakluban siya ng langit at lupa nang makitang nakakandado ang pinto mula sa labas. " Anong..." hindi magawang ituloy ni Lucine ang balak na sabihin nang makaramdam siya ng hilo at tila ba may umaangat sa sikmura niya. Akala niya kaya niyang t