Share

CHAPTER 101

Hindi malaman ni Lucine kung anong reaksyon ang gagawin niya nang hindi niya mabuksan ang pinto mula sa loob ng kaniyang silid. Ilang beses niyang sinubukang pihitin ang busol at malaya naman niya itong naigagalaw ngunit hindi niya ito magawang hilahin para magbukas. Sa kaniyang inis, padabog niya itong kinatok nang kinatok.

" Mayroon bang tao d'yan sa labas?! " sigaw ni Lucine, muli siyang kumatok at sa pagkakataong ito, halos gibain na niya ang pinto. " Ano ba, palabasin niyo 'ko dito! "

Ngunit lumipas ang ilang minuto, nanatili pa ring nakasarado ang pinto. Napaatras si Lucine at napahawak sa noo habang nagtatakbuhan sa isip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit niya hindi magawang lumabas. Lumakad siya patungo sa balkonahe at halos pagsakluban siya ng langit at lupa nang makitang nakakandado ang pinto mula sa labas.

" Anong..." hindi magawang ituloy ni Lucine ang balak na sabihin nang makaramdam siya ng hilo at tila ba may umaangat sa sikmura niya. Akala niya kaya niyang t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status