" Sige, maraming salamat. " Binaba ni Amadeus ang selpon matapos siyang balitaan tungkol sa matagumpay na pagkakahuli kay Victoria. Inaasahan na niyang babalakin nitong tumakas ngunit marami siyang nakalatag na plano at kahit anong solusyon o daan ang piliing tahakin ng mga ito, isa lang ang dulo na naghihintay sa mga Banville. Sumimsim si Amadeus sa mainit na kape habang nakatayo sa harap ng salamin na nagsisilbi na rin niyang dingding. Nakatanaw siya sa malawak na siyudad habang ang kalangitan ay nagsisimula na ring magkaroon ng liwanag. " Kaunting tiis na lang, Lucine... " mahinang bigkas ng kaniyang bibig. Umalis siya sa harapan ng salamin at lumakad pabalik sa kaniyang mesa. Binaba niya ang tasa sa mesa saka kinuha ang isang malaking sobre na ilang araw na ring na sa kaniya. Kaniyang inilabas rito ang ilang papeles na susi sa pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Venice. Pirmado na niya ang kaniya at naghihintay na lamang siya ng tamang tyempo upang hingin ang pirma ng asawa. Ba
" Pasensya na po, pero ang bilin po kasi saakin ay huwag muna akong magpapasok ng taga-labas. Hindi po tumatanggap ng bisita ang mga Banville ngayon, " saad ng guwardiyang nakabantay sa labas ng mansyon, kausap ang drayber lulan ng isang magarang sasakyan. Ang dalagang naka upo sa likuran ay napaikot na lamang ng mata sa narinig. " Ilang taon na kayong nag ta-trabaho dito? " tanong ng dalaga. " Ah, mga apat na taon na po, Madame, " saad ng guwardiya. Napatango ito. " Apat na taon pa lang? Ako kasi halos dalawang dekada rin akong nanirahan dito. Alam niyo ba o kilala niyo ba ang orihinal na may-ari ng mansyong ito? " " Banville po ang namamahala—" " Orihinal, hindi peke. " Kinuha ng dalaga ang kaniyang pagkakakilanlan saka ito inabot sa guwardiyang kausap niya. " Alam kong ginagawa niyo lang ang trabaho niyo, pero kung nais niyo pa ring manatili dito sa oras na bumalik ang orihinal na may-ari nito, papasukin niyo ako sa loob. " Kita ang pagdadalawang isip sa mukha ng guwardiya
" Tita Rei? " Namilog ang mata ni Amadeus nang makitang ang kaniyang Tiya sa labas ng pinto ng kondominyum niya. Mukhang balak pa lamang nitong pindutin ang buton sa gilid na nagpapadala ng mensahe sa loob na mayroong tao sa labas. " Ano pong ginagawa niyo rito? Paanong...akala ko sa isang linggo pa ang dating niyo? " " Su-supresahin sana kita, pero ako pa ang na-supresa, " sagot ni Reina saka humawak sa kaniyang dibdib dahil sa pagkabigla nang bumukas ang pintong tinatayuan niya. Tumingin siya sa likuran ni Amadeus. " Puwede ba akong tumuloy sa loob? O baka mas gusto mong dito tayo mag-kumustahan sa labas? " Tila natuhan naman si Amadeus at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin sa loob ang kaniyang Tiya. Wala si Owen at Morriss dahil sa trabahong kaniyang pinagagawa at pinatatapos na may kinalaman sa kaso ni Victoria. " Kumusta ang pamamalagi mo dito? Naging komportable ka ba? " panimula ni Reina habang inililibot ang tingin sa kabuan ng kondominyum na tinitirahan
" Aalis ka na? " tanong ni Janina kay Lucine nang magpaalam na ito sa kanila. " May sundo ka na ba? Kumusta pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo? Nahihilo ka ba? Sigurado ka bang hindi na kailangan ng ospital? "" Janina, ayos lang ako. Pagod lang siguro ako kaya dumugo ang ilong ko kanina, " paliwanag ni Lucine saka inalis ang tisyu na nakasuksok sa kaliwang butas ng kaniyang ilong. " Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Sa Lunes na ako babalik dito sa karinderya. Kayo muna ulit ang bahala dito, Janina. "" Ano ka ba, ayos lang. Hindi mo kailangan madaliin ang pagbalik mo rito sa karinderya. Walang problema saamin kahit isang buwan ka pa magpahinga, ang importante ay ang kalusugan mo, Lucine, " puno ng sensiridad na wika ni Janina. " Wala akong ideya kung gaano ka-grabe ang pinagdadaanan mo sa inyo, pero huwag mong pabayaan ang sarili mo. Marami kaming kaibigan at kakampi mo rito sa labas, kung kailangan mo ng resbak, pangungunahan ko na. "Bahagyang natawa si Lucine, tumango-tango na
" Paparating na rin po ang Don. Mga sampung minuto lang po ay siguradong narito na siya. " saad ng tauhan ni Don Caruso kay Logan na halos kalahating oras ng naghihintay sa opisina nito. " Pasensya na po ulit kung kinailangan niyong maghintay nang matagal. May nangyaring aksidente raw po sa highway kaya naipit sila sa traffic. "Hilaw ang ngiti na tumango-tango si Logan, hindi siya kumbinsido sa narinig ngunit desperado na siya. Wala na siyang pakialam kung ilang oras pa siyang maghintay dahil kailangan niyang makausap si Don Caruso, ora mismo. " Walang problema saakin. Ang mahalaga ay makarating siya nang ligtas rito, " ani Logan saka sumimsim sa kape na wala ng init. Muli siyang tumingin sa suot na relos, alas siyete na ng gabi. Walang nangyaring umagahan, tanghalian at hapunan sakaniya, subalit hindi niya magawang makaramdam ng pagkagutom dahil punong-puno na ang kaniyang katawan ng mga iisipin. Sa mga nakalipas na linggo, nababatid ni Logan ang ginagawang pag iwas sa kaniya ni D
Hindi alam ni Lucine kung anong dapat na maramdaman habang nakaupo sa isang silyang nakahilera sa gilid ng pasilyo kasama ang mga babaeng nagdadalang tao. Ang ilan sa mga ito ay malalaki na ang tiyan at tila ba siya lang ang nag-iisang babae na walang kasama. Ang nasa kanan niya ay kasamang asawa, ganoon rin ang nasa kaliwa niya at ang mga sumunod na nakahilera. " Lucine Verine? " Napaangat ang tingin ni Lucine nang tawagin na ang kaniyang pangalan. Nakatungo siyang tumango, lihim na nananalangin na walang nakakakilala sa kaniyang pangalan bago pumasok sa loob ng silid ng klinika. Kung ano ang kinaliwanag ng silid, ganoon rin kaaliwalas ang ngiti na sinalubong sa kaniya ng isang Espesyalista na nasa mesa. " Magandang tanghali, Madame. Kayo lang po ba mag-isa? " hindi alam ni Lucine kung dapat ba siyang mainis o maawa sa sarili dahil sa isang simpleng tanong na binato agad sa kaniya. " Ako lang po, " sagot na lamang ni Lucine bago naupo sa silyang itinuro sa kaniya ng isang nars
Unti-unting iminulat ni Venice ang mga mata nang maramdaman na may malamig na dumadampi sa braso niya. Isang pamilyar na babae ang bumungad sa kaniya hanggang sa unti-unti niya itong nakilala dahilan ng pagbangon niya. Nalaglag ang basang bimpo na nakalagay sa kaniyang noo at saglit na nakaramdam ng pagkahilo. " Hindi mo kailangan bumangon kaagad. Mukhang hindi pa maayos ang lagay mo, " saad ni Lucine saka kinuha ang nalaglag na bimbo kay Venice upang ito'y ibabad sa tubig. Napatingin si Venice sa paligid, nasa loob na siya ng sariling silid. Sunod niyang binaba ang tingin sa braso niya na kanina lang ay pinupunasan ng basang bimpo ni Lucine. Inangat niya ang tingin. " Ano bang ginagawa mo rito? " " Inaasikaso ka kagaya ng bilin ng tumingin sayo, " kaswal na sagot ni Lucine saka umalis sa pagkakaupo sa silyang nasa gilid ng kama upang kuhanin ang gamot na kailangan inumin ni Venice. " Mataas ang lagnat mo kaya kailangan mong uminom nitong gamot ayon sa Doctor na tumingin sa'yo
Hindi alam ni Lucine kung anong dapat na maramdaman habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Ito na ang ika-siyam na linggo ng kaniyang pagdadalang tao at nakikita na niya ang unti-unting pagbabago sa tiyan niya. Wala siyang suot na saplot maliban sa panloob dahil katatapos lamang niyang maglinis ng katawan. Marahan niyang hinimas-himas ang tiyan habang may matipid na ngiti sa kaniyang labi." Señorita? " Napatingin si Lucine sa pinto nang may kumatok. Mabilis niyang kinuha ang maluwag na bestidang nakababa sa ibabaw ng kaniyang kama at dali-daling sinuot bago lumakad palapit sa pinto. Binuksan niya ito at bumungad ang kasambahay na si Cora. " Ah, magandang hapon po, Señorita. Nakahanda na po ang mga pagkain sa ibaba. "Tumango si Lucine. " Sige, susunod na lang ako. Gagayak muna ako. "Tumango ang kasambahay bago tumalikod at isinara naman ni Lucine ang pinto. Bumalik siya sa harap ng salamin upang muling masdan ang sarili niya. Sa loob ng maraming linggo, wala siyang pin