Hindi alam ni Lucine kung anong dapat na maramdaman habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Ito na ang ika-siyam na linggo ng kaniyang pagdadalang tao at nakikita na niya ang unti-unting pagbabago sa tiyan niya. Wala siyang suot na saplot maliban sa panloob dahil katatapos lamang niyang maglinis ng katawan. Marahan niyang hinimas-himas ang tiyan habang may matipid na ngiti sa kaniyang labi." Señorita? " Napatingin si Lucine sa pinto nang may kumatok. Mabilis niyang kinuha ang maluwag na bestidang nakababa sa ibabaw ng kaniyang kama at dali-daling sinuot bago lumakad palapit sa pinto. Binuksan niya ito at bumungad ang kasambahay na si Cora. " Ah, magandang hapon po, Señorita. Nakahanda na po ang mga pagkain sa ibaba. "Tumango si Lucine. " Sige, susunod na lang ako. Gagayak muna ako. "Tumango ang kasambahay bago tumalikod at isinara naman ni Lucine ang pinto. Bumalik siya sa harap ng salamin upang muling masdan ang sarili niya. Sa loob ng maraming linggo, wala siyang pin
Bumalot ang nakakabinging katahimikan sa buong komedor. Ni isa ay walang nagsasalita habang nakatingin kay Venice na may hawak na mga papel at kabilang rito ang ilang kopya ng imahe na nagsisilbing katibayan sa kaniyang sinabi. " Ito ang resulta ng ultrasound ko. Pitong linggo na akong nagdadalang tao, Amadeus, " ani Venice, nakangiti habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata. " Magiging ama ka na. Magiging isa na tayong pamilya..." " Tumahimik ka, Venice, " may gigil na wika ni Amadeus. " Sa tingin mo ba maniniwala ako sa sinasabi mo? Halos dalawang buwan akong hindi umuwi dito sa mansyon at ni isa sa mga araw na 'yon ay wala akong natatandaang hinawakan ko miski isang hibla ng buhok mo. " " Hindi mo natatandaan? Nakalimutan mo na agad ang nangyari saatin noong huling beses na umuwi ka rito? " Kumawala ang sarkastikong tawa kay Venice. " Sa bagay, lasing ka nga pala noon kaya hindi mo naaalala ang ginawa natin noon. Pero puwede kong ipaalala kung gusto mo. " Agad naiyukom n
Hindi alam ni Janina kung tatayo na lang ba siya magdamag sa harap ng bahay nina Morriss o papasok siya at gawin ang dating gawi kung saan tuwing linggo, maghapon siyang mananatili sa bahay ni Morriss upang makasama ito. " Huwag na lang kaya? " tanong ni Janina sa sarili, agad siyang tumalikod subalit hindi humakbang ang kaniyang mga paa paalis dahilan upang bumalik ulit siya sa pagkakaharap sa bahay at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. " Nandiyan kaya siya sa loob? " " Nandito kami sa labas. " Napalingon si Janina sa kaliwang bahagi niya kung saan narinig ang isang hindi pamilyar na boses. Nakita siya si Owen, kasama si Morriss na tila hindi inaasahan na makita siya sa harap ng bahay. " Mukhang ngayon pa lang kayo uuwi? " Nagtatakang tanong ni Janina, saka napatakip sa ilong niya. " Amoy alak rin kayo. " " Ah, pasenya na. Nakainom lang pero hindi kami lasing, " sagot ni Owen saka tinapik sa balikat si Morriss. " Sige na, ipasok mo na 'to sa loob. Kailangan niya n
" Ate Lucine! " Masayang sinalubong ng mga bata si Lucine nang makita nila itong naglalakad papasok sa bakuran ng bahay ampunan. Hindi nila napigilan ang mga sariling yakapin si Lucine at sabay-sabay na nagsalita upang ito'y kumustahin. " Mga bata, dahan-dahan lang. Huwag niyong ipitin si ate Lucine niyo, " awat naman sa kanila ni Aling Josie. " Magandang tanghali po, Aling Josie. Pasensya na po sa biglaang pagpunta ko, " ani Lucine dahil mukhang nasa kalagitnaan ang mga bata ng isang aktibidad nang pumasok siya sa bakuran. Inabot niya ang supot na dala na naglalaman ng mga prutas na binili niya. " Nasaan po pala si Sister Bella? Nandito po ba siya ngayon? " " Nasa simbahan siya ngayon. Hintayin mo na at pabalik na rin 'yon dito mayamaya lang, " anito saka nagpasalamat sa mga prutas na dinala ni Lucine. Pinadala niya ito sa mga bata na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Binalik ni Aling Josie ang tingin kay Lucine. " Siya nga pala, gusto kong humingi ng pasensya sa'yo. Naipit
" Kumusta naman ang paninirahan mo rito? " tanong ni Don Caruso habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng bahay na pagmamay-ari niya. " Mahigit isang taon ko na rin itong hindi napupuntahan. Ngayon na lang ulit ito nabuksan dahil kailangan kong patuluyin ang isang kaibigan. "Ngumiti si Logan, tumayo mula sa silya dala ang kaniyang tsaa. Katatapos lamang nilang mag umagahan at busog na busog siya dahil minsan na lamang sa isang linggo kung makakain siya ng masarap-sarap na ulam. " Maganda ang bahay na ito, Don Caruso. Wala akong nakikitang kalapit na bahay kaya hindi ako nahihirapang makagalaw. Malaya akong nakalalabas kung kailan ko gustuhin. "" Dahil malayo ito sa siyudad. Ang buong lupain din ito ay pag-aari ko kaya walang ibang bahay ang puwedeng itirik dito maliban na lang kung mayroong permiso ko, " ani Don Caruso at nang dumapo ang tingin sa lamesita, napangisi siya nang makita ang dalawang baril na binigay niya. " Mukhang may pinaghahandaan ka na? Nakakasiguro ka bang hindi
Nakababa ang tingin ni Lucine sa tiyan ni Venice na nakatayo sa kaniyang harapan. Hindi niya maalis ang tingin rito, ngayon lamang niya napansin ang umbok sa tiyan nito dahil sa damit nitong suot na tila kumo-korte sa katawan dahil sa kanipisan. " Ano ba ang sasabihin mo saakin? " tanong ni Venice, ipinag-krus ang mga braso habang hinihintay ang sasabihin ni Lucine. " Kasi ako wala namang sasabihin sa'yo, kaya magsalita ka na bago pa kita layasan. "Binalik ni Lucine ang tingin sa mga mata ni Venice. " Mahal mo ba si Amadeus? "Kumawala ang sarkastikong ngiti kay Venice. " Anong klaseng pagtatanong 'yan Lucine? Ganiyan ka pa ka-desperadang sirain muli ang relasyon namin? "" Napakarami mong sinabi. Isa lang ang tinanong ko at oo o hindi lang ang isasagot mo, " walang ekspersyong wika ni Lucine dahilan upang mawala ang mapanuyang hitsura sa mukha ni Venice. " At huwag mong isisi saakin kung bakit nagkaganiyan kayo ni Amadeus. Ikaw ang sumira sa relasyon niyong dalawa bago pa ako pumas
" Señorita, hindi ho ba't kotse 'yon ng Señora Venice? " saad ng drayber ni Lucine sabay turo sa isang pamilyar na sasakyang lumiko sa looban. Kumunot ang noo ni Lucine, kabisado niya ang pasikot-sikot sa bayan nila at sa loobang pinasukan ng kotse ni Venice, alam niyang lugar ito ng isang inabandunang gusali. " Sundan po natin, " ani Lucine, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinutuban ng hindi maganda. Malapit na sila sa bahay ampunan ngunit nais niyang alamin kung anong dahilan ng pagpunta ni Venice sa lugar na wala namang halos katao-tao. Mabagal ang takbo ng kanilang sasakyan habang lihim na sumusunod sa kotseng pagmamay-ari ni Venice. Ilang sandali lang ay huminto ito sa isang bakanteng lote. Inabangan ni Lucine na may bumaba ngunit ilang minuto na ang nakalipas, nanatili ang sasakyan kung saan ito huminto. Wala siyang nakikitang tao sa paligid, walang lumalapit sa kotse o lumalabas mula rito. Binaba ni Lucine ang tingin sa plaka upang masigurong ito nga ang kotse ni
Walang nagbabantay na guwardiya sa labas noong pumasok ang sasakyan ni Amadeus. Hindi man niya batid kung paano nagawang makapasok ni Logan nang hindi dumadaan sa butas ng karayom, may kutob naman siyang mayroon itong kinasabwat sa loob kaya ganoon na lamang ito nakapuslit nang walang kahirap-hirap. Mabilis na bumaba ng sasakyan si Amadeus nang makarating sa tapat ng mansyon. Hindi na siya nag abalang iparada pa ito sa garahe dahil sa pagmamadaling makaabot sa eksaktong oras na ibinigay sa kaniya ni Logan. " Señor... " Sumalubong ang lahat ng mga kasambahay kay Amadeus nang makapasok ito sa pintuan. Lahat ay nababalot ng takot ang mga mukha, walang magawa kung hindi manatiling tahimik upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa. " Nasaan siya? " tanong ni Amadeus, inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng sala at napako ang kaniyang tingin sa sahig nang makitang may basag-basag na gamit. " N-nasa loob po siya ng komedor..." sagot ng isang kasambahay na siyang unang tinutukan ng bar