Share

CHAPTER 112

Hindi alam ni Lucine kung anong dapat na maramdaman habang nakaupo sa isang silyang nakahilera sa gilid ng pasilyo kasama ang mga babaeng nagdadalang tao. Ang ilan sa mga ito ay malalaki na ang tiyan at tila ba siya lang ang nag-iisang babae na walang kasama. Ang nasa kanan niya ay kasamang asawa, ganoon rin ang nasa kaliwa niya at ang mga sumunod na nakahilera.

" Lucine Verine? " Napaangat ang tingin ni Lucine nang tawagin na ang kaniyang pangalan. Nakatungo siyang tumango, lihim na nananalangin na walang nakakakilala sa kaniyang pangalan bago pumasok sa loob ng silid ng klinika.

Kung ano ang kinaliwanag ng silid, ganoon rin kaaliwalas ang ngiti na sinalubong sa kaniya ng isang Espesyalista na nasa mesa.

" Magandang tanghali, Madame. Kayo lang po ba mag-isa? " hindi alam ni Lucine kung dapat ba siyang mainis o maawa sa sarili dahil sa isang simpleng tanong na binato agad sa kaniya.

" Ako lang po, " sagot na lamang ni Lucine bago naupo sa silyang itinuro sa kaniya ng isang nars
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status