Share

CHAPTER 105

Kilala si Victoria Banville na isa sa pinakagalante, pinakamayaman at pinakamagandang babae hindi lang sa iisang bayan kung hindi sa buong bansa. Maraming humahanga sa kaniya dahil tila hindi tumatanda ang kaniyang hitsura. Sa tuwing may nagtatanong sa kaniya kung anong sikreto niya sa pagmumukhang bata, lagi niyang sinasabing wala at natural ang lahat sa kaniya. Madalas na itanggi na wala siyang pinaaayos sa kahit na anong parte ng katawan niya, sapagkat mas malala pa roon ang mga bagay na kaniyang ginagawa para maisakatuparan ang ninanais niyang mangyari mula sa kaniyang mukha at sa pisikal na pangangatawan.

" Paanong nangyari ang lahat ng 'to?! " hindi maipinta ang mukha ni Victoria matapos mabasa ang isang artikulo mula sa dyaryong hawak niya. " Paanong...paano sila nagkaroon ng kuha ng litrato ng mga 'to?! "

" Hindi ko alam, Victoria! Hindi ko alam! " Nanggagalaiting saad naman ni Logan. Maski siya ay walang ideya kung paano ito nakarating sa medya gayong lahat ng mga bagay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status