Share

CHAPTER 108

" Pasensya na po, pero ang bilin po kasi saakin ay huwag muna akong magpapasok ng taga-labas. Hindi po tumatanggap ng bisita ang mga Banville ngayon, " saad ng guwardiyang nakabantay sa labas ng mansyon, kausap ang drayber lulan ng isang magarang sasakyan. Ang dalagang naka upo sa likuran ay napaikot na lamang ng mata sa narinig.

" Ilang taon na kayong nag ta-trabaho dito? " tanong ng dalaga.

" Ah, mga apat na taon na po, Madame, " saad ng guwardiya.

Napatango ito. " Apat na taon pa lang? Ako kasi halos dalawang dekada rin akong nanirahan dito. Alam niyo ba o kilala niyo ba ang orihinal na may-ari ng mansyong ito? "

" Banville po ang namamahala—"

" Orihinal, hindi peke. " Kinuha ng dalaga ang kaniyang pagkakakilanlan saka ito inabot sa guwardiyang kausap niya. " Alam kong ginagawa niyo lang ang trabaho niyo, pero kung nais niyo pa ring manatili dito sa oras na bumalik ang orihinal na may-ari nito, papasukin niyo ako sa loob. "

Kita ang pagdadalawang isip sa mukha ng guwardiya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status