Share

CHAPTER 102

" Hayaan niyo siyang magwala. Ibalibag niya kung anong gusto niyang ibalibag dahil wala namang halaga saakin 'yong mga gamit na nasa kuwarto niya, " saad ni Victoria, prenteng nakaupo sa sopa sa sala habang minamasahe ng isang Espesyalista ang sentido niya. " Mamayang alas-dose naman ng tanghali niyo buksan ang kuwarto niya para sa tanghalian niya. Kung itapon man niya, hayaan niyo. Huwag niyong dadalhan ng panibago. "

" Masusunod po, Doña Victoria... " saad ng dalawang kasambahay na itinalagang maghahatid ng pagkain kay Lucine nang tatlong beses sa isang araw. " Ah, puwede po ba akong magtanong sainyo, Doña? "

Mula sa pagkakasara ng mata, napadilat si Victoria upang tapunan ng tingin ang kasambahay na nakatayo sa gilid niya. " Anong itatanong mo? "

" A-ano po kasi...tinatanong ni Señorita kung hanggang kailan daw po siya mananatiling nakakulong sa kuwarto niya... " kita ang takot sa mukha ng kasambahay habang binibigkas ang mga salitang nais rin niyang malaman ang kasagutan. Sinis
janeebee

Hi, iyong gamot na nabanggit ay imbento lang po—well, lahat naman dito ay kathang isip lang. Gusto ko lang ipaalala na nasa fictional world po tayo, hindi Pilipinas ang settings natin, kaya kung napapansin niyo, hindi ako nagbabanggit ng mga lugar dito sa nobela. Maaaring may mga pagkakahalintulad ang mga nangyayari dito sa nobela sa totoong mundo, subalit wala po akong intensyon na sumira ng imahe ng mga batas sa mundo natin sa batas sa mundo nila Lucine. Iyon lang, salamat! 

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status