Tahimik na pinagmamasdan ni Amadeus ang malaki at maliwanag na buwan sa kaniyang harapan. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa kailaliman ng gabi habang hawak ang isang baso ng alak na higit isang oras na niyang iniinom. Hindi alam ni Amadeus kung bakit pa siya umuwi sa mansyon gayong hindi naman niya magagawang makita at kausapin si Lucine. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang ipasira ang mga kandadong nakakabit sa pinto subalit ayaw niyang gumawa ng bagay na muli na namang ikapapahamak ng dalaga. Mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ni Lucine at sa dami ng pinagpipilian niyang paraan upang ito'y iligtas, pinili niyang ipagpatuloy ang planong pagpapabagsak sa pinaka punong kalaban, sapagkat sa oras na mawalan ito ng kapangyarihan, mawawalan na rin ng silbi ang mga alituntunin at regulasyon na ipinatupad sa mansyon. Ibinaba ni Amadeus ang tingin sa hawak niyang baso at nilagok ang laman nito. Nakararamdam na siya ng antok ngunit hindi niya pa nais matulog. Kinuha niya ang bote s
Kilala si Victoria Banville na isa sa pinakagalante, pinakamayaman at pinakamagandang babae hindi lang sa iisang bayan kung hindi sa buong bansa. Maraming humahanga sa kaniya dahil tila hindi tumatanda ang kaniyang hitsura. Sa tuwing may nagtatanong sa kaniya kung anong sikreto niya sa pagmumukhang bata, lagi niyang sinasabing wala at natural ang lahat sa kaniya. Madalas na itanggi na wala siyang pinaaayos sa kahit na anong parte ng katawan niya, sapagkat mas malala pa roon ang mga bagay na kaniyang ginagawa para maisakatuparan ang ninanais niyang mangyari mula sa kaniyang mukha at sa pisikal na pangangatawan. " Paanong nangyari ang lahat ng 'to?! " hindi maipinta ang mukha ni Victoria matapos mabasa ang isang artikulo mula sa dyaryong hawak niya. " Paanong...paano sila nagkaroon ng kuha ng litrato ng mga 'to?! " " Hindi ko alam, Victoria! Hindi ko alam! " Nanggagalaiting saad naman ni Logan. Maski siya ay walang ideya kung paano ito nakarating sa medya gayong lahat ng mga bagay na
Hating-gabi na ngunit hindi pa rin magawang makatulog ng mag-asawang Banville. Nasa loob sila ng opisina, kausap ang kanilang abogado na nagpapaliwanag kung ano ang mga maaaring mangyari kay Victoria. Kailangan nilang lumusot sa butas ng karayom dahil maliit na lamang ang tiyansang nakikita nila matapos ng ginawang pagsuko at pagsiwalat Doktor tungkol sa kasunduan nila ni Victoria. Matibay rin ang mga ebidensyang hawak ng kapulisan at kung noon ay nagagawa ng mga Banville na idaan sa suhol ang lahat, ngayon ay imposible na dahil tila lahat ng tao sa buong bansa ay kalaban nila.Makapangyarihan ang pera, subalit makapangyarihan din ang mga medya dahil sila ang pinagmumulan ng mga impormasyong paniniwalaan agad ng mga tao. Madaling kumalat ang balita, may katotohanan man o wala. Kilala ang Banville dahil isa sila sa mga pinakamayayamang negosyante sa buong bansa, subalit ngayon ay iba ang dahilan kung bakit maingay ang pangalan nila at iyon ay dahil sa sunod-sunod na isyung naglalabasan
" Sige, maraming salamat. " Binaba ni Amadeus ang selpon matapos siyang balitaan tungkol sa matagumpay na pagkakahuli kay Victoria. Inaasahan na niyang babalakin nitong tumakas ngunit marami siyang nakalatag na plano at kahit anong solusyon o daan ang piliing tahakin ng mga ito, isa lang ang dulo na naghihintay sa mga Banville. Sumimsim si Amadeus sa mainit na kape habang nakatayo sa harap ng salamin na nagsisilbi na rin niyang dingding. Nakatanaw siya sa malawak na siyudad habang ang kalangitan ay nagsisimula na ring magkaroon ng liwanag. " Kaunting tiis na lang, Lucine... " mahinang bigkas ng kaniyang bibig. Umalis siya sa harapan ng salamin at lumakad pabalik sa kaniyang mesa. Binaba niya ang tasa sa mesa saka kinuha ang isang malaking sobre na ilang araw na ring na sa kaniya. Kaniyang inilabas rito ang ilang papeles na susi sa pagpapawalang bisa ng kasal nila ni Venice. Pirmado na niya ang kaniya at naghihintay na lamang siya ng tamang tyempo upang hingin ang pirma ng asawa. Ba
" Pasensya na po, pero ang bilin po kasi saakin ay huwag muna akong magpapasok ng taga-labas. Hindi po tumatanggap ng bisita ang mga Banville ngayon, " saad ng guwardiyang nakabantay sa labas ng mansyon, kausap ang drayber lulan ng isang magarang sasakyan. Ang dalagang naka upo sa likuran ay napaikot na lamang ng mata sa narinig. " Ilang taon na kayong nag ta-trabaho dito? " tanong ng dalaga. " Ah, mga apat na taon na po, Madame, " saad ng guwardiya. Napatango ito. " Apat na taon pa lang? Ako kasi halos dalawang dekada rin akong nanirahan dito. Alam niyo ba o kilala niyo ba ang orihinal na may-ari ng mansyong ito? " " Banville po ang namamahala—" " Orihinal, hindi peke. " Kinuha ng dalaga ang kaniyang pagkakakilanlan saka ito inabot sa guwardiyang kausap niya. " Alam kong ginagawa niyo lang ang trabaho niyo, pero kung nais niyo pa ring manatili dito sa oras na bumalik ang orihinal na may-ari nito, papasukin niyo ako sa loob. " Kita ang pagdadalawang isip sa mukha ng guwardiya
" Tita Rei? " Namilog ang mata ni Amadeus nang makitang ang kaniyang Tiya sa labas ng pinto ng kondominyum niya. Mukhang balak pa lamang nitong pindutin ang buton sa gilid na nagpapadala ng mensahe sa loob na mayroong tao sa labas. " Ano pong ginagawa niyo rito? Paanong...akala ko sa isang linggo pa ang dating niyo? " " Su-supresahin sana kita, pero ako pa ang na-supresa, " sagot ni Reina saka humawak sa kaniyang dibdib dahil sa pagkabigla nang bumukas ang pintong tinatayuan niya. Tumingin siya sa likuran ni Amadeus. " Puwede ba akong tumuloy sa loob? O baka mas gusto mong dito tayo mag-kumustahan sa labas? " Tila natuhan naman si Amadeus at niluwagan ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin sa loob ang kaniyang Tiya. Wala si Owen at Morriss dahil sa trabahong kaniyang pinagagawa at pinatatapos na may kinalaman sa kaso ni Victoria. " Kumusta ang pamamalagi mo dito? Naging komportable ka ba? " panimula ni Reina habang inililibot ang tingin sa kabuan ng kondominyum na tinitirahan
" Aalis ka na? " tanong ni Janina kay Lucine nang magpaalam na ito sa kanila. " May sundo ka na ba? Kumusta pakiramdam mo? Masakit ba ulo mo? Nahihilo ka ba? Sigurado ka bang hindi na kailangan ng ospital? "" Janina, ayos lang ako. Pagod lang siguro ako kaya dumugo ang ilong ko kanina, " paliwanag ni Lucine saka inalis ang tisyu na nakasuksok sa kaliwang butas ng kaniyang ilong. " Pasensya na kung pinag-alala ko kayo. Sa Lunes na ako babalik dito sa karinderya. Kayo muna ulit ang bahala dito, Janina. "" Ano ka ba, ayos lang. Hindi mo kailangan madaliin ang pagbalik mo rito sa karinderya. Walang problema saamin kahit isang buwan ka pa magpahinga, ang importante ay ang kalusugan mo, Lucine, " puno ng sensiridad na wika ni Janina. " Wala akong ideya kung gaano ka-grabe ang pinagdadaanan mo sa inyo, pero huwag mong pabayaan ang sarili mo. Marami kaming kaibigan at kakampi mo rito sa labas, kung kailangan mo ng resbak, pangungunahan ko na. "Bahagyang natawa si Lucine, tumango-tango na
" Paparating na rin po ang Don. Mga sampung minuto lang po ay siguradong narito na siya. " saad ng tauhan ni Don Caruso kay Logan na halos kalahating oras ng naghihintay sa opisina nito. " Pasensya na po ulit kung kinailangan niyong maghintay nang matagal. May nangyaring aksidente raw po sa highway kaya naipit sila sa traffic. "Hilaw ang ngiti na tumango-tango si Logan, hindi siya kumbinsido sa narinig ngunit desperado na siya. Wala na siyang pakialam kung ilang oras pa siyang maghintay dahil kailangan niyang makausap si Don Caruso, ora mismo. " Walang problema saakin. Ang mahalaga ay makarating siya nang ligtas rito, " ani Logan saka sumimsim sa kape na wala ng init. Muli siyang tumingin sa suot na relos, alas siyete na ng gabi. Walang nangyaring umagahan, tanghalian at hapunan sakaniya, subalit hindi niya magawang makaramdam ng pagkagutom dahil punong-puno na ang kaniyang katawan ng mga iisipin. Sa mga nakalipas na linggo, nababatid ni Logan ang ginagawang pag iwas sa kaniya ni D