Share

CHAPTER 99

" Sister Bella, maghahapunan na po! Kain na po tayo! " Masiglang pagyayaya ng tatlong batang sumundo kay Sister Bella na nasa harapan ng isang altar, inaayos ang ilang palamuti matapos nitong sindihan ang kalalagay lang na bagong dalawang kandila.

" Sige mga bata, mauna na kayo sa mesa. Susunod ako, tatapusin ko lang ito, " ani sister Bella. Agad namang nagtakbuhan palayo ang tatlong batang lumapit sa kaniya upang mag una-unahan sa mga puwesto nila sa mesa.

Ibinalik ni Sister Bella ang atensyon sa pag-aayos ng altar. Pinunasan niya ang paanan at kinatatayuan ng mga rebulto habang taimtim na nananalangin sa kaniyang isipan. Ilang linggo na ang nakalipas magmula noong huling dalaw ni Lucine sa bahay ampunan subalit hindi pa rin pinatatahimik ang madre patungkol sa iniwan nitong paalala. Palagi niyang pinanonood ang mga galaw ni Aling Josie ngunit wala naman siyang napapansing kakaiba o mga bagay na ginagawa nito na magdadala ng kapahamakan sa mga bata. Ganunpaman, palagi niyang ipin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status