" Puñeta! Anong ibig niyong sabihing hindi makita?! " Nanggagalaiting sigaw ni Logan sa dalawang tao na kaniyang inutusan para hagilapin ang Don Gregorio dahil mahigit isang linggo na itong hindi nagpaparamdam sa kanila. Sa mga pagpupulong ay hindi ito dumadalo kaya doon nagsimula magtaka si Logan sapagkat isa si Don Gregorio sa mga mahahalagang tao sa kompanya na hindi maaaring mawala sa mga importanteng pulong. " Ayon ho sa kaniyang sekretarya, bigla na lang rin daw itong hindi nagpakita sa kaniya. Maka-ilang beses daw ho niyang sinubukang kontak-in ang Don pero hindi na ho aktibo ang numero nito. Nagpunta rin ho kami sa mansyon ng pamilya niya pero wala rin hong alam ang asawa at mga anak niya. Ilang araw na raw ho itong hindi umuuwi sa kanila, " pahayag ng isa niyang tauhan. Naiyukom ni Logan ang kamao at nagsisimula maglabasan ang mga ugat sa sentido. Hindi siya makapagisip nang maayos dahil pinangunahan siya ng matinding galit at kalituhan sa nangyayari. " Iyong babae niya?
" Sister Bella, maghahapunan na po! Kain na po tayo! " Masiglang pagyayaya ng tatlong batang sumundo kay Sister Bella na nasa harapan ng isang altar, inaayos ang ilang palamuti matapos nitong sindihan ang kalalagay lang na bagong dalawang kandila. " Sige mga bata, mauna na kayo sa mesa. Susunod ako, tatapusin ko lang ito, " ani sister Bella. Agad namang nagtakbuhan palayo ang tatlong batang lumapit sa kaniya upang mag una-unahan sa mga puwesto nila sa mesa. Ibinalik ni Sister Bella ang atensyon sa pag-aayos ng altar. Pinunasan niya ang paanan at kinatatayuan ng mga rebulto habang taimtim na nananalangin sa kaniyang isipan. Ilang linggo na ang nakalipas magmula noong huling dalaw ni Lucine sa bahay ampunan subalit hindi pa rin pinatatahimik ang madre patungkol sa iniwan nitong paalala. Palagi niyang pinanonood ang mga galaw ni Aling Josie ngunit wala naman siyang napapansing kakaiba o mga bagay na ginagawa nito na magdadala ng kapahamakan sa mga bata. Ganunpaman, palagi niyang ipin
" Señorita, gising pa po ba kayo? " tanong ng isang kasambahay matapos kumatok sa harap ng pinto ng silid na pagmamay-ari ni Lucine. Tatlong segundo bago siya muling magsalita. " Mayroon po akong dalang pagkain para po sa hapunan niyo. Baka po kasi nagugutom kayo—" Bumukas nang bahagya ang pinto at sumilip rito si Lucine bago patuluyin sa loob ang kasambahay. Naglakad siya patungo sa isang pabilog na mesa upang ibaba ang bandeha na naglalaman ng pagkain na siya mismo ang naghanda. Matapos ng nangyaring gulo kanina, hindi niya napansing bumaba si Lucine upang makapaghapunan kaya batid niyang gutom na ito. Pasado alas diyes na ng gabi at hindi niya nais matulog na dala sa kama ang pag-aalala. " Kumusta ang lagay ni Papà? " tanong ni Lucine. " Maayos na ba ang lagay niya? " " Maayos na po ang kalagyan ng Don. Bumalik na po sa normal ang presyon niya, " sagot ng kasambahay saka nilingon si Lucine na nasa kaniyang likuran. Malungkot siyang ngumiti. " Señorita, pasensya na po sa nangyari
Hindi malaman ni Lucine kung anong reaksyon ang gagawin niya nang hindi niya mabuksan ang pinto mula sa loob ng kaniyang silid. Ilang beses niyang sinubukang pihitin ang busol at malaya naman niya itong naigagalaw ngunit hindi niya ito magawang hilahin para magbukas. Sa kaniyang inis, padabog niya itong kinatok nang kinatok. " Mayroon bang tao d'yan sa labas?! " sigaw ni Lucine, muli siyang kumatok at sa pagkakataong ito, halos gibain na niya ang pinto. " Ano ba, palabasin niyo 'ko dito! " Ngunit lumipas ang ilang minuto, nanatili pa ring nakasarado ang pinto. Napaatras si Lucine at napahawak sa noo habang nagtatakbuhan sa isip niya ang mga posibleng dahilan kung bakit niya hindi magawang lumabas. Lumakad siya patungo sa balkonahe at halos pagsakluban siya ng langit at lupa nang makitang nakakandado ang pinto mula sa labas. " Anong..." hindi magawang ituloy ni Lucine ang balak na sabihin nang makaramdam siya ng hilo at tila ba may umaangat sa sikmura niya. Akala niya kaya niyang t
" Hayaan niyo siyang magwala. Ibalibag niya kung anong gusto niyang ibalibag dahil wala namang halaga saakin 'yong mga gamit na nasa kuwarto niya, " saad ni Victoria, prenteng nakaupo sa sopa sa sala habang minamasahe ng isang Espesyalista ang sentido niya. " Mamayang alas-dose naman ng tanghali niyo buksan ang kuwarto niya para sa tanghalian niya. Kung itapon man niya, hayaan niyo. Huwag niyong dadalhan ng panibago. " " Masusunod po, Doña Victoria... " saad ng dalawang kasambahay na itinalagang maghahatid ng pagkain kay Lucine nang tatlong beses sa isang araw. " Ah, puwede po ba akong magtanong sainyo, Doña? " Mula sa pagkakasara ng mata, napadilat si Victoria upang tapunan ng tingin ang kasambahay na nakatayo sa gilid niya. " Anong itatanong mo? " " A-ano po kasi...tinatanong ni Señorita kung hanggang kailan daw po siya mananatiling nakakulong sa kuwarto niya... " kita ang takot sa mukha ng kasambahay habang binibigkas ang mga salitang nais rin niyang malaman ang kasagutan. Sinis
" Don Banville, narito na po tayo, " anunsyo ng drayber ni Logan matapos ihinto ang sasakyan sa tapat ng gusaling sinadya niya ngayong umaga. Sumilip siya sa bintana ng kotse bago nagdesisyong bumaba. Mahigpit ang kaniyang hawak sa tungkod na sumusuporta sa kaniyang pagtayo at paglalakad sapagkat matapos ng nangyaring gulo noong isang linggo, inirekomenda ng kaniyang Doktor na gumamit na siya ng pansuporta upang mabalanse ang kaniyang pagtayo. Lumakad si Logan papasok ng establisyemento kasunod ang kaniyang mga tagabantay. Binati sila ng guwardiya na nasa labas ng pintuan, nagtanong kung ano ang kailangan ngunit hindi nag abalang sagutin ito ni Logan. Dumiretso siya sa isang pinto at inutusan ang isang niyang bantay na kumatok. Ilang saglit lang ay bumukas ito at niluwa ang isang tao ni Don Caruso. " Ah, kayo pala. Magandang umaga po, Don Banville. Tuloy po kayo sa loob. " Magalang nitong bati saka nilakihan ang awang ng pinto upang sila'y patuluyin sa loob. " Ang aga niyo po yata
Tahimik na pinagmamasdan ni Amadeus ang malaki at maliwanag na buwan sa kaniyang harapan. Dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa kailaliman ng gabi habang hawak ang isang baso ng alak na higit isang oras na niyang iniinom. Hindi alam ni Amadeus kung bakit pa siya umuwi sa mansyon gayong hindi naman niya magagawang makita at kausapin si Lucine. Kung tutuusin ay kayang-kaya niyang ipasira ang mga kandadong nakakabit sa pinto subalit ayaw niyang gumawa ng bagay na muli na namang ikapapahamak ng dalaga. Mahalaga sa kaniya ang kaligtasan ni Lucine at sa dami ng pinagpipilian niyang paraan upang ito'y iligtas, pinili niyang ipagpatuloy ang planong pagpapabagsak sa pinaka punong kalaban, sapagkat sa oras na mawalan ito ng kapangyarihan, mawawalan na rin ng silbi ang mga alituntunin at regulasyon na ipinatupad sa mansyon. Ibinaba ni Amadeus ang tingin sa hawak niyang baso at nilagok ang laman nito. Nakararamdam na siya ng antok ngunit hindi niya pa nais matulog. Kinuha niya ang bote s
Kilala si Victoria Banville na isa sa pinakagalante, pinakamayaman at pinakamagandang babae hindi lang sa iisang bayan kung hindi sa buong bansa. Maraming humahanga sa kaniya dahil tila hindi tumatanda ang kaniyang hitsura. Sa tuwing may nagtatanong sa kaniya kung anong sikreto niya sa pagmumukhang bata, lagi niyang sinasabing wala at natural ang lahat sa kaniya. Madalas na itanggi na wala siyang pinaaayos sa kahit na anong parte ng katawan niya, sapagkat mas malala pa roon ang mga bagay na kaniyang ginagawa para maisakatuparan ang ninanais niyang mangyari mula sa kaniyang mukha at sa pisikal na pangangatawan. " Paanong nangyari ang lahat ng 'to?! " hindi maipinta ang mukha ni Victoria matapos mabasa ang isang artikulo mula sa dyaryong hawak niya. " Paanong...paano sila nagkaroon ng kuha ng litrato ng mga 'to?! " " Hindi ko alam, Victoria! Hindi ko alam! " Nanggagalaiting saad naman ni Logan. Maski siya ay walang ideya kung paano ito nakarating sa medya gayong lahat ng mga bagay na