Share

CHAPTER 96

Hindi alam ni Lucine kung ano ang dapat na gawin sa mga marka sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Wala siyang ideya kung ilang araw o linggo itong mananatili sa kaniyang katawan kaya naman namo-mroblema siya kung ano ang mga damit na kailangan niya suotin upang hindi makita ang kahit na anong palatandaan ng kaniyang kasalanan.

Huminga nang malalim si Lucine bago alisin ang paningin sa salamin upang buksan ang aparador at kumuha ng damit pantulog. Isang puting bestida ang kaniyang pinili na mayroong mahabang manggas. May kataasan ang kuwelyo subalit kinailangan pa rin niyang ilugay ang mahabang buhok upang itakip ito sa magkabilang leeg.

Inangat niya ang tingin sa orasan na nakasabit sa dingding, alas nuebe na ng gabi ngunit iyong antok na nararamdaman niya kanina ay nawala matapos niyang magbabad ng halos isang oras sa banyera. Ang plano niya lang sana ay maglinis ng katawan bago matulog ngunit hindi nasunod dahil sa dami ng tumatakbo sa kaniyang isipan hanggang sa muling mag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status