Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Voir plusDHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”
DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n
DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama
HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi
DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw
DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling
DHALIA's POVPagkatapos ng tensyonadong usapan namin ni Henri, nagdesisyon akong manatili sa sala, pilit pinapalipas ang bigat sa dibdib. Nakaupo ako sa sofa, hawak ang baso ng gatas na kanina ko pa hindi naiinom. Samantalang si Henri naman ay tahimik na nakatayo sa tabi ko, waring may gustong sabihin pero nag-aalangan. "Baby," basag niya sa katahimikan. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. "Hindi mo kailangang mag-alala kay Irina."Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. "Para sa negosyo lang talaga ‘yun," dagdag niya. "At kung nag-aalala ka kung bakit hindi ko agad sinabi sa'yo, hindi ko lang gustong mabahala ka nang hindi naman kailangan.” Tumingin ako sa kanya. "Pero bakit siya, Henri? Maraming ibang modelo." Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Alam kong hindi mo gusto, pero ito ang pinakamagandang desisyon para sa kumpanya. Ikaw ang asawa ko, Dhalia. Hindi siya." May kung anong init ang lumukob sa puso ko sa
DHALIA’s POVTahimik akong nakaupo sa opisina, hawak pa rin ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Irina Lim bilang bagong modelo ng Garciaz Clothing Line. Ramdam ko ang malamig na singaw ng aircon, pero tila mas malamig pa ang nararamdaman ko sa loob. Bakit siya?Napatingin ako sa computer screen, pero kahit anong pilit kong ituon ang sarili sa trabaho, hindi ko magawang iwaksi ang gumugulong na tanong sa isip ko. Alam kaya ni Henri ang tungkol dito? Siya kaya ang pumili kay Irina?Gusto kong tawagan siya at itanong nang diretso. Pero natigil ako nang maalala ko ang sinabi ni Paula. ‘Pinuntahan siguro po ang Lim Company upang kausapin si Ms. Irina.’ Hindi ko alam kung bakit, pero may kirot na bumalot sa dibdib ko sa pag-iisip na silang dalawa ay muling magkikita. Ano ba, Dhalia? Hindi ba dapat kampante ka na? Ikaw ang asawa.Pero hindi ko mapigilan ang kaba. Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata. Kailangang kumalma. Kailangang magtiwala kay Henri. Pero p
DHALIA’s POV“Welcome back, Sir Henri! Ma’am Dhalia!” “Ang blooming naman ni Ma’am Dhalia!” “Update naman po! Babae o lalaki kaya ang nabuo n’yo?” Jusko! Napayuko ako sa hiya habang bumabati ang mga empleyado ng Garciaz Clothing Line. Talagang walang filter ang mga bibig ng mga ‘to! Lalo na itong si Rea, kaibigan ko at isa sa mga empleyado rito. Kung makatanong, akala mo alam na alam niya ang nangyari. Si Henri naman, natawa lang, bago ako hinapit sa bewang at binigyan ng halik sa ulo. “Tigilan niyo ‘yan, nahihiya tuloy ang misis ko.” Hiyawan at tilian ang sagot ng mga empleyado. Misis ko. Hindi lang pala masarap marinig ang tawag na asawa, pero ibang klase rin ang kilig na dala ng misis. Pagpasok namin sa opisina, agad akong hinila ni Henri sa kandungan niya. “Dhalia, sabi ko naman sa ‘yo, huwag ka nang magtrabaho. Dapat nasa bahay ka na lang.” Mahinang bulong niya sa tenga ko, sabay kagat sa dulo nito. Napasinghap ako, nakikiliti sa ginawa niya. Kanina pa niy
DHALIA's POVTahimik ang conference room ng Garciaz Clothing Line Company habang seryosong tinatalakay ang bagong proyekto. Nakaupo si Sir Henri Yanno Garciaz sa gitna ng mahabang lamesa, nakikinig sa bawat presentasyon. Seryoso ang ekspresyon niya, tulad ng dati—pero bakit parang pakiramdam ko, nakatitig siya sa akin? Malamig ang aircon, pero parang ang init-init ng pakiramdam ko. Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga papeles, pilit na hindi iniisip ang nararamdaman kong kaba. Dapat, mag-focus ako sa trabaho. Pero paano kung ang boss mong sobrang gwapo ay nasa tabi mo? Lihim akong napalunok. Matangos ang ilong niya, parang hinulma nang perpekto. Ang light brown niyang mga mata ay laging seryoso, pero may kung anong lalim, na para bang may gustong ipahiwatig. Makapal ang kilay niya, at ang buzz cut niyang buhok ay lalong nagpapatingkad sa matikas niyang panga. Napakagat-labi ako. Diyos ko, bakit ko iniisip ‘to sa gitna ng meeting?! Napalunok ako nang mapansing parang nakakunot...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Commentaires