Home / Romance / BE MY WIFE / Chapter 004

Share

Chapter 004

Author: Melodia
last update Last Updated: 2025-03-10 14:12:12

Henri’s POV

Tahimik kong minaneho ang sasakyan, panaka-nakang sinusulyapan ang natutulog na si Dhalia.  

Kanina pa kami nasa biyahe pauwi, pero hindi nagtagal, napansin kong unti-unting bumigay si Dhalia sa antok. Nakapikit siya ngayon, mahina ang paghinga, at bahagyang nakalaylay ang ulo niya sa gilid ng bintana.  

Kanina ay todo tanggi pa itong magpahatid pero paano ko siya pababayaan?  Sobrang ganda niya ngayong gabi. At wala akong balak hayaang may ibang makakita sa kanya nang ganito.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang iniiwasang titigan siya nang matagal.  Walang kaalam-alam si Dhalia kung paano niya ako tinutukso kahit wala siyang ginagawa. 

Nang huminto ako sa stoplight, bumalik ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko napigilang pagmasdan ang mukha niya.  

Maliit ang bilugan niyang mukha, may mapupulang pisngi at natural na pouty lips na parang laging nang-aakit. Hindi siya tisay, hindi rin morena—isang perpektong timpla sa pagitan. Ang mahahaba niyang pilikmata ay bahagyang nakalilis dahil sa mascara, lalong pinatingkad ang inosente ngunit maamong anyo niya.  

Lalo akong nag-init nang bigla siyang gumalaw, napalipat ang mukha niya sa direksyon ko, at bahagyang bumuka ang malalambot niyang labi.  

“Hmmmm…"  

Muntik ko nang mabitawan ang manibela sa pag-daing niyang iyon.  

Damn.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko habang pilit na iniwasang pag-isipan iyon ng mas malalim. 

Mas lalo pang lumalim ang paghinga niya, bumukas at pumikit muli ang kanyang bibig, na para bang naghahanap ng init sa panaginip niya.  

Napamura ako nang mahina.  

‘Damn, Dhalia.’ 

Kung alam lang niya kung anong epekto niya sa akin ngayon, baka sinampal na niya ako.  

Pinilit kong ibaling ang tingin sa daan, pilit na hinahamon ang sariling pigilan ang tukso. Pero sa loob-loob ko, gusto kong hawakan ang makinis niyang pisngi. Gusto kong madama ang init ng balat niya, ang kalambutan ng labi niyang kanina pa ako inaakit nang hindi niya alam.  

Hininga ko’y bumigat, kaya napilitang mag-focus sa pagmamaneho.  

Ilang minuto pa, gumalaw si Dhalia at unti-unting iminulat ang mga mata.  

"Malapit na tayo, Sir?" mahina niyang tanong, bahagyang inaantok pa.  

Napailing ako sa tawag niya sa akin.  

"Isang ‘Sir’ pa at hahalikan talaga kita."  

Napadilat siya sa gulat, napaawang ang labi, at tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.  Napapikit ako sandali para pigilan ang tawa. 

Napansin ko namang tila nag-iisip siya, saka bumuntong-hininga. "Hindi kasi… parang ang awkward lang kung tatawagin kitang Henri. Baka may masabi ang ibang empleyado. Pero kapag sa harap ng pamilya mo, Henri na lang itatawag ko sa ‘yo, Sir Henri."  

Palihim akong napangiti. Kahit sa simpleng bagay na ito, iniisip niya pa rin ang tamang etiketa sa trabaho. 

Pagkarating namin sa bahay nila, agad siyang bumaba at binuksan ang gate. Huminga ako nang malalim bago sumunod sa kanya.  

"Pasok po muna kayo, Sir. Pasensya na kung medyo makalat," aniya habang pinapasok ako sa loob.  

Pinagmasdan ko ang paligid. Simple ang bahay. Hindi naman makalat, malinis nga at maaliwalas. Napansin ko ang isang lumang picture frame sa lamesa, isang larawan ni Dhalia noong mas bata pa siya. Kahit noon pa, likas na ang kagandahan niya.  

"Sandali lang po, kukuha lang ako ng tubig," paalam niya habang patuloy na inaayos ang mga gamit sa mesa.  

Pero bago siya makalayo, isang mahina at bahagyang nangangatal na boses ang narinig namin.  

"Dhalia?"  

Napalingon kami pareho.  

Isang matandang babae ang nakatayo sa may pintuan ng isang silid. Payat siya, may bakas ng sakit sa kanyang mukha, pero ang mga mata niya ay punong-puno ng pagmamahal habang nakatingin sa anak niya.  

"Nay!" mabilis na lumapit si Dhalia sa ina at inalalayan ito. "Bakit po kayo bumangon? Dapat ay nagpapahinga kayo."  

  Napangiti ako habang pinapanood siya. Kitang-kita sa kilos niya kung paano niya inuuna ang ina niya bago ang sarili. Wala siyang pakialam kahit pagod sa trabaho. 

"Iho, pasensya ka na kung ganito lang ang bahay namin," mahina ngunit magalang na sabi ng ina ni Dhalia nang mapansin ang presensya ko.  

Umiling ako. "Wala pong problema."  

Muling tumingin sa akin ang ginang, pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, bago nagtanong, “Ikaw ba ang amo ng anak ko, iho?”  

"Opo," mahinahong sagot ko.  

Muling bumaling ang ginang sa anak niya at hinawakan ang kamay nito at napangiti.      "Dhalia, anak, hindi mo naman sinabing hindi lang pala ubod ng bait ang amo mo, ubod din pala ito ng kakisigan.”  

"Nay naman!" Nahihiyang napatawa si Dhalia bago siya nagbaling sa akin, halatang hindi sigurado kung paano ako titingnan.  

Hindi ko napigilang mapangiti. "Salamat po sa papuri," sagot ko naman, hindi na idinagdag ang totoong iniisip ko na mas bagay iyon kay Dhalia, hindi sa akin.  

Napailing na lang si Dhalia at marahang hinaplos ang kamay ng ina. "Huwag na po kayong mag-isip ng ganyan, Nay. Wala pong problema sa akin ang lahat ng ginagawa ko.”  

Isang matamis na ngiti ang bumakas sa labi ng ginang bago nito hinawakan ang pisngi ng anak. "Napakabuti mo talagang bata..."  

"Nay, halika na po sa kwarto," mahinahong paanyaya ni Dhalia, tila gusto nang magpahinga ang kanyang ina. "Kailangan niyo na pong magpahinga."  

Bago tuluyang isama ng anak sa loob, bahagyang lumingon ang ginang sa akin, may bahagyang ngiti sa labi. 

Habang pinagmamasdan ko silang pumasok sa kwarto, hindi ko maiwasang mapaisip. Huminga ako nang malalim, saka tinawag muli ang mag-ina. Napatingin naman sila sa akin, halatang nagtataka.  

Ganitong klaseng pamilya ang gusto kong protektahan—simple at puno ng pagmamahalan.

At sa sandaling iyon, mas lalo akong nakumbinsi.  Tama ang desisyon kong siya ang piliin.

Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanila.  

Napatingin sa akin ang ina ni Dhalia, tila nagtatanong kung bakit.  

Pinagmasdan ko siya nang diretso, saka marahang nagsalita.  

"Hindi lang po ako boss ni Dhalia… Narito po ako upang hingin ang basbas ninyo." 

Huminga ako nang malalim, siniguradong malinaw at taos-puso ang bawat salita.  

"Ako po si Henri Yanno Garciaz…" Saglit akong tumigil, tinitiyak na ramdam nila ang sinseridad ko.  

"...at hinihiling ko po ang inyong pahintulot na pakasalan ang anak ninyo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • BE MY WIFE   Chapter 005

    Dahlia’s POVTahimik akong naglalakad sa hallway ng kumpanya matapos ipasa kay Sir Henri ang ilang mahahalagang dokumento. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga mapanuring tingin ng ibang empleyado, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang atmosphere sa paligid. Hindi ko alam kung nagkataon lang, pero parang mas naging mausisa ang mga tao sa akin nitong mga nakaraang araw. May ilang nagbubulungan sa gilid, at may mga matang palaging sumusunod sa bawat kilos ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala namang ipinahayag si Sir Henri tungkol sa amin. Agad namang bumalik sa isipan ko ang nangyari nakaraang gabi. Hindi ko aakalaing pati si Inay ay madadamay sa plano namin—bagay na alam kong hindi maiiwasan. Pero sa kabila ng lahat, masaya ako. Kahit pa isa lang itong kontrata, may dugong Pinoy pa rin si Sir Henri. Hiningi pa rin niya ang basbas ni Inay. Napagalitan pa nga ako, pero ang mahalaga… pumayag siya.Mabilis kong iwinaksi ang iniisip ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nguni

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 006

    DHALIA’S POVAng bilis ng pangyayari. Tatlong linggo pa lang ang nakalilipas mula nang alukin ako ni Sir Henri ng kasal, ipakilala ako sa magulang niya, hingin ang basbas ni Inay, at dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, inanunsyo niya sa buong kumpanya ang nalalapit naming kasal. At ngayon, narito ako, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, suot ang puting wedding gown na espesyal niyang ipinagawa para sa akin. Simple lang ito, walang masyadong dekorasyon, ngunit ang bawat detalye ay sumisigaw ng pagiging elegante. Ang palda nitong mahaba at bumabagsak sa sahig ay parang alon ng ulap sa paligid ko. Nakapuyod ang buhok ko, at ramdam kong bumagay sa akin ang maingat na inilapat na makeup. Para akong ibang tao. Para akong isang babaeng tunay na ikakasal. "Prayer reveal naman diyan, Dhalia," biro ni Rea habang inaayos ang belo ko. "Kaya ka pala natitiis si Sir Henri, ha? May something pala sa inyo!" Napatawa ako at umiling. "Ikaw talaga." "Teka, kinakabahan ka ba?" t

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 007

    Henri’s POV“Dude, sabi ko na nga ba, matagal mo nang gusto ‘yang sekretarya mo,” bulong ni Dennis, nakangisi habang nakikipag-cheers sa akin. Hindi ko na pinansin ang biro niya, pero napatingin ako kay Dhalia—ang asawa ko. Nasa isang sulok siya, nakangiting nakikipag-usap kay Rea, habang ang mga mata niya ay kumikislap sa saya. Tangina. Ang ganda niya ngayong gabi. Ang suot niyang wedding dress ay bumagay sa kanya, perpektong idinisenyo para ipakita ang inosente pero mapanuksong ganda niya. Tila isang manika siyang hinulma para sa akin. Napatingin ako sa malambot niyang labi, at agad kong naalala ang unang halik namin kanina. Napalunok ako. Gusto ko ulit siyang halikan. “Goodluck sa honeymoon niyo, pare.” Napatawa si Dennis, pero may nanunuksong ekspresyon sa mukha niya. “Dahan-dahanin mo lang si misis, halatang birhen pa, eh.” Napakuyom ang kamao ko sa narinig. Hindi dahil sa biro ni Dennis, kundi dahil alam kong totoo iyon. Wala pang ibang lalaking nakalapit sa kanya ng

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 008

    DHALIA'S POVNagising ako nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napasinghap ako at nagtakip ng unan, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ano bang ginawa ko? Ang huling natatandaan ko, kinasal ako kay Sir Henri. At pagkatapos—oh Diyos ko—ang first kiss ko!Nasa alaala ko pa ang mainit niyang labi, ang paghawak niya sa mukha ko, at ang mabilis na tibok ng puso ko. Tapos… uminom ako kasama sina Rea. At pagkatapos… wala na akong maalala.Napabalikwas ako ng bangon. Ibig sabihi… nalasing ako?! Nang mapansin ko ang suot ko—isang maluwag na puting sando at maiksing shorts—mas lalo akong kinabahan. Hala! Wala na ang wedding gown ko!Dahan-dahan kong nilingon ang kama, pero wala namang bakas ng…alam mo na..dugo. Pero paano kung may nangyari nga?! Sabi ni Rea, masakit daw kapag first time. Pero wala naman akong nararamdaman… o baka lang ako manhid? Kailangan kong tanungin si Sir Henri. Nang tumayo ako, saka ko lang napansin ang mas malaking proble

    Last Updated : 2025-03-11
  • BE MY WIFE   Chapter 009

    DHALIA's POV"Hoy, ano ng update? Malaki ba? Hungarian Sausage? O Tender Juicy Hotdog lang na small? Kumusta ang honeymoon niyo, Dhalia? Aber!" Napapikit ako habang iniisip kung bakit ba naging kaibigan ko si Rea. Diyos ko! Ano bang klaseng tanong ‘yon? Pakiramdam ko, kung puwede lang akong lamunin ng kama ngayon, nagpatangay na ako. Napakagat-labi ako at napahawak sa noo. Hindi ko alam kung matatawa o kakabahan ako. Bakit ko nga ba nasabi ‘yon kanina? "Bakit naman, Sir? Bagong kasal kaya tayo!!” Wala pang dalawang segundong nagkalapit ang katawan namin ni Sir Henri. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang lalim ng hininga niya sa pagitan namin. Lalong lumabas ang mga ugat sa bisig niya, hudyat na may pinipigilan siya. Pero ang hindi ko alam, ano ba ang pilit niyang kinokontrol? Napalunok ako nang pasadahan niya ng tingin ang mukha ko. Pababa. Hanggang sa dibdib ko na bahagyang nakalantad dahil sa laylayan ng suot kong sando. Namula ako sa sarili kong kahihiyan. "Ahh

    Last Updated : 2025-03-12
  • BE MY WIFE   Chapter 010

    DHALIA's POVPakiramdam ko’y nanlamig ang buong katawan ko. Kahit na nasa loob ako ng isang high-end na bar sa gitna ng Bali, Indonesia, tila nilukob ako ng isang nakakatunaw na lamig. 'Hindi naman bagay si Dhalia kay Henri, ‘di ba? Alam naman nating lahat na si Irina dapat ang pinakasalan niya.'Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko ang mga salitang iyon. Napatingin ako sa paligid, hinahanap kung sino ang nagsabi noon. At doon ko napansin ang isang babae—mahaba ang dark brown na buhok, matangkad, may suot na mamahaling dress na halatang designer brand, at may hawak na baso ng wine. May kausap siyang isa pang babae, pareho silang nakatingin sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin, at sa halip na umiwas, ngumisi siya sa akin—hindi palakaibigan, kundi may halong pagmamataas. Saka ko lang napagtanto… Kaibigan siya ni Irina. Kabarkada rin ni Henri.Bahagya akong natigilan. Napatungo ako at napakagat-labi. Hindi ko maintindihan kung bakit may kirot sa dibdib ko. Hindi

    Last Updated : 2025-03-12
  • BE MY WIFE   Chapter 011

    DHALIA’s POVTahimik ang buong biyahe pabalik sa hotel. Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa lansangan. Mas mabilis ang pagmamaneho ni Henri kaysa kanina, halatang naiinis siya. Pero bakit? Tuyong-tuyo na ang bibig ko sa sobrang pagpigil ng mga tanong. Bakit parang nagalit siya? Ang alam ko, nag-uusap lang naman kami ni Ralph. Hindi kaya… nagseselos siya? Agad kong natutop ang bibig ko sa iniisip. Hindi naman siguro. Kasal lang kami ni Henri sa papel, wala namang emosyon sa pagitan namin. Hindi ba? Pero kung wala nga siyang nararamdaman… bakit parang naiirita siya? Napatingin ako sa kanya. Nakapako ang mga mata niya sa daan, pero ramdam ko ang tension sa katawan niya. Ang mga daliri niyang mahigpit na nakapulupot sa manibela, ang madiing pagkagat niya sa kanyang labi—para siyang bomba na anumang oras ay puwedeng sumabog. “Hindi ako nagseselos, Dhalia," bigla niyang sambit, malamig at diretso. Napakurap ako. Paano niya—paano

    Last Updated : 2025-03-13
  • BE MY WIFE   Chapter 012

    DHALIA’s POVNagising akong mugto ang aking mga mata. Halos hindi ako nakatulog kagabi. Ang bigat sa dibdib ko, hindi dahil sa pagod, kundi sa emosyon na pilit kong nilalabanan. Akala ko, kakayanin ko. Akala ko, magiging masaya ako kahit papaano, kahit alam kong isa lang itong kontrata. Pero hindi. Lalo lang akong nalilito sa mga nararamdaman ko—lalo na kapag si Henri ang pinag-uusapan. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon. Kailangan kong maghanda. Kailangan kong itago ang lungkot sa likod ng mga ngiti. Pero nasaan kaya si Henri? Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat nang makita ang limang missed calls at limang mensahe mula sa kanya. Isa lang ang paulit-ulit niyang sinasabi. 'I’m sorry, Dhalia, kung medyo wala ako sa mood kanina. Sige na, inaamin kong nagseselos ako.'Napako ako sa kinatatayuan ko. Nagseselos siya? Bakit? Ano ang dahilan niya para magselos kung malinaw namang kasal lang kami sa papel? Bago ko pa maproseso nang buo ang nabasa, is

    Last Updated : 2025-03-13

Latest chapter

  • BE MY WIFE   Chapter 031

    DHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”

  • BE MY WIFE   Chapter 030

    DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n

  • BE MY WIFE   Chapter 029

    DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama

  • BE MY WIFE   Chapter 028

    HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi

  • BE MY WIFE   Chapter 027

    DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw

  • BE MY WIFE   Chapter 026

    DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling

  • BE MY WIFE   Chapter 025

    DHALIA's POVPagkatapos ng tensyonadong usapan namin ni Henri, nagdesisyon akong manatili sa sala, pilit pinapalipas ang bigat sa dibdib. Nakaupo ako sa sofa, hawak ang baso ng gatas na kanina ko pa hindi naiinom. Samantalang si Henri naman ay tahimik na nakatayo sa tabi ko, waring may gustong sabihin pero nag-aalangan. "Baby," basag niya sa katahimikan. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. "Hindi mo kailangang mag-alala kay Irina."Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. "Para sa negosyo lang talaga ‘yun," dagdag niya. "At kung nag-aalala ka kung bakit hindi ko agad sinabi sa'yo, hindi ko lang gustong mabahala ka nang hindi naman kailangan.” Tumingin ako sa kanya. "Pero bakit siya, Henri? Maraming ibang modelo." Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Alam kong hindi mo gusto, pero ito ang pinakamagandang desisyon para sa kumpanya. Ikaw ang asawa ko, Dhalia. Hindi siya." May kung anong init ang lumukob sa puso ko sa

  • BE MY WIFE   Chapter 024

    DHALIA’s POVTahimik akong nakaupo sa opisina, hawak pa rin ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Irina Lim bilang bagong modelo ng Garciaz Clothing Line. Ramdam ko ang malamig na singaw ng aircon, pero tila mas malamig pa ang nararamdaman ko sa loob. Bakit siya?Napatingin ako sa computer screen, pero kahit anong pilit kong ituon ang sarili sa trabaho, hindi ko magawang iwaksi ang gumugulong na tanong sa isip ko. Alam kaya ni Henri ang tungkol dito? Siya kaya ang pumili kay Irina?Gusto kong tawagan siya at itanong nang diretso. Pero natigil ako nang maalala ko ang sinabi ni Paula. ‘Pinuntahan siguro po ang Lim Company upang kausapin si Ms. Irina.’ Hindi ko alam kung bakit, pero may kirot na bumalot sa dibdib ko sa pag-iisip na silang dalawa ay muling magkikita. Ano ba, Dhalia? Hindi ba dapat kampante ka na? Ikaw ang asawa.Pero hindi ko mapigilan ang kaba. Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata. Kailangang kumalma. Kailangang magtiwala kay Henri. Pero p

  • BE MY WIFE   Chapter 023

    DHALIA’s POV“Welcome back, Sir Henri! Ma’am Dhalia!” “Ang blooming naman ni Ma’am Dhalia!” “Update naman po! Babae o lalaki kaya ang nabuo n’yo?” Jusko! Napayuko ako sa hiya habang bumabati ang mga empleyado ng Garciaz Clothing Line. Talagang walang filter ang mga bibig ng mga ‘to! Lalo na itong si Rea, kaibigan ko at isa sa mga empleyado rito. Kung makatanong, akala mo alam na alam niya ang nangyari. Si Henri naman, natawa lang, bago ako hinapit sa bewang at binigyan ng halik sa ulo. “Tigilan niyo ‘yan, nahihiya tuloy ang misis ko.” Hiyawan at tilian ang sagot ng mga empleyado. Misis ko. Hindi lang pala masarap marinig ang tawag na asawa, pero ibang klase rin ang kilig na dala ng misis. Pagpasok namin sa opisina, agad akong hinila ni Henri sa kandungan niya. “Dhalia, sabi ko naman sa ‘yo, huwag ka nang magtrabaho. Dapat nasa bahay ka na lang.” Mahinang bulong niya sa tenga ko, sabay kagat sa dulo nito. Napasinghap ako, nakikiliti sa ginawa niya. Kanina pa niy

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status