
BE MY WIFE
Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso.
Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa.
Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao.
Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Basahin
Chapter: Chapter 010DHALIA's POVPakiramdam ko’y nanlamig ang buong katawan ko. Kahit na nasa loob ako ng isang high-end na bar sa gitna ng Bali, Indonesia, tila nilukob ako ng isang nakakatunaw na lamig. 'Hindi naman bagay si Dhalia kay Henri, ‘di ba? Alam naman nating lahat na si Irina dapat ang pinakasalan niya.'Paulit-ulit na umalingawngaw sa isipan ko ang mga salitang iyon. Napatingin ako sa paligid, hinahanap kung sino ang nagsabi noon. At doon ko napansin ang isang babae—mahaba ang dark brown na buhok, matangkad, may suot na mamahaling dress na halatang designer brand, at may hawak na baso ng wine. May kausap siyang isa pang babae, pareho silang nakatingin sa direksyon ko. Nagtagpo ang mga mata namin, at sa halip na umiwas, ngumisi siya sa akin—hindi palakaibigan, kundi may halong pagmamataas. Saka ko lang napagtanto… Kaibigan siya ni Irina. Kabarkada rin ni Henri.Bahagya akong natigilan. Napatungo ako at napakagat-labi. Hindi ko maintindihan kung bakit may kirot sa dibdib ko. Hindi
Huling Na-update: 2025-03-12
Chapter: Chapter 009DHALIA's POV"Hoy, ano ng update? Malaki ba? Hungarian Sausage? O Tender Juicy Hotdog lang na small? Kumusta ang honeymoon niyo, Dhalia? Aber!" Napapikit ako habang iniisip kung bakit ba naging kaibigan ko si Rea. Diyos ko! Ano bang klaseng tanong ‘yon? Pakiramdam ko, kung puwede lang akong lamunin ng kama ngayon, nagpatangay na ako. Napakagat-labi ako at napahawak sa noo. Hindi ko alam kung matatawa o kakabahan ako. Bakit ko nga ba nasabi ‘yon kanina? "Bakit naman, Sir? Bagong kasal kaya tayo!!” Wala pang dalawang segundong nagkalapit ang katawan namin ni Sir Henri. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang lalim ng hininga niya sa pagitan namin. Lalong lumabas ang mga ugat sa bisig niya, hudyat na may pinipigilan siya. Pero ang hindi ko alam, ano ba ang pilit niyang kinokontrol? Napalunok ako nang pasadahan niya ng tingin ang mukha ko. Pababa. Hanggang sa dibdib ko na bahagyang nakalantad dahil sa laylayan ng suot kong sando. Namula ako sa sarili kong kahihiyan. "Ah
Huling Na-update: 2025-03-12
Chapter: Chapter 008DHALIA'S POVNagising ako nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napasinghap ako at nagtakip ng unan, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ano bang ginawa ko? Ang huling natatandaan ko, kinasal ako kay Sir Henri. At pagkatapos—oh Diyos ko—ang first kiss ko!Nasa alaala ko pa ang mainit niyang labi, ang paghawak niya sa mukha ko, at ang mabilis na tibok ng puso ko. Tapos… uminom ako kasama sina Rea. At pagkatapos… wala na akong maalala.Napabalikwas ako ng bangon. Ibig sabihi… nalasing ako?! Nang mapansin ko ang suot ko—isang maluwag na puting sando at maiksing shorts—mas lalo akong kinabahan. Hala! Wala na ang wedding gown ko!Dahan-dahan kong nilingon ang kama, pero wala namang bakas ng…alam mo na..dugo. Pero paano kung may nangyari nga?! Sabi ni Rea, masakit daw kapag first time. Pero wala naman akong nararamdaman… o baka lang ako manhid? Kailangan kong tanungin si Sir Henri. Nang tumayo ako, saka ko lang napansin ang mas malaking proble
Huling Na-update: 2025-03-11
Chapter: Chapter 007Henri’s POV“Dude, sabi ko na nga ba, matagal mo nang gusto ‘yang sekretarya mo,” bulong ni Dennis, nakangisi habang nakikipag-cheers sa akin. Hindi ko na pinansin ang biro niya, pero napatingin ako kay Dhalia—ang asawa ko. Nasa isang sulok siya, nakangiting nakikipag-usap kay Rea, habang ang mga mata niya ay kumikislap sa saya. Tangina. Ang ganda niya ngayong gabi. Ang suot niyang wedding dress ay bumagay sa kanya, perpektong idinisenyo para ipakita ang inosente pero mapanuksong ganda niya. Tila isang manika siyang hinulma para sa akin. Napatingin ako sa malambot niyang labi, at agad kong naalala ang unang halik namin kanina. Napalunok ako. Gusto ko ulit siyang halikan. “Goodluck sa honeymoon niyo, pare.” Napatawa si Dennis, pero may nanunuksong ekspresyon sa mukha niya. “Dahan-dahanin mo lang si misis, halatang birhen pa, eh.” Napakuyom ang kamao ko sa narinig. Hindi dahil sa biro ni Dennis, kundi dahil alam kong totoo iyon. Wala pang ibang lalaking nakalapit sa kanya ng
Huling Na-update: 2025-03-10
Chapter: Chapter 006DHALIA’S POVAng bilis ng pangyayari. Tatlong linggo pa lang ang nakalilipas mula nang alukin ako ni Sir Henri ng kasal, ipakilala ako sa magulang niya, hingin ang basbas ni Inay, at dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, inanunsyo niya sa buong kumpanya ang nalalapit naming kasal. At ngayon, narito ako, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, suot ang puting wedding gown na espesyal niyang ipinagawa para sa akin. Simple lang ito, walang masyadong dekorasyon, ngunit ang bawat detalye ay sumisigaw ng pagiging elegante. Ang palda nitong mahaba at bumabagsak sa sahig ay parang alon ng ulap sa paligid ko. Nakapuyod ang buhok ko, at ramdam kong bumagay sa akin ang maingat na inilapat na makeup. Para akong ibang tao. Para akong isang babaeng tunay na ikakasal. "Prayer reveal naman diyan, Dhalia," biro ni Rea habang inaayos ang belo ko. "Kaya ka pala natitiis si Sir Henri, ha? May something pala sa inyo!" Napatawa ako at umiling. "Ikaw talaga." "Teka, kinakabahan ka ba?" t
Huling Na-update: 2025-03-10
Chapter: Chapter 005Dahlia’s POVTahimik akong naglalakad sa hallway ng kumpanya matapos ipasa kay Sir Henri ang ilang mahahalagang dokumento. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga mapanuring tingin ng ibang empleyado, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang atmosphere sa paligid. Hindi ko alam kung nagkataon lang, pero parang mas naging mausisa ang mga tao sa akin nitong mga nakaraang araw. May ilang nagbubulungan sa gilid, at may mga matang palaging sumusunod sa bawat kilos ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala namang ipinahayag si Sir Henri tungkol sa amin. Agad namang bumalik sa isipan ko ang nangyari nakaraang gabi. Hindi ko aakalaing pati si Inay ay madadamay sa plano namin—bagay na alam kong hindi maiiwasan. Pero sa kabila ng lahat, masaya ako. Kahit pa isa lang itong kontrata, may dugong Pinoy pa rin si Sir Henri. Hiningi pa rin niya ang basbas ni Inay. Napagalitan pa nga ako, pero ang mahalaga… pumayag siya.Mabilis kong iwinaksi ang iniisip ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nguni
Huling Na-update: 2025-03-10