Home / Romance / BE MY WIFE / Chapter 001

Share

BE MY WIFE
BE MY WIFE
Author: Melodia

Chapter 001

Author: Melodia
last update Last Updated: 2025-03-10 13:57:45

DHALIA's POV

Tahimik ang conference room ng Garciaz Clothing Line Company habang seryosong tinatalakay ang bagong proyekto. Nakaupo si Sir Henri Yanno Garciaz sa gitna ng mahabang lamesa, nakikinig sa bawat presentasyon. Seryoso ang ekspresyon niya, tulad ng dati—pero bakit parang pakiramdam ko, nakatitig siya sa akin?  

Malamig ang aircon, pero parang ang init-init ng pakiramdam ko.  

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga papeles, pilit na hindi iniisip ang nararamdaman kong kaba. Dapat, mag-focus ako sa trabaho. Pero paano kung ang boss mong sobrang gwapo ay nasa tabi mo?  

Lihim akong napalunok. Matangos ang ilong niya, parang hinulma nang perpekto. Ang light brown niyang mga mata ay laging seryoso, pero may kung anong lalim, na para bang may gustong ipahiwatig. Makapal ang kilay niya, at ang buzz cut niyang buhok ay lalong nagpapatingkad sa matikas niyang panga. 

Napakagat-labi ako. Diyos ko, bakit ko iniisip ‘to sa gitna ng meeting?! 

Napalunok ako nang mapansing parang nakakunot nang bahagya ang noo niya. Tiningnan ba niya ako? O guni-guni ko lang?  

Kailangan kong makawala saglit.  

Tumayo ako para kuhanin ang kape niya. Mabilis ang kilos ko, nagmamadali at doon ako nagkamali. Hindi ko napansin ang nakaharang na bag sa sahig.  

"Ay—!"    Wala na akong nagawa. Nadulas ako, at sa isang iglap, bumagsak ang mainit na kape…  

…diretsong tumilapon kay Sir Henri.  

Diyos ko. 

Nanlaki ang mata ko. Nanlaki rin ang mata ng lahat ng nasa conference room. Isang malakas na hininga ang sabay-sabay na lumabas sa mga empleyado.  

Bumagsak ang katahimikan.  

Ako? Hindi makagalaw. Hindi makapagsalita.  

Pinatay ko na ba ang career ko?  

“Sir… ako po ay… pasensya na po!” tarantang sabi ko, hindi alam kung paano babawiin ang nangyari.  

Handa na ako sa sasabihin niya. Baka pagsabihan ako. Baka pagalitan. Baka sisantehin.

Pero hindi.  

Imbes na sumigaw, nakita kong pigil ang isang ngiti sa mga labi ni Sir Henri. Sinulyapan niya ang nabasang damit niya at saka ako tiningnan.  

Oh my god. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit nabasa siya ng kape?!  

"Huwag kang kabahan," mahinahong sabi niya. "Hindi naman ito katapusan ng mundo."  

Napakurap ako. Ha?  

Nagkatinginan ang ibang empleyado. Parang hindi sila makapaniwala. Walang sigaw? Walang sermon? Wala man lang bahid ng pagkainis?  

Sa gilid, nakangiti si Atty. Dennis Adaza, ang matalik niyang kaibigan at abogado.   “Mukhang may espesyal na trato ang sekretarya mo, ah,” pang-aasar nito.  

Lalong uminit ang pisngi ko. “Sir, papalitan ko na lang po ‘yung damit n’yo—”  

“Walang problema,” putol niya, itinupi ang manggas ng nabasang damit. “Pero kung gusto mong bumawi, may isang bagay kang maaaring gawin para sa akin.”  

Napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. “Ano po iyon, sir?”  

Nang magtama ang mga mata namin, may kung anong kakaibang init akong naramdaman. Parang bumagal ang oras.

“Mamaya, Dhalia. Tatapusin lang namin ‘to." 

Nang natapos ang meeting at  nagsialisan ang lahat ay diretso nitong pinakawalan ang mga salitang muntik nang ikahimatay ko. 

“Magpakasal tayo, Dhalia.”

Parang huminto ang mundo ko.  Ano raw?!

Napasinghap ako. Hindi ko alam kung tama ang narinig ko.

Baka nagkamali lang ako ng pandinig?  

“Ano po?” halos pabulong kong tanong.  

Diretso siyang tumingin sa akin. “Gusto kong ikaw ang pakasalan ko.”  

Parang nawalan ako ng lakas. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw.  

Hindi. Hindi ito totoo. Hindi puwedeng ganito na lang basta! 

“T-Teka lang po, Sir…” Umiling ako, naguguluhan. “Kasal? Ako? Kayo?”  

Tumango lang siya, walang pag-aalinlangan.  

“Pero… bakit po?”  

Nagtagal ang tingin niya sa akin, parang pinag-iisipan kung paano ipapaliwanag. “Dahil kailangan ko ng asawa. Para hindi makasal sa ibang babae.”  

Wow. Very romantic. Pero hindi ko iyon nasabi. Mas lalo lang akong nalito.  

“Ibig sabihin po, contract marriage?” tanong ko, pilit na iniintindi ang sitwasyon.  

“Pwedeng sabihin na gano’n,” sagot niya. “Pero hindi lang ‘yon.” 

Napakunot ang noo ko. “Hindi lang ‘yon?”  

“Matagal ko nang alam na ikaw ang gusto kong pakasalan, Dhalia. Kapalit naman ng sampung milyon.”  

Teka lang. ANO RAW?!

Parang nag-shutdown ang utak ko. Anong ibig niyang sabihin? Oo nga’t labis pa sa kinakailangan kong pera ang sampung milyon pero sa katotohanang magpapakasal kami? Bakit ako?!

“Sir…” Napalunok ako. “Sigurado po ba kayo?”  

“Wala akong ibang gustong pakasalan kundi ikaw.”  

Tila may bumagsak na bomba sa loob ko. Hindi ko na alam kung normal pa ang tibok ng puso ko.  

“Pero—”  

“Walang pero, Dhalia.” Lumapit siya, sapat lang para maramdaman ko ang init ng presensya niya. “Alam kong gulong-gulo ka ngayon, pero gusto kong pag-isipan mo ‘to.”  

Nagkatitigan kami. Ramdam kong seryoso siya.  

“Ikaw ang gusto kong maging asawa,” ulit niya, mas madiin.  

Napakurap ako, halos hindi makasagot.  

Ako? Ikakasal?  

Kay… Sir Henri?!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • BE MY WIFE   Chapter 002

    DHALIA's POVWala nang bawian 'to.May malaking plot twist talaga ang tadhana. Sino ba ang mag-aakalang ikakasal ako sa pinaka-perpektong lalaking nakilala ko? Kahit may sablay sa ugali, hindi ko maitatangging nakakatunaw ang titig ni Sir Henri—matipuno, mayaman, at tila isang prinsipe sa mundo ng mga elite. 'Kalmahan mo lang, Dhalia.’ Bumuntong-hininga ako bago lumabas ng fitting room. Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin. Himala at may igaganda pa pala ako! Suot ko ang isang flowy na puting bestida, bumagay ito sa katawan ko na parang idinisenyo talaga para sa akin. Pinagtiisan ko rin ang isang pares ng stilettos kahit hindi ako sanay. Ang buhok ko’y may malalambot na kulot, at natural lang ang koloreteng inilagay sa mukha ko. Nagmukha tuloy akong manyika—masyadong puro, halos inosente. Para bang isang babaeng ikakasal na walang muwang sa mundo. Napayuko ako habang lumalabas mula sa fitting room, kinakabahan sa magiging reaksyon ni Sir Henri. Ngunit nang tumambad

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 003

    DHALIA’s POVHindi ko mawari kung ano ang tunay na nararamdaman ko ngayon. Dapat ba akong matuwa dahil ipinakilala ako ni Sir Henri sa pamilya niya? O magdalamhati sa malamig na pagtanggap ng kanyang ama? O mailang sa harap ng babaeng ubod ng elegante, si Irina, ang kanyang first love? Kung ang kaba ay nakamamatay, baka nasa ilalim na ako ng lupa ngayon. Nanginginig ako sa nerbiyos, lalo na't ramdam ko ang mga matang matalim na sumusuri sa akin. Napansin yata ito ni Sir Henri dahil agad niyang hinawakan ang hita ko at marahang pinisil. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko—hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa init ng kanyang palad. “Alam ko ang ginagawa mo, Henri. Itigil mo 'yan ngayon." Kalma ngunit puno ng awtoridad ang boses ni Sir Armando Garciaz, ang ama ni Sir Henri. Matalim ang tingin niya sa anak, saka bumaling sa akin na para bang sinusukat kung karapat-dapat ba ako. “Pa, mahal ko ang fiancée ko. At siya lang ang pakakasalan ko,” sagot ni Sir Henri, walang bahid n

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 004

    Henri’s POV Tahimik kong minaneho ang sasakyan, panaka-nakang sinusulyapan ang natutulog na si Dhalia. Kanina pa kami nasa biyahe pauwi, pero hindi nagtagal, napansin kong unti-unting bumigay si Dhalia sa antok. Nakapikit siya ngayon, mahina ang paghinga, at bahagyang nakalaylay ang ulo niya sa gilid ng bintana. Kanina ay todo tanggi pa itong magpahatid pero paano ko siya pababayaan? Sobrang ganda niya ngayong gabi. At wala akong balak hayaang may ibang makakita sa kanya nang ganito.Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang iniiwasang titigan siya nang matagal. Walang kaalam-alam si Dhalia kung paano niya ako tinutukso kahit wala siyang ginagawa. Nang huminto ako sa stoplight, bumalik ang atensyon ko sa kanya. Hindi ko napigilang pagmasdan ang mukha niya. Maliit ang bilugan niyang mukha, may mapupulang pisngi at natural na pouty lips na parang laging nang-aakit. Hindi siya tisay, hindi rin morena—isang perpektong timpla sa pagitan. Ang mahahaba niyang pilikmata ay bahagyan

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 005

    Dahlia’s POVTahimik akong naglalakad sa hallway ng kumpanya matapos ipasa kay Sir Henri ang ilang mahahalagang dokumento. Sinubukan kong huwag pansinin ang mga mapanuring tingin ng ibang empleyado, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang atmosphere sa paligid. Hindi ko alam kung nagkataon lang, pero parang mas naging mausisa ang mga tao sa akin nitong mga nakaraang araw. May ilang nagbubulungan sa gilid, at may mga matang palaging sumusunod sa bawat kilos ko. Hindi ko alam kung bakit. Wala namang ipinahayag si Sir Henri tungkol sa amin. Agad namang bumalik sa isipan ko ang nangyari nakaraang gabi. Hindi ko aakalaing pati si Inay ay madadamay sa plano namin—bagay na alam kong hindi maiiwasan. Pero sa kabila ng lahat, masaya ako. Kahit pa isa lang itong kontrata, may dugong Pinoy pa rin si Sir Henri. Hiningi pa rin niya ang basbas ni Inay. Napagalitan pa nga ako, pero ang mahalaga… pumayag siya.Mabilis kong iwinaksi ang iniisip ko at nagpatuloy sa paglalakad. Nguni

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 006

    DHALIA’S POVAng bilis ng pangyayari. Tatlong linggo pa lang ang nakalilipas mula nang alukin ako ni Sir Henri ng kasal, ipakilala ako sa magulang niya, hingin ang basbas ni Inay, at dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, inanunsyo niya sa buong kumpanya ang nalalapit naming kasal. At ngayon, narito ako, nakatayo sa harap ng isang malaking salamin, suot ang puting wedding gown na espesyal niyang ipinagawa para sa akin. Simple lang ito, walang masyadong dekorasyon, ngunit ang bawat detalye ay sumisigaw ng pagiging elegante. Ang palda nitong mahaba at bumabagsak sa sahig ay parang alon ng ulap sa paligid ko. Nakapuyod ang buhok ko, at ramdam kong bumagay sa akin ang maingat na inilapat na makeup. Para akong ibang tao. Para akong isang babaeng tunay na ikakasal. "Prayer reveal naman diyan, Dhalia," biro ni Rea habang inaayos ang belo ko. "Kaya ka pala natitiis si Sir Henri, ha? May something pala sa inyo!" Napatawa ako at umiling. "Ikaw talaga." "Teka, kinakabahan ka ba?" t

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 007

    Henri’s POV“Dude, sabi ko na nga ba, matagal mo nang gusto ‘yang sekretarya mo,” bulong ni Dennis, nakangisi habang nakikipag-cheers sa akin. Hindi ko na pinansin ang biro niya, pero napatingin ako kay Dhalia—ang asawa ko. Nasa isang sulok siya, nakangiting nakikipag-usap kay Rea, habang ang mga mata niya ay kumikislap sa saya. Tangina. Ang ganda niya ngayong gabi. Ang suot niyang wedding dress ay bumagay sa kanya, perpektong idinisenyo para ipakita ang inosente pero mapanuksong ganda niya. Tila isang manika siyang hinulma para sa akin. Napatingin ako sa malambot niyang labi, at agad kong naalala ang unang halik namin kanina. Napalunok ako. Gusto ko ulit siyang halikan. “Goodluck sa honeymoon niyo, pare.” Napatawa si Dennis, pero may nanunuksong ekspresyon sa mukha niya. “Dahan-dahanin mo lang si misis, halatang birhen pa, eh.” Napakuyom ang kamao ko sa narinig. Hindi dahil sa biro ni Dennis, kundi dahil alam kong totoo iyon. Wala pang ibang lalaking nakalapit sa kanya ng

    Last Updated : 2025-03-10
  • BE MY WIFE   Chapter 008

    DHALIA'S POVNagising ako nang maramdaman ang mainit na sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Napasinghap ako at nagtakip ng unan, pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ano bang ginawa ko? Ang huling natatandaan ko, kinasal ako kay Sir Henri. At pagkatapos—oh Diyos ko—ang first kiss ko!Nasa alaala ko pa ang mainit niyang labi, ang paghawak niya sa mukha ko, at ang mabilis na tibok ng puso ko. Tapos… uminom ako kasama sina Rea. At pagkatapos… wala na akong maalala.Napabalikwas ako ng bangon. Ibig sabihi… nalasing ako?! Nang mapansin ko ang suot ko—isang maluwag na puting sando at maiksing shorts—mas lalo akong kinabahan. Hala! Wala na ang wedding gown ko!Dahan-dahan kong nilingon ang kama, pero wala namang bakas ng…alam mo na..dugo. Pero paano kung may nangyari nga?! Sabi ni Rea, masakit daw kapag first time. Pero wala naman akong nararamdaman… o baka lang ako manhid? Kailangan kong tanungin si Sir Henri. Nang tumayo ako, saka ko lang napansin ang mas malaking proble

    Last Updated : 2025-03-11
  • BE MY WIFE   Chapter 009

    DHALIA's POV"Hoy, ano ng update? Malaki ba? Hungarian Sausage? O Tender Juicy Hotdog lang na small? Kumusta ang honeymoon niyo, Dhalia? Aber!" Napapikit ako habang iniisip kung bakit ba naging kaibigan ko si Rea. Diyos ko! Ano bang klaseng tanong ‘yon? Pakiramdam ko, kung puwede lang akong lamunin ng kama ngayon, nagpatangay na ako. Napakagat-labi ako at napahawak sa noo. Hindi ko alam kung matatawa o kakabahan ako. Bakit ko nga ba nasabi ‘yon kanina? "Bakit naman, Sir? Bagong kasal kaya tayo!!” Wala pang dalawang segundong nagkalapit ang katawan namin ni Sir Henri. Ramdam ko ang init ng katawan niya, ang lalim ng hininga niya sa pagitan namin. Lalong lumabas ang mga ugat sa bisig niya, hudyat na may pinipigilan siya. Pero ang hindi ko alam, ano ba ang pilit niyang kinokontrol? Napalunok ako nang pasadahan niya ng tingin ang mukha ko. Pababa. Hanggang sa dibdib ko na bahagyang nakalantad dahil sa laylayan ng suot kong sando. Namula ako sa sarili kong kahihiyan. "Ahh

    Last Updated : 2025-03-12

Latest chapter

  • BE MY WIFE   Chapter 031

    DHALIA's POVNormal lang naman siguro ang magtampo, ‘di ba?Simula kahapon ay hindi ko na pinansin si Henri. Alam kong hindi makatuwiran ang dahilan ko—na dala lang ng selos at mga negatibong iniisip—pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. Naiinis ako. Mas nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito, pero hindi ko mapigilan.Natapos ko ang buong araw na hindi siya kinibo. Alam kong napansin niya ito, pero hindi niya ako pinilit magsalita. Pinili niyang bigyan ako ng espasyo, na sa isang banda ay nagpapasalamat ako, pero sa kabilang banda ay lalong nakadagdag sa inis ko. Hindi niya man lang ba susubukang suyuin ako?Sa halip na manatili sa condo, umuwi ako sa bahay namin ni Nanay. “Nay,” mahina kong tawag nang makita siyang abala sa kusina.Lumabas siya mula sa pagluluto, at agad na kumislap ang kanyang mga mata nang makita ako. “Anak, Diyos ko, bakit ngayon ka lang?” “Naku, Nay, wala pang isang linggo simula nang umuwi ako galing Bali, ang OA mo naman,”

  • BE MY WIFE   Chapter 030

    DHALIA's POVNaiilang kong sinusubo ang kanin at adobo sa harap ko. Sino ba naman ang hindi maiilang kung may isang lalaking perpekto sa paningin ng lahat ang walang sawang nakatitig sa bawat galaw mo? At hindi lang basta lalaki—si Henri Garciaz, ang supladpng CEO na nagkataong asawa ko.Samahan mo pa ng iilang tukso mula sa mga kasama kong walang pakundangang nanunukat ng bawat reaksyon ko.“Uyyy, nagpapa-cute kumain ang kaibigan namin,” tukso ni Rea, sabay nguso sa katabi kong tila wala nang ibang iniisip kundi ang pagmasdan ako.Ramdam ko ang init sa pisngi ko habang tinutukso nila. Tumikhim ako, hindi magpapatalo, at unti-unting humilig kay Henri. Lalong lumakas ang kilig sa paligid, pero hindi ako nagpadaig. Pagkadikit ko sa kanya, agad akong bumulong.“Henri, tigilan mo ang pagtitig sa akin. Nakakailang.”Pero hindi ko inaasahan ang sagot niya. Sa halip na umiwas, mas lalo pa siyang lumapit.“I can't help it. Parang minamagnet ata ako sa mahika ng pagkatao mo, asawa ko,” bulong n

  • BE MY WIFE   Chapter 029

    DHALIA’s POV Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas sa opisina ni Henri. Jusko, kung ganito ba naman siya araw-araw, baka mahimatay ako. Napaka-flirt. Para bang ang goal niya sa araw-araw ay paasahin ako at wasakin ang natitirang katinuan ko. Naglalakad ako patungo sa cafeteria nang biglang sumulpot si Rea kasama ang mga ka-team niya sa HR, sina Jane at Hannah. “Hoy, Mrs. Garciaz, anong ginagawa mo rito?" bungad ni Rea, may kasama pang nanunuksong tingin. Kahit kating-kati akong pilosopohin siya, pinili kong ngumiti. “Nagutom kasi ako, Rea," sagot ko nang mahina. “Ay, bet! Feel ko talaga, buntis ka!" Napalingon si Rea kina Jane at Hannah. “’Di ba, girls? Tingnan niyo, sobrang blooming ng bagong nadiligan!" Halos mas malala pa ata ang bibig nito kaysa kay Henri. Napatawa ako nang mapakla. “Ikaw talaga, Rea. Parang hindi naman ah, stress nga ako, eh," sabi ko, kahit ang totoo ay hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang ganda ng aura ko ngayon. Pero agad nama

  • BE MY WIFE   Chapter 028

    HENRI’s POVDamn. Hindi talaga ako nakapagpigil at nagseselos na naman ako. Nanganganib na talaga ako. Sobrang nabihag ako ni Dhalia. Pagkatapos ng kabaliwang ginawa ko sa kanya kanina ay pinanood ko lang siyang abalang inaayos ang schedule ko. Kunot pa ang noo niya habang nagta-type sa laptop. Alam kong hindi niya nagustuhan ang ideyang kunin si Irina bilang modelo sa bagong clothing design ng kumpanya. Pero wala akong magawa. Sa totoo lang, plano ito ng ama ko. At ayaw ko na siyang kontrahin. Hindi naman maikakaila na nangunguna si Irina sa larangan ng modeling. “May meeting ka pala bukas kasama ang marketing team at si Irina?" maya't maya’y tanong ni Dhalia, halatang inis. Napangiti ako sa napansin. Amoy selos. Hindi lang sinasabi. Nagkibit ako ng balikat. “Yes, baby, kailangan. Next week na ang pag-launch ng bagong design natin." Calling her baby is such a tease. Alam kong naiilang siya pero halatang gustong-gusto niya ang tawag na ‘baby.’ Napanguso siya at hindi

  • BE MY WIFE   Chapter 027

    DHALIA’s POV “He…Henri,” daing ko nang bigla niya akong hatakin at ipaupo sa kandungan niya. Napakapit ako sa kanyang balikat, ramdam ang init ng katawan niya sa akin. Kakaalis pa lang ni Ralph sa opisina, ngunit parang gusto ni Henri na burahin ang presensya nito sa pamamagitan ng bawat galaw niya. Hinila niya ako papalapit, ipinaikot ang mga daliri sa buhok ko, at marahan akong inangkin ng kanyang yakap. Masuyong hinagod ng labi niya ang gilid ng aking leeg, at hindi ko napigilang makiliti. "Henri…anong gagawin mo?" pilit kong iniiwas ang katawan ko, ngunit mas lalong lumakas ang kapit niya. “Dhalia… baby… hmmmm… nagseselos ako,” mahina at nakakakilabot niyang bulong sa tainga ko, kasabay ng pagdampi ng maiinit niyang halik sa aking balat. Ramdam ko ang kaba, ngunit higit doon, ang matinding kiliti na gumapang sa buo kong katawan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang lalaking baliw na baliw sa ‘yo? Ramdam ko ang pag-angkin niya, ang pag-aari, at ang pagnanasa. “Baliw

  • BE MY WIFE   Chapter 026

    DHALIA’s POV Naiilang man, ay b****o rin ako kay Ralph. “K-Kumusta ka, Ralph?” magalang kong tanong, pilit na hindi pinapansin ang titig niyang parang may ibang ibig sabihin. Napansin ko naman sa gilid ang umiirap na si Irina, halatang naiinis sa muling pagkikita namin ni Ralph. Ngumiti si Ralph at kasabay no’n ang pag-upo sa sofa, relaks na relaks habang nakatingin sa ‘kin. “Okay lang ako, Dhalia, pero ngayon ay sobrang okay dahil nakita ulit kita.” Kung kalmado ang pagbigkas niya sa mga salitang iyon, ay siya namang kaba ang dulot nito sa ‘kin. Hindi ko maisip kung bakit niya kailangang sabihin ‘yon, gayong alam naman niyang may asawa na ako—at kaibigan pa niya si Henri. Napa-iling ako nang bahagya, sabay tikhim. “Mabuti kung gano’n, Ralph.” Napatawa naman si Irina, tawang may halong panunuya. “Ohhhhh, saucy. Alam kaya ‘to ng EX ko?” malakas ang pagkakabigkas niya sa salitang “ex,” halatang gustong mang-asar. Narinig ko ang mahinang tawa ni Ralph bago ito bumaling

  • BE MY WIFE   Chapter 025

    DHALIA's POVPagkatapos ng tensyonadong usapan namin ni Henri, nagdesisyon akong manatili sa sala, pilit pinapalipas ang bigat sa dibdib. Nakaupo ako sa sofa, hawak ang baso ng gatas na kanina ko pa hindi naiinom. Samantalang si Henri naman ay tahimik na nakatayo sa tabi ko, waring may gustong sabihin pero nag-aalangan. "Baby," basag niya sa katahimikan. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko, ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. "Hindi mo kailangang mag-alala kay Irina."Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako sasagot. "Para sa negosyo lang talaga ‘yun," dagdag niya. "At kung nag-aalala ka kung bakit hindi ko agad sinabi sa'yo, hindi ko lang gustong mabahala ka nang hindi naman kailangan.” Tumingin ako sa kanya. "Pero bakit siya, Henri? Maraming ibang modelo." Umiling siya at hinaplos ang pisngi ko. "Alam kong hindi mo gusto, pero ito ang pinakamagandang desisyon para sa kumpanya. Ikaw ang asawa ko, Dhalia. Hindi siya." May kung anong init ang lumukob sa puso ko sa

  • BE MY WIFE   Chapter 024

    DHALIA’s POVTahimik akong nakaupo sa opisina, hawak pa rin ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ni Irina Lim bilang bagong modelo ng Garciaz Clothing Line. Ramdam ko ang malamig na singaw ng aircon, pero tila mas malamig pa ang nararamdaman ko sa loob. Bakit siya?Napatingin ako sa computer screen, pero kahit anong pilit kong ituon ang sarili sa trabaho, hindi ko magawang iwaksi ang gumugulong na tanong sa isip ko. Alam kaya ni Henri ang tungkol dito? Siya kaya ang pumili kay Irina?Gusto kong tawagan siya at itanong nang diretso. Pero natigil ako nang maalala ko ang sinabi ni Paula. ‘Pinuntahan siguro po ang Lim Company upang kausapin si Ms. Irina.’ Hindi ko alam kung bakit, pero may kirot na bumalot sa dibdib ko sa pag-iisip na silang dalawa ay muling magkikita. Ano ba, Dhalia? Hindi ba dapat kampante ka na? Ikaw ang asawa.Pero hindi ko mapigilan ang kaba. Napabuntong-hininga ako at pinikit ang mga mata. Kailangang kumalma. Kailangang magtiwala kay Henri. Pero p

  • BE MY WIFE   Chapter 023

    DHALIA’s POV“Welcome back, Sir Henri! Ma’am Dhalia!” “Ang blooming naman ni Ma’am Dhalia!” “Update naman po! Babae o lalaki kaya ang nabuo n’yo?” Jusko! Napayuko ako sa hiya habang bumabati ang mga empleyado ng Garciaz Clothing Line. Talagang walang filter ang mga bibig ng mga ‘to! Lalo na itong si Rea, kaibigan ko at isa sa mga empleyado rito. Kung makatanong, akala mo alam na alam niya ang nangyari. Si Henri naman, natawa lang, bago ako hinapit sa bewang at binigyan ng halik sa ulo. “Tigilan niyo ‘yan, nahihiya tuloy ang misis ko.” Hiyawan at tilian ang sagot ng mga empleyado. Misis ko. Hindi lang pala masarap marinig ang tawag na asawa, pero ibang klase rin ang kilig na dala ng misis. Pagpasok namin sa opisina, agad akong hinila ni Henri sa kandungan niya. “Dhalia, sabi ko naman sa ‘yo, huwag ka nang magtrabaho. Dapat nasa bahay ka na lang.” Mahinang bulong niya sa tenga ko, sabay kagat sa dulo nito. Napasinghap ako, nakikiliti sa ginawa niya. Kanina pa niy

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status