Share

CHAPTER 88

" Ano ngayon kung ako nga ang naging dahilan ng aksidente niya noon? Naging baldado lang naman siya, hndi naman siya namatay."

Walang salita ang gustong lumabas mula sa bibig ni Venice. Pakiramdam niya'y kinakapos siya sa hangin dahil sa lakas ng kabog ng kaniyang dibdib at tumataas na emosyon dahilan upang mag init ang bawat sulok ng kaniyang mga mata.

" Papà...b-bakit niyo nagawa 'yon? " basag ang boses ni Venice, hindi alam kung paano magsasalita dahil sa kaniyang nalaman. " Maayos naman ang relasyon niyo ni Amadeus, noon hindi ho ba? P-paano...bakit niyo siya sinubukang patayin? "

" Dahil masyado siyang mapagmataas. Masyado s'yang mayabang at makasarili! " saad ni Logan, unti-unting bumabalik ang galit nang maalala ang mga panahong nanliliit siya sa tuwing kasama si Amadeus, " Hindi siya marunong rumespeto at puro na lang sarili ang pinakikinggan niya. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob. "

" Sa paano hong paraan? Hindi ho ba't binigyan niya pa kayo ng posisyon sa kompanya?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status