Kapayapaan ang hinahangad ng lahat ng tao sa mundo kabilang na s'ya. Ngunit paano kung isang araw ay bigla na lamang mawala sa kan'ya ang inaasam na kalayaan dahil sa isang babae na nagnakaw nito sa kan'ya. Paano n'ya ito iiwasan kung may isang anghel ang nag-uugnay sa kanila? Paano n'ya tatalikuran ang kanilang anak na kahit saang anggulo tingnan ay kamukhang-kamukha n'ya? Paano n'ya haharapin ang bukas ng maayos at masaya kung puno ng poot at galit ang kan'yang puso? Matutunan n'ya kayang mahalin ang babaeng ipinakasal sa kan'ya ng mga magulang?
view moreAUDREY PRISCILLA... Hindi n'ya alam kung gaano na s'ya katagal na nakatulala lang habang pilit na pinoproseso ang lahat ng narinig mula sa byenan na lalaki. Lahat yata ng sakit sa buhay ay naranasan n'ya na ngunit ito ang pinakamasakit sa lahat. Ang malaman na patay na ang kan'yang ina at ang masaklap ay pinatay ito ng isang tao na walang ibang alam na gawin kundi ang manakit ng kapwa. Ang tao na minsan ay hinangaan n'ya dahil sa kabaitan nito sa kanila ng kan'yang anak na si Andrei. Ang tao na minsan ay pinagkatiwalaan n'ya at kinilala bilang parti na ng kan'yang buhay. Ang kan'yang pagkauhaw sa pagkakaroon ng isang ama ay minsan nitong ipinaramdam sa kan'ya at buo ang puso na naniwala s'ya rito. Ngunit puro lang pala palabas ang lahat at may maitim itong sekreto na itinatago sa sarili at sa kan'ya na rin. "Honey," tawag sa kan'ya ni Tres. Hindi ito umalis sa kan'yang tabi at ngayon n'ya lang napansin na dalawa na lang pala sila ang natira sa garden. Wala na ang mga magulang ni
AUDREY PRISCILLA... "Anyway, we're here to clarify things about what Elpidio Berkin told you about Preccy about your parents," natigil sila sa pagkukulitan ng magsalita ang ama ni Tres at sinambit ang tungkol sa kan'yang mga magulang. Kahit s'ya din ay gustong magtanong sa mga ito tungkol sa paulit-ulit na sinabi ni Berkin sa kan'ya na dahilan kung bakit ito galit sa mga El Frio at ilang beses nitong sinabi na ang kan'yang ina ay pinatay ng ama ni Tres. "Are you okay, honey?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ni Tres. Nginitian n'ya ang asawa at ipinalibot ang mga braso sa bewang nito. "Yes! I think it's about time para magiging malinaw ang lahat tungkol sa mga sinabi ni Berkin sa akin. At sina nanay at tatay lang ang makakasagot sa mga tanong ko." "Good! Then let's go to the garden at doon tayo mag-usap na apat," sagot ng ama ni Tres at inaya sila sa gardern. Nauna ang mga magulang ng kan'yang asawa at nakasunod naman sila ni Tres sa mga ito habang magk
AUDREY PRISCILLA... Pagkatapos ng rebelasyon ni Dos na pinatunayan naman ni Uno na totoo ang lahat ng sinabi nito ay nagkapatawaran ang magkakapatid. Humingi din s'ya ng tawad kay Dos dahil ito ang nasisi ni Tres sa lahat ng nangyari sa kanila. Si Berkin naman ay dinala sa hospital para gamotin ngunit maraming mga pulis ang nakabantay dito. Nagpapasalamat s'ya na hindi ito pinatay ni Dos at binigyan of ng pagkakataon na mabuhay ngunit sa kulongan na ito mamalagi dahil sa patong-patong na kaso na ihinain dito ng mga El Frio. Ipinaubaya n'ya kay Tres ang lahat dahil gusto n'ya na mag focus na lang kay Andrei. Nagpapasalamat din s'ya na naging successful ang kanilang plano para mahuli ang salarin sa kagulohan na nangyari sa kanilang buhay. Noong nagpunta si Uno sa probinsya para kausapin si Tres ay iminungkahi nito na gagawin s'yang pain para mahuli ang matanda dahil hindi ito lumalabas sa lungga na kahit si Anthony na pinagkakatiwalaan nito at inakal na kakampi ay hindi ito mahagila
AUDREY PRISCILLA..."Hey are you okay? Natakot ka ba? Don't worry, he is not dead," tanong ni Tres sa kan'ya at inalo s'ya ng makita na natulala s'ya ngunit hindi naman dahil sa pagbaril ni Dos kay Berkin s'ya natutulala kundi sa kung paano makikipag-usap ang magkakapatid kay Anthony."Audrey?" nagbalik lang s'ya sa kan'ya hey sarili ng marinig ang pagtawag ni Tres sa kan'yang pangalan. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at hinamig ang sarili."N-No! H-Hindi ako takot. Nagulat lang ako s-sa inyo ni Anthony. B-Bakit parang matagal na kayong magkakilala kung mag-usap?" hindi napigilan na tanong n'ya rito habang ang mga taohan ng mga El Frio ay pinagtutulongan na buhatin si Berkin para dalhin sa hospital.Ilang segundo s'yang pinakatitigan ni Tres bago ibinuka ang labi para magsalita ngunit pinutol ito ni Dos ng lapitan silang dalawa ng asawa."Anthony and I are best buddies during my business course in England. Pagkatapos n'on ay kumuha ako ng medicine ngunit hindi iyon naging hadlang para
AUDREY PRISCILLA... "Nagsisisi ako na binuhay pa kita. Sana noon pa lang ay pinatay na kita. Wala kang utang na loob. Anthony, ano pa ang hinihintay mo? Patayin mo ang lalaking iyan at isama mo na rin si Prescilla. Patayin mo!" sigaw nito at inutosan si Anthony na patayin sila. Agad namang tumalima si Anthony at iniumang sa kanila ang baril na s'yang dahilan para manginig ang kan'yang buong katawan. "T-Tres," nauutal ang boses na tawag n'ya sa asawa. "It's okay honey! Don't be scared, nandito lang ako sa tabi mo." "P-Pero Tres baka kung ano ang gawin ni Anthony sayo!" nag-aalala at may takot na sabi n'ya sa asawa. "Trust your husband, okay? At wala kang dapat na katakotan dahil nandito ako, kasama mo ako Audrey at hindi ko hahayaan na mapapahamak ka ulit sa mga kamay ng lalaking iyan. I will end his evil doing today at ipinapangako ko sayo na hinding-hindi na s'ya makakalapit pa ulit sa inyo ni Andrei," mahabang paliwanag at puno ng pangako na sabi ni Tres sa kan'ya. She trusts
AUDREY PRISCILLA... "We'll face him then," matapang na sagot n'ya kay Tres at hinarap ang matanda na nasa di kalayuan katabi ng mga taohan nito at ni Anthony."That's my wife! C'mon!" sagot ng asawa na mababanaag sa boses ang pagiging proud nito sa kan'ya. Magkahawak kamay silang humarap kay Berkin at Anthony."Well... Well...well... What a nice view! Mukhang mag-eenjoy ako sa inyong dalawa," tuwang-tuwa na sabi ni Berkin sa kanilang dalawa ni Tres. Walang takot na naglakad ang kan'yang asawa habang hawak s'ya sa kamay palapit sa kinatatayuan ng matanda."Alam mo Berkin, kailangan mong bumalik sa mental hospital kung saan ka galing. Hindi ka pa yata tuloyan na magaling. Ako nabaliw din ako noon at na mental pero I'm fully recovered na at ayokong balikan ang pagkabaliw ko," si Tres sa matanda na ikinalisik ng mga mata nito."Baliw? Ano ang mga pinagsasabi mo El Frio? Sino ang baliw sa ating dalawa, hmmmm?""Ikaw ang baliw Berkin dahil kung ano-anong kabaliwan ang mga pinagagawa mo. Pa
AUDREY PRISCILLA...At nalaman n'ya na tao ang kan'yang nabangga dahil nakita n'ya ang sapatos nito sa kan'yang paanan at biglang kumalabog ang kan'yang puso ng makilala n'ya ang naturang sapatos na suot ng tao na nabangga.Nang malaman na tao iyon ay dali-dali s'yang umatras para lumayo ngunit mabilis na pumalibot sa kan'yang bewang ang mga braso nito."Stay still honey," paos ang boses na sabi nito sa kan'ya. "Tres!" tawag n'ya sa pangalan ng asawa at agad na tumingala para siguradohin na si Tres nga ang dumating.At para s'yang nabunotan ng tinik sa dibdib ng makita at masiguro na ang asawa ang nasa harapan n'ya."Yeah! I'm here! Huwag ka ng matakot at nandito na ako," sagot nito. Napahagulhol s'ya ng iyak at mabilis na niyakap ang asawa. Kanina pa s'ya takot na takot at akala n'ya ay mauulit na naman ang nangyari noon sa kanila ni Tres."I'm sorry, I'm a bit late. Masyadong tuso si Berkin at nagpadala pa ng mga taohan sa bahay para guluhin ang pamilya natin," paghingi ng paumanhi
AUDREY PRISCILLA...Dinala s'ya ni Anthony sa labas at nakita n'ya na may nakahanda ng lugar kung saan sila ikakasal. May isang arko na napapalibutan ng mga bulaklak sa gitna ng gargen at may dalawang upoan na para sa kanila.May mga upoan din na nakahelira na upoan ng mga guest na para sa kanilang kasal ni Anthony. At sa unahan kung saan ay nandoon ang dalawang upoan at may lalaking naghihintay sa kanila at sa hinala n'ya ay ito ang sinasabi ni Anthony kanina na abogado.Hinila s'ya ng lalaki patungo sa harapan at nakasunod din sa kanila ang ilang mga taohan nito ang si Elpidio Berkin na kita sa hitsura ang tagumpay.Naikuyom n'ya ng lihim ang kan'yang mga kamao dahil sa galit sa matanda. Nanghihinayang s'ya sa relasyon nilang dalawa. Akala n'ya ay ito na ang kukumpleto sa kan'yang pagkatao. Ang hindi pagkakaroon ng mga magulang na akala n'ya ay mapunan ni Berkin ngunit nagkamali lang pala s'ya dahil ginamit lang s'ya ng matanda sa personal na intensyon nito."Attorney Stevens, let'
AUDREY PRISCILLA..."You are not my father! Hindi tayo magkadugo at ginamit mo lang ako para sa paghihiganti mo. At ang tinatawag mo na mga mamamatay tao ay sila lang naman ang mga tao na may puso at busilak ang kalooban na kinupkop ako mula sa pagpalaboy-laboy sa kalye, pinatuloy sa bahay nila, pinakain at itinuring na parti ng pamilya nila kaya wala kang karapatan na tawagin silang mamamatay tao dahil kung mayroon man dito na mamamatay tao ay ikaw yon at hindi sila!" galit na sigaw n'ya pabalik sa matanda. Akmang sasaktan s'ya nito muli ngunit mabilis na pumagitna si Anthony para pigilan ito sa muling pagsampal sa kan'ya."Wala kang utang na loob! Kahit ano pa ang pagtutol na gawin mo ay susundin mo pa rin ako dahil iyon ang nararapat. Para sa ina mo ay gagawin mo ang iniutos ko sayo, Prescilla!" nangangalaiti sa galit na sigaw nito sa kan'ya. Kung wala lang si Anthony na umaawat sa galit ng kan'yang ama-amahan ay baka ilang beses na s'yang nasampal nito dahil sa sobrang galit.Ngun
BLAYRE JOAQUIM... "What? No! I'm not gonna marry her nay! Over my dead and sexy body, nay... I'm not going to marry her," malakas na sagot n'ya sa kan'yang ina na sinamahan pa ng biro sa pag-aakala na madala n'ya sa pa charm-charm n'ya ang mga magulang. Nasa library silang magkapamilya kasama na ang babaeng pinipilit ng mga ito na ipakasal sa kan'ya. Walang iba kundi ang kanilang magaling na katulong na ipinipilit na buntis ito at s'ya ang ama. "You are going to marry her, whether you like it or not, Tres. Gago ka ba? Ibinaon mo yang espada mo sa mani n'ya tapos ngayon aayaw-ayaw ka na pakasalan s'ya? Gusto mo bang maging bastardo ang anak mo? Hindi kita pinalaki na maging isang walang kwentang ama sa anak mo!" galit na singhal ng nanay Trina n'ya sa kan'ya. Namumula na ito sa galit at alam n'ya na hindi ito nagbibiro sa mga pinagsasabi sa kan'ya lalo na ang pagpapakasal n'ya sa kanilang katulong. Kung may kinatatakutan man sa bahay nila, iyon ay ang kan'yang nanay Trina dahi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments