BLAYRE JOAQUIM...
"T-Tres," nanginginig sa takot na tawag nito sa kan'yang pangalan. Mas lalo pang uminit ang ulo n'ya dahil pakiramdam n'ya ay nagpapaawa lang ang dalaga. "Don't use that face against me, woman dahil hindi mo ako makukuha sa pagpapaawa mo. Ito ang tandaan mo, Preccy, gagawin ko ang lahat para maging kalbaryo ang buhay mo katulad ng ginawa mo sa buhay ko! Get lost woman!" malakas na sigaw n'ya sa pagmumukha ni Preccy bago ito tinalikuran at tinungo ang hagdan. Hindi pa s'ya nakuntento, nang madaanan n'ya ang isang vase ay mabilis n'ya itong sinipa. Naglikha ito ng malakas na tunog lalo na ng mabasag ito at nagkalat sa sahig. Bago s'ya tuluyan na umakyat sa hagdan ay nilingon n'ya muna na may matalim na tingin si Preccy at nakita n'ya na naginginig ang babae sa takot. Bagay na ikinangisi n'ya dahil kahit papaano ay nakaganti din s'ya sa babae. "Linisin mo yan!" pasigaw na utos n'ya rito. Dumiretso s'ya sa taas at agad na naligo. Ibinabad n'ya ang katawan sa bath tub. Masyado s'yang stress simula ng ikasal sila ni Preccy. Gulong-gulo ang buhay n'ya dahil sa babaeng iyon kaya bagay lang dito na gagawing empyerno ang buhay. Pagkatapos n'yang maligo ay humilata s'ya sa kama. Hindi n'ya alam na nakatulog pala s'ya. Dala siguro ng pagod at stress dahil sa nangyari sa kan'yang buhay. Hating gabi na ng magising s'ya. Nakaramdam s'ya ng gutom dahil hindi pala s'ya kumain kanina bago s'ya natulog. Kaya naman ay nagpasya s'yang bumangon para bumaba. Tanging boxer lamang ang kan'yang suot ay kampanti s'yang bumaba ng hagdan. Bahay n'ya ito at walang makakadikta sa kan'ya kung ano ang kan'yang isusuot. Dumiretso s'ya sa kusina at nakita na may pagkain na natatakpan. Isa-isa n'ya itong binuksan para lang mapamura ng makita na pritong itlog ang naroon. Kaya naman ay dali-dali n'yang tinungo ang maid's room at pagdating sa pintoan ng kwarto ni Preccy ay malakas n'ya iyong sinipa. Dahil sa sobrang lakas ay pasalya na nabuksan ang dahon ng pinto na ikinagulat ng babae na natutulog. "S-Senyorito anong nangyari?" pupungas-pungas na tanong nito sa kan'ya. Nangangalaiti sa galit na lumapit s'ya rito at hinawakan sa braso ang babae at pinisil iyon. Napangiwi ito sa sakit ngunit imbes na tigilan ang kan'yang ginagawa ay mas lalo n'ya pang pinisil ang braso ng dalaga. "Nagtatanong ka pa? Wala ka na ngang trabaho dito buong araw, wala ka pang silbi kahit sa pagluluto. Anong ipapakain mo sa akin? Yong pritong itlog na niluto mo! Putang'ina naman oh!" malakas ang boses na singhal n'ya sa babae na nanginginig ang labi at parang maiiyak na. "H-Hindi ko kasi alam na uuwi ka kaya hindi ako nagluto kanina," katwiran nito na mas lalong ikinatagis ng kan'yang bagang. Pasalya n'yang binitawan ang braso nito at nangangalaiti sa galit na sinipa ang maliit na mesa sa tabi ng kama ng dalaga. "Wala ka bang utak? Nakita mo na ako kanina Hindi ba? Bakit sasabihin mo na hindi mo alam na uuwi ako? Ang sabihin mo, wala ka talagang silbi!" "P-Pasensya na senyorito. Ipagluluto ko na lang ka—," "Lumayas ka dito! Iyan ang gusto kong gawin mo, Preccy, lumayas ka sa buhay ko. Umalis ka!" malakas na sigaw n'ya sa pagmumukha ng dalaga. Hindi na nito napigilan ang mga luha. Sunod-sunod na nagbagsakan ang mga iyon na mas lalong ikinagalit n'ya. Palagi na lang ito umiiyak para kaawaan ng pamilya n'ya at kapag nalaman ng kan'yang mga magulang ang kan'yang ginawa ay s'ya na naman ang sasabunin ng mga ito at si Preccy na naman ang kakampihan.AUDREY PRISCILLA...Masakit sa kan'ya ang nararanasan ngayon sa kamay ng amo na si Tres ngunit wala s'yang magagawa kundi ang tiisin ang galit at pang-iinsulto nito sa kan'ya.Wala na s'yang pamilya na mauuwian at buntis pa s'ya sa anak nila. Wala s'yang pera at hindi n'ya alam kung paano n'ya palalakihin ang kanilang anak kung aalis s'ya sa bahay nito.Mabait ang mga magulang ni Tres at ang tatlong kapatid nito ngunit ang lalaki ay kakaiba ang ugali sa lahat. Hindi n'ya naman ginusto ang nangyari sa kanila.Pinwersa s'ya nito ng pumasok ito sa kan'yang kwarto na lasing at dahil matagal na s'yang may damdamin para kay Tres ay hindi n'ya napigilan ang magpaubaya.Alam n'ya na sa puntong iyon ay malaki ang kasalanan n'ya ngunit tao lamang s'ya. Matagal n'ya ng kinikimkim at itinago ang kan'yang nararamdaman sa binata dahil alam n'ya sa kan'yang sarili na walang mabuting patutongohan ang kan'yang nararamdaman dahil sa estado nila sa buhay.Langit si Tres at s'ya ay lupa lamang. Walang
BLAYRE JOAQUIM...Halos hindi maipinta ang kan'yang mukha ng pumasok sa kan'yang opisina kinabukasan. Hanggang ngayon ay galit pa rin s'ya dahil kay Preccy kagabi."Fvck! Hanggang kailan bubuwesitin ng babaeng iyon ang araw ko? Araw-araw na lang ba sira ang araw ko dahil sa katangahan n'ya?" mura at pabagsak na naupo sa kan'yang upoan.Nagbuga s'ya ng hangin at niluwagan ang suot na tie. Pakiramdam n'ya ay sinasakal s'ya dahil sa paninikip ng didbib sa galit n'ya kay Preccy.Hindi n'ya alam pero sa tuwing nakikita n'ya ang mukha ng babae na nagpapaawa lalo na kapag umiiyak ito ay kumukulo agad ang kan'yang dugo.Ilang beses na din s'yang nasuntok ng kan'yang ama at kapatid dahil sa pagsusumbong nito.Nagbalik lamang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig na tumunog ang kan'yang cellphone. Sinilip n'ya ito at nakita n'ya ang pangalan ni Mitchelle sa screen.Dinampot n'ya ito at agad na sinagot."What is it?" tanong n'ya sa lalaki. Mitchell is his right hand at ito ang namamahala sa mga tra
BLAYRE JOAQUIM... "What are you doing here?" mataas ang tono ng boses na tanong n'ya kay Preccy ng makita ito na nakatayo sa labas ng kan'yang opisina. Nakasuot ito ng lumang bestida at nagmukha itong pulubi sa suot na damit. Mas lalong kumulo ang kan'yang dugo dahil pakiramdam n'ya ay ipinapahiya s'ya nito sa kan'yang mga empleyado knowing that she is married to him. "D-Dinalhan kita ng pagkain," nauutal ang boses na sagot nito sa kan'ya. "Anong uri ng insekto ang pumasok sa kukote mo para pumunta dito. Look at yourself! You look like a trash!" galit na singhal n'ya sa dalaga. Wala s'yang pakialam kung nasa paligid ang kan'yang sekretarya at nakikinig sa kanila. "G-Gusto ko lang naman na hatiran ka ng pagkain," mahina at nanginginig ang boses na sagot nito sa kan'ya. "And what do you think of me? Can't afford to buy food for myself? Get out of here, now!" "P-Pero Tre— este senyorito, sayang ang iniha—," "Aalis ka o kakaladkarin kita?" matigas ang boses na tanong n'ya rito. A
AUDREY PRISCILLA...Nanginginig s'ya sa hindi malaman na dahilan. Takot, kaba at sakit ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Sa ginawang pagtatanggol ng ina ni Tres sa kan'ya ay sigurado s'ya na s'ya na naman ang babalikan ng binata."Preccy are you ok?" tanong ng ina ni Tres ng mapalingon ito sa kan'ya at nakita na malayo ang kan'yang tingin. Nasa manibela ito at s'yang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi n'ya alam kung saan sila pupunta na dalawa. Kanina ay sinadya s'ya nito sa bahay ni Tres at ng malaman nito na maghahatid s'ya ng baon sa lalaki ay agad na nag prisenta ito na ihahatid s'ya sa kompanya ng anak.Nagpaubaya s'ya at sumama ngunit hindi n'ya inaasahan na ang pagsama n'ya rito ay s'yang magdadala sa kan'ya sa kapahamakan mamaya kapag silang dalawa na lang ng anak nito."S-Senyora sana hi—,""Cut the senyora, Preccy. Call me nanay! Anak na rin kita ngayon kaya kailangan mo akong e address ayon sa posisyon ko sa inyo na mga anak ko. Ganon din ang tatay Joshua n'yo," pu
AUDREY PRISCILLA...Itinigil ng byenan ang sasakyan sa harapan ng isang mall kaya napalingon s'ya dito na may pagtataka sa mukha."Anong gagawin natin dito nay?" hindi makatiis na tanong n'ya sa ginang. Nag-aalala lang s'ya na baka umuwi si Tres at wala s'ya sa bahay. Magagalit na naman ito at madagdagan na naman ang kan'yang kasalanan sa lalaki."Shopping," tipid na sagot nito sa kan'ya habang binubuksan ang pinto. Hindi naman s'ya nakahuma dahil ang kan'yang isip ay nasa kay Tres at sa galit nito mamaya. Akala n'ya kasi ay dideritso sila ng uwi na dalawa."Let's go, Preccy," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang pag-aya ng byenan. Wala na s'yang nagawa kundi ang sumunod dito.Kahit naman tatanggi s'ya ay wala din s'yang magagawa dahil ito ang nagyaya at isa pa ay baka kung ano pa ang isipin nito kapag hindi n'ya ito sinamahan."S-Sige po!" nauutal na sagot n'ya rito at agad na binuksan ang pinto para lumabas."Dahan-dahan lang at baka matapilok ka!" paalala ng ginang
AUDREY PRISCILLA..."N-Nay bakit ako magsusukat? Akala ko ba kayo ang magsa- shopping," nahihiya na tanong n'ya rito. Pinapili s'ya ng byenan ng mga damit na maganda para sa kan'ya at hindi n'ya alam na para pala lahat sa kan'ya ang mga pinili n'ya."Nope! This is for you, Preccy. Ayos na kami ni nanay, ikaw talaga ang gusto namin na mag shopping ngayon," nakangiti na pumagitna ang kapatid ni Tres."P-Pero wala po akong pera na ipambayad ate at napakamahal ng mga ito," dagdag n'ya pa. Lumapit sa kan'ya ang kapatid ni Tres at hinawakan s'ya sa balikat na may ngiti sa labi."Don't worry about the payment and don't worry about the price. Just get what you want at kami na ang bahala sayo.""Nakakahiya po ate, ayos lang naman ako. May mga damit pa naman ako na maisusuot," tanggi n'ya ngunit umiling ito."That's not gonna happen, Preccy. Kung ano man ang iniisip mo ay mas mainam kung itigil mo na yan. Hindi kami papayag ni nanay, ok? Asawa ka ng kapatid ko at may karapatan ka sa lahat ng ka
AUDREY PRISCILLA... Pagkatapos nilang mag shopping at magpa salon ay kumain pa silang tatlo sa isang mamahaling restaurant. Napakasaya n'ya na naranasan n'ya ang mga ganitong bagay ngunit sa kabila ng lahat ay natatakot din s'ya sa magiging kapalit. Katulad na lang ngayon na pauwi na sila at gabi na. Ang daming senaryo ang naglalaro sa kan'yang isip at lahat ng iyon ay sarili n'ya ang laman at sinasaktan ni Tres. Para na s'yang may trauma sa tuwing maiisip ang lalaki. "Hey! Are you ok?" tanong ni Ace sa kan'ya na s'yang katabi n'ya sa upoan. Sinundo sila ng kapatid ni Tres na si Dos at ito ang nagmamaneho ng sasakyan at ang kan'yang byenan na babae ay nasa unahan. Kaya magkatabi sila ngayon ni Ace sa likod at napansin siguro nito ang kan'yang pananahimik. "O-Opo ate, ayos lang po ako," tipid na sagot n'ya rito. Ginagap ni Ace ang kan'yang kamay at pinisil iyon. Agad na nakagat n'ya ang kan'yang labi para pigilan ang kan'yang mga luha. Ganito pala talaga kapag buntis. Ang bilis t
AUDREY PRISCILLA... Narating nila ang bahay ni Tres na nasa kaparehong village lang din na tinitirhan ng mga magulang nito at mga kapatid. At totoo sa sinabi ng mga ito kanina ang tatlong kasama, sinamahan s'ya ng ina at mga kapatid ni Tres sa pagpasok sa bahay ng lalaki. "Where have you been? Bakit ngayon ka lang, ha! Gawain ba ng matinong babae na may asawa ang ginagabi ng uwi?" nauna s'yang pumasok sa bahay dahil sa utos ng ina ni Tres at wala s'yang nagawa kundi ang sumunod. At ang malakas na pagsigaw ng lalaki ang agad na sumalubong sa kan'ya. Kahit inaasahan n'ya na mangyayari ang bagay na ito ngunit napakislot pa rin s'ya dahil sa gulat ng marinig ang malakas na boses ng lalaki. "Sumagot ka!" muling sigaw nito sa kan'ya. Nasa bungad ito ng hagdan at s'ya naman ay nasa pintoan at natulos ang mga paa. Nararamdaman n'ya rin ang panginginig ng kan'yang katawan at parang naparalisa dahil sa takot. Hindi n'ya rin namalayan na nakalapit na pala si Tres sa kan'ya at hinablot ang