AUDREY PRISCILLA...Nanginginig s'ya sa hindi malaman na dahilan. Takot, kaba at sakit ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon. Sa ginawang pagtatanggol ng ina ni Tres sa kan'ya ay sigurado s'ya na s'ya na naman ang babalikan ng binata."Preccy are you ok?" tanong ng ina ni Tres ng mapalingon ito sa kan'ya at nakita na malayo ang kan'yang tingin. Nasa manibela ito at s'yang nagmamaneho ng sasakyan. Hindi n'ya alam kung saan sila pupunta na dalawa. Kanina ay sinadya s'ya nito sa bahay ni Tres at ng malaman nito na maghahatid s'ya ng baon sa lalaki ay agad na nag prisenta ito na ihahatid s'ya sa kompanya ng anak.Nagpaubaya s'ya at sumama ngunit hindi n'ya inaasahan na ang pagsama n'ya rito ay s'yang magdadala sa kan'ya sa kapahamakan mamaya kapag silang dalawa na lang ng anak nito."S-Senyora sana hi—,""Cut the senyora, Preccy. Call me nanay! Anak na rin kita ngayon kaya kailangan mo akong e address ayon sa posisyon ko sa inyo na mga anak ko. Ganon din ang tatay Joshua n'yo," pu
AUDREY PRISCILLA...Itinigil ng byenan ang sasakyan sa harapan ng isang mall kaya napalingon s'ya dito na may pagtataka sa mukha."Anong gagawin natin dito nay?" hindi makatiis na tanong n'ya sa ginang. Nag-aalala lang s'ya na baka umuwi si Tres at wala s'ya sa bahay. Magagalit na naman ito at madagdagan na naman ang kan'yang kasalanan sa lalaki."Shopping," tipid na sagot nito sa kan'ya habang binubuksan ang pinto. Hindi naman s'ya nakahuma dahil ang kan'yang isip ay nasa kay Tres at sa galit nito mamaya. Akala n'ya kasi ay dideritso sila ng uwi na dalawa."Let's go, Preccy," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang pag-aya ng byenan. Wala na s'yang nagawa kundi ang sumunod dito.Kahit naman tatanggi s'ya ay wala din s'yang magagawa dahil ito ang nagyaya at isa pa ay baka kung ano pa ang isipin nito kapag hindi n'ya ito sinamahan."S-Sige po!" nauutal na sagot n'ya rito at agad na binuksan ang pinto para lumabas."Dahan-dahan lang at baka matapilok ka!" paalala ng ginang
AUDREY PRISCILLA..."N-Nay bakit ako magsusukat? Akala ko ba kayo ang magsa- shopping," nahihiya na tanong n'ya rito. Pinapili s'ya ng byenan ng mga damit na maganda para sa kan'ya at hindi n'ya alam na para pala lahat sa kan'ya ang mga pinili n'ya."Nope! This is for you, Preccy. Ayos na kami ni nanay, ikaw talaga ang gusto namin na mag shopping ngayon," nakangiti na pumagitna ang kapatid ni Tres."P-Pero wala po akong pera na ipambayad ate at napakamahal ng mga ito," dagdag n'ya pa. Lumapit sa kan'ya ang kapatid ni Tres at hinawakan s'ya sa balikat na may ngiti sa labi."Don't worry about the payment and don't worry about the price. Just get what you want at kami na ang bahala sayo.""Nakakahiya po ate, ayos lang naman ako. May mga damit pa naman ako na maisusuot," tanggi n'ya ngunit umiling ito."That's not gonna happen, Preccy. Kung ano man ang iniisip mo ay mas mainam kung itigil mo na yan. Hindi kami papayag ni nanay, ok? Asawa ka ng kapatid ko at may karapatan ka sa lahat ng ka
AUDREY PRISCILLA... Pagkatapos nilang mag shopping at magpa salon ay kumain pa silang tatlo sa isang mamahaling restaurant. Napakasaya n'ya na naranasan n'ya ang mga ganitong bagay ngunit sa kabila ng lahat ay natatakot din s'ya sa magiging kapalit. Katulad na lang ngayon na pauwi na sila at gabi na. Ang daming senaryo ang naglalaro sa kan'yang isip at lahat ng iyon ay sarili n'ya ang laman at sinasaktan ni Tres. Para na s'yang may trauma sa tuwing maiisip ang lalaki. "Hey! Are you ok?" tanong ni Ace sa kan'ya na s'yang katabi n'ya sa upoan. Sinundo sila ng kapatid ni Tres na si Dos at ito ang nagmamaneho ng sasakyan at ang kan'yang byenan na babae ay nasa unahan. Kaya magkatabi sila ngayon ni Ace sa likod at napansin siguro nito ang kan'yang pananahimik. "O-Opo ate, ayos lang po ako," tipid na sagot n'ya rito. Ginagap ni Ace ang kan'yang kamay at pinisil iyon. Agad na nakagat n'ya ang kan'yang labi para pigilan ang kan'yang mga luha. Ganito pala talaga kapag buntis. Ang bilis t
AUDREY PRISCILLA... Narating nila ang bahay ni Tres na nasa kaparehong village lang din na tinitirhan ng mga magulang nito at mga kapatid. At totoo sa sinabi ng mga ito kanina ang tatlong kasama, sinamahan s'ya ng ina at mga kapatid ni Tres sa pagpasok sa bahay ng lalaki. "Where have you been? Bakit ngayon ka lang, ha! Gawain ba ng matinong babae na may asawa ang ginagabi ng uwi?" nauna s'yang pumasok sa bahay dahil sa utos ng ina ni Tres at wala s'yang nagawa kundi ang sumunod. At ang malakas na pagsigaw ng lalaki ang agad na sumalubong sa kan'ya. Kahit inaasahan n'ya na mangyayari ang bagay na ito ngunit napakislot pa rin s'ya dahil sa gulat ng marinig ang malakas na boses ng lalaki. "Sumagot ka!" muling sigaw nito sa kan'ya. Nasa bungad ito ng hagdan at s'ya naman ay nasa pintoan at natulos ang mga paa. Nararamdaman n'ya rin ang panginginig ng kan'yang katawan at parang naparalisa dahil sa takot. Hindi n'ya rin namalayan na nakalapit na pala si Tres sa kan'ya at hinablot ang
AUDREY PRISCILLA... Nagising s'ya sa hindi pamilyar na lugar. Puro puti lahat ang kan'yang nakikita at nagtaka s'ya kung saan s'ya naroon ngunit ng maalala ang lahat lalo na ang nangyari ay bigla na lamang s'ya napabalikwas ng bangon. "Ang baby ko!" hysterical na sabi n'ya at kinapa ang kan'yang t'yan para damhin kung nasa sinapupunan n'ya pa ang kan'yang anak. Naalala n'ya na bago s'ya nawalan ng malay kanina ay sumigaw si Ace na dinudugo s'ya. "What are you doing? Get back to bed," ang matigas na boses ni Tres ang kan'yang narinig. Nang hanapin n'ya ang pinanggalingan ng boses nito ay nakita n'ya ang lalaki na nakaupo sa isang upoan. Hindi s'ya kailanman nagalit sa tanang buhay n'ya ngunit ng makita si Tres at maalala ang nangyari kanina ay biglang nabuhay sa kan'yang puso ang galit para sa lalaki. "Umalis ka dito Tres, ayokong makita ka. Umalis ka!" mahina ngunit may diin na taboy n'ya rito. Napatayo ito sa pagkakaupo at akala n'ya ay aalis ito ngunit nagulat s'ya ng lumapit i
AUDREY PRISCILLA...Kinabukasan ay pinalabas na s'ya ng hospital. Hindi na rin bumalik si Tres simula ng paalisin n'ya ito. Naninikip ang kan'yang dibdib sa tuwing sumagi sa kan'yang isip na walang pakialam sa kan'ya ang lalaki at sa anak nila.Nasasaktan s'ya hindi para sa kan'yang sarili kundi para sa kanilang anak na wala pang kamuwang-muwang ngunit inabandona na ng ama.Parang s'ya lang na hindi nakilala ang mga magulang. Lumaki sa kalsada at ni hindi alam ang kan'yang pinagmulan. Ang bahay amponan ang nagbigay sa kan'ya ng pangalan ngunit dahil sa kalupitan ng mga tao na namamahala sa bahay amponan ay tumakas s'ya at nagpalaboy-laboy sa kalsada para mabuhay.Mabuti na lang at nakita s'ya ng ina ni Tres at naawa sa kan'ya. Dinala s'ya sa bahay ng mga ito at binigyan ng trabaho."Sigurado ka ba Preccy na dito ka uuwi? You can stay in our house anak," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng magsalita ang byenan. Hindi n'ya namalayan na nakarating na pala sila sa bahay ni Tres.S
AUDREY PRISCILLA...Napakislot s'ya ng marinig ang pagsara ng pinto ng kan'yang kwarto. Agad s'yang napabalikwas ng bangon at sinilip ang pinto.Nakasarado naman ito at wala ng tao ngunit parang narinig n'ya na may nagsara ng pinto ngunit hindi s'ya sigurado kung sa kan'ya iyon o sa kabilang silid.Siguro ay guni-guni n'ya lang o baka nananaginip lang s'ya. Dahil sa mga naranasan n'ya kay Tres ay parang may trauma na s'ya. Kaunting kalabog lang ay agad na s'yang nagpapanik.Nagbuga s'ya ng hangin at bumalik sa paghiga sa kama. Hindi n'ya alam na agad pala s'yang nakatulog kanina pag-alis ng pamilya ni Tres. Sinilip n'ya ang orasan at nakita n'ya na alas kwatro na ng madaling araw. Nakaramdam tuloy s'ya ng kaba ng maisip na hindi s'ya nakapagluto para sa hapunan ni Tres. Sa isiping iyon ay nakaramdam s'ya ng pag-alinlangan na magpakita kay Tres. Ang hirap pala talaga kapag ganito ang sitwasyon. Para s'yang kriminal na nagtatago sa batas.Napabuntong hininga s'ya at nagtalukbong ng