AUDREY PRISCILLA...Napakislot s'ya ng marinig ang pagsara ng pinto ng kan'yang kwarto. Agad s'yang napabalikwas ng bangon at sinilip ang pinto.Nakasarado naman ito at wala ng tao ngunit parang narinig n'ya na may nagsara ng pinto ngunit hindi s'ya sigurado kung sa kan'ya iyon o sa kabilang silid.Siguro ay guni-guni n'ya lang o baka nananaginip lang s'ya. Dahil sa mga naranasan n'ya kay Tres ay parang may trauma na s'ya. Kaunting kalabog lang ay agad na s'yang nagpapanik.Nagbuga s'ya ng hangin at bumalik sa paghiga sa kama. Hindi n'ya alam na agad pala s'yang nakatulog kanina pag-alis ng pamilya ni Tres. Sinilip n'ya ang orasan at nakita n'ya na alas kwatro na ng madaling araw. Nakaramdam tuloy s'ya ng kaba ng maisip na hindi s'ya nakapagluto para sa hapunan ni Tres. Sa isiping iyon ay nakaramdam s'ya ng pag-alinlangan na magpakita kay Tres. Ang hirap pala talaga kapag ganito ang sitwasyon. Para s'yang kriminal na nagtatago sa batas.Napabuntong hininga s'ya at nagtalukbong ng
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam kung magpapasalamat ba s'ya o mabahala sa ipinapakita ni Tres sa kan'ya. Ilang araw na itong tahimik at walang kibo.Wala din s'yang naririnig na singhal mula rito na ipinagtataka n'ya. Hindi naman na gusto n'yang masinghalan o masigawan ng lalaki araw-araw ngunit nakapagtataka lang ang inaasta nito ngayon.Hindi s'ya nito kinikibo ng ilang araw na din at minsan n'ya na lang din ito nakikita dahil maaga itong umaalis at gabi na kung umuuwi at madalas ay natutulog na s'ya.Hindi n'ya alam kung ikakasaya n'ya ba ang ganito o kakabahan na s'ya dahil baka may mas masahol na bagay ang binabalak nitong gawin sa kan'ya kapalit ng pananahimik nito.Sa huli ay mas pinili n'ya na alisin sa kan'yang isip ang mga negatibong bagay. Inaliw n'ya na lang ang kan'yang sarili sa paglilinis ng bahay.Kahit buntis s'ya ay nagtatrabaho pa rin s'ya. Nakakahiya kung maghilata lang s'ya buong araw sa bahay ni Tres. Nagpunas-punas s'ya ng mga gamit sa sala. Puno ng pag-iin
AUDREY PRISCILLA... "P-Pasensya ka na," mahina ang boses na paghingi n'ya ng paumanhin dito. Mahigpit din ang kan'yang pagkakahawak sa puno ng tuwalya na nakabuhol sa kan'yang dibdib. Naaasiwa s'ya sa uri ng tingin ni Tres sa kan'ya at nananayo ang kan'yang mga balahibo sa hindi mawari na dahilan. "Get dress and we're leaving in five minutes. Ayoko ng pabagal-bagal kaya bilisan mo. I'll wait for you downstairs!" malamig na utos nito sa kan'ya. Nag-angat s'ya ng tingin at puno ng tanong ang mga mata na sinalubong ang tingin ng lalaki. "S-Saan tayo pupunta?" tanong n'ya rito. "Stop asking and move! Puro ka tanong, nabubwesit ako sayo," singhal nito sa kan'ya imbes na sagutin ang kan'yang tanong. Agad din itong umalis at pasalya na isinarado ang pinto ng kan'yang silid. Napaigtad pa s'ya sa gulat dahil sa malakas na tunog ng pinto. Ilang segundo s'yang hindi nakahuma at ng mahimasmasan at maalala ang sinabi ni Tres ay mabilis n'yang tinungo ang cabinet at kumuha ng damit. Isa sa mg
AUDREY PRISCILLA... "Ano? Tres hindi mo pwedeng gawin yan sa anak ko. Magkamatayan na tayo pero hindi ko ipalaglag ang baby ko. Kung ayaw mo sa bata ay ayos lang pero huwag na huwag mong sasabihin sa akin na ipalaglag ang anak ko!" galit na sabi n'ya sa binata ng mahimasmasan. Nagulat s'ya noong una ngunit ng makabawi ay pakiramdam n'ya biglang umakyat sa kan'yang ulo ang lahat ng kan'yang dugo. Nanginginig ang kan'yang mga laman dahil sa galit sa lalaki ng oras na iyon. Hindi s'ya papayag na gagawin ni Tres ang bagay na binabalak nito sa kan'yang anak. Lalaban s'ya kahit magkamatayan pa silang dalawa. "Masyado kang madrama! Get out!" singhal ng lalaki sa kan'ya. Hindi s'ya kumilos sa kinauupoan at nanatili lang sa upoan. Nagbuga ito ng hangin at parang nauubosan ng pasensya na hinarap s'ya. "You are going to have your check up! Masyado ka talagang maarte na babae ka! Lumabas ka na nga and don't waste my time. May trabaho ako sa opisina pero kailangan kong umuwi para samahan ka di
AUDREY PRISCILLA... "Tres, I've been waiting for you. Kanina pa ako tinawagan ng nanay mo," natigil lamang si Tres sa pang-iinsulto sa kan'ya ng may isang babae na nagsalita at papalapit sa kanilang kinaroroonan. Namukhaan n'ya ang babae dahil minsan n'ya na itong nakita na kasama ng ina ni Tres at ng iba pang mga kaibigan. "Ninang!" tawag ni Tres dito at nagmano sa ginang. Umawang ang kan'yang labi ng makita na nagmamano si Tres sa ginang. "Marunong din palang gumalang ang lalaking ito," pagkausap n'ya sa kan'yang sarili. "Audrey, right?" natigil lang s'ya sa kan'yang iniisip ng balingan s'ya ng tingin ng ginang at tinanong. Tipid s'yang tumango sa babae para kumpirmahin ang tanong nito. "She's Priscilla, ninang and not Audrey," sabat naman ni Tres. Nakataas ang kilay na hinarap ito ng ginang ng marinig ang sinabi ng lalaki. "Audrey Priscilla, yeah I know Tres!" "Call her Priscilla and not Audrey ninang," dagdag pa ni Tres na ikinasalubong ng kilay ng babae. "And why is that
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya napigilan na mapaluha ng makita sa malaking screen ang kan'yang anak at ang heart beat nito na dinig na dinig nila sa loob ng silid na iyon.Sino ang mag-aakala na kaya n'ya palang maging ina at ang ebedensya ay nasa harapan n'ya na ngayon. Panay ang pahid n'ya sa kan'yang luha ngunit ang labi ay matamis na nakangiti."Your baby is healthy, Preccy pero kailangan mo pa ring mag-ingat at bawal ang magpa stress, ok? Bawal din ang mabibigat na trabaho. Bibigyan kita ng mga vitamins at gatas para sa inyong dalawa ni baby. Ingatan mo ang sarili mo, Preccy, maliwanag ba?" habilin sa kan'ya ng doctor na kaibigan ng kan'yang byenan."O-Opo! S-Salamat po senyo—,""Ninang! Call me ninang Gwen!" putol nito sa gusto n'yang itawag dito. Tumango s'ya sa ginang at ngumiti. Napakabait nito at katulad ng kan'yang byenan ay hindi mo rin makitaan ng panghuhusga sa mga mata ang babae."Good! And Tres narinig mo naman ang sinabi ko kay Preccy, hindi ba? Bawal sa kan'ya ang ma
BLAYRE JOAQUIM..."Hoy Tres ang layo ng iniisip mo dude! Saang kepyas na kaya ang inabot ng isip mo Tres!" buska sa kan'ya ni Jass. Binato n'ya ito ng lata ng beer na agad namang nasalo ng kaibigan.Nasa bar sila na pag-aari ng kan'yang ama na minana n'ya rito. Bigay lang din ito ng kaibigan ng kanilang lolo sa kan'yang ama at pinalago lang at pinalaki ng isang Joshua El Frio."Manahimik ka Jasspreet!" singhal n'ya rito ngunit nginisihan lang s'ya ng kaibigan. Anim sila na nagkukumpolan sa isang silid kung saan ay exclusive lamang na para sa kanila.Pagkatapos ng kan'yang trabaho kanina ay agad s'yang dumiretso dito sa bar kasama ang kan'yang mga kaibigan."You look like a shit, Tres!" dagda ni Matt na katulad ni Jasspreet ay napaka kupal din pagdating sa pambubuska."Isa ka pa eh! Gusto n'yo bang mamatay na dalawa?" singhal n'ya sa mga kaibigan ngunit nginisihan lamang s'ya ng mga ito. Napailing na lamang s'ya at nanahimik para iwas sa pambubuska.Ang daming nangyari sa buhay n'ya la
AUDREY PRISCILLA... Maaga pa lang ay parang hinahalukay na ang kan'yang t'yan kaya napatakbo s'ya sa banyo para magsuka. May mga araw talaga na ganito s'ya ngunit madalas naman ay wala s'yang nararamdaman. Ilang minuto s'yang nanatili sa banyo at hinintay na mailabas lahat hanggang sa bumuti ang kan'yang pakiramdam. Naghilamos s'ya at nagsipilyo. Pagkatapos ay nagpasya na lamang s'ya na maligo para maginhawaan. Madalian lang ang kan'yang ginawa at agad din na lumabas. Tinuyo n'ya ang kan'yang buhok at nagbihis. Kailangan na makapagluto na s'ya ng almusal dahil maya-maya lang ay magigising na si Tres. Unti-unti n'ya na din na napag-aralan ang ugali ng lalaki. Wala itong pasensya lalo na sa paghihintay kaya kailangan na mabilis ang kan'yang mga kilos. Pagkatapos n'yang magbihis ay lumabas agad s'ya ng silid at dumiretso sa kusina. Agad s'yang nagkalkal ng pwede n'yang lulutuin para sa almusal ng lalaki. Inihain n'ya na din ito pagkatapos at hinintay na bumaba si Tres ngunit inab
AUDREY PRISCILLA... "Hello mga suki, bili na po kayo," malapad ang ngiti na sabi ng kanilang anak sa mga dumadaan na s'yang nakatoka na magtinda ng mga gulay ngayong araw. Kasama nito si Tres na nasa tabi din nito at s'ya naman ay nasa papag na gawa sa kawayan na ginagamit na lagayan ng mga paninda tuwing araw ng palengke sa lugar nila. Maaga pa lang kasi ay pagod na s'ya at inaantok kaya naupo muna s'ya sa papag. Hindi naman sila kinakapos kaya sila nagtitinda. Ideya ito ng kanilang anak dahil sa kwento nila ni Tres dito na nagtitinda s'ya noon ng gulay sa lugar na ito noong nagbubuntis s'ya. Kaya naman matapos nitong marinig ang kanilang kwento ni Tres ay umungot ito ng umungot na magtitinda din daw para maranasan nito kung paano. Pinagbigyan nila ng isang beses ang anak ngunit nasundan iyon ng nasundan hanggang sa naging bahagi na iyon ng kanilang morning routine bago ito pumasok sa kindergarten na malapit lang din sa palengke at silang dalawa naman ni Tres ay papasok din sa sup
BLAYRE JOAQUIM... Walang pagsisisi sa kan'yang mga desisyon na ginawa lalo na ang pagbuo ng kanilang pamilya ni Audrey. Ito ang tamang ginawa n'ya sa buong buhay n'ya at wala s'yang pinagsisihan dahil ang desisyon na ito ang naging daan para maging masaya s'ya. Walang katulad na saya ang kan'yang nararamdaman habang nanunuod sa kan'yang mag-ina na nag-aani ng mga sitaw na tanim nila. Mag-isang taon na silang umuwi sa probinsya at naging tahimik at masaya ang buhay nilang tatlo sa lugar na ito. Tama si Audrey noong pinili nito na dito manirahan. Malayo sa gulo at pulosyon ng syudad. Kung dati ay sa city life lamang umiikot ang kan'yang buhay ngunit ng sundan n'ya si Audrey sa lugar na ito ay nag-iba na ang gusto n'ya. He fell in love with the place na katulad ng asawa n'ya. Having Audrey and Andrei in his life is like having billions of assets sa kompanya n'ya. At sa lahat ng yaman na mayroon s'ya, ang pamilya n'ya ang pinakamahalaga sa kan'ya. Mawala na ang lahat huwag la
AUBREY PRISCILLA... Mabilis na lumipas ang mga araw at mahigpit dalawang buwan na silang kasal ni Tres. Napagpasyahan nilang mag-asawa na uuwi muna sa kanilang probinsya dahil mas maganda para kay Andrei ang hangin sa probinsya. At ang unang natuwa sa kanilang desisyon ay ang kanilang anak. Kaya kinabukasan ay bumiyahe agad sila pauwi sa probinsya. Ngunit bago pa man sila umuwi ay pinaayos na ni Tres ang kanilang bahay at pinalinis rin sa mga inutosan nito. Excited din s'yang umuwi sa lugar kung saan sila nanirahan ni Tres noon. Ang lugar na naging saksi kung paano nila minahal ang isa't-isa. Ilang oras din ang kanilang naging byahe bago nila narating ang kanilang bahay. At natuwa s'ya ng makita ito at malinis din ang paligid at mukhang may nakatalaga na maglilinis dito araw-araw dahil kahit kaunting ligaw na damo sa bakuran nila ay wala s'yang nakita. "Yeheeyy! We are finally home tatay," tuwang-tuwa na sabi ng kanilang anak habang nakatingin sa labas mula sa bintana. Makikita a
AUBREY PRISCILLA..."T-Tres," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng asawa ng walang buhatin s'ya nito at isinandig sa pader. Kakapasok lang nila sa penthouse ng Aubrey's hotel na napag-alaman n'ya na sa kan'ya pala. Kanina sa reception ng kanilang kasal ay ginulat s'ya ni Tres ng sabihin nito na ang building na pinagdausan ng kanilang kasal at reception na rin ay regalo nito sa kan'ya at nakapangalan sa kan'ya.Isang five star hotel and resort at nakakalula ang kabuoang hitsura nito. Hindi pa rin s'ya makapaniwala na reregaluhan s'ya ng asawa ng isang buong hotel."Binyagan natin ang penthouse natin, honey," paanas na sabi ni Tres sa kan'ya habang binibigyan ng halik ang kan'yang leeg."T-Tres, b-baka may aakyat dito," awat n'ya rito ngunit hindi ito nakinig bagkus ay mas lalo pang diniinan ang paghalik nito sa kan'yang leeg."No one dares to disturb us, honey. This place is all ours at kahit ano pa ang gawin natin ngayong gabi ay walang makakakita o mang-didisturbo sa atin dito. Jus
AUDREY PRISCILLA..."Let's go iha at mukhang naiinip na ang groom mo. Baka mamaya mag back out pa yan, sige ka," pukaw sa kan'ya ng tiyuhin at kinuha ang kan'yang isang kamay at inilagay sa braso nito para gabayan s'ya sa pagpunta sa unahan kung nasaan si Tres nakatayo.Habang naglalakad palapit kay Tres ay tumutulo ang kan'yang luha dahil sa sobrang saya. Akala n'ya ay hindi na mangyayari ang ganitong pagkakataon sa kanila ng asawa. Sino ang mag-aakala na ang isang pihikan ngunit maloko sa babae na si Tres El Frio ay ikakasal at sa kan'ya pa.Sigurado s'ya na maraming kababaihan ang naiinggit sa kan'ya at proud s'ya na ipagsigawan sa buong mundo na si Tres ang kaisa-isang lalaki na minahal s'ya ng sobra.Na sa kabila ng mga unos na nangyari sa kanilang buhay ay nanatili pa rin ang pagmamahal nito sa kan'ya at ginawa nito ang lahat para mabuo ang kanilang pamilya."You are gorgeous, honey," dahil sa sobrang lalim ng kan'yang iniisip ay hindi n'ya man lang napansin na nasa harapan na p
AUDREY PRISCILLA...Hindi n'ya alam pero malakas na kumakalabog ang kan'yang dibdib habang papunta sila sa venue kung saan gaganapin ang dinner party na sinasabi ni Ace sa kan'ya. Magkasama silang dalawa sa sasakyan at panay ang ngisi nito kaya mas lalong nadagdagan ang kan'yang kaba sa dibdib. Pakiramdam n'ya ay may binabalak na hindi maganda ang kapatid ni Tres."Hey! Relax Preccy, parang natatae ang hitsura mo. Hindi bagay sa ganda mo, sister-in-law," saway nito sa kan'ya ng makita ang kan'yang hindi mapakali na mukha."Ikaw naman kasi, pinapakaba mo ako," sagot n'ya sa babae na tumawa lang ng malakas. Talagang alaskador na itong si Ace noon pa man. Kaya minsan hindi din ito magkasundo at si Tres dahil kapag nagsimula ito ay parang ayaw ng tumigil."Huwag kang kabahan sister-in-law dahil hindi kita dadalhin sa empyerno bagkus ay sa langit kita dadalhin," tugon nito sa kan'ya at sinundan ng pagtawa."Ate Ace kung hindi mo lang kapapanganak, siguro ay naisip ko na na naka drugs ka n
AUDREY PRISCILLA...Pagkauwi nila ni Tres galing sa kanilang yatch date ay naging busy na ulit ang asawa. Naintindihan n'ya naman dahil marami itong kailangan na gawin sa opisina.At dahil hindi naman talaga s'ya interesado sa pera ni Berkin, ang share nito sa kompanya ni Tres ay hindi n'ya na pinansin pa. Ipinaubaya n'ya na lang sa asawa kung ano ang balak nito sa share ng matanda.Major stock holder ito ngunit ayaw n'ya ding gamitin ang pera nito at mas lalong ayaw n'ya na nasa kompanya pa ng asawa ang pera ni Berkin.Kaya si Tres na ang pinag desisyon n'ya kung ano ang gagawin nito sa shares ng matanda. Balak n'ya rin naman na magtatayo ng kan'yang sariling negosyo at gagamitin ang kan'yang pinag-aralan sa abroad.Ayaw n'yang pabigat lang kay Tres at alam n'ya na susuportahan s'ya ng kan'yang asawa sa kan'yang mga plano. Never n'yang naringgan si Tres na hinadlangan ang gusto n'ya bagkus ay nakasuporta lang ito palagi sa kan'ya at sa ugali ng lalaki ay mas lalo n'ya pa itong minaha
AUDREY PRISCILLA... The date that Tres prepared for them ay naging mainit at naging mitsa para punan nila ang pangungulila sa isat-isa. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay matagal na panahon din silang hindi nagkaroon ng oras ni Tres. Kaya siguro sinadya ng kan'yang asawa na dito sa laot mag date para walang disturbo at walang makakarinig sa kanila kahit pa magsusumigaw silang dalawa. Katulad na lang ngayon na nasa recliner chair s'ya habang nakahiga at si Tres at nasa paanan n'ya at nakasubsob sa kan'yang pagkababae. Itinaas lang nito ang kan'yang suot na dress at inalis ang kan'yang suot na panty kaya malaya itong nagagawa ang gusto nito ngayon. Nakasablay sa magkabilang gilid ng upoan ang kan'yang parehong binti at nagmukha s'yang manganganak sa kan'yang posisyon. Pero wala s'yang pakialam dahil ang kan'yang atensyon ay nasa asawa na nagpapaligaya sa kan'ya sa baba. Saksi ang maliwanag at bilog na bilog na buwan sa kanilang ginagawa. Nakatingala s'ya sa langit habang si Tres
AUDREY PRISCILLA...Wala na s'yang hihilingin pa dahil nasa kan'ya na ang lahat. Ang may mapagmahal na asawa, pogi at cute na anak at pinsan na sobra din kung alagaan s'ya at ang kan'yang tiyahin at tiyohin na sobra ang saya ng makilala s'ya ng mga ito.Idagdag mo ang mga magulang ni Tres na kasundo n'ya pati na ang mga kapatid nito na itinuring s'ya na kapatid. Napag-alaman n'ya sa kan'yang tito Anton na ama ni Anthony na patay na din ang kan'yang ama. Na bago ito namatay ay iniwan nito sa kapatid ang tungkol sa kan'ya kaya s'ya hinanap ng tiyuhin at pinsan.Nalulong sa droga ang kan'yang ama kaya pala nito iniwan ang kan'yang mommy. At nang gumaling naman ito sa pagiging adik ay s'ya namang pagdapo ng nakamamatay na sakit na cancer.Gusto daw s'ya nitong balikan ngunit wala na s'ya dahil nang mga panahong iyon ay pinatay na ni Berkin ang kan'yang ina at s'ya naman ay iniwan ng kan'yang ina sa isang cargo ship ng mga panahon na hinahabol ito ni Berkin para patayin. Ang barko ay bumi